Akira's POV
Nagising ako sa sinag ng araw tumingin ako sa orasan biglang nanlaki mga mata ko.
"Jusko po alas siete na!" sambit ko.
Bumangon na ako at naligo sa banyo pagkatapos kong maligo nagbihis na ako nagmadali na akong lumabas ng bahay para bumiyahe.
Naiinis ako kasi traffic pa sa kalsada.
Limuel's POV
Habang na sa loob ako ng kotse kasama si Papa. Medyo kinakabahan ako kasi this is my first day na papasok ako sa kumpanya.
"Sigurado ka bang okay ka na?"
"Opo Papa okay na ako" sagot ko
"You need to know about business and entrepreneurship. Limuel sigurado ka ba hindi ka na talaga babalik sa Seminary?"
"Opo hindi na because I realized hindi pala para sakin yung pagiging priest"
"Actually, tanggap ko na yung vocation na pinili mo pero kung ayaw mo na talaga magtuloy sa pagpapari okay lang I'm still happy for you son"
After thirty minutes hay sa wakas we are here in the company. Syempre dahil first day ko naglilibot na ako sa company namin. Napansin kong maraming nagbago sa company na ito gumanda lalo noong huling pumasok ako dito sixteen years old pa ako. I am thankful kasi kahit ilan taon ang lumipas narito parin ang company namin buhay na buhay at patuloy ang pag-unlad.
Dahil sa pag-iikot ko napansin ko wala na si Papa sa tabi ko.
Akira's POV
Pagkababa ko ng Jeep nagmadali na akong maglakad habol hininga ako kasi ang layo ng tinakbo ko. Jusko po sira pa rin yung elevator kaya kailangan ko ulit gumamit ng stairs sa pag-akyat sa sixth floor.
Tumingin ako sa orasan.
"Gosh, alas otso na baka ma-late ako" pag-aalala ko.
Si Lenard mukhang masungit kaya kailangan kong makapunta ng maaga sa sixth floor.
"Huwag!" Sigaw ko dahil madudulas ako at maaaring pang mahulog
Napapikit na lamang ako kasi akala ko mahuhulog na ako sa hagdanan naramdaman ko nalang na may biglang sumalo sakin. Napabugtong hininga ako.
"Ayos ka lang Miss?" Tanong ng lalaking sumalo sakin.
Yung boses tila pamilyar sakin kinakabahan na ako ngayon.
Idinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at nagulat sa aking nakita.
"OMG his palm is resting on my back" Sabi ng isip ko
"Brother!" Saad ko.
Ibinaba na nya ako grabe ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Next time huwag kang magmamadali sa paglalakad baka next time ikamatay mo yan" his advice.
"Salamat po ulit pero kailangan ko ng magmadali first day ko po mukhang nakakatakot kasi yung anak ng boss mukhang masungit baka masisante agad ako" I reasoned
"Sige pero dahan-dahan lang sa pag-akyat baka maaksidente ka" paalala nya.
Tumango ako at itinuloy ko ang pag-akyat sa hagdanan.
Limuel's POV
"Hay babaeng yun hindi talaga nag-iingat palaging nagmamadali sa paglalakad kung hindi ko sinalo baka nagkalat na dugo nya sa sahig" saad ko sabay pag-iling.
Biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Hay tumatawag na sakin si Papa"
Sinagot ko ang tawag.
"Limuel nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap"
"Papa pasensya na po nasaan po kayo?" tanong ko.
"I am here inside the office" saad ni Papa
"Pang-ilan palapag po?" Tanong ko
"In sixth floor, please come here right now ipakilala kita sa magiging officemates mo" he answered
"Sige po Papa parating na po" saad ko.
Ibinulsa ko na ang cellphone ko at pumunta na sa office ni Papa.
Akira's POV
Buti nalang hindi ako napagalitan ni Sir.Erik dahil first day ko ngayon pero bukas hindi na ako magpapa-late kay higpit naman sa rules ng kumpanyang ito.
Nagtimpla ako ng kape para kay Sir. Erik at ipinatong ito sa kanyang table actually medyo malaki itong office ni Sir.Erik.
"Good morning po Sir.Erik"
""Thank you" sambit nya.
"You're the new secretary right?"
"Yes Sir, I am Akira Soledad"
"Magtimpla ka pa ng kape"
"Sige po Sir"
Siguro parating na yung anak ni Sir.Erik kaya nagpapatimpla ulit sya ng kape habang nagtitimpla ako ng kape may biglang pumasok dito sa office so napalingon ako. Si Brother pala yung pumasok dito ano kayang ginagawa nya rito dapat na sa Seminary sya. Umupo si Brother sa harap ni Sir. Erik.
Simple syang manamit nakasuot si Brother ng puting t-shirt at pantalon sadyang mapaglaro ang tadhana kahit saan ako magpunta palagi kong nakikita si Brother bakit kaya lagi nalang nagkukrus ang mga landas namin?
"Pasensya na po naligaw pa po kasi ako" sambit ni Brother kay Sir.Erik.
"Ano naman kayang sadya ni Brother dito sa office?" Ang tanong na tumatakbo sa isip ko.
"Ms.Soledad yung kape" sambit ni Sir.Erik sakin.
Binilisan ko ang pagtitimpla ng kape at inilapag ko ang tinimpla kong kape sa lamesa nanatili akong nakatayo sa tabi ni Sir.Erik.
"Hi po Brother" mahina kong pagbati ko sa kanya.
Lumingon sya sakin at ningitian ako.
"Ms. Soledad this is my son Ikaw na ang bahala sa kanya. Understood?"
Nagulat ako sa narinig ko.
"A-anak n-nyo po?" tanong ko.
"Yes he is my son and my only son. Limuel sya ang bago kong secretary na tutulong sayo" pagpapakilala sakin ni Erik sa kanyang anak.
Tumayo si Brother.
"Hello Akira I'm Limuel Saison" pagpapakilala nya sabay iniabot ang kamay nya sakin.
"I'm Akira Soledad nice to meet you" sambit ko
So nakipagshake hands ako kay Limuel ng nahawakan ko kamay nya para ba akong nakuryente dito na ako nagsimulang mahiya.Nasurpresa ako dahil si Brother pala yung nag-iisang anak ni Erik Saison at Imelda jusko po eh akala ko si Lenard yung anak.
Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napahawak ako sa balikat ni Limuel feeling ko matutumba ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Limuel sakin.
Pinilit kong tumayo ng ayos.
"Okay na ko medyo nahilo lang po" sagot ko.
"Baka hindi ka pa kumakain kaya ka nahilo" sambit ni Erik sakin.
"Don't worry Sir.Erik okay lang po ako"
"Akira thank you nga pala" sabi ni Limuel.
"Para saan?" Tanong ko.
Nagtataka ako ngayon dahil hindi ko alam kung bakit sya nagpapasalamat sakin.
"Thank you kasi tinulungan mo kami ni Mang. Kanor" sagot ni Limuel
"Walang anuman Sir. Limuel" I smiled at him.
Jusko po bakit si Brother pa ang naging anak ni Erik Saison bakit hindi nalang si Lenard? Tutal mayabang yon at napaka arogante pero di bale sadyang mapagbiro ang tadhana wala na akong magagawa kundi pa-ibigin si Limuel dahil sya ang anak sya ni Erik Saison na syang paghigantihan ko.