still Limuel's Pov
Hindi ko dapat ito nararamdaman dahil malapit na ang ordination ko so ang dapat kong maramdaman ay ang pagkasabik ko na maging pari hindi ang pagkasabik na umalis dito sa Seminary para sakin ba talaga ang pangarap kong ito? O pagsubok lamang ito?
So umupo ako at nagdasal "Lord, please give me a sign kung para sakin pa ba ang pangarap na ito? Bakit po hindi ko na nararamdaman ang calling ng pagpapari? Lord naguguluhan na ako please give me a sign kung para ba sakin ang pagpapari."
Kung sa loob ng isang buwan ay hindi ko na maramdaman
ang calling sa pagpapari I will quit. So kapag hindi ko na maramdaman ang calling ibig sabihin hindi para sakin ang pagpapari.
Pagsapit ng biyernes...
Pagkagising ko agad na akong bumangon upang maligo dahil sa araw na ito ay retreat namin mga seminarista.
Sa Baguio kami magreretreat ngayon araw na ito actually excited na ako kaya nag pagkagising ko ay agad akong naligo.
15 minutes later...
Tapos na akong maligo at magbihis ang kailangan ko nalang ay ihanda ang gamit ko para sa retreat.
Umakyat ako sa double deck at doon ko sinimulan ang paghahanda ng gamit ko para sa retreat.
Napatingin ako kay Brix at Andrew nang nagsimula silang magkwentuhan.
Palihim akong nakikinig sa kanilang usapan habang nagkukwentuhan ang dalawang ito sa baba.
Biglang napatingin sakin si Brix kaya umiwas ako ng tingin.
"Uy si Limuel excited!" Ang pabirong sambit ni Brix kay Tonton.
"Napansin ko nung nakaraan palagi syang nakangiti mukhang malalim ang iniisip!" Ang pabirong sambit ni Tonton Kay Brix.
"Baka inlove na sya!" Ang pabirong sambit ni Brix kay Tonton then tumawa sila ng malakas.
Dito na ako nagsimulang sumimangot at itinigil ko muna ang pagtitiklop ng damit ko.
"Ako ba pinag-uusapan nyo?" Ang tanong ko sa dalawang ito.
Tumingin si Brix at Tonton sakin.
"Bro huwag ka naman magalit nagbibiro lang kami" Ang pakiusap sakin ni Brix.
"Naku ewan ko sa inyo! At Isa pa kung lalabas man ako hindi yun dahil Inlove ako" Ang painis kong sambit.
Dito na nagsimulang kumunot ang noo ni Brix at Tonton.
"L-lalabas so ibig sabihin b-balak mong l-lumabas Limuel?" Ang pautal-utal na tanong ni Tonton sakin.
"So ibig sabihin Inlove ka?" Ang tanong sakin ni Brix.
"Hay naku ewan ko sa inyo ang hirap nyong kausap mga bro!" Ang painis kong sambit.
"Eh bakit ba kasi ang init ng ulo mo Limuel!" Ang tanong sakin ni Brix.
Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi ni Brix.
"Ay ewan basta!" Ang painis kong sambit.
Pagkatapos kong mag-empake ng mga damit at gamit ko agad na akong lumabas ng kwarto.
Sa paglipas ng mga araw habang tumatagal hindi ko na maramdaman ang calling dahil palaging pumapasok sa isipan ko ang paglabas dito sa Seminary.
Dahil ako ay naguguluhan naisipan kong magdasal at manghingi ng sign kay God upang mahanap ko na ang bokasyon na para sakin.
One month later...
Pagkatapos kong magpunas ng lamesa ay agad akong pumunta sa kwarto.
Buo na ang desisyon ko na ako ay lalabas na at hindi ko na itutuloy ang pagpapari ko.
Kagabi nagpaalam na ako kay Mother superior na ako ay aalis na.
Almost one month na ang lumipas it's March twenty kaya napagdesisyunan ko na umalis na sa Seminary dahil pakiramdam ko hindi talaga para sakin ang pagpapari.
Sa araw na ito dito na ako nagsimulang mag-empake ng mga damit at gamit ko.
Kinuha ko ang bag ko sa cabinet at mga damit ko upang masimulan ko na ang pag-eempake.
Napatigil ako sa pag-eempake ng mga damit ko nang biglang nagsipasukan ang mga kasamahan ko dito sa loob ng kwarto.
Lumapit sakin si Brix at ang iba ko pang kasamahan dito sa Seminary nang ako ay nakita nyang nag-eempake ng damit.
"Bro bakit nag-eempake ka? Aalis ka na ba?" Ang tanong sakin ni Brix.
"Oo tulad nga ng mga biro nyo talagang ako na yung susunod na aalis dito" Ang pasimpleng sambit ko.
"Sure ka Limuel aalis ka na? Diba malapit na ordination natin?" tanong ni Tonton sakin.
"Oo aalis na talaga ako" Ang sagot ko.
"Limuel tandaan mo hindi basta basta ang pag-alis dito sa Seminary kailangan mo muna pag-isipan mabuti dahil kapag pumasok ka ulit dito panibagong bilang na ang gagawin kung baga balewala na yung mga taon na nanatili ka rito sa loob. Sure ka na ba talaga?" Ang tanong ni Brix sakin.
"Oo Brix, sa totoo lang mahigit isang buwan ko itong pinag-isipan kaya sigurado na ako" Ang pahayag ko.
"Pasensya ka na sa mga biro namin sayo ni Tonton!" Ang paghingi ni Brix ng paumanhin sakin.
"Okay lang yun naiintindihan ko. Tama nga kayo ako yung susunod na lalabas" Ang sambit ko.
"Pasensya ka na talaga sa biro namin hindi namin expected na magkakatotoo pala hahahha!" Ang pabirong sambit ni Brix sakin.
So dahil sa biro ni Brix agad akong napangiti.
"Kung ano man desisyon mo. Tandaan mo gagabayan ka pa rin ni Lord at ipagdadasal ka namin" Ang sambit ni Andrew sakin.
"Salamat sa suporta nyo. Hindi ko kayo makakalimutan brothers kahit umalis na yung iba sa atin at pasensya na rin kung masyado akong pikunin alam nyo naman minsan may problema ako kaya nag-iinit ang ulo ko" Ang sambit ko sa kanila.
"Ayos lang yun bro alam ko naman topakin ka!" Ang pabirong sambit sakin ni Brix then tumawa sya ng malakas.
"Oh ayan biniro na kita baka kasi mamiss mo pang-aasar ko hahah" Ang dagdag pa ni Brix.
"Oo na Brix mamimiss ko kita at mamimiss ko lahat ng kasamahan ko dito sa Seminary. Guys salamat sa inyo sa pagtuturo sakin ng mga gawain bahay na hindi ko natutunan sa bahay namin walang magagawa eh anak mayaman ako eh kaya wala akong alam" Sambit ko.
"Isang group hug nga diyan para kay Limuel!" Ang sambit ni Brix sa lahat.
Dito na nagsimulang maghiyawan mga kasamahan ko grabe para silang siraulo hahahah.
Nag-group hug kaming lahat.
Lenard's POV
Habang hinihintay ko ang ka-meeting ko dito sa office biglang nag-ring ang cellphone ko so I answer the call.
Pagkatingin ko sa cellphone ko nakita kong tinatawagan ako ni Kuya Limuel.
"Hello Lenard si Kuya Limuel mo ito" Ang sambit sakin ni Kuya Limuel.
"Oh Kuya bakit bigla kang tumawag?" Ang tanong ko.
"Magpapasundo kasi ako" Ang sagot ni Kuya Limuel sakin.
Napakunot noo ako sa narinig kong "magpapasundo".
"Ha? Ano?" Ang tanong ko.
"Ayos lang ba sayo na magpasundo ako?" Ang tanong ni Limuel sakin.
Napakunot noo ako sa sinabi ni Limuel.
"Huh? Magpapasundo bakit?" tanong ko.
"Babalik na ako sa mansion" Ang sagot sakin ni Kuya Limuel.
Dito na nagsimulang manginig ang kamay ko dahil sa nerbyos.
"A-Ano? B-babalik ka na?" Ang pautal-utal kong tanong kay Kuya Limuel.
"Oo babalik na ako sa mansion" Ang sagot sakin ni Kuya Limuel..
"So ibig sabihin K-Kuya umalis ka na sa p-pagpapari kaya b-bbalik ka?" Ang pautal-utal kong tanong.
"Oo umalis na ako sa pagpapari kaya nga nagpapasundo ako sayo ngayon" Ang sagot sakin ni Kuya Limuel.
Tumiklop ang aking kamao dahil naiinis na ako sa mga sagot ni Limuel sakin at dito na nagsimulang magdilim ang paningin ko dahil sa mga narinig ko.
"Puny*ta talaga! kung kailan mapupunta na sakin lahat at saka pa sya babalik!" Ang sabi ng isip ko.
Huminga ako ng malalim at pilit kong pinakalma ang sarili ko at pigilan ang paglabas ng emosyon ko habang kausap ko ngayon si Kuya Limuel.
"Eh ano bang oras ikaw magpapasundo?" Ang tanong ko.
"Mga alas kwatro ng hapon" Ang sagot nya sakin.
"Sige, pero ipasusundo nalang kita kay Mang.Kanor kasi busy ako mamaya alam mo na marami akong gagawin" Ang dahilan ko.
"Salamat Lenard" Ang pasasalamat sakin ni Kuya Limuel.
Ibinaba ko na ang cellphone ko at uminom ako ng champagne dahil naiinis ako.
"Bakit naman kasi babalik pa si Limuel?" Ang sambit ko sabay suntok ko sa table.
Pumasok bigla ang girlfriend kong si Michelle kaya pilit kong inayos ang sarili ko.
"Oh babe bakit parang galit ka?" tanong ni Michelle sakin habang minamasahe mga balikat ko.
"Yan kasing si Limuel babalik pa" inis kong sambit.
"Kailangan mawala na sya sa landas natin!" Dagdag ko pa.
Nanlaki mga mata ni Michelle.
"Anong pinagsasasabi mo? Lenard kung ano man yung naiisip mo please hindi maganda yan" pagsaway ng girlfriend ko sakin.
"Hahahha ano ka ba! Napaka OA naman ng girlfriend ko" Nakangiting sambit ko then hinawakan ko ang baso ko na may laman na whiskey.
"Pasensya na nag-aalala kasi ako sa sinabi mong kailangan ng mawala ni Limuel sa landas natin para kasing papatay ka eh" Ang dahilan ng girlfriend ko.
"Ano ka ba syempre hindi ko magagawa yon mabait kaya ako" I reasoned.
Pero deep inside galit na galit ako at natatakot akong bumalik si Limuel l at mawala sakin lahat ng tinatamasa ko ngayon. Ayoko ng bumalik si Limuel dahil ilang taon akong nagpakahirap sa company na ito tapos dahil sa pagbabalik nya mawawala na sakin lahat.
Akira's POV
I decided na maghanap nalang ko ng trabaho sa ibang company kahit hindi na sa Saison company dahil kailangan ko ng pera pambili ng mga pangangailangan ko sa araw-araw nakakahiya naman kung aasa lang ako kay Ate Josefine kasi matanda na ako gusto kong makatulong kay Ate kahit papaano.
Ang plano ko ay mag-apply muna ng trabaho sa iba pagkanagkaroon na ako ng trabaho magkakaroon ako ng pera para matugunan mga pangangailangan namin ni Ate Josefine then at saka na lamang ako mag-aaply sa Saison company para sa plano kong paghihiganti.
On the twentieth day of March nagpasya akong pumunta sa Evergreen company upang mag-apply ng trabaho ngunit nabigo ulit ako kasi hindi ako pumasa sa job interview syempre tulad ng dati nagtry ulit akong mag-apply baka sakaling magkaroon na ako ng trabaho.
