Akira's POV
It's Sunday morning na pala nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko so I answer the call. Bumangon na ako at iniunat ang aking braso.
"Beh don't forget magsisimba tayo today" Ang paalala sakin ni Mico.
"Ahhhm oo nga pala, sige beh wait mo ko ako ay maliligo lang" Ang pagpapaalam ko kay Mico.
"Sige beh hihintayin kita, bilisan mo ha baka mahuli tayo sa misa" Ang sambit ni Mico sakin.
"Oo na beh bibilisan ko" Ang sambit ko
Ibinaba ko na ang tawag then tumayo na at bumaba na ng hagdanan upamg magtimpla ng kape medyo inaantok pa kasi ako kaya naisipan kong magtimpla. After ko magkape naligo na ako at nagbihis syempre nagbihis ako ng maganda dahil magde-date kami ni Mico after magsimba.
I wear red lipstick kinulot ko ang buhok ko at nagwisik ng pabango sa katawan pagkalabas ko ng pintuan ng aming bahay si Mico agad ang nakita ko.
"Beh kanina ka pa dyan?" Ang tanong ko.
"Hindi naman actually kararating ko lang" Nakangiting sambit ni Mico sakin
"Ang ganda naman ng future wife ko" he added.
"Syempre date natin mamaya kaya nag-ayos talaga ako for you" masaya kong sambit.
"Let's go sumakay na tayo sa tricycle baka mawalan tayo ng upuan sa church" Ang sambit ni Mico sakin.
Limuel's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng kampana dito sa loob ng Seminary.
"Hay naku anong oras na kaya?" Ang sambit ko habang inuunat ko mga braso ko.
Bumangon ako at tumingin sa orasan.
"Hay jusko po may Sunday mass pala ngayon!" Ang pag-aalalang sambit ko dahil natataranta na ako.
Agad akong bumaba ng double deck dahil ayokong mahuli sa pag-attend sa misa.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na ako sa baba para mag-almusal.
Pagkababa ko pumila ako at kumuha ng plato, kutsara at tinidor.
"Jusko po na sa ako yung na sa hulihan!" Ang sabi ng isip ko.
Aminado ako sa sarili ko na minsan talaga mabagal akong kumilos kaya nga sinisikap kong gumising ng maaga kasi hindi naman ako katulad ng iba na mabilis kumilos.
Fifteen minutes later...
"Hay salamat makakakain narin ako sa wakas!" Ang sabi ng isip ko habang sumasandok ako ng ulam habang ako ay nakapila.
Pagkatapos kong sumandok umupo ako sa upuan at tinabihan ko si Brix.
"Bro, ang tagal kong naghintay sayo now ka lang nakakuha ng pagkain!" Ang reklamo ni Brix sakin.
"Naku pasensya na Brix promise next time hindi na ako magpapahuli sa pagpila" Ang paghingi ko ng paumanhin kay Brix.
"Okay lang yan Rovel tara kumain ka na tayo" Ang sambit ni Brix sakin.
"Kakain na agad hindi ba tayo magdadasal?" Ang sambit ko.
"Oo nga pala" Ang sambit ni Brix.
Binitawan muna namin ang kutsara at tinidor then sinimulan na namin ang pagdadasal.
Akira's POV
Pumara kami ng tricycle, sumakay papunta sa simbahan. Pagkadating namin sa simbahan may nakita kami ni Mico na bakanteng upuan medyo marami na kasing tao sa loob ng simbahan kaya akala ko naubusan na kami ng uupuan eh ayoko pa naman ng nakatayo sa loob ng isang oras dahil nakakangawit ang nakatayo lamang sa loob ng isang oras.
Umupo na kami ni Mico sa bakanteng upuan sa pinakahuling bangkuan kami ni Mico nakaupo as in nasa pinakang dulo kaya hindi namin makita ang Pari na nagmimisa at bigla na lamang tumunog ang kampana so it means narito na ang pari.
Habang nakikinig ako ng misa hindi ko maiwasan humikab dahil inaantok pa ako late na kasi ako nakatulog kagabi tapos maaga pa akong nagising.
30 minutes later...
Mag-ooffer na ako ng puting sobre na may laman na five hundred pesos napansin ko nalang na nawawala pala ang red wallet sa bulsa ko matapos kong kapain ang bulsa ko jusme naandun lahat ng cards ko at mga pera ko hindi pwedeng mawala wallet ko dahil importante yun.
Limuel's POV
Habang nag-ooffer ang karamihan ng nagsisimba napatingin ako sa sahig pagkatingin ko sa sahig may nakita akong red wallet sa sahig kaya hindi ako nagdalawang isip na kunin ito baka kasi may maghanap nito kaya inilagay ko muna sa bulsa ko.
Nang matapos na ang misa.
Hindi muna ako umalisa dito sa simbahan pagkatapos ng misa baka kasi narito pa sa simbahan ang may-ari ng red wallet na nakuha ko. Habang hinahanap ko ang may-ari ng red wallet naisipan kong magpaalam sa kapwa ko seminarista na si Brix.
"Bro, hintayin nyo nalang ako kasi hahanapin ko pa may-ari ng wallet na nakuha ko" pagpapaalam ko kay Brix.
"Sige Limuel pero bilisan mo ha." he said.
"Limuel!" Ang pagtawag ni Brix sa pangalan ko kaya ako ay biglang napalingon sa kanya.
"Ano yun Brix?" Ang tanong ko kay Brix.
""Lalabas lang ako sandali mainit Kasi dito sa loob pero hihintayin kita" Ang sambit ni Brix sakin.
"Sige Brix" Ang simpleng sambit ko.
Lumabas na si Brix dito sa loob ng simbahan at dito na ako nagsimulang maglakad-lakad upang hanapin ang nagmamay-ari ng red wallet na nakuha ko kanina.
Napansin kong paunti na ng paunti ang mga taong narito sa loob ng simbahan.
Habang nalalakad ako may napansin akong babae na tila may hinahanap nilapitan ko ito at kinuhit.
Humarap ang babae at tumapat bigla sa kanya ang electric fan. Naamoy ko ang mabango nyang pabango ewan ko ba pero kinakabahan ako sa babaeng kaharap ko ngayon.
"Y-yes po brother?" tanong nya sakin grabe ang lambing ng boses nya.
Mula nang marinig ko ang kanyang boses dito na nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit pero ito yung nararamdaman ko ngayon and this is the first time na kinabahan ako sa isang babae.
"M-Miss anong h-hinahanap mo?"Ang pautal-utal kong tanong.
"Nawawala po kasi yung wallet ko." Ang dahilan nya sakin.
"Ahhmm, anong kulay nung wallet?" tanong ko.
"Kulay red" sagot nya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet na nakuha ko kanina at ibinigay ito sa kanya biglang pinagpawisan ng husto ang aking mga palad.
"Salamat po brother, Godbless!" Nakangiting sambit nya sakin.
"Y-Youre welcome" Ang pautal-utal kong sambit sa babaeng kaharap ko.
Nakakahawa talaga ang kanyang ngiti kaya napangiti na rin ako bigla. I don't know what's her name pero parang gusto kong malaman hay naku ewan ko basta ayokong magkaroon ng interest sa babaeng ito hanggang dito nalang ito.
Lumabas na ng simbahan ang babaeng may-ari ng wallet na nakuha ko kanina. Nakalimutan kong itanong kung anong pangalan nya. Oo nga pala hindi ko dapat iniisip mga ganitong bagay kasi malapit na ordination ko hindi ako pwedeng madistruct dahil sa babae kaya hindi ko na sya iisipin pa.
Akira's POV
Pagkalabas ko ng simbahan nakita ko si Mico na nakatayo habang hinihintay ako.
"Beh nahanap mo na?" Ang tanong ni Mico sakin.
"Oo nahanap ko na, buti nalang nakita ni Brother yung wallet ko" sagot ko.
Inakbayan ako ni Mico.
"Tara mamasyal na tayo" Ang pag-aaya ni Mico sakin.
"Sige beh" Ang pagpayag ko.
Napansin ko na kamukha ni Brother yung lalaking napanaginipan ko noon. Eh ano naman kung kamukha nya? At tila nakita ko na si Brother noon hindi ko lang matandaan kung saan.
"Naku erase erase na Akira just remember may boyfriend ka na at ikakasal ka na hindi ka na dapat na-aarttract sa ibang lalaki" Ang sabi ng isip ko.
"Beh tara sasakay na tayo sa tricycle!" Ang pag-aaya sakin ni Mico.
Pumasok na ako sa loob ng tricycle pagkapasok ko sa loob ng tricycle pumasok na rin si Mico.
Ngayon araw na ito ay nagpasya kami ni Mico na mamasyal.
Limuel's POV
"Limuel, Limuel! Tara na baka ma-late tayo sa Seminary" Ang sigaw ni Brix sakin.
"Sige Brix papunta na ako" Ang sigaw ko.
Nasigawan kami ni Brix dahil na sa loob ako ng simbahan habang so Brix ay na sa labas.
Nagmadali na ako sa paglalakad kasama si Brix at sumakay na kami ng van kasama ang mga kasamahan naming mga seminarista.
One hour later...
Pagkadating namin ni Brix dito sa Seminaryo napansin namin na malapit ng maubos ang ulam kaya agad na kaming pumila ni Brix dahil sa takot namin na maubusan ng ulam.
12 hours later...
Pagkatapos kong magawa lahat ng gawain dito sa Seminary nagpasya na akong umakyat sa double deck at humiga na agad ako sa double deck dahil sa pagod bigla na lamang pumasok sa isip ko yung babaeng may-ari ng red wallet.
"Jusko po naman bakit ganon?" Ang mahinang saad ko.
"Hoy, ano na naman nangyayari sayo dyan Limuel" Ang tanong ni Brix sakin.
Napabalikwas ako ng bangon at dumungaw ako sa ilalim ng double deck kung saan dito ako nakahiga.
Napansin kong gising pa pala si Brix at abala sya sa pagbabasa ng bible kaya napakamot ako sa ulo.
"Naku napalakas pala boses ko! Akala ko tulog na sila lahat!" Ang sabi ng isip ko.
"Pasensya na Brix!" Ang paghingi ko ng paumanhin kay Brix.
"Ano ba kasing nangyayari sayo dyan at kanina ka pa bulong ng bulong dyan?" Ang painis na tanong sakin ni Brix.
"Wala Brix" Ang simpleng sagot ko.
"Hoy Limuel! matulog ka na marami pa tayong gagawin bukas" Ang paalala sakin ni Brix.
"Sige Brix matutulog na ako goodnight sayo Godbless you Bro!" Ang masayang sambit ko.
"Sige,sige matulog ka na at maaga pa tayo bukas" Ang sambit ni Brix sakin.
Ako ay humiga na muli at nagdasal dahil gusto ko ng matulog.
Limuel's POV
Nagising ako dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw na tumagos sa bintana dito sa aming kwarto.
Ayoko pang imulat ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.
Naramdaman ko na lamang ang paghigit ni Brix sa daliri ko sa paa kaya napabalikwas ako ng bangon.
"Bro gising na by the way happy birthday sayo!" Ang Nakangiting sambit sakin ni Brix.
Iniunat ko mga braso ko at tiniklop ko ang kumot ko then bumaba na ako ng double deck.
"Bilisan mo Bro! Maligo ka na dahil may naghihintay sayong bisita" Ang sambit sakin ni Brix.
Kinuha ko ang mga damit ko sa loob ng bag at bath towel and dumeretso na ako sa banyo upang maligo.
Habang nagbubuhos ako ng tubig sa aking katawan ay nanginginig ako dahil nilalamig ako sa tubig.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ko.
I'm Limuel Saison today is my twenty seventh birthday ilang birthdays na ang naranasan ko sa loob ng Seminary. I am so happy dahil malapit na akong maordinahan sa pagpapari.
Iniwanan ko ang lahat para sa bokasyon na tinatahak ko. Ako dapat yung magpapatakbo ng company balang araw once na nagretire na si Papa sa company ngunit mas pinili ko ang pagpapari kaya ang pinsan kong si Lenard ang magiging tagapagmana ng lahat balang araw at hindi na ako kasi pinili ko pagpapari kaya isinakripisyo ko na ang pagiging tagapagmana ko.
Simula nang umalis ako sa mansion si Lenard na ang pumalit sa pwesto ko kung baga ang lahat ng para sakin ay napunta na sa kanya.
Lenard is my fourth cousin inampon sya ng parents ko when I was eleven years old dahil si Lenard ay nag-iisa na sa buhay mula kasi nang pinatay ang kanyang ina sa abroad inampon na sya ng parents ko at itinuring ng sariling anak ng parents ko.
Mayroon akong kapatid ngunit namatay ito when I was seven years old dahil sa sakit na leukemia I was so very sad pero noong dumating si Lenard sa buhay ko unti-unting naiibsan ang kalungkutan na nadarama ko sa pagkawala ng kapatid ko dahil mayroon na akong kalaro at kausap sa bahay.
Isang taon ang tanda ko kay Lenard kaya Kuya Limuel ang tawag nya sakin itinuring ko syang kapatid yung mga laruan ko pinapahiram ko sa kanya.
Minsan nga magkatabi kami sa pagtulog kapag gabi na basta lagi kaming magkasama ni Lenard para talaga kaming tunay na magkapatid.
Habang nakaupo ako dito sa batuhan nagulat ako dahil may kumuhit sa likod ko. Pagkaharap ko si Mama pala yung kumuhit sakin at may hawak pang cake na may sinding kandila so napangiti ako.
"Happy birthday anak!" Ang masayang pagbati sa akin ni Mama.
"Make a wish" she added
Pumikit ako at humiling
"I wish good health at maging maayos ang family company namin" Ang hiling ko.
Idinilat ko mga mata ko at hinipan ang kandila sa cake. Ibinaba muna ni Mama ang cake sa upuan sa pathway and niyakap ko sya ng mahigpit.
"Ma, kamusta na? Akala ko po hindi kayo makakarating" Nakangiting sambit ko sa Mama ko.
"Syempre dadating ako dahil birthday mo anak. Eh kamusta ka na dito?" ang tanong sakin ni Mama.
"Ayos lang naman po ako" Ang simpleng sagot ko
"Ma, malapit na pala ordination ko eh si Papa kamusta na galit pa rin ba sya sakin?" Ang tanong ko kay Mama.
Umupo kami sa upuan sa pathway dahil biglang uminit sa kinauupuan ko at itinuloy ang kwentuhan namin namin ni Mama.
"Sa tingin ko mukhang hindi pa tanggap ng Papa mo na magpapari ka. Pero anak kung ano man gusto mo sa buhay narito lang ako susuportahan kita." sambit ni Mama sakin.
"Ma, thank you po sa support nyo sakin" Ang pasasalamat ko kay Mama.
Hindi ako nag-alinlangan na yakapin si Mama.
I was so happy kasi dinalaw ako ni Mama dito sa Seminary ngayon birthday ko.
May dalang pagkain si Mama para sakin pinagluto nya ako ng paborito kong Carbonara at shanghai may softdrinks pa magkasabay kami kumain ni Mama ng dala nyang pagkain dito sa pathway medyo mahirap lang kumain dito sa pathway dahil wala kaming lamesa pero di bale atleast kasama ko si Mama sa araw na ito at thankful na ako dito.
Pagkatapos namin kumain naglakad-lakad kami ni Mama sa loob ng Seminary at ipinagpatuloy ang aming kwentuhan.
2 hours later...
Dahil tapos na ang oras ng pagdalaw ni Mama sakin ito na ang oras upang umalis na si Mama dito sa Seminary.
Inihatid ko si Mama palabas dito sa Seminary.
"Mama salamat po sa pagpunta. Mag-iingat po kayo lagi don't forget to take your medicines everyday I love you" Ang bilin ko kay Mama dahil aalis na sya ngayon.
"I love you too anak, mag-iingat ka palagi" Ang malambing na sambit sakin ni Mama.
Niyakap namin ni Mama ang isa't isa.
"Masaya ako para sayo anak dahil malapit mo nang matupad mga pangarap mo!" Ang masayang sambit sakin ni Mama.
"Salamat po sa lahat Ma!" Ang simpleng sambit ko.
May kinuha si Mama sa bag at ibinigay ito sakin.
"Limuel para sayo!" Ang masayang sambit sakin ni Mama.
Kinuha ko ang hawak na gift ni Mama sakin at ito ay agad kong binuksan.
Pagkabukas ko ng regalo napangiti ako dahil may bago ng case ang cellphone ko.
"Mama salamat po dito!" Ang Nakangiting sambit ko.
"You're welcome anak!" Ang masayang sambit sakin ni Mama
Binuksan ko ang pintuan ng kotse ni Mama dahil sasakay na sya sa loob.
Pagkapasok ni Mama sa loob ng kotse agad kong isinara ang pintuan then nagsimula nang magmaneho ng kotse si Manong.
Kumaway ako habang papalayo na ang kotse na sinasakyan ni Mama.
"Ba-bye Ma!" masaya kong sambit habang hawak ko ang regalo na ibinigay sakin ni Mama.
Pagkaalis ni Mama dito sa Seminary nagpasya na akong pumasok sa loob at ipagpatuloy ang mga gawain ko kasama ang mga kapwa ko seminarista.
Magtutuhog kasi kami ng bulaklak dahil feast day mamayang hapon at maraming dadayo sa simbahan mamaya then magkakaroon pa ng prosisyon mga estudyante na napasok sa catholic school so magiging abala kaming lahat para sa feast day.
Dito sa Seminaryo ganito kami ka-busy kapag may feast day na paparating lalo na kapag malapit nang sumapit ang pasko mas busy kami dahil sa mga role play at pagbabahay-bahay it's our tradition kasi so kailangan namin sundin.
Ang lahat ng ginagawa naming ito ay alay kay God.
At my age 27 aminado akong wala pa akong naging girlfriend sometimes napasok sa isip ko yung tanong na ano kayang pakiramdam ang ma-inlove? Hay naku dapat hindi ko naiisip mga ganitong bagay dahil malapit na
ang ordination ko so dapat hindi ako nadidistruct ng dahil sa usapin tulad nito.
Akira's POV
Makalipas ang isang linggo ito na ang araw ng pag-alis ni Mico.
Sa araw na ito nagchat sakin si Mico kaya bumangon na ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko.
Kinusot ko mga mata ko dahil makapal na ang muta sa mga mata ko ngayon umaga.
"Beh pwede bang samahan mo ako magsimba?" Chat ni Mico sakin.
So naglike zone ako sa chat ni Mico sakin.
Nagtiklop ako ng kumot at nagwalis dito sa kwarto.
Pagkatapos kong magwalis ay agad akong pumunta sa kusina upang magtimpla ng kape.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ko ay umupo ako sa upuan at ipinatong ang tinimpla kong kape sa lamesa.
20 minutes later...
May kumatok sa pintuan kaya agad kong binuksan ang pinto.
Pagkabukas ko nakita ko agad si Mico.
"Beh good morning!" Ang masayang pagbati sakin ng boyfriend ko.
"Good morning din beh tara pasok ka dito sa loob" Ang pag-aaya ko.
Pumasok si Mico sa loob at agad kong sinara ang pintuan.
"Umupo ka muna dyan beh kasi maliligo pa ako" Ang sambit ko.
Umupo si Mico sa sofa then nagpunta na ako sa banyo upang maligo.
Limuel's POV
Sa araw na ito kaming mga Brothers ay kailangan pumunta sa simbahan upang magbalot ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.
Habang naliligo ako dito sa banyo.
"Limuel bilisan mong maligo dyan marami pa tayong gagawin sa simbahan" Ang sambit ni Brix sakin habang nagbubuhos ako ng tubig sa aking katawan.
"Oo bibilisan ko!" Ang sambit ko kay Brix.
Binilisan ko ang pagbubuhos ng tubig sa katawan ko dahil gusto ni Brix na bilisan ko ang paliligo.
Akira's POV
Pagkatapos kong maligo agad na akong nagbihis sa kwarto ko.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba dahil alam kong kanina pa ako hinihintay ni Mico.
"Wow ang fresh mo naman beh!" Ang papuri sakin ni Mico.
"Syempre bagong ligo ako! Nakangiting sambit ko.
"Mico at Akira mag-ingat kayo" Ang babala ni Ate Josefine sa amin ni Mico.
"Oo naman Ate" Ang pasimpleng sambit ko.
"Ate Josefine mauna na po kami" Ang pagpapaalam ni Mico sa Ate ko.
"Sige ingat kayo" Ang pagpayag ni Ate Josefine sa amin.
Hinawakan ni Mico ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas.
Sumakay kami ng tricycle ni Mico papunta sa simbahan.
30 minutes later...
Pagkadating sa simbahan nagtirik nalang kami ng kandila dahil Wala naman misa
Habang sinisindihan ko ang kandila naisipan kong lumingon sa left side ko pagkalingon ko may nakita akong cellphone na mayroong patak ng kandila dito sa tirikan ng kandila napansin din ito ni Mico.
Kinuha ko ang cellphone at tiningnan.
"Kanino kaya yan?" tanong ni Mico.
So pinindot ko ang cellphone at tiningnan ang picture sa wallpaper ng cellphone.
Pagkabukas ko ng cellphone larawan ng isang gwapong lalaki ang bumungad sakin kaya nanlaki mga mata ko.
"Ay si Brother pala may-ari nito!" Ang sabi ng ko.
"Beh isasauli ko lang itong cellphone" Ang pagpapaalam ko kay Mico.
"Sige" Ang pagpayag ni Mico.
Nagsimula na akong maglakad upang hanapin si Brother.
Habang naglalakad ako natanaw kong palabas na si Brother ng simbahan kaya nagmadali akong habulin si Brother.
"Brother, brother!" Sigaw ko habang hinahabol sya.
"Grabe ang bilis talaga maglakad ng lalaking ito!" Ang sabi ng isip ko.
Humarap si Brother sakin then humangin ng malakas kaya naamoy ko ang mabango nyang pabango.
Napatingin ako sa kanyang mga mata na tila sya ang taong para sakin.
"Yes M-Miss?" Ang pautal-utal na tanong ni Brother sakin.
Dito na nagsimulang pagpawisan ang mga palad ko dahil sa kaba na nararamdaman ko habang kaharap ko si Brother ang nagmamay-ari ng cellphone na hawak ko.
"Brother ito nga pala cellphone nyo" Ang sambit ko.
Iniabot ko ang cellphone at agad naman nya itong kinuha sa kamay ko.
"Thank you for returning my cellphone Miss!" Nakangiting sambit sakin ni Brother.
"You're welcome" Nakangiting sambit ko.
Tinalikuran ko na si Brother at dito na ako nagsimulang magmadali sa paglalakad dahil sa pagmamadali ko nadapa bigla ako.
"Ouch!" Ang daing ko.
Narinig ko ang bawat paghakbang papalapit sakin kaya napatingin ako sa aking likuran.
Pagkalingon ko agad kong nakita si Brother at agad naman iniabot ni Brother sakin ang kamay nya.
Syempre dahil gusto kong makatayo agad hindi na ako nagdalawang isip na hawakan ang kamay nya uapng matulungan akong tumayo.
Pagkatayo ko biglang nagkalapit mga mukha namin at dahil dito mas lalo pa akong kinabahan. Mas bumilis ang t***k ng puso habang hawak ko ang kamay nya.
Lumayo si Brother sakin ng kaunti dahil siguro sya ay naiilang sakin.
"Huwag ka kasing nagmamadali ayan nadapa ka tuloy" Ang sambit ni Brother sakin.
"Salamat nalang po sa tulong Brother" Ang pasimpleng pasasalamat ko.
Umiiwas ako sa tingin ni Brother dahil kinakabahan ako ng sobra sa kanya.
"By the way, kailangan ko palang umalis" Ang sambit ni Brother sakin.
"Sige po Brother" Ang pasimpleng sambit ko.
Tinalikuran na ako ni Brother at nagsimula na syang maglakad papalayo sakin.
Natanaw ko na lamang si Brother sa malayo na sya ay sumakay na ng van.
Pagkaalis ni Brother pumunta na ulit ako sa tirikan ng kandila. Pagkatapos namin magsimba ni Mico sinamahan ko sya sa bahay nila para kunin ang maleta nya.
Ipinakilala ako ni Mico sa parents nya as his fiancè umupo ako sa sofa.
"Nanay at Tatay si Akira po fiancè ko" Ang pagpapakilala sakin ni Mico sa parents nya.
Ngumiti ako at binati sila
"Hello po tito at tita" Ang masayang pagbati ko sa parents ni Mico.
Umupo ako sa sofa katabi ang boyfriend ko at dito na nagsimula ang kwentuhan namin lahat.
Nakipagkwentuhan sakin ang parents ni Mico actually gusto na talaga nila ako para sa anak nila I'm glad kasi tanggap nila ang aming relasyon. Sa wakas wala ng atrasan ito kasal nalang kulang perfect na lahat.
Kasama ko parents ni Mico sa paghatid kay Mico sa airport. Naging emotional ang pagpapaalam namin sa isa't isa kailangan ko syang hintayin sa loob ng five years dahil five years contract ang pinirmahan nya sa abroad kaya matitiyaga akong maghintay kay Mico.
"Beh ingat ka. Huwag mo akong ipagpapalit sa iba babalik pa ako" Ang bilin ni Mico.
"Oo beh promise ikaw lang. Hinding hindi kita ipagpapalit" Ang pangako ko.
Niyakap ni Mico ang parents at kapatid nya.
"Nay, Itay at Jay-r aalis na po ako" Ang emosyonal na sambit ni Mico sa parents nya.
"Anak mag-iingat ka mga bilin ko huwag mong kakalimutan" paalala ni Elen ang Nanay ni Mico.
"Syempre naman Nay, hindi ko po kakalimutan" then he smiled at his mother.
Niyakap namin ni Mico ang isa't isa tapos umakyat na sya sa eroplano. Jusko po Long Distance relationship na naman ulit kami pero kahit ganon magtitiis ako gagawin ko rin ang ginawa nya sakin noon magiging
loyal din ako tulad ni Mico I am so lucky dahil si Mico ang magiging future husband ko dahil mabait sya at totoo.
Pagsapit ng February 1...
This is the first day na wala si Mico sa tabi ko kaya medyo nalulungkot ako ngayon. Habang nagpe-f*******: ako sa laptop ko may isang website na nakaagaw ng pansin ko so I click it at tiningnan ang mga nakalagay sa website.
"Naghahanap ng bagong employees ang Saison company?" Sambit ko habang nag-iisa ako sa loob ng kwarto.
Humiga muna ako sa kama, tumingin sa kisame at napaisip "If mag-apply ako sa company baka makakuha ako ng information sa Saison family baka makahanap ako ng evidence sa pagkamatay ni Ina'y. Bakit ba kasi napakahirap kalabanin mga mayayaman?"
Bumangon ako sa pagkakahiga dahil bigla kong naisip.
"Kung magiging mayaman din ako tulad ng mga Saison baka hindi na ako mahirapan makipaglaban sa korte. Ngunit paano naman ako yayaman? Eh mukhang mas maganda siguro na maging parte ako ng Saison family para magtagumpay ako sa plano ko." Laman ng isip ko.
So ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng information sa Saison company on f*******: para malaman kung anong requirements ang dapat kong dalhin sa pag-aapply sa February twelve.
Kailangan kong alamin lahat sana makapasok ako sa company para magawa ko na ang mga plano ko. Promise ko na ipaghihiganti ko pagkamatay ni Ina'y madamay na ang dapat madamay wala akong pakialam basta maghihiganti ako.
Limuel's POV
Bagong umaga para sa panibagong gawain di bale sanay na ako sa mga ganitong gawain like paglalaba ng mga damit. Naalala ko tuloy childhood ko noong na sa mansion pa ako. When I was seventeen years old nang umalis ako sa mansion umalis ako ng walang pasabi dahil hindi sang-ayon si Papa sa gusto ko kaya nagawa kong umalis I want to be a priest someday dahil gusto kong magmisa at magserve kay Lord kasi pakiramdam ko para sakin talaga yung pagpapari at masaya ako rito kaysa sa usapin about business.
Sa Seminary na ako nagpatuloy ng pag-aaral ng college salamat kasi napakasupportive ng Mama ko she is always there for me at hindi ako iniwan. Inside this Seminary ang dami kong natutunan naging mahirap man ang situation ko atleast nag-enjoy naman ako sa pagiging seminarista. Aminado ako na nahirapan akong mag-adjust nung una dahil laki ako sa yaman at hindi sanay sa hirap as in wala akong alam sa gawaing bahay yun tipong pagwawalis ng sahig hindi ko alam pero ngayon alam ko na hindi lamang pagwawalis ng sahig kundi pagluluto, paglalaba at paglilinis ng bahay ay alam ko ng gawin.
Sometimes pumapasok sa isip ko ang tanong na ano bang feeling ang ma-inlove at magkaroon ng girlfriend? Never pa akong nagkaroon ng crush I never had a girlfriend dahil hindi naman ako interested sa pag-aasawa actually wala talaga akong balak kasi magpapari talaga ako.
Pagkatapos kong maglaba isinampay ko na mga damit ko then may kumuhit sa likod ko.
"Limuel may bisita ka" sambit ni Brix.
So pumunta ako sa hallway nakita ko si Lenard.
"Kuya Limuel belated happy birthday nga pala" masayang pagbati sakin ni Lenard sabay ibinigay sakin ang regalo na hawak nya.
"Salamat sa gift Lenard" I smiled.
"Hindi sakin galing yan. Actually pinabibigay yan sayo ni Papa"
I was so happy kasi hindi ako nakalimutan ni Papa naalala pa rin nya birthday ko kahit late na.
"Pakisabi kay Papa salamat sa gift" sambit ko kay Lenard.
Isang malaking regalo na para sakin ang maalala ni Papa salamat kasi anak pa rin ang tingin nya sakin kahit na umalis ako
Akira's POV
Hayst! February twelve na kailangan ko ng pumunta ngayon sa Saison company para mag-apply. Bumangon na ako sa pagkakahiga at nagkape sa lamesa.
"Good morning sayo bunso" pagbati sakin ni Ate Josefine habang nagkakape ako.
"Good morning din Ate"
"Saan ka pupunta bakit maaga kang gumising today?" tanong nya sakin.
"Mag-aaply kasi ako ng trabaho." I reasoned.
"Bunso kainin mo na yung itlog, hotdog at sinangag dyan sa lamesa niluto ko yan para sayo"
"Salamat Ate the best ka talaga" then I smiled at her.
Kumain ako grabe namiss ko talaga yung sinangag na luto ni Ate Josefine ang tagal ko kasi sa Thailand kaya namiss ko mga foods dito sa bahay.
Pagkatapos kong kumain naligo na ako at nagbihis. I'm getting nervous kasi Saison company pag-aaplayan ko pero kahit na magtitiis ako dahil may kailangan akong gawin. Sumakay ako ng jeep baka kasi mahuli ako.
Pagkadating ko sa Saison company I was sad kasi hindi na ako pwedeng mag-apply dahil may nahired na silang bagong employees. Ang dami kasing nag-apply ng maaga kaya hindi na ako nakaabot so sayang talaga.
Paano na mga plano ko? Ayan naudlot tuloy sana makapagtrabaho ako sa Saison company. Umuwi akong malungkot sa bahay kasi hindi ako nahired sa company. Umupo ako sa sofa then Ate Josefine noticed my sadness.
"Oh bakit ka nakasimangot?" tanong ni Ate Josefine sakin.
"Hindi kasi ako nahired sa company" malungkot kong pahayag kay Ate Josefine.
"Ayos lang yan may next time pa" sabay himas ni Ate sa likod ko.
Kumuha si Ate Josefine ng Ice cream sa ref.
"Oh ice cream para hindi ka na malungkot" alok ni Ate Josefine sakin.
Syempre kinuha ko yung ice cream na inaalok sakin ni Ate.
"Salamat sa ice cream Ate" then I smiled dahil gumaan na ang pakiramdam ko habang kumakain ng ice cream.
Limuel's POV
Alas tres ng hapon narito kami nagdadasal ng rosary sa loob ng simbahan inside this Seminary habang nakaluhod. Habang nagdadasal ako bigla akong na-distruct bigla na naman kasi pumasok sa isip ko ang babaeng may-ari ng red wallet naalala ko bigla kung paano sya ngumiti sakin jusko po bakit bigla na lamang sya pumapasok sa isip ko?
Nabitawan ko bigla ang rosary na hawak ko then napatingin sakin si Brix na nakaupo sa unahan ko.
"Sorry pwedeng pakikuha ng rosary?" paumanhin ko.
Kinuha ni Brix ang rosary ko at ibinigay sakin.
"Thank you" then ipinagpatuloy ko ang pagdadasal.
Distracted na distracted ako ngayon dahil sa babae. Jusko po sana mawala na sya sa isip ko ayokong masira mga pangarap ko.
Sometimes I imagine myself bilang pari but sometimes I imagine myself together with that girl I don't know what I feel hindi ko maintindihan sarili ko.
Akira's POV
Tonight, napaisip bigla ako naiisip ko na naman ulit si Brother hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa seminaristang yun hay ewan ko ba.
Nag-ring ang cellphone ko "Ay si Mico tumatawag!"
So sinagot ko ang tawag ni Mico sa cellphone ko.
"Hello beh bakit napatawag ka?" tanong ko.
" Wala, gusto ko lang malaman kung kamusta ka na."
"Heto okay lang. Matutulog na sana ako kaso bigla kang tumawag"
"Oh sya, matulog ka na good night beh"
"Good night din Mico I love you"
"I love you too my future wife" sambit ni Mico.
Ibinaba ko na ang cellphone at natulog na ako medyo late na kasi eh maaga pa akong gigising bukas.
Limuel's POV
Tulog na lahat ng kasama ko ako nalang ang natitirang gising. Heto ako nakatingin lang sa kisame biglang pumasok sa isipan ko ang patungkol sa paglabas dito sa Seminary dahil nararamdaman ko.