Episode 12

1372 Words
Limuel's POV Pagkagising ko agad na akong bumangon upang maligo dahil sa araw na ito ay retreat namin mga seminarista. Sa Baguio kami magreretreat ngayon araw na ito actually excited na ako kaya nag pagkagising ko ay agad akong naligo. 15 minutes later... Tapos na akong maligo at magbihis ang kailangan ko nalang ay ihanda ang gamit ko para sa retreat. Umakyat ako sa double deck at doon ko sinimulan ang paghahanda ng gamit ko para sa retreat. Napatingin ako kay Brix at Andrew nang nagsimula silang magkwentuhan. Palihim akong nakikinig sa kanilang usapan habang nagkukwentuhan ang dalawang ito sa baba. Biglang napatingin sakin si Brix kaya umiwas ako ng tingin. "Uy si Limuel excited!" Ang pabirong sambit ni Brix kay Tonton. "Napansin ko nung nakaraan palagi syang nakangiti mukhang malalim ang iniisip!" Ang pabirong sambit ni Tonton Kay Brix. "Baka inlove na sya!" Ang pabirong sambit ni Brix kay Tonton then tumawa sila ng malakas. Dito na ako nagsimulang sumimangot at itinigil ko muna ang pagtitiklop ng damit ko. "Ako ba pinag-uusapan nyo?" Ang tanong ko sa dalawang ito. Tumingin si Brix at Tonton sakin. "Bro huwag ka naman magalit nagbibiro lang kami" Ang pakiusap sakin ni Brix. "Naku ewan ko sa inyo! At Isa pa kung lalabas man ako hindi yun dahil Inlove ako" Ang painis kong sambit. Dito na nagsimulang kumunot ang noo ni Brix at Tonton. "L-lalabas so ibig sabihin b-balak mong l-lumabas Limuel?" Ang pautal-utal na tanong ni Tonton sakin. "So ibig sabihin Inlove ka?" Ang tanong sakin ni Brix. "Hay naku ewan ko sa inyo ang hirap nyong kausap mga bro!" Ang painis kong sambit. "Eh bakit ba kasi ang init ng ulo mo Limuel!" Ang tanong sakin ni Brix. Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi ni Brix. "Ay ewan basta!" Ang painis kong sambit. Pagkatapos kong mag-empake ng mga damit at gamit ko agad na akong lumabas ng kwarto. Sa paglipas ng mga araw habang tumatagal hindi ko na maramdaman ang calling dahil palaging pumapasok sa isipan ko ang paglabas dito sa Seminary. Dahil ako ay naguguluhan naisipan kong magdasal at manghingi ng sign kay God upang mahanap ko na ang bokasyon na para sakin. One month later... Pagkatapos kong magpunas ng lamesa ay agad akong pumunta sa kwarto. Buo na ang desisyon ko na ako ay lalabas na at hindi ko na itutuloy ang pagpapari ko. Kagabi nagpaalam na ako kay Mother superior na ako ay aalis na. Almost one month na ang lumipas it's March twenty kaya napagdesisyunan ko na umalis na sa Seminary dahil pakiramdam ko hindi talaga para sakin ang pagpapari. Sa araw na ito dito na ako nagsimulang mag-empake ng mga damit at gamit ko. Kinuha ko ang bag ko sa cabinet at mga damit ko upang masimulan ko na ang pag-eempake. Napatigil ako sa pag-eempake ng mga damit ko nang biglang nagsipasukan ang mga kasamahan ko dito sa loob ng kwarto. Lumapit sakin si Brix at ang iba ko pang kasamahan dito sa Seminary nang ako ay nakita nyang nag-eempake ng damit. "Bro bakit nag-eempake ka? Aalis ka na ba?" Ang tanong sakin ni Brix. "Oo tulad nga ng mga biro nyo talagang ako na yung susunod na aalis dito" Ang pasimpleng sambit ko. "Sure ka Limuel aalis ka na? Diba malapit na ordination natin?" tanong ni Tonton sakin. "Oo aalis na talaga ako" Ang sagot ko. "Limuel tandaan mo hindi basta basta ang pag-alis dito sa Seminary kailangan mo muna pag-isipan mabuti dahil kapag pumasok ka ulit dito panibagong bilang na ang gagawin kung baga balewala na yung mga taon na nanatili ka rito sa loob. Sure ka na ba talaga?" Ang tanong ni Brix sakin. "Oo Brix, sa totoo lang mahigit isang buwan ko itong pinag-isipan kaya sigurado na ako" Ang pahayag ko. "Pasensya ka na sa mga biro namin sayo ni Tonton!" Ang paghingi ni Brix ng paumanhin sakin. "Okay lang yun naiintindihan ko. Tama nga kayo ako yung susunod na lalabas" Ang sambit ko. "Pasensya ka na talaga sa biro namin hindi namin expected na magkakatotoo pala hahahha!" Ang pabirong sambit ni Brix sakin. So dahil sa biro ni Brix agad akong napangiti. "Kung ano man desisyon mo. Tandaan mo gagabayan ka pa rin ni Lord at ipagdadasal ka namin" Ang sambit ni Andrew sakin. "Salamat sa suporta nyo. Hindi ko kayo makakalimutan brothers kahit umalis na yung iba sa atin at pasensya na rin kung masyado akong pikunin alam nyo naman minsan may problema ako kaya nag-iinit ang ulo ko" Ang sambit ko sa kanila. "Ayos lang yun bro alam ko naman topakin ka!" Ang pabirong sambit sakin ni Brix then tumawa sya ng malakas. "Oh ayan biniro na kita baka kasi mamiss mo pang-aasar ko hahah" Ang dagdag pa ni Brix. "Oo na Brix mamimiss ko kita at mamimiss ko lahat ng kasamahan ko dito sa Seminary. Guys salamat sa inyo sa pagtuturo sakin ng mga gawain bahay na hindi ko natutunan sa bahay namin walang magagawa eh anak mayaman ako eh kaya wala akong alam" Sambit ko. "Isang group hug nga diyan para kay Limuel!" Ang sambit ni Brix sa lahat. Dito na nagsimulang maghiyawan mga kasamahan ko grabe para silang siraulo hahahah. Nag-group hug kaming lahat. Lenard's POV Habang hinihintay ko ang ka-meeting ko dito sa office biglang nag-ring ang cellphone ko so I answer the call. Pagkatingin ko sa cellphone ko nakita kong tinatawagan ako ni Kuya Limuel. "Hello Lenard si Kuya Limuel mo ito" Ang sambit sakin ni Kuya Limuel. "Oh Kuya bakit bigla kang tumawag?" Ang tanong ko. "Magpapasundo kasi ako" Ang sagot ni Kuya Limuel sakin. Napakunot noo ako sa narinig kong "magpapasundo". "Ha? Ano?" Ang tanong ko. "Ayos lang ba sayo na magpasundo ako?" Ang tanong ni Limuel sakin. Napakunot noo ako sa sinabi ni Limuel. "Huh? Magpapasundo bakit?" tanong ko. "Babalik na ako sa mansion" Ang sagot sakin ni Kuya Limuel. Dito na nagsimulang manginig ang kamay ko dahil sa nerbyos. "A-Ano? B-babalik ka na?" Ang pautal-utal kong tanong kay Kuya Limuel. "Oo babalik na ako sa mansion" Ang sagot sakin ni Kuya Limuel.. "So ibig sabihin K-Kuya umalis ka na sa p-pagpapari kaya b-bbalik ka?" Ang pautal-utal kong tanong. "Oo umalis na ako sa pagpapari kaya nga nagpapasundo ako sayo ngayon" Ang sagot sakin ni Kuya Limuel. Tumiklop ang aking kamao dahil naiinis na ako sa mga sagot ni Limuel sakin at dito na nagsimulang magdilim ang paningin ko dahil sa mga narinig ko. "Puny*ta talaga! kung kailan mapupunta na sakin lahat at saka pa sya babalik!" Ang sabi ng isip ko. Huminga ako ng malalim at pilit kong pinakalma ang sarili ko at pigilan ang paglabas ng emosyon ko habang kausap ko ngayon si Kuya Limuel. "Eh ano bang oras ikaw magpapasundo?" Ang tanong ko. "Mga alas kwatro ng hapon" Ang sagot nya sakin. "Sige, pero ipasusundo nalang kita kay Mang.Kanor kasi busy ako mamaya alam mo na marami akong gagawin" Ang dahilan ko. "Salamat Lenard" Ang pasasalamat sakin ni Kuya Limuel. Ibinaba ko na ang cellphone ko at uminom ako ng champagne dahil naiinis ako. "Bakit naman kasi babalik pa si Limuel?" Ang sambit ko sabay suntok ko sa table. Pumasok bigla ang girlfriend kong si Michelle kaya pilit kong inayos ang sarili ko. "Oh babe bakit parang galit ka?" tanong ni Michelle sakin habang minamasahe mga balikat ko. "Yan kasing si Limuel babalik pa" inis kong sambit. "Kailangan mawala na sya sa landas natin!" Dagdag ko pa. Nanlaki mga mata ni Michelle. "Anong pinagsasasabi mo? Lenard kung ano man yung naiisip mo please hindi maganda yan" pagsaway ng girlfriend ko sakin. "Hahahha ano ka ba! Napaka OA naman ng girlfriend ko" Nakangiting sambit ko then hinawakan ko ang baso ko na may laman na whiskey. "Pasensya na nag-aalala kasi ako sa sinabi mong kailangan ng mawala ni Limuel sa landas natin para kasing papatay ka eh" Ang dahilan ng girlfriend ko. "Ano ka ba syempre hindi ko magagawa yon mabait kaya ako" I reasoned. Pero deep inside galit na galit ako at natatakot akong bumalik si Limuel l at mawala sakin lahat ng tinatamasa ko ngayon. Ayoko ng bu malik si Limuel dahil ilang taon akong nagpakahirap sa company na ito tapos dahil sa pagbabalik nya mawawala na sakin lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD