Episode 18

4015 Words
Limuel's POV After work hours inihatid ko si Akira sa kanilang bahay pagkatapos ay dumeretso ako sa mansion namin para hiramin ang table cloth, table,upuan at pati narin iba pang gagamitin sa decoration na gagamitin ko sa date namin ng girlfriend ko mamaya syempre nagluto na rin ako ng paboritong pagkain ni Akira na carbonara, pansit at shanghai syempre naggawa narin ako ng desert nagbake ako ng cookies pagkatapos kong magluto naligo na rin ako. Pagkatapos kong maligo inayusan ko sarili ko dahil gusto ko magmukhang presentable sa kay Akira. Sa tabing ilog ako magpropropose sa girlfriend ko dahil sariwa ang hangin at tahimik. This day is very special because this is our first anniversary si Akira ang babaeng gusto kong makasama habambuhay kaya ngayon araw na ito ay magpropropose na ako. Si Akira ang aking first love at first girlfriend I hope she will be my future wife ayoko ng humanap ng iba ang gusto ko sya nalang kaya heto ako magpropropose na. Naupo muna ako dahil napagod ako sa pagdedecorate para sa wedding