Episode 13

1648 Words
Limuel's POV Tumingin ako sa relo ko "Ay malapit na mag four!" sambit ko. Kaya kinuha ko mga gamit ko dahil aalis na ako dito sa Seminary. Natanaw ko sa bintana ang isang itim na kotse I think sundo ko na yun. Kinuha ko ang bag ko at sumakay na ako ng kotse. Biglang tumunog yung cellphone ko so I read the message of my cousin. "Si Mang.Kanor na susundo sayo ingat Kuya Godbless" I replied "Thank you Lenard" Umaandar na ang kotse na sinasakyan ko dahil naiinip ako sa byahe isinaksak ko ang headset sa cellphone ko, inilagay ko ang headset sa tenga ko para makinig ng music habang nakikinig ako nakatulog na ako sa kalagitnaan ng byahe. "Huwag!" sigaw ni Mang.Kanor na gumising sakin. Bumangga ang kotse na sinasakyan ko sa poste halos hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang lakas ng impact. Nakasusob ang mukha ni Mang.Kanor sa manibela sya ay duguan at walang malay ako naman pakiramdam ko nabali ang kaliwang braso ko sobrang sakit halos umiyak na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Duguan ang mukha ko dahil sa basag na salamin na nakabaon sa noo ko. Ang paningin ko unti-unting lumalabo natatakot ako dahil gabi na baka walang makapansin sa amin baka hindi na kami abutan ng buhay dito. So I pray "Sana po may pagkakataon pa na makauwi ako sa pamilya ko sana makaligtas pa ako. Lord please give me a chance to be with my family again please save me" Ang dasal ko. Akira's POV Pauwi na sana ako ng bahay ngunit napatigil ako sa pagmamaneho ng motor nang makita ko ang isang kotse na nakabangga sa poste. Bumaba ako ng motor para tingnan ang mga sakay sa loob ng kotse. Nakita kong basag na basag ang bintana ng kotse pinilit kong buksan ang pintuan ng kotse. Nakita ko yung driver duguan at walang malay. Then nakita ko yung isang lalaki na nakasakay sa likuran ng driver na tila pinipilit abutin ang cellphone sa sahig ng kotse. "M-miss please! tulungan mo kami" pakiusap ng lalaking duguan. Nang marinig ko ang boses nya nakilala ko agad sya. Kinuha ko ang cellphone nya sa sahig sabay ibinigay ko sa kanya. "Sige po brother pero huwag kang matutulog ha promise tutulungan ko kayo" sambit ko. Bigla na lamang sya humawak sa kamay ko. "Miss pwede bang tawagan mo si Mama para sakin?" pakiusap ni Brother sakin. "S-sige pero tatawag po muna akong ambulansya para matulungan na kayo." sambit ko ngunit nag-aalala ako ngayon dahil nag-aagaw buhay silang dalawa bigla kong naalala si Ina'y. Pagkatapos kong tawagan ang number ng ambulansya pinagbigyan ko si Brother sa kanyang hiling sakin na tawagan ang Mama nya gamit ang kanyang cellphone. "Hello anak bakit napatawag ka?" tanong sakin ng Mama ni Brother. "Mam yung anak nyo po naaksidente" pahayag ko "Huh? Eh saan hospital sya dinala?" "Mam hindi pa po dumadating yung ambulansya pero on the way na po sila" I reasoned. Itinapat ko sa tenga ni Brother ang cellphone na hawak ko dahil gusto nyang makausap Mama nya. "Mama, mag-iingat kayo dyan palagi I love_" hindi na naituloy ni Brother ang sasabihin nya sapagkat nawalan na sya ng malay. Nag-alala na ako dahil hindi pa rin dumadating ang ambulansya kaya kinausap ko na ang Mama ni Brother narinig ko na umiiyak ito. "Hello anak! Anak! Diyos ko po!"malungkot na saad ng Mama ni Brother. Bigla ko na lamang narinig ang ambulansya. Lumabas ako ng kotse at nakiusap. "Please tulungan nyo po sila na sa loob po sila ng kotse" pakiusap ko sa mga Nurse at Doctor na kaharap ko Doctor said "Don't worry we will do everything to save their lives" Tumawag bigla si Ate Josefine sakin so I answer the call. "Oh nasaan ka na ba bakit ang tagal mo bumalik?" Tanong ni Ate Josephine sakin "Pasensya na Ate may tinulungan pa kasi ako" I reasoned "Oh sya umuwi ka na gutom na ko" saad ni Ate Josephine. "Oo ate uuwi na ako bye" tugon ko Sumakay na ako ng motor para makauwi na ako sa bahay dahil gutom na si Ate Josefine baka lumamig na ang binili kong ulam. Umaasa akong makakaligtas sila Brother sa aksidente. Lenard's POV Hindi ko sinamahan si Mama sa hospital para dalawin si Limuel dahil naiinis ako kasi sya namatay sa accident sana namatay nalang sya para sakin nalang mapunta lahat. So dumating na yung araw na kinakatakutan ko ang pagbabalik ng pinsan ko dahil sakin na sana ipapangalan lahat pero mukhang magbabago na ang lahat dahil bumalik na si Limuel sa buhay namin. Hindi pwedeng mapunta sa kanya lahat dahil mas deserving ako sa pwesto. Saturday in the morning dinalaw ko si Limuel sa hospital syempre may dala akong fruit basket para naman ipakita na concern ako sa pinsan ko sa totoo lang gusto ko na syang mawala sa buhay namin kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na bumili ng lason na ituturok sa swero na nakakabit kay Limuel siguro naman magtatagumpay