On the twenty fifth day of March pumunta naman ako sa Newchem Industrial company baka sakaling palarin na ako magkaroon ng trabaho jusme magdadalawang buwan na akong tengga rito ganun pa rin sistema wala pa rin akong trabaho. Bandang huli ay hindi parin ako natanggap sa trabaho.
So heto ulit ako umuwing bigo at luhaan baka maging tambay nalang ako nito.
Pagkauwi ko sa bahay umupo ako sa sofa at agad naman umupo si Ate Josefine sa tabi ko.
"Oh kamusta na Akira magkakaroon ka na ba Ng trabaho?" Ang tanong sakin ni Ate Josefine.
"Ate wala parin akong trabaho" Ang sagot ko.
Hinimas ni Ate ang likuran ko.
"Okay lang yan marami pa naman ibang trabaho dyan at isa pa magaling ka kaya huwag kang mawalan ng pag-asa magkakaroon ka din ng trabaho" Ang positibong saad ni Ate Josefine sakin.
"Tama ka Ate Josefine" Nakangiting sambit ko.
Dahil sa mga sinabi sakin ni Ate Josefine dito ako nagkaroon ng lakas ng loob at kumpyansa sa sarili.
On the twenty seventh day of March.
Narito ako sa kwarto dahil naboboring ako naisipan ko na lamang gamitin ang laptop ko upang magfacebook dahil gusto kong malibang kahit papaano.
Pagka-open ko ng f*******: account ko agad kong nakita ang post ng Saison company.
"We are hiring new secretary" Ang pagbabasa ko ng post.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.
"Baka ito na ang pagkakataon para maging empleyado ako ng kumpanyang ito" Ang sabi ng isip ko habang tinitingan ko ang information na nakalagay sa post.
Habang nagbabasa ako naisipan kong kunin ang ballpen at papel dahil kailangan ko ilista lahat ng requirements na kailangan ko sa pag-aapply ng trabaho sa Saison company.
Paulit-ulit kong binasa mga nakalagay na information dahil ayokong magkamali.
Pagkatapos kong magbasa at magsulat agad kong pinatay ang laptop ko.
Agad akong lumabas upang ipaxerox sa computer shop ang requirements na kailangan ko para bukas sa pag-aapply ko ng trabaho.
Dahil naniniwala ako sa kasabihan na it's better early than late kaya heto ako ngayon nag-uumpisa na akong mag-asikaso ng requirements.
At syempre dapat prepared ako.
Pagkatapos kong magpaxerox sa computer shop agad na akong umuwi sa bahay upang magpractice ng tamang pagsasalita para sa job interview na aaplayan ko sa Saison company.
On the twenty nineth day of March nagpasya na akong maglaba ng mga damit ko na isusuot ko sa pag-aapply ng trabaho after ko maglaba isinampay ko na nga damit ko at hihintayin ko na lamang matuyo mga damit ko sa sampayan.
Limuel's POV
It's twelve in the afternoon na kaya lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hagdanan.
Pagkatapos kong bumaba ng hagdanan pumunta na agad ako sa dining area dahil may naamoy akong ulam na bagong luto then nakita ko si Mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa so umupo ako sa upuan.
"Hmmm...mukhang masarap po niluto nyo ah!" Nakangiting sambit ko sa harap ng pagkain.
"Syempre anak nagluto talaga ako para sa inyo ng Papa mo" Ang sambit ni Mama sakin.
"Mama tulungan ko na po kayong maghain" Ang sambit ko.
"Sige Limuel" Ang pasimpleng sambit ni Mama sakin.
Tinulungan ko si Mama na maghanda ng mga kubyertos at plato dito sa dining table since.
I'm happy kasi nandito na ulit ako sa Mansion at makakasama ko na family ko.
"Sorry Lord, kung di na ako tumuloy sa pagpapari sana maintindihan nyo po ako" Ang sabi ng isip ko habang nakaupo ako dito sa upuan.
Biglang bumaba ng hagdanan si Papa at Lenard.
"Good afternoon Papa and Lenard!" Ang masayang pagbati ko.
"Good afternoon din sayo Kuya Limuel!" Nakangiting sambit sakin ni Lenard.
Umupo na si Papa at Lenard sa upuan at sinimulan na nilang magsandok ng pagkain.
"Pray muna tayo!" Ang pag-aaya ko.
"Oh sige" pasimpleng sambit ni Lenard.
Nag sign of the cross na ako then ipinikit ko mga mata ko at sinimulan ko nang magdasal bago kami kumain.
"Father, We have gathered to share a meal in Your honor. Thank You for putting us together as family, and thank You for this food. Bless it to our bodies, Lord. We thank you for all of the gifts you’ve given to those around this table. Help each member of our family use these gifts to your glory. Guide our mealtime conversations and steer our hearts to Your purpose for our lives. In Jesus’ Name, Amen." Ang pagdadasal ko.
Idinilat ko na mga mata ko at hinawakan ko na ang kutsara at tinidor dahil nais ko nang kumain.
Akira's POV
On the first day of April heto ako nagsisimula na akong magplantsa ng damit ko ngayon gabi dahil bukas na ako magsisimulang mag-apply sa Saison company.
Kailangan kong maging mas maaga pa sa pagpunta sa Saison company baka sakaling magkatrabaho na ako.
Pagkatapos kong magplantsa ng damit agad na akong natulog para maaga akong magising bukas.
On the second day of April I'm here inside the building of Saison company kinakabahan ako baka kasi umuwi na naman akong luhaan.
Dahil first time ko pumasok dito sa Saison company hindi ko maiwasan ang kabahan.
Gagamit sana ako ng elevator ngunit hindi ako makagamit dahil inaayos pa ang nasirang elevator so kailangan ko gumamit ng stairs grabe ang laki naman ng kumpanyang ito at mukhang mahihirapan ako sa pag-akyat nito sa hagdanan.
"Go Akira kaya mo ito" sabi ko sa sarili at nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdanan.
Tumingin ako sa relo ko pagkatingin ko dito na ako ninerbyos dahil five minutes nalang malapit nang sumapit ang alas otso.
"Hay this is it narating ko na" sabi ng isip ko nang ako ay natapos na sa pag-akyat sa hagdanan.
After one hour so ito na ako na yung next na papasok sa loob sana talaga matanggap na ako. Pumasok ako sa loob at umupo sa bangkuan kinausap ako ni Mrs.Cruz.
"Give me the requirements please" pakiusap ni Mrs.Cruz sakin.
Ibinigay ko ang requirements ko.
"I will do everything kahit anong gustong ipagawa ng boss nyo ay gagawin ko. No problem about this job magaling akong sumunod" sabi ko habang binubuklat ni Mrs.Cruz ang requirements ko.
"Talaga kahit anong ipagawa sayo?" Ang tanong sakin ni Mrs.Cruz
"Yes because I'm willing to work here pangarap ko makapagtrabaho dito when I was a kid" Ang sagot ko.
Kailangan ko maging presentable at maging confident dahil ayon sa aking source madalas matanggap sa trabaho ang confident sa sarili.
" I think you're so smart and determined that's why I hired you as a new secretary. Congratulations Ms.Soledad!" Ang masayang pagbati sakin ni Mrs.Cruz.
"Thank you Mrs.Cruz for hiring me!" Nakangiting sambit ko.
Nagshake hands kami ni Mrs.Cruz sa wakas pagkakataon ko na para makapasok sa kumpanyang ito. My next target is Lenard Saison ang nag-iisang anak ni Erik.
"Mrs.Cruz kailan ako magsisimula?"tanong ko.
"Tomorrow you will start. By the way kailangan on time ka sa company na ito bawal ang late sa trabaho may possibility na masisante ka agad" Ang bilin ni Mrs.Cruz
"Don't worry early bird po ako" Nakangiting sambit ko.
"So since first day mo bukas agahan mo dahil dadating ang nag-iisang anak ni Sir.Erik bukas kailangan mong tulungan anak ni Sir about business" Ang bilin sakin ni Mrs.Cruz
Nanlaki mga mata ko dahil namangha ako.
"Task agad?" tanong ko.
"Oo first task mo nga, kaya agahan mo baka masisante ka tandaan mo konting pagkakamali lang pwede kang matanggal" Ang sambit sakin ni Mrs.Cruz.
After ko matanggap sa company nagsi-alisan na ang mga nakapila dahil na-hired na ako as the new secretary of Erik Saison.
Actually matagal na akong stalker ni Erik Saison sa f*******: kaya nakilala ko ang nag-iisa nyang anak na si Lenard so Lenard is my new target kapag napa-ibig ko ito makakapaghiganti na ako. Alam ko kahinaan ng mga lalaki konting akit lang sa k
anila agad silang mahuhumaling sa ganda ko ba namang ito halos lahat ng lalaki napapatingin sakin.
Ilang Araw ang lumipas this is the perfect time na para magsimula ng work ko sa Saison Company.
Nagising ako sa sinag ng araw tumingin ako sa orasan biglang nanlaki mga mata ko.
"Jusko po alas siete na!" sambit ko.
Bumangon na ako at naligo sa banyo pagkatapos kong maligo nagbihis na ako nagmadali na akong lumabas ng bahay para bumiyahe.
Naiinis ako kasi traffic pa sa kalsada.
Limuel's POV
Habang na sa loob ako ng kotse kasama si Papa. Medyo kinakabahan ako kasi this is my first day na papasok ako sa kumpanya.
"Sigurado ka bang okay ka na?"
"Opo Papa okay na ako" sagot ko
"You need to know about business and entrepreneurship. Limuel sigurado ka ba hindi ka na talaga babalik sa Seminary?"
"Opo hindi na because I realized hindi pala para sakin yung pagiging priest"
"Actually, tanggap ko na yung vocation na pinili mo pero kung ayaw mo na talaga magtuloy sa pagpapari okay lang I'm still happy for you son"
After thirty minutes hay sa wakas we are here in the company. Syempre dahil first day ko naglilibot na ako sa company namin. Napansin kong maraming nagbago sa company na ito gumanda lalo noong huling pumasok ako dito sixteen years old pa ako. I am thankful kasi kahit ilan taon ang lumipas narito parin ang company namin buhay na buhay at patuloy ang pag-unlad.
Dahil sa pag-iikot ko napansin ko wala na si Papa sa tabi ko.
Akira's POV
Pagkababa ko ng Jeep nagmadali na akong maglakad habol hininga ako kasi ang layo ng tinakbo ko. Jusko po sira pa rin yung elevator kaya kailangan ko ulit gumamit ng stairs sa pag-akyat sa sixth floor.
Tumingin ako sa orasan.
"Gosh, alas otso na baka ma-late ako" pag-aalala ko.
Si Lenard mukhang masungit kaya kailangan kong makapunta ng maaga sa sixth floor.
"Huwag!" Sigaw ko dahil madudulas ako at maaaring pang mahulog
Napapikit na lamang ako kasi akala ko mahuhulog na ako sa hagdanan naramdaman ko nalang na may biglang sumalo sakin. Napabugtong hininga ako.
"Ayos ka lang Miss?" Tanong ng lalaking sumalo sakin.
Yung boses tila pamilyar sakin kinakabahan na ako ngayon.
Idinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at nagulat sa aking nakita.
"OMG his palm is resting on my back" Sabi ng isip ko
"Brother!" Saad ko.
Ibinaba na nya ako grabe ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Next time huwag kang magmamadali sa paglalakad baka next time ikamatay mo yan" his advice.
"Salamat po ulit pero kailangan ko ng magmadali first day ko po mukhang nakakatakot kasi yung anak ng boss mukhang masungit baka masisante agad ako" I reasoned
"Sige pero dahan-dahan lang sa pag-akyat baka maaksidente ka" paalala nya.
Tumango ako at itinuloy ko ang pag-akyat sa hagdanan.
Limuel's POV
"Hay babaeng yun hindi talaga nag-iingat palaging nagmamadali sa paglalakad kung hindi ko sinalo baka nagkalat na dugo nya sa sahig" saad ko sabay pag-iling.
Biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Hay tumatawag na sakin si Papa"
Sinagot ko ang tawag.
"Limuel nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap"
"Papa pasensya na po nasaan po kayo?" tanong ko.
"I am here inside the office" saad ni Papa
"Pang-ilan palapag po?" Tanong ko
"In sixth floor, please come here right now ipakilala kita sa magiging officemates mo" he answered
"Sige po Papa parating na po" saad ko.
Ibinulsa ko na ang cellphone ko at pumunta na sa office ni Papa.
Akira's POV
Buti nalang hindi ako napagalitan ni Sir.Erik dahil first day ko ngayon pero bukas hindi na ako magpapa-late kay higpit naman sa rules ng kumpanyang ito.
Nagtimpla ako ng kape para kay Sir. Erik at ipinatong ito sa kanyang table actually medyo malaki itong office ni Sir.Erik.
"Good morning po Sir.Erik"
""Thank you" sambit nya.
"You're the new secretary right?"
"Yes Sir, I am Akira Soledad"
"Magtimpla ka pa ng kape"
"Sige po Sir"
Siguro parating na yung anak ni Sir.Erik kaya nagpapatimpla ulit sya ng kape habang nagtitimpla ako ng kape may biglang pumasok dito sa office so napalingon ako. Si Brother pala yung pumasok dito ano kayang ginagawa nya rito dapat na sa Seminary sya. Umupo si Brother sa harap ni Sir. Erik.
Simple syang manamit nakasuot si Brother ng puting t-shirt at pantalon sadyang mapaglaro ang tadhana kahit saan ako magpunta palagi kong nakikita si Brother bakit kaya lagi nalang nagkukrus ang mga landas namin?
"Pasensya na po naligaw pa po kasi ako" sambit ni Brother kay Sir.Erik.
"Ano naman kayang sadya ni Brother dito sa office?" Ang tanong na tumatakbo sa isip ko.
"Ms.Soledad yung kape" sambit ni Sir.Erik sakin.
Binilisan ko ang pagtitimpla ng kape at inilapag ko ang tinimpla kong kape sa lamesa nanatili akong nakatayo sa tabi ni Sir.Erik.
"Hi po Brother" mahina kong pagbati ko sa kanya.
Lumingon sya sakin at ningitian ako.
"Ms. Soledad this is my son Ikaw na ang bahala sa kanya. Understood?"
Nagulat ako sa narinig ko.
"A-anak n-nyo po?" tanong ko.
"Yes he is my son and my only son. Limuel sya ang bago kong secretary na tutulong sayo" pagpapakilala sakin ni Erik sa kanyang anak.
Tumayo si Brother.
"Hello Akira I'm Limuel Saison" pagpapakilala nya sabay iniabot ang kamay nya sakin.
"I'm Akira Soledad nice to meet you" sambit ko
So nakipagshake hands ako kay Limuel ng nahawakan ko kamay nya para ba akong nakuryente dito na ako nagsimulang mahiya.Nasurpresa ako dahil si Brother pala yung nag-iisang anak ni Erik Saison at Imelda jusko po eh akala ko si Lenard yung anak.
Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napahawak ako sa balikat ni Limuel feeling ko matutumba ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Limuel sakin.
Pinilit kong tumayo ng ayos.
"Okay na ko medyo nahilo lang po" sagot ko.
"Baka hindi ka pa kumakain kaya ka nahilo" sambit ni Erik sakin.
"Don't worry Sir.Erik okay lang po ako"
"Akira thank you nga pala" sabi ni Limuel.
"Para saan?" Tanong ko.
Nagtataka ako ngayon dahil hindi ko alam kung bakit sya nagpapasalamat sakin.
"Thank you kasi tinulungan mo kami ni Mang. Kanor" sagot ni Limuel
"Walang anuman Sir. Limuel" I smiled at him.
Jusko po bakit si Brother pa ang naging anak ni Erik Saison bakit hindi nalang si Lenard? Tutal mayabang yon at napaka arogante pero di bale sadyang mapagbiro ang tadhana wala na akong magagawa kundi pa-ibigin si Limuel dahil sya ang anak sya ni Erik Saison na syang paghigantihan ko.