Episode 17

4189 Words
lumipas ang ilang mga Araw... Limuel's POV Ang bilis ng panahon today it's our first monthsary heto ako ngayon naghahanda ng surprised para kay Akira dito sa isang restaurant na favorite nyang puntahan. Syempre nag-ayos ako ng sarili ko para magmukhang presentable sa girlfriend ko. Syempre aalayan ko si Akira ng red roses dahil ito ang favorite nya. Thanks God dumating na agad si Akira pumasok na sya sa pintuan ng restaurant na nakasuot ng dress. Kaming dalawa lang ang tao dito sa restaurant dahil nagpareserve ako. "Happy first monthsary Mahal" ang masaya kong pagbati. Ibinigay ko ang red roses kay Akira "For you" "Thank you" Masayang pasasalamat nya sakin then niyakap nya ako. "Happy first monthsary din sayo mahal" sabi ni Akira Pagkatapos akong yakapin ni Akira umupo na sya sa upuan mukhang gutom na girlfriend ko kaya umupo na agad pagkatapos i-serve ng waiter ang food namin. "Limuel tara let's eat" "Sige kumain na tayo" Binuklat ni Akira ang takip ng food at natuwa sya. "Wow carbonara at beef steak my favorite!" Nakangiting sambit sakin ni Akira. "Favorite ko rin yan eh" Sambit ko dahil natuklasan kong pareho pala kami ng paboritong pagkain ng girlfriend ko. "Ahh so it means pareho tayo ng gusto?" "Oo. Mukhang magkakasundo nga tayo eh" Ang sambit ko. Pagkatapos namin kumain ni Akira ay nagsayaw na kami habang tumutugtog ang musikang napakagandang pakinggan. Nakahawak ako sa kanyang baywang then nakahawak si Akira sa aking mga balikat. "Kailan mo ako ipakikilala sa ate mo?" Akira Tanong ko kay Akira. "Soon promise ipapakilala kita" Ang sagot sakin ni Akira Sa mga sumunod na araw naging busy na si Akira dahil sa work kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap. Sa gabi nagkikipagchat ako kay Akira pero minsan hindi na namin natutuloy yung usapan namin tapos kasama sya ni Papa sa business trip sa taiwan almost one week syang wala dito sa Philippines. Habang wala si Akira heto ako nagtitiyagang magtrabaho hanggang makabalik si Akira actually I miss her so much pati na rin si Papa. Nang sumapit na ang lunes narito ako sa rooftop heto nakatayo kasi nagpapahangin ako gusto ko muna mapag-isa para magkaroon ng peace of mind. Akira's POV Finally nakabalik na rin ako sa dito sa Philippines together with Sir.Erik sa halip na dumeretso sa bahay dumeretso agad kami dito sa company ewan ko ba kay Erik Saison kung bakit ayaw pa akong pauwiin at kailangan dumeretso agad dito sa company hay naku naman. Nadatnan kong wala si Limuel dito sa office kaya hinanap ko sya. Umakyat ako ng hagdanan papunta sa rooftop dahil sa rooftop mahilig tumambay si Limuel. Pagkadating ko sa rooftop top I saw him standing mukhang malalim ang iniisip. "Limuel" ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Agad naman lumingon si Limuel, lumapit sya sakin at bigla akong niyakap. Dito sa rooftop ang aming habang yakap namin ang isa't isa nabigla ako sa narinig ko. "What are you doing?" Tanong ni Sir.Erik sa amin. Biglang inalis ni Limuel ang pagkakayakap nya sakin dito na ako nagsimulang kabahan. "Anong ginagawa nyo dito at nagyayakapan kayo?" Tanong ni Erik sa amin. Halata sa mukha ni Erik ang pagkagulat mukhang galit na sya. Hinawakan ni Limuel ang kamay ko. "Papa girlfriend ko po sya matagal na po kami ni Akira" sambit ni Limuel sa kanyang ama. "Ano matagal na kayo?" Ang tanong ni Erik sa amin. "Opo matagal na po kami" Ang sagot ni Limuel sa tanong kanyang ama "Bakit sya pa Limuel marami naman iba yung maari mong makatuwang sa negosyo yung mayaman din tulad natin hindi kayo nababagay sa isa't isa" Heto ako nakikinig lang sa usapan ng mag-ama. "Pero nagmamahalan po kami ni Akira" ang katuwiran ni Limuel sa kanyang ama. "Look kailangan mong makipagkasundo kay Patricia she likes you at willing syang tulungan tayo para maisalba ang kumpanyang ito dahil malapit na tayong ma-bankcrupt Limuel" Saad ni Erik "Papa ayoko kay Patricia hindi ko po sya mahal" saad ni Limuel Napakamot sa ulo si Erik dahil sa mga sinabi ni Limuel. "Limuel maging praktikal ka wala kang mapapala sa babaeng yan!" Pagalit na sambit ni Erik. "Papa lahat naman po ng gusto nyo sinusunod ko" "Remember the day na umalis ka dahil gusto mong pumasok sa Seminaryo kasi gusto mong magpari wala akong magawa noon kasi umalis ka ng walang paalam kaya hinayaan na kita kahit ayokong magpari ka tapos nang lumabas ka na sa Seminaryo heto ka naman ngayon baliw na baliw sa babaeng yan Limuel wala kang mapapala sa kanya. Alin doon ang sinasabi mong sinunod mo lahat ng gusto ko?" Tumingin sakin si Erik Saison "Ikaw ano bang pinakain mo sa anak ko at nagkakaganito sya? Ano bang pang-aakit ang ginawa mo kay Limuel ha?" Pagalit na tanong ni Erik sakin. "W-wala po" Ang pautal-utal kong sagot dahil ninenerbyos na ako. Kung makatingin si Erik sa mga mata ko parang gusto nya akong patayin. Kinuha ni Erik ang cheke sa bulsa ng kanyang suit at ito'y pinirmahan sabay ibinigay sakin. "Alam kong pera lang ang habol mo sa anak ko kaya heto ang cheke siguro naman malaking pera na ito sayo kaya layuan mo na sya" Ang utos ni Erik sakin. "Hindi po, sa totoo lang po Sir. Erik mahal na mahal ko po anak nyo" I reasoned. Pumagitna si Limuel sa amin ni Sir.Erik. "Please huwag naman po kayong ganyan Kay Akira Papa" ang pakiusap ni Limuel sa kanyang ama. Humawak ako sa ulo ko na kunwari ay may masakit sakin. "Ahhh" Ang daing ko "Anong masakit sayo?" Pag-aalalang tanong ni Limuel sakin. "Yung_" hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil nagsimula na akong maghima-himatay. Ramdam kong sinalo ako ni Limuel kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Ginawa ko yon para magpaawa kay Limuel para ipaglaban nya ako sa Papa nyang demonyo. "Please gising!" Pakiusap ni Limuel sakin. Tinapik ni Limuel ang pisngi ko ng paulit-ulit. Sa tono ng kanyang boses ramdam ko ang pag-aalala nya. Hindi nag-alinlangan si Limuel na buhatin ako at isakay sa loob ng kanyang kotse. Dahil sa paghihima-himatayan ko hindi ko napansin na ako nakatulog na pala. Ilang oras ang lumipas... Nagising na lang ako narito na ako sa bahay nakahiga sa sofa. Pagtingin ko sa harapan ko nakita ko si Ate Josefine nakatayo habang nakapamewang mukhang galit sya. "Kamusta na pakiramdam mo ha?" Tanong ni Ate Josefine sakin. Mukhang galit talaga si Ate. "A-ayos na naman ako" I answered pero ninenerbyos na ako. "Akira you are engaged to Mico right? Pero bakit ka nagkikipagrelasyon ka pa sa iba ha?" Tanong ni Ate sakin. Tumaas ang isang kilay ni Ate. "I saw everything sabi ni Rovel boyfriend mo sya. Akira ikakasal ka na tapos nagkikipaglandian ka pa sa iba" Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa. "Nakipagrelasyon lang ako dahil kailangan" I reasoned. "Kailangan bakit? Dahil mayaman sya? Akira naman" "Hindi dahil sa mayaman sya yun ay dahil anak sya ni Erik Saison kailangan ko si Rovel para matupad mga plano ko kailangan ko maging parte ng pamilya nya para ipaghiganti pagkamatay ni Ina'y" So dito na nagsimulang umagos ang luha sa mga mata ko. "Akira alam kong galit ka pero hindi deserve ni Limuel ang sakit na maari nyang maramdaman mula sayo ng dahil lang sa kasalan ng Papa nya" "P-pero Ate ito lang ang paraan na naiisip ko kung magiging parte ako ng pamilya nila mas magiging madali na para satin lahat" "Sa totoo lang hindi ikaw ang Akira na nakilala ko. Ano na bang nangyari sayo bakit hinayaan mong lamunin ka ng galit mo? Hindi mo naman talaga ugali manloko pero heto ka niloloko si Limuel" "Ate kung balewala pagkamatay ni Ina'y para sayo pwes para sakin hindi!" malakas kong sambit. Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. "Hindi totoo yan!" "Bakit kasi sa halip na kampihan mo ako eh parang pinagtatanggol mo pa si Limuel ha?" "Kampihan? Sa tingin mo ba kakampihan kita para saktan ang mga wala naman kinalaman sa pagkamatay ni Ina'y?" "Eh heto nga lang naiisip kong paraan eh. Tandaan mo Ate malaking pader ang babanggain natin kailangan natin ng evidence" "Bahala ka sa buhay mo matanda ka na. Gawin mo gusto mo kalimutan mo na ako ang Ate mo" "Ate hindi mo talaga ako naiintindihan ginagawa ko ito para kay Ina'y" "Sa tingin mo ba matutuwa si Ina'y sa ginagawa mong panloloko ha?" Hindi na ako sumagot pa dahil mas pinili kong magkulong sa kwarto. Wala na akong magagawa dahil nalaman na ni Ate Josefine na magkarelasyon kami ni Rovel. Nagcellphone ako then nakita ko ang chat sakin ni Limuel. "Mahal kamusta ka na? Hinatid na kita dyan sa inyo kasi hindi ka pa nagigising" So this is my reply to his chat "Okay na ako don't worry" "Mahal available ka ba sa Saturday?" tanong sakin sa chat ni Limuel. "Yes but why anong meron?" Tanong ko. "Isasama kasi kita dito sa mansion para ipakilala kay Mama" "Ahhh okay sige" "Oh sya magpahinga ka na see you tomorrow. Good night and I love you" "I love you too Limuel. Good night sweet dreams Mahal ko" So pagkatapos kong makachat si Limuel natulog na ako dahil may pasok na ako bukas. Limuel's POV Today is very special day dahil ipapakilala ko na si Akira sa Mama ko sad to say hindi sang-ayon si Papa sa relasyon naming dalawa ni Akira pero kahit ganon ipaglalaban ko si Akira siguro nga mahirap sa umpisa pero in the end matatanggap din ni Papa ang girlfriend ko. Tonight celebration ng wedding anniversary na ni Mama at Papa kaya nais ni Mama na ipakilala ko na ang girlfriend ko misan naikukwento ko si Akira sa Mama ko I'm glad kasi gusto ni Mama si Akira para sakin. Naisip kong puntahan si Akira sa bahay para ibigay sa kanya itong dress at sapatos na binili ko sa mall kanina. Pagkadating ko sa bahay nila kumatok ako sa pintuan buti nalang pinagbuksan ako ng pintuan ni Ate Josefine. "Magandang araw po Ate Josefine" Ang pagbati ko. "Magandang araw din Limuel tara pasok ka" Pag-aaya ni Ate Josefine. So pumasok ako sa loob at umupo sa sofa. Pinaghanda ako ni ate Josefine ng maiinom napakahospitable talaga nya. "Oh bakit ka narito anong sadya mo?" Tanong ni Ate Josefine sakin. "May ibibigay po kasi kay Akira" sagot ko. "Ahhh okay" tugon nya "Nasaan po si Akira?" Tanong ko "Ayun na sa taas tulog pa. Gisingin ko ba?" Sagot ni Ate Josefine. "Naku huwag na po di rin naman ako magtatagal" sambit ko. Iniabot ko ang paper bag na may laman na dress kay Ate Josefine. "Pakibigay nalang po kay Akira. Aalis na po ako" Ang bilin ko kay Ate Josefine. Tumayo na ako dahil lalabas na ako ng bahay "Oh sige ingat ka Limuel" Nakangiting sambit ni Ate Josefine sakin. "Salamat po!" Sambit ko. Umalis na ako at bumalik na ako sa Mansion. Akira's POV Bumaba ako ng hagdanan para pumunta sa kusina dahil nagugutom na ako bigla akong nagulat nang kinuhit ako ni Ate habang ako'y nagbubuklat ng kaldero. "Bakit?" Tanong ko "Oh heto pinabibigay ni Rovel sayo" sagot ni Ate Josefine sakin habang inaabot ang paper bag. Kinuha ko ang hawak nyang paper bag. "Dress yan at sapatos isuot mo raw para mamaya" sambit ni Ate Josefine. Limuel's POV Tumingin ako sa relo ko nanlaki aking mga mata. "It's already 5:30 pm na kailangan ko na pala sunduin si Akira" sambit ko habang akong na nakahiga ako sa kama. Bumangon na ako at nag-ayos dahil susunduin ko na si Akira. 6:30 na ako nakarating sa bahay nila Akira nadatnan ko ang kanyang Ate. "Nasaan na po si Akira?" Tanong ko habang naghihintay dito sa pintuan. "Hay naku na sa taas pa pero pababa na rin yon" sagot ni Ate Josefine. "Ate bagay ba sakin?" Tanong ni Akira sa kanyang ate. Napalingon ako sa itaas kung saan nakita ko si Akira. "Oo bagay na bagay" sambit ko. Bumaba na si Akira ng hagdanan at lumapit na sa amin. Ipinulupot ni Akira ang braso nya sa braso ko. "Ate aalis na kami" pagpapaalam ni Akira sa kanyang Ate. "Sige. Oh Rovel ingatan mo kapatid ko ha" Ang bilin sakin ni Ate Josefine. "Syempre naman po!" Nakangiting sambit ko. Sumakay na kami ng kotse at sinimulan ko ng magmaneho. One hour later... Akira's POV Inihinto na ni Limuel ang pagmamaneho pagkatapos ipark sa isang tabi itong kotse. "Tara baba na tayo" sambit ni Limuel Bumaba na kami ng kotse. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng mansion. May nakita akong Mansion. "Tara tatawid" sambit ni Limuel Humawak ako sa kanyang kamay habang kami ay tumatawid. Pagkatapos namin tumawid naisip kong magtanong. "Mahal ito na ba bahay nyo?" Tanong ko "Oo heto nga" sagot ni Limuel sakin. Binuksan ni Limuel ang gate at naglakad kami papasok iniikot ko aking mga mata para pagmasdan ang paligid. Ang ganda ng mga halaman mukhang mamahalin napatingin ako sa swimming pool ang ganda ng design. Ang laki ng Mansion gusto ko ang color combination nito na gold and white. Tiyak napakasaya ng buhay ni Limuel dahil mayaman ang pamilya na kinalakihan nya at madali lang para sa kanya na makuha ang anumang gustuhin nya. Pumasok na kami sa loob ng Mansion. Ang liwanag ng paligid sobrang ganda tingnan. "Mama si Akira po girlfriend ko" pagpapakilala ni Limuel sakin sa kanyang ina. "Hello po tita happy anniversary po" Nakangiting sambit ko. Nakipagshake hands sakin ang Mama ni Limuel na si Imelda Saison. She smiled at me. "Maganda naman pala sya Limuel" sambit ni Imelda kay Limuel. "Thank you po" pagpapasalamat ko. Umu po na kami sa bangkuan katabi ko si Limuel mukhang masarap ang mga pagkain na nakahain pero di ako pamilyar sa mga pagkain na nakahain dito sa table ngayon ko lang nakita ito. Hinawakan ni Limuel ang kamay ko. "Huwag kang kabahan mabait naman si Mama actually gusto ka nya" bulong sakin ni Limuel. Lumipas ang dalawang linggo... Akira's POV Sa hindi inaasahan pagkakataong ito nakita ako ni Michelle ang dati kong kaklase masama ugali ni Michelle palagi akong binu-bully nito noon. Anak mayaman si Michelle actually namasukan kaming tatlo ni Ate Josefine bilang caretakers sa bahay nila noong na sa States pa sila medyo natatakot ako kasi pansin ko kanina pa sya nakatingin sakin habang kumakain ako nakaupo si Michelle sa tapat ko. Si Michelle ay girlfriend ng pinsan ni Limuel na si Lenard. "You are Akira Soledad right?" Tanong ni Michelle sakin. Napalingon ako sa kanya at nilakasan ko ang aking loob. "Yes I am" I answered "Parang nagkita na tayo before you are familiar kasi" "Syempre sa company din ako nagtatrabaho eh" I reasoned "Ewan kung saan pero nevermind" saad ni Michelle Napakunot noo si Michelle nakakairita small world talaga kami ni Michelle mukhang di malabong malaman nila ang totoo tungkol sakin na isa akong retokada. Limuel's POV Ang bilis talaga ng panahon next week na pala ang aming first anniversary ni Akira. I want to surprise her magpropropose na ako mukhang wala na talagang makakahadlang sa amin sabi ni Papa sakin bahala na raw ako sa buhay ko desisyon ko ito lalaki ako kaya paninindigan ko mga sinabi ko. Heto ako ngayon busy pa rin pero kahit busy ako syempre naglaan ako ng time para paghandaan ang nalalapit naming anniversary ni Akira. Paunti-unti na akong bumibili ng pangdecorate at mga pailaw mahilig kasi si Akira sa alitaptap kaya naiisip ko bumili ng mga pailaw. Akira's POV Buti na lang sa ibang company nagtatrabaho si Michelle pero minsan nakikita ko sya rito sa company. Everytime na nakikita ko si Michelle dito sa company tinataguan ko sya dahil alam ko ang ugali ng tulad mayabang at mapanlait sa kapwa mukhang hindi malabong mangyari na insultuhin nya ulit ako tulad ng dati. Huli kaming nag-away when we we're second year highschool dahil sa lalaki akala nya inagaw ko boyfriend nya. Ang totoo pinagpustahan lang ako ng boyfriend nyang siraulo dahil maldita si Michelle heto sya nilait ako at ipinahiya sa karamihan ng tao kailangan kong ingatan ang lihim ko dahil maaari itong maging hadlang sa plano ko. Inutusan ako ni Sir.Erik na dalhin kay Lenard ang files. Naglakad ako papunta sa office ni Lenard kumatok ako sa pintuan nagulat ako nang makita kong si Michelle ang nagbukas ng pintuan napansin kong nakataas ang isa nyang kilay mukhang gusto nya akong tarayan. "Oh what are you doing here?" Tanong ni Michelle. "Utos kasi ni Sir.Erik ibigay ko itong files kay Sir.Lenard" I reasoned. "Go pasok ka" Saad ni Michelle. Pumasok na ako sa office ni Lenard para ipatong itong mga files na dala ko sa table. Nagulat ako nang isinara ni Michelle ang pintuan. "Akira Soledad sabi na ikaw yan" galit na saad ni Michelle Napalingon ako kay Michelle magkahalong takot at kaba nararamdaman ko. "Oo ako nga why?" Pagtataka ko. Lumapit si Michelle sakin "I knew you ikaw nga yan Freak Witch" Huminga ako ng malalim. "H-Hinde ah nagkakamali ka po" I reasoned. "Hindi ka makapagsinungaling Akira kahit nagparetoke ka pa malalaman ko parin kung sino ka" "Eh alam mo na pala bakit kailangan mo pang banggitin" I reasoned "Dahil hindi ako papayag na mapunta sayo si Limuel. Hindi ka karapat dapat para sa kanya!" Naiinis na talaga ako sa babaeng ito kaya hindi na ako nakapagpigil na sabihin ang gusto kong sabihin. "Eh sinong karapat dapat? Ikaw?Bakit may gusto ka ba sa boyfriend ko?" Pang-aasar ko. " Wala akong gusto sa kanya actually mas bagay sila ni Patricia kaysa sayo hindi bagay si Limuel sayo dahil isa kang basura" Itinaas ko ang isang kamay ko para sampalin si Michelle. "Go ahead sige sampalin mo ako" paghahamon ni Michelle sakin. Itiniklop ko ang kamao ko at ibinaba ang kamay ko sasampalin ko na sana ngunit naisip ko kung sasampalin ko sya pwede pa ako magmukhang masama kaya nagtimpi na lamang ako kahit naiinis na ako kay Michelle. "Ano hindi mo kaya grabe hindi ka pa rin nagbabago" pang-iinsulto ni Michelle. "Pasalamat ka na sa trabaho ako dahil kung hindi nasampal na kita!" Inis kong sambit kay Michelle. Naglakad ako para buksan ang pintuan dahil gusto ko ng lumabas sa office ni Lenard pero hindi ako nakalabas agad dahil itong si Michelle hindi pa rin ako tinitigilan. "Kahit anong gawin mo hindi ka nababagay kay Limuel isa kang basura" panlalait ni Michelle sakin. Tuluyan na akong lumabas kahit may sinasabi pa sakin si Michelle baka kasi hindi na ako makapagpigil. Ngunit heto ako nasasaktan sa mga sinabi sakin ni Michelle kaya namuo ang luha sa mga mata ko habang naglalakad ako. Sa hindi inaasahan nagkabungguan kami ni Limuel sa paglakakad kaya natumba ako. "Ay sorry" paghingi ng paumanhin sakin ni Limuel. "Okay lang" saad ko. Tinulungan nya akong makatayo. "Oh bakit parang umiyak ka? May problema ba?" "W-wala actually napuwing ako kanina" I reasoned. "Ahh akala ko naman may problema ka nag-alala tuloy ako." Saad ni Limuel "May ribbon cutting tayo bukas may maisusuot ka na ba?" Tanong ni Limuel "Ahhm wala pa" sagot ko "Edi sumama ka sakin mamaya samahan mo akong bumili sa mall" "Hay sus gusto mo lang makipagdate" "Bakit ayaw mo ba?" "Syempre gusto pero masyado mo naman ako iniis-spoiled nyan baka kung ano na maging tingin sakin ng family mo" "Ano ka ba syempre lalaki ako malamang ako yung dapat gumagastos kapag lalabas tayo para magdate" Pagkatapos ng office hours namin me and my boyfriend went to Mall para bumili ng damit na isusuot namin para sa occasion na ribbon cutting dahil may bagong itinayong pabrika sa Laguna. Pagkatapos namin mamili inihatid ako ni Limuel dito sa bahay. "See you tomorrow Mahal ingat ka" sambit ko habang naglalakad si Limuel papalayo sakin. Limuel's POV Heto ako na sa bahay ng girlfriend ko dahil hinihintay ko sya matapos sa pagbibihis. Habang nakaupo ako sa sofa naglaro muna ako sa cellphone ko para hindi ako mainip sa paghihintay ngunit napatingin na lamang ako sa harapan ko nang makita ko si Akira na nakasuot sya ng purple cocktail dress na binili ko para sa kanya ako'y napatulala. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. "Ayos ba?" Tanong ni Akira sakin. "Syempre naman Mahal ayos na ayos" sambit ko She smile "Ayan dapat lagi kang ganyan" sambit ko. "Alin?" Pagtataka ni Akira sa sinabi ko. "Yung palagi kang nakangiti. Mas gumaganda ka kapag nakangiti" "Ay sus nambola ka pa! hahahah" "Hindi ah totoo naman eh maganda ka naman talaga Akira kaya nga nalove at first sight ako sayo eh" "Ewan ko sayo hahaha" Tumayo ako. "Tara alis na tayo baka ma-late pa tayo sa ribbon cutting" sambit ko. "Oo nga baka ma-late tayo" Akira's POV We are here in Laguna ginupit ni Erik Saison ang ribbon then nagpalakpakan mga tao tapos pumasok na kami sa loob ng bagong pabrika na itinayo. May party dito sa pabrika that's why we celebrating the ribbon cutting event. Maya-maya nakita kong may dalang wine si Limuel. "Akira tikman natin ito" alok ni Limuel sakin habang hawak ang wine. "Sige" Ang pagpayag ko. Isinalin ni Limuel ang wine sa baso ko at ininom ko ang wine. Ang sarap ng wine syempre mamahalin eh then biglang sumakit ang tiyan ko mukhang dudumi ako hay bakit ngayon pa wrong timing naman. "Mahal magbabanyo lang ako sandali. Alam mo ba kung nasaan yung C.R" tanong ko. "Ahhhm dumeretso ka doon tapos lumiko ka sa kaliwa" sagot ni Limuel sakin. Pumunta ako sa C.R para ilabas ang dumi ko. Pagkatapos kong dumumi naghugas ako ng kamay nang biglang pumasok si Michelle. "Narito pala ka pala Witch Freak" sambit ni Michelle sakin. "Kung pumunta ka rito para manggugulo sakin please pakitantanan na ako" pakiusap ko. "Hindi ako papayag na mapunta sayo si Limuel kasi hindi kayo bagay" Dahil ayoko ng gulo syempre umalis nalang ako ng kusa para hindi na ako guluhin ni Michelle. Limuel's POV Ininom ko na ang wine na na sa aking baso dahil naiinip na ako ang tagal kasi ni Akira. Naghintay ako ng mahigit thirty minutes tapos wala parin si Akira that's why hindi na ako nagdalawang isip na puntahan si Akira sa C.R. Hindi ako pumasok sa C.R hanggang sa pintuan lang ako syempre pambabaeng C.R ito so I need to respect the girls privacy kaya hindi ako pumasok sa loob ngunit may narinig akong boses parang may nag-aaway sa loob kaya idinikit ko ang tenga ko para marinig ang kanilang usapan. "Hindi ka pwedeng mapunta kay Limuel" ang boses na narinig ko mula kay Michelle na girlfriend ng pinsan ko. "Ano bang problema mo bakit hindi mo ako tigilan? Alam mo para kang bata sa ginagawa mo" pagsagot ni Akira kay Michelle. "Tandaan mo kahit anong gawin mo panget ka parin hindi na yun magbabago pa. Peke yan mukha mo peke!" Nagulat ako sa mga narinig ko. "Hindi, hindi totoo yan" sambit ni Akira. "Stop lying I know the truth na Isa kang retokada!" Hindi na ako nagdalawang isip na kumatok sa pintuan. "Mahal okay ka lang?" Tanong ko na may halong pag-aalinlangan. "Ahhhm okay lang ako palabas na rin ako" sagot ni Akira sakin. Biglang binuksan ni Akira ang pintuan bakas sa mukha ni Akira ang takot kaya nagpanggap akong walang narinig. "Kanina ka pa ba dito Limuel?" "Hindi actually kadarating ko lang" Hinawakan ni Akira ang kamay ko kita ko sa mga mata nya na sya ay takot sabay sabi nyang... "Tara punta na tayo doon" pag-aaya ni Akira sakin. Tumingin ako sa mga mata ni Akira pansin ko mukhang galing sya sa pag-iyak. "May problema ka ba?" Tanong ko. "W-wala okay lang ako" sagot nya sakin. Ilang oras ang lumipas... Medyo napagod ako sa occasion kahapon kaya heto ako nagtiyagang gumising ng maaga para maghanda sa pagpasok ko sa office. Tumingin ako sa calendar. "Oh anniversary na pala namin ni Akira" masayang sambit ko. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil magpropropose na ako kay Akira mamayang hapon. Akira's POV Pumasok na ako sa office ngunit heto ako nakaupo sa upuan habang umiiyak sobra akong nasaktan sa mga sinabi ni Michelle pero pinipilit kong ayusin sarili ko baka biglang dumating ang mag-ama dito sa office at maabutan akong umiiyak baka madiskubre pa nila na retokada ako. Biglang nagchat si Mico sakin "Beh I miss you I hope you are okay" "Don't worry I'm okay actually I miss you too" I replied sabay pagpunas ko ulit sa luha ko. Hindi ko mapigilan ang pagluha hindi ko maintindihan sobra akong nasasaktan sa mga nangyayari. Bigla akong napalingon sa pintuan so ibinulsa ko ang cellphone ko at pinunasan ulit ang luha sa mga mata ko dahil narito na si Limuel sa loob ng office. "Limuel happy anniversary" Nakangiting sambit ko. Napakunot noo si Limuel sakin at lumapit. "Oh bakit parang umiyak ka? There's any problem?" Tanong ni Limuel sakin na may halong pag-aalala. "W-wala naman actually may sore eyes ako" I reasoned. "Mama ya may pupuntahan tayo magbihis ka ng maganda ha" sambit ni Limuel sakin. "Okay sige" Ang pagpayag ko. Hinalikan ako sa noo Limuel . "Kapag may problema ka magsabi ka sakin dapat walang sikreto sa isa't isa" "Oo promise walang sekreto"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD