Two weeks later...
Limuel's POV
Almost one dalawang linggo na akong nagtatrabaho dito sa kumpanya halos wala pa rin akong maintindihan kung paano mamahala rito.
"Deserving ba ako na magmana ng pwesto ni Papa sa kumpanyang ito?" Ang tanong na paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad papunta sa office.
Pagkapasok ko sa office ni Papa nakita ko agad si Akira nakahandusay sa sahig at walang malay kaya agad akong lumapit sa kanya at paulit-ulit tinapik ang kanyang pisngi.
"Akira please gumising ka!" Pag-aalalang sambit ko habang ginigising ko si Akira.
I'm just worried kasi wala malay si Akira.
Wala pa rin si Papa dito sa office I think may meeting sya kaya wala rito.
Hindi na ako nagdalawang isip na buhatin si Akira para ihiga sa sofa habang wala pa syang malay.
Habang nakahiga si Akira tinapatan ko ito ng electric fan medyo mainit kasi dito sa office. Yumuko ako para hawiin ang kanyang buhok na nakaharang sa mukha.
Sa mga oras na ito wala akong ibang ginawa kundi titigan si Akira mahigit isang oras na syang hindi nagigising.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya sabay hawak ko sa labi nya nagulat ako dahil biglang dumilat ang mga mata ni Akira kaya bigla akong bumalikwas ng tayo.
"Gising ka na pala" sambit ko na may pagkagulat.
Dahil dito napakamot ako sa ulo ko kinakabahan kasi ako ngayon baka mailang sakin si Akira dahil sa ginawa kong paghawak sa labi nya.
Bumangon si Akira at napakunot noo.
"A-anong n-nangyari?" Pautal-utal na tanong ni Akira sakin.
"Nakita kitang walang malay kanina kaya inihiga kita dyan sa sofa" I reasoned.
"Salamat Limuel" pasimpleng sambit ni Akira sakin.
Tumayo si Akira.
"Walang anuman" pasimpleng sambit ko.
"By the way kailangan ko na umalis ngayon pupunta kasi ako sa field" Ang pagpapaalam ko.
"Sige po Sir Limuel! Mag-iingat kayo" Nakangiting sambit ni Akira sakin.
"Oo sige" pasimpleng sambit ko.
Pagkatapos namin mag-usap ni Akira agad na akong lumabas na ako ng office ni Papa habang nakangiti I don't know why but I'm happy when I saw her.
Kapag nakikita ko at nakakasama ko si Akira bigla na lamang ako kinakabahan at kapag hindi ko sya nakikita parang nalulungkot ako bigla.
Akira's POV
Pagkaalis ni Limuel nagpasya na akong ayusin ang mga files dito sa office.
Habang nag-aayos ako ng files biglang pumasok sa isipan ko si Limuel.
"Ang bait ni Limuel sana hindi ako mahulog sa kanya dahil kung mahulog man ako sa kanya baka maging dahilan ito para masira mga plano ko" Ang sabi ng isip ko
"Naku Akira tigilan mo na kakaisip kay Limuel just remember anak sya ni Erik Saison so just focus on your plans!" Ang sabi ko sa sarili ko.
Sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko at nagpatuloy sa pagtatrabaho dito sa office biglang nag-ring ang cellphone ko so I check it.
"Ay si Mico!" Ang sambit ko na may halong pagkagulat.
Nagmadali na akong sagutin ang tawag ng fiancè ko.
"Beh kamusta ka na?" tanong ni Mico sakin.
"Heto okay lang naman. Eh Ikaw kamusta ka na dyan?" Ang pangangamusta ko.
"Ayos lang din miss na miss na kita beh. Pwede bang magvideo call tayo ngayon?" Ang tanong ni Mico sakin.
"Pasensya na beh na sa office kasi ako ngayon. Don't worry next time babawi nalang ako busy kasi ako ngayon eh" I reasoned.
Gustuhin ko man na makipag-video call kay Mico hindi ko magawa dahil baka malaman nila na may boyfriend na ako makakasira kasi sa mga plano ko kung malaman nila may boyfriend na ako lalo na si Limuel baka hindi nya ako gustuhin kapag nalaman nya kailangan ko pa naman si Limuel para matupad mga plano ko.
"Oh sya magback to work ka na baka mapagalitan ka ng boss mo" sambit ni Mico sakin.
"Oh sige beh ingat ka bye" sabay binababa ko ang cellphone.
This Friday, habang naglalakad ako papasok sa company bigla akong hinarang ng gwardiya dito na ako nagsimulang magtaka.
"Bakit po Manong Guard?" tanong ko.
Kinuha ng gwardiya ang paper bag sa ilalim ng table nya I don't know kung anong laman.
"Ms.Akira para sa inyo" sambit ni Manong Guard sakin.
"Ha? Eh kanino po galing yan?" tanong ko.
"Mam hindi ko po alam kung kanino galing ito pero para raw yan sayo" Ang dahilan ni Manong Guard sakin.
Hindi na ako nag-alinlangan pa na kunin ang paper bag na hawak ni Manong Guard.
"Pakisabi po sa nagbigay salamat dito" Ang bilin ko kay Manong Guard.
Dumeretso na ako sa paglakad nang makarating na ako sa office at saka ko pa lamang tiningnan ang laman ng paper na hawak ko. Mga snacks ang laman ng paper bag then may napansin akong papel na nakatiklop so nagsimula na akong basahin ang nakasulat sa papel.
"Dear Ms.Soledad I hope you enjoy that snacks I gave mag-iingat ka palagi at huwag kang magpalipas ng gutom" Ang pagbasa ko sa sulat na natanggap ko.
Ngunit wala akong ideya kung kanino galing itong snacks pero thankful naman ako dahil may gift para sakin. Nagulat ako ng biglang pumasok dito sa office si Rovel kaya dali-dali kong itago sa ilalim ng table ko ang paper bag na natanggap ko kanina.
Nakita ko si Limuel kaya ako ay tumayo upang bumati.
"Good morning sa inyo Sir Limuel!" Ang masayang pagbati ko na may kasamang matamis na ngiti.
"Good morning din Ms.Akira" Nakangiting pagbati ni Limuel sakin.
Umupo na sya sa upuan nya amoy na amoy ko ang pabango ni Limuel napansin ko ngayon na mas gwapo pala sya kaysa sa pinsan nya lalo na kapag nakaporma.
Seryoso talaga si Limuel sa pag-aaral kung paano magpatakbo ng kumpanya kapag si Sir.Erik ay tumungtong na sa edad na sixty siguradong si Limuel na ang papalit sa pwesto nya as C.E.O ng kumpanyang ito grabe siguro dalawang taon nalang malapit na magsixty years old si Sir.Erik kailangan ko ng magmadali na paibigin ang anak nya.
If ever makasal ako kay Limuel magiging maimpluwensya na ako dahil si Limuel ang magmamana ng lahat.
Limuel's POV
Habang abala ako sa pagbabasa ng files naisipan kong magpatimpla ng kape kay Akira.
"Ms.Akira" Ang patawag ko sa pangalan ni Akira.
Tumingin naman sakin si Akira.
"Yes po Sir.Limuel?" Ang tanong nya sakin.
"Please ipagtimpla mo ako ng kape" Ang utos ko.
"Sige po" Ang pagpayag ni Akira.
Tumayo si Akira at sinimulan na nya ang pagtitimpla ng kape.
Habang nagtitimpla ng kape si Akira hindi ko maiwasan na sya ay pagmasdan.
Pagkatapos ni Akira magtimpla ng kape ko agad kong ibinaling ang atensyon ko sa pagbabasa ng files.
Lumapit sakin si Akira at inilagay nya sa lamesa ang ipinatimpla kong kape.
"Sir.Limuel nakaserve na po coffee nyo" Ang sambit sakin ni Akira.
Tumingin ako kay Akira.
"Thank you!" Ang pasasalamat ko.
Umupo na si Akira sa upuan nya at ipinagpatuloy nya ang pagsasalansan ng files.
Bigla akong napatingin sa relo ko it's 3pm na pala oras na para magmeryenda.
"Ms.Akira it's already 3pm na" Ang sambit ko.
Tumingin sakin si Akira.
"Ahhh okay po" pasimpleng sambit sakin ni Akira.
"Hindi ka ba magmemeryenda?" Ang tanong ko.
"Hindi po muna." Ang sagot ni Akira sakin.
"Sayang aayain sana kita kumain sa labas" Ang sambit ko.
"Ha? Kakain sa labas?" Ang tanong ni Akira sakin.
"Oo. Naghahanap lang ako ng makakasabay kumain eh kaso mukhang ayaw mo kaya huwag nalang" Sambit ko.
"Sige po Sir.Limuel kain tayo sa labas tutal magmemeryenda din ako" Sambit ni Akira sakin.
"Talaga eh kakasabi mo lang kanina na hindi ka magmemeryenda parang nagbago isip mo" sambit ko.
"Pasensya na po Sir.Limuel eh ang sabi po ng iba masamang tumanggi sa grasya kaya po pumapayag na ako ngayon magmeryenda kasama ka sabi mo kasi gusto mo ng kasama" Ang dahilan ni Akira sakin.
"Oh sya lumabas na muna tayo dito sa office" Ang pag-aaya ko kay Akira.
Pinatay ko ang ilaw dito sa office at sabay na kaming lumabas ni Akira.
Naglakad kami ni Akira papunta sa pinakamalapit na restaurant upang doon kumain.
Pagkapasok namin sa restaurant agad kaming umupo sa upuan at umorder narin kami ng makakain.
Habang naghihintay ng order pinagmamasdan ko ang decorations dito sa restaurant habang kami ni Akira ay nakaupo.
"Sir.Limuel pwede ba kitang tanungin?" Ang tanong sakin ni Akira.
"Oo naman" sagot ko.
"Bakit pala nakipagkaibigan ka sakin?" Ang tanong ni Akira sakin.
Dahil sa tanong ni Akira dito na nagsimulang bumilis t***k ng puso ko at kabahan ako.
"K-kaya kita kinaibigan kasi mukhang magkakasundo tayo at magi_" hindi ko na maituloy ang sasabihin ko nang biglang lumapit ang waiter sa amin upang ihatid ang order namin pagkain.
Pagkatapos ilagay ng waiter ang mga order namin pagkain dito sa lamesa agad hinawakan ni Akira ang kutsara.
"Sir.Limuel let's eat" Ang pag-aaya nya sakin.
I smiled at dito na ako nagsimulang kumain.
Two days later...
Limuel's POV
Palihim kong pinagmasdan si Akira habang problemado sya sa binabasa nya. Sana nagustuhan nya ang binigay ko.
Aminado akong gusto ko na sya hindi ko lang masabi dahil wala pa akong lakas ng loob para umamin ng nararamdaman ko para sa kanya. Sana dumating yung araw masabi ko na itong nararamdaman ko kay hirap pala umibig pero masaya. Kapag pumapasok ako sa office masaya ako together with Akira actually matagal na talaga akong may gusto sa kanya eversince I first saw her.
"Ms.Akira!" pagtawag ko sa kanya agad naman syang lumapit sakin.
"Ano po yun Sir?" tanong nya.
"Pwede bang ipagtimpla mo ako ng kape?" request ko.
"Sure no problem" sambit nya.
Nang ipinagtimpla ako ni Akira ng kape ay agad akong humigop sa tasa
"Ang sarap talaga ng kape mo! Salamat!" Nakangiting sambit ko.
"You're welcome Sir.Limuel!" then she smiled at me.
Magaan ang loob ko kay Akira simula pa nung una baka si Akira ang babaeng para sakin na binigay ni Lord. I hope that.
Akira's POV
Habang naglalakad ako papunta sa Manager's office nakasalubong ko si Manong Guard sya ay pawisan at hinahabol ang kanyang hininga may hawak syang flower bouquet.
"Ms.Soledad, may nagpapabigay po nito sa inyo" sambit nya sabay iniabot sakin ang flower bouquet.
Napakamot ako sa ulo "Manong Guard please sabihin mo na kung sino nagpapabigay sa sakin ng mga natanggap ko!" Ang pakiusap ko.
"Pasensya na po pero hindi po pwede" sambit ni Manong Guard.
Wala akong magawa kundi tanggapin ang flower bouquet napag-utusan lang naman kasi si Manong Guard.
Limuel's POV
Nakita ko si Akira may hawak na flower bouquet mukhang problemado sya mukhang kailangan ko na paghandaan ang pag-amin ng nararamdaman ko para kay Akira ngunit wala pa akong lakas ng loob umamin.
Nagulat ako ng bigla akong kinuhit ni Joshua.
"Oh nandyan ka pa!" sambit ko.
"Pansin ko kanina ka pa nakatingin sa kanya. Gusto mo ba sya?" tanong ni Joshua sakin.
Si Joshua ay katrabaho ko medyo malapit kami sa isa't isa the best talaga sya sa pagbibigay ng advice.
Tumango ako
"Alam ba ni Akira na gusto mo sya?"
"Hindi nya alam" sagot ko.
"Naku! Umamin ka na baka maunahan ka ng manliligaw nya"
"Sa totoo lang ako yung manliligaw nya"
"Huh? So it means ikaw si Mistery guy na tinutukoy ni Akira?"
"Oo ako yun" Ang pag-amin ko.
"Limuel gusto ka na nyang makilala kailan mo ba balak umamin?" Tanong ng kaibigan kong si Joshua
"Hindi ko alam nahihiya pa kasi ako" sagot ko
"Oh heto tuturuan kita_"
Hindi maituloy ni Joshua ang kanyang sasabihin sakin dahil bigla nyang nakita si Akira.
"Oh Ms.Soledad nandyan ka pala" sambit nya kay Akira.
Lumingon ako sa likuran ko ay jusko ko she's here baka narinig nya usapan namin ni Joshua. Bakas sa mukha ni Joshua ang pagkagulat.
"Joshua I need your signature" sabay iniabot ni Akira ang folder kay Joshua.
Pinirmahan ni Joshua ang documents sa folder. I got so nervous nang bigla akong tinitigan ni Akira hindi naman ako makatingin ng diretsuhan. Anong gagawin ko hindi ko pa kayang umamin ngayon?
"Sir.Limuel tara na sa office hinahanap ka na ng Papa mo" sambit nya sakin.
Inilipat ni Akira sa kaliwa nyang kamay ang hawak nyang flower bouquet. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko dito na nagsimula lumamig ang aking kamay.
"Tara na kanina ka pa hinahanap ng Papa mo" pag-aaya nya sakin.
Ang bilis tumakbo ni Akira kaya nadumulas ang kamay ko na hawak nya napatingin sya sakin.
"Teka lang bakit ba nagmamadali ka Ms.Akira?" Tanong ko.
"Your father have a important announcement to you hindi ka ba excited?" Saad ni Akira
"Huh? Ano bang announcement yon?"pagtataka ko
"Basta bilisan na natin para malaman mo na" Saad ni Akira
"Pwede bang wag tayong tumakbo? May hapo kasi ako" I reasoned
"Pasensya na Sir.Limuel hindi ko alam na may hapo ka pala"
Napansin ko na nalalagas na ang roses sa flower bouquet na hawak ni Akira.
"Ms.Akira yung petals nalalagas na" Ang pagpuna ko.
Tumingin sya sa hawak nyang flower bouquet mukhang nag-aalala sya.
""Hay naku! Sayang naman nalagas na hindi ko pa naman ito napipicturan" panghihinayang nya.
"Ms.Akira may boyfriend ka na ba?" Tanong ko.
"Ahhhm wala. Eh ikaw may girlfriend ka na siguro ano"
"Wala akong girlfriend actually hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend" sagot ko
"Talaga? Eh sa gwapo mong yan parang impossible naman" Ang pagkantiyaw sakin ni Akira
"Totoo nga, wala pa akong nagiging girlfriend since birth" saad ko
"Oh sya tama na ang usapan na ito. Hanap ka na ng Papa mo"
Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang makarating sa office ni Papa.
"Sir.Erik he is here" sambit ni Akira sa Papa ko.
"Ms.Soledad lumabas ka muna" utos ni Papa kay Akira
"Masusunod po" Saad ni Akira
Lumabas na si Akira dito sa office para makapg-usap kami ni Papa ng masinsinan.
Umupo ako sa harap ni Papa.
"Limuel I saw your efforts for this project that why I congratulate you!" My father smiled at me.
Syempre nakipagshake hands ako.
"Thank you Papa" pagpapasalamat ko.
"Now, hindi na ako mag-aalangan sayo dahil napatunayan mong karapat dapat ka na pumalit sa pwesto ko balang araw"
Akira's POV
Ang tagal ko na naghihintay dito habang nakaupo sa plastic na silya anong oras kaya ako papauwiin ni Sir.Erik? Ang tagal naman mag-usap ng mag-ama hay naku!
Biglang lumabas si Limuel kaya napatayo ako.
"Ms.Soledad thank you sa pagtulong sakin kung hindi dahil sayo hindi matutuwa si Papa!" Nakangiting sambit nya.
"Naku wala yon. Alam mo magaling ka naman talaga eh kulang ka lang talaga sa confidence" Saad ko
"Oh sya pwede ka na raw umuwi sabi ni Papa" Saad ni Limuel sakin
"Hay salamat makakauwi na rin sa wakas" Saad ko pagkatapos ay huminga ako ng malalim
"Gusto mo ihatid na kita pauwe" alok ni Limuel sakin.
"Huh? Talaga Ihahatid mo ako?"
"Oo nga! Payag ka ba Ihahatid kita" tanong ni Limuel
"Naku wag na nakakahiya naman" sagot ko
Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Sige na nga magpapahatid na ako wala kasi akong dalang payong" saad ko
Lumabas na kami ng company at sumakay na kami ng kotse. Ikinabit ni Limuel sakin ang seatbelt na naging dahilan para magkalapit ang aming mukha umiwas ako ng tingin kay Rovel dahil narito ako hindi para sa pag-ibig kundi para magdala ng kamalasan sa pamilya nya.
"Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Limuel sakin habang sya ay nagmamaneho ng kotse.
"Sa Barangay Camunias" sagot ko
"Ahhh okay" maikling Saad ni Limuel
After one hour sa wakas nakarating na ako sa lugar namin.
"Salamat sa pagh
atid Sir.Limuel" pasasalamat ko
"Walang anuman Ms.Akira" simpleng sambit nya na may kasamang matamis na ngiti.
"Ingat ka" Saad ko sabay pagkaway ng aking kanang kamay.
Bumaba na ako ng kotse para maglakad papunta sa bahay.
Itinapon ko sa basurahan ang flower bouquet na natanggap ko baka kasi mapansin ni Ate Josefine na may nanliligaw sakin.
Limuel's POV
Birthday na pala ni Akira ngayon ano kayang regalo maibigay sa kanya? Cake nalang kaya maibigay tutal birthday naman nya.
Bago ako pumasok sa office bumili na ako ng cake para kay Akira I hope she like it.
Umorder ako ng dark chocolate cake sa isang cake shop na malapit dito sa company para kay Akira dahil balita ko mahilig sya sa dark chocolate.
Pagpasok ko sa office mabuti nalang wala pang masyadong tao kaya napakiusapan ko si Manong Guard na ipabigay sa kanya ang cake na binili ko para kay Akira dahil wala pa rin akong lakas ng loob umamin ng nararamdaman ko para kay Akira pero nag-iwan ako ng letter para kay Akira na nakalagay sa envelope na nakadikit sa ibabaw ng kahon ng cake.
Ihahanda ko na ang sarili mamaya para aminin ang nararamdaman ko kay Akira sana magustuhan nya ako gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako katulad ng mga ex nya.
Nagkwentuhan kami nung isang linggo about each other then ikinuwento sakin ni Akira yung past nya na marami syang naging boyfriend inahagi ni Akira sakin kung bakit sya iniwan ng mga naging Ex-boyfriend nya sabi nya niloko sya at ipinagpalit sa iba dahil sa kwento nyang iyon tila gusto kong sabihin na sana ako nalang yun kasi kung ako yun mananatili ako sa tabi nya.
Akira's POV
Papasok na sana ako sa loob ngunit heto na naman si Manong Guard may ibibigay ulit sakin.
"Ms.Soledad happy birthday po. Heto pala yung cake pinabibigay ni Li_"
"Ni ano?" Pagtataka ko.
"Hay naku mam! Alam nyo gusto na po nya makipagkita sa inyo" sagot ni Manong Guard sakin
"Kailan naman magpapakita si Mistery guy?" Tanong ko
"Hindi ko po alam pero basahin nyo nalang yung letter na nasa ibabaw ng kahon" sagot ni Manong Guard
"Sige po Manong papasok na ako" pagpapaalam ko kay Manong Guard.
Tinanggap ko ang cake mula kay Manong Guard na galing daw mismo sa Mystery Guy ko tapos dumeretso na ako sa pagpasok sa loob ng company. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko nang nalaman ko na mamaya na kami magkikita ni Mistery Guy hay sa wakas magpapakita na sya sakin para hindi na ako isip ng isip kung sino ba si Mistery Guy.
Pagpasok ko sa office nakita ko si Limuel at bigla akong napa-isip "Hay bakit ang aga pumasok ni Limuel"
"Hello Ms.Akira good morning" he smiled at me.
"Good morning din Sir Limuel" ang pagbati ko.
Umupo na ako sa chair at binuklat ko ang folder na nakapatong sa ibabaw ng table ko. Nahuli kong tumingin sakin si Limuel kaya tumingin din ako sa kanya ngunit pagkatingin ko sa kanya bigla naman syang umiwas ng tingin sakin napakaweird nya talaga today.
"Ms.Akira happy birthday nga pala sayo" masayang pagbati ni Limuel sakin.
Ako'y nagtataka dahil wala naman akong pinagsabihan kung kailan birthday ko pero paano naman nya nalaman?
"Salamat po Sir.Limuel" I smiled.
"Wait lang Sir. Limuel paano mo nga pala nalaman birthday ko?" tanong ko.
"S-sa f*******:. Ms. Soledad paki-accept nalang ng friend request ko ha" Saad ni Limuel sakin
"Sige i-aaccept ko" ang pagpayag ko.
At exactly 4:40 pm so this is it tapos na work hours namin. Kaya heto ako nagmadaling ligpitin mga gamit sa table ko. Biglang pumasok si Joshua dito sa office.
"Oh anong kailangan mo?" tanong ko.
"Ms.Akira pumunta ka raw sa rooftop may ipagagawa daw sayo si Sir"
"Okay sige pupunta na ako"
Naku paano na ako makikipagkita kay Mistery guy nito kung may trabaho pa ako hanggang ngayon?
"Dalhin mo raw yung documents na nakapatong sa table mo kasi kailangan ni Sir yan at may special announcement din si Sir sayo" utos ni Joshua sakin.
Kaya dinala ko ang mga documents. Nagmadali na ako sa paglakad halos habulin ko ang aking hininga sa pag-akyat ko ng hangdanan papunta sa rooftop. Pagkarating ko sa rooftop tumingin ako sa relo ko.
"Hay naku alas singko na pala mukhang mauudlot ang pagkikita namin ni Mistery guy" laman ng isip ko.
Napansin ko na nag-aagaw na ang dilim at liwanag mukhang gabi na ako makakauwi nito jusme naman.
Nakita kong kumaway si Limuel kaya lumapit ako sa kanya.
"Sir.Limuel heto na yung mga documents na kailangan nyo" Saad ko sabay iniabot ko ang documents kay Sir Limuel.
Napansin ko na may hawak na kung ano si Limuel na itinatago sa kanyang likod
"Sir bakit di nyo pa ito kunin at ano po bang sasabihin nyo sakin na napaka importante?" tanong ko.
Inilabas na ni Limuel ang nakatago sa kanyang likod sabay iniabot sakin.
"Oh heto para sayo"
"Roses? Para saan?" Nanlaki aking mga mata sa nakita ko.
"Akira pasensya ka na kung pinahirapan pa kita"
"Ano bang sinasabi nyo?" pagtataka ko.
Tumingin sakin si Limuel ng diretsuhan habang ako naman ay kinakabahan ngunit pinipilit kong wag kabahan para makatingin ng diretsuhan kay Sir Limuel.
"Akira matagal na kitang gusto pasensya na kung ngayon ko lang sinabi sorry kung pinahirapan pa kita" saad ni Sir Limuel sakin.
"So it means ikaw si_" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang ako inunahan ni Sir magsalita.
"Oo ako nga. Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo natotorpe kasi ako. Akira sa totoo lang mahal na kita" Saad ni Sir Limuel.
"Talaga?" Tanong ko.
Halos hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Oo mahal na kita since I first saw you. Akira alam ko na takot kang masaktan ulit but I promise you hindi ako magiging katulad ng mga ex mo hinding hindi kita sasaktan" saad ni Limuel
Nagsimula nang umagos ang luha sa mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Limuel hindi ko alam pero naluluha ako. Kailangan kong galingan sa pag-arte kailangan kong ipakita kay Limuel na mahal ko sya kahit ang totoo ay hindi ko sya mahal dahil narito ako para magdala ng kamalasan sa pamilya nya.
"Akira, kung hindi ka pa handa pumasok ulit sa relasyon maghihintay ako"
"Limuel sa totoo lang mahal na din kita kaya pumapayag na ako" Saad ko
"Ha?" napakunot noo si Limuel sa sinabi ko.
"Oo pumapayag na akong maging tayo. Mahal din kita Limuel"
Tinanggap ko ang roses na hawak ni Limuel at ngumiti sya.
"Yes kami na!" Sigaw ni Limuel
"Limuel baka may makarinig sayo" ang pagsaway ko.
"Eh ano naman kung marinig nila? Basta masaya ako kasi natanggap ko na ang matamis mong Oo!" nakangiting sambit ni Limuel
Bigla akong niyakap ni Limuel habang magkayakap nag-usap kami.
"Salamat Akira binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka promise hindi kita paluluhain iingatan kita"
"I'm glad because you love me too. Limuel what if ayaw sakin ng pamilya mo?" Tanong ko kunwari nag-aalala ako.
" Sa una siguro baka ayaw nila sayo pero in the end magugustuhan ka din nila. Don't worry kahit ano pang mangyari ipaglalaban kita hindi kita iiwan Akira basta walang bibitaw sa ating dalawa" malambing na sambit ni Limuel.
Limuel's POV
I'm so happy kasi nalaman kong mahal din pala ako ni Akira. Tanda ko pa noong huli kaming nag-usap ng masinsinan dito rin mismo sa rooftop nagkwentuhan kami kasi nakita nya akong nag-iisa dito sa rooftop na nakatulala mahilig talaga akong tumambay sa rooftop kasi tahimik at mahangin actually problemado ako that time. Bigla akong kinuhit ni Akira habang nakatulala ako.
"Uy, Bakit nakatulala ka Sir.Limuel anong problema?" Tanong sakin ni Akira.
Umupo si Akira sa aking tabi.
"Kapag may problema ka I'm here pwede mo akong lapitan" Akira says.
"Ang hirap pala maging tagapagmana ng company minsan naisip ko mas mabuti siguro na si Lenard nalang magmana nito because I think I'm not deserving" I reasoned.
"Sir. Limuel huwag mong sabihin yan! Alam mo hindi naman lahat ng bagay madali minsan kailangan mo lang pagtiyagaan lahat. Kaya mo yan wag kang susuko nakikita ko naman na nag-iimprove ka na" katwiran ni Akira sakin.
"Sabi nila wala pa raw ako sa kalati ni Lenard sa tingin nila mas deserving yung pinsan ko kasi matalino sya at competitive mukhang wala akong maibubuga" malungkot na saad ko.
"Please stop comparing yourself to your cousin dahil magkaiba kayo. Tandaan mo may mga katangian na meron ka na wala sya" payo ni Akira sakin.
"Eh ano naman katangian yon?" tanong ko.
" Yung pagiging mabait mo at pagiging matulungin mo sa tingin ko mas kailangan ng company na ito ang katulad mo. And isa pa matiyaga ka,masipag at determinado kahit hindi ka kasing talino ng pinsan mo may maibubuga ka naman. Hanga ako sayo kasi ang tiyaga mo ikaw na siguro ang pinakamatiyagang tao na nakilala ko" Akira says to me.
Then she smile dumampi ang hangin sa buhok nya kaya naamoy ko ang mabango nyang buhok ngunit hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong kaba habang sya ang aking katabi. Pinalakas ni Akira ang loob ko dahil sa mga salitang binitawan nya sakin. Kaya heto ako ngayon mas nagkaroon na ako ng kumpayansa sa sarili ko dahil kay Akira ito na rin yung naging dahilan ko para aminin itong nararamdaman kong pag-ibig para sa kanya.
Si Akira ang naging dahilan para ganahan ako magtrabaho sa kumpanyang ito araw-araw hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi sya nakikita. Ang saya sa pakiramdam na makita sya. Sana si Akira na yung babaeng makakasama ko habambuhay ayoko sa iba sana sya na nga.
Habang kayakap ko si Akira biglang tumawag si Papa sa cellphone ko kaya sinagot ko ang kanyang tawag.
"Hello po Papa"
"Limuel nasaan ka ba bakit wala ka pa rito sa mansion? Ikaw ay umuwi na"
"Sige po Papa parating na ko pasensya na rin po may tinapos pa ako dito sa office" ibinaba ko na ang tawag.
"Akira pasensya na kailangan ko na umalis hinahanap na ako ni Papa"
"Okay lang Limuel"
"See you tomorrow Akira" Saad ko
Tumingin ako sa kalangitan napansin kong malapit ng magdilim kaya naisip ko kung ihatid ko si Akira.
"Akira gusto mo ba ihatid na kita pauwi?" I suggest.
"Oh sige" ang pagpayag ni Akira na ngayon ay girlfriend ko na.
Inihatid ko muna si Akira sa kanilang bahay gamit ang kotse ko. Hindi na ako tumuloy sa bahay nila dahil ang gusto ni Akira next week na niya ako ipapakilala sa ate nya so pumayag ako gusto nya ganon eh.
Pagkatapos kong ihatid si Akira dumeretso na ako sa pag-uwi sa mansion. Umuwi akong masaya dahil sa wakas girlfriend ko na si Akira. Nangako ako sa sarili ko na araw-araw ko pa rin susuyuin at liligawan si Akira kahit agad kong nakuha ang matamis nyang Oo mamahalin ko sya at hindi sasaktan dahil nasaktan na sya ayokong maramdaman nya ulit ang sakit na naramdaman nya noon sa mga ex nya. Gusto ko pa syang makilala ng lubusan.
Akira's POV
This is it finally kami na ni Limuel sa wakas unti-unti ng umuusad mga plano ko. Pahihirapan ko sila isa-isa ipaparamdam ko sa kanila kung gaano kahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. It's already 10 pm ng biglang nagchat sakin si Limuel. Heto naman ako nakahiga sa kama habang kachat si Limuel na boyfriend ko na ngayon.
"Akira anong gusto mong call sign natin?"
"Ikaw bahala" sagot ko.
"Eh kung Mahal? Ayos ba sayo Akira?"
"Syempre naman Limuel este Mahal hahahha"
"Anong ginagawa mo ngayon?"
"Heto kachat ka"
"Pwede bang magsimba tayo bukas ng umaga mga alas sais?"
"Oo naman basta sunduin mo ako"
"Mahal matulog na tayo maaga pa tayong gigising bukas"
"Oo nga sige Mahal goodnight"
"Good night din Mahal I love you"
"I love you too Limuel"
Itinigil ko muna ang pakikipagchat kay Limuel dahil ako'y matutulog na.
Magpapasundo ako kay Limuel dahil wala naman dito si Ate Josefine.
Limuel's POV
Alas singko na maaga akong nagising dahil magsisimba kami ni Akira ngayon umaga.
Ako'y nag- almusal pagkatapos ay naligo at nagbihis
I'm excited kasi makikita ko ulit ang girlfriend ko.
Akira's POV
"Ang tagal naman ni Limuel makakarating ba sya?" Sambit ko habang naghihintay sa pagdating ni Limuel.
After fifteen minutes...
"Hay sa wakas nandito na sya" Sambit ko nang nakita ko ang kotse ni Limuel.
Bumaba ng kotse si Limuel.
"Pasensya na kung late na akong dumating naflat kasi yung gulong ng kotse ko" Ang paghingi ni Limuel ng paumanhin sakin.
"Okay lang akala ko naman kung ano ng nangyari"
"Tara aalis na tayo"
"Sige" ang pagpayag ko.
Sumakay na ako sa kotse nya. Napansin ko na maasikaso pala si Limuel bukod sa mabait ito ang swerte ko sa kanya dahil sya ang boyfriend ko.
"Oops part ito ng plano ko hindi ako pwedeng magkagusto kay Limuel dahil anak sya ni Erik Saison na syang dahilan kung bakit namatay ang Ina ko" Ang sabi ng isip ko habang isinusuot ni Limuel ang seatbelt sakin.
Thirty minutes later...
Limuel's POV
Nang makarating na kami ng simbahan. Pumasok na kami ng girlfriend ko sa simbahan mabuti nalang hindi pa nagsisimula ang misa. Habang naglalakad kami papunta sa upuan bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. Si Brix lang pala ang dati kong kasamahang seminarista noong na sa loob pa ako ng Seminaryo.
"Limuel long time no see!" Ang pagbati ni Brix sakin.
"Hello Brix oh kamusta ka na?" Ang pangangamusta ko.
"Heto Pari na ako. Eh Ikaw kamusta na?" Tanong ni Brix sakin.
"Ayos lang naman. Heto nga pala girlfriend ko si Akira" Sabay turo ko kay Akira.
"Hello Brix" pagbati ni Akira.
"Yan pala yung babaeng tinulungan natin dati. Naks mukhang destined to each other kayo ah" pabirong sambit ni Brix sa amin ni Akira.
"Sana nga" sambit ko.
"Oh sya magbibihis lang ako malapit na kasi ako magmisa" pagpapaalam ni Brix tapos dumeretso na sya sa
paglalakad papunta sa labas.
Umupo na kami ni Akira para hintayin magsimula ang misa.
Pagkatapos namin magsimba dumeretso na kami sa office para magtrabaho. Actually wala pang nakakaalam ng tunay namin relasyon ni Akira because we are not ready.