na ako. "Sana Limuel hindi ka nalang bumalik" sambit ko habang hindi pa sya nagigising. Tinanggal ko ang takip ng syringe ituturok ko na sana ngunit biglang dumilat ang mga mata ni Limuel at tumingin sakin. "G-gising ka na?" tanong ko kay Limuel Ibinulsa ko ang syringe na hawak ko dahil baka mahuli ako. Nabigo akong iturok ang lason dahil nagising na si Rovel at bigla naman dumating ang Mama nya. "Oh Lenard narito ka pala" sambit ni Imelda sakin na Mama ni Limuel at tinatawag ko rin na Mama. "Opo Ma" sabay ngiti ko. Lumapit si Mama kay Limuel. She is very happy kasi nagising na si Limuel ilang linggo na kasing comatose si Limuel. "Anak kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Mama kay Limuel. "Okay na po Ma, medyo masakit lang braso ko" sagot ni Limuel. "Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita"saad ni Mama kay Limuel. "Kahit lugaw po Ma" he said then he smiled at his mother Naiinis ako sa sarili ko dahil kung naiturok ko sana dapat patay na sya ngayon. Wrong timing talaga kung kailan matuturukan ko na at saka pa dumating Mama. Nakakainis talaga ang napag-utusan ko malaking pera na nga ibinigay ko pumalpak pa sana ginalingan nya sa pagsabutahe sa kotse na sinakyan ni Limuel humanda sya sakin bukas sinira nya mga plano ko. Kinabukasan... I'm here inside the abandoned warehouse ipinadukot ko ang aking pinag-utusan sa pagpapatay sa aking pinsan na si Limuel. Pinatorture ko si Clark sa iba kong tauhan dahil ito ang naisip kong parusa sa kanyang kapalpakan. "Napakasimple ng utos ko sayo tapos pumalakpak ka pa! Napakab*b* mo!" Ang pagalit kong sigaw kay Clark. Sobrang naiinis ako dahil pumalakpak sya sa pagpapasabog ng kotse na sasakyan ni Limuel pauwi sa Mansion. Dahil sa init ng ulo ko binaril ko si Clark. "Anong tinitingin-tingin nyo dyan please ilibing nyo na yan!" Ang pagalit kong sambit sa mga tauhan ko. Agad nilang binuhat ang bangkay ni Clark at inilibing sa poso n***o. Limuel's POV I'm glad dahil binigyan ako ni God ng second chance para makasama ko ang Mama ko at natuwa rin ako dahil dinalaw ako ng Papa ko. Lumipas ang isang linggo.. Nakasakay ako sa wheelchair dahil hindi ko pa kayang maglakad. "Good news anak pwede ka nang umuwi sa bahay" Nakangiting sambit sakin ni Mama. So napangiti ako. I'm thankful to God kasi niligtas nya ako. Finally, malapit na akong gumaling kapag nakakapaglalad na ako makakatulong na ako ni Mama at hindi narin ako magiging pabigat. Two hours later... Pagkauwi namin ni Mama dito sa Mansion. Si Mama ang nagtutulak ng wheelchair ko dahil hindi parin magaling ang sugat ko sa braso. Tinulungan ako ni Mama pagbaba ng kotse. Si Mama ang nagtutulak ng aking wheelchair papasok sa loob ng Mansion. Pagbukas ng pintuan ni Mama mga maids namin ay may hawak na tarpaulin at masaya kaming sinalubong. "Welcome back Sir.Limuel!" Ang masayang pagbati ng maids sa akin. "Thank you po sa inyo!" Nakangiting sambit ko sa mga maids. "Thank you sa greetings nyo para sa anak ko Aling Puring, Hilda at Aling Tessie!" Nakangiting sambit ni Mama sa maids namin. "Wala po yun Mam! Tutal pamilya narin ang turing nyo samin so ganon din po kami sa inyo" Masayang sambit ni Aling Tessie kay Mama. "Oh sya iwanan nyo na muna kami ng anak ko dito mag-uusap lang kami" Ang pakiusap ni Mama sa maids namin. Naglakad na ang mga maids namin palayo upang makapag-usap kami ni Mama ng masinsinan. Itinulak ni Mama ang wheelchair ko papunta sa may sofa then umupo si Mama sa sofa sa may harapan ko. "Limuel babalik ka pa ba sa Seminaryo?" Ang tanong sakin ni Mama. "Hindi na po ako babalik" Ang sagot ko. "Bakit?" Ang tanong ni Mama sakin. "Kasi habang tumatagal nararamdaman ko po na hindi para sakin yung pagpapari" Ang mahinahon kong sagot. "Talaga ba? Baka naman napilitan ka lang umalis gawa ng Papa mo" "Hindi po actually tanggap na po ni Papa na magpapari ako. Kaya po ako lumabas kasi pakiramdam ko po hindi para sakin yung pagpapari at Isa pa matagal ko na po talagang pinag-isipan lahat bago ako lumabas ng Seminaryo" I reasoned. "Kung ano man ang desisyon mo sa buhay mo I will support you and I will always here for you anak!" Ang malambing na sambit sakin ni Mama then niyakap nya ako. Sa mga sumunod na araw ipinacheck-up ako ni Mama sa isang therapist para mapabilis ang pagrecover ko mula nang ako ay naaksidente. Three weeks later... Pinilit kong tumayo then dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa. "Mama! Mama!" Ang masayang sambit ko. Agad pumunta si Mama dito sa kwarto ko. "Mama nakakalakad na po ako!" Nakangiting sambit ko. "Mabuti naman n akakalakad ka na!" Masayang sambit sakin ni Mama. I'm happy kasi nakakapaglalad na ako it means pwede na akong pumasok sa company.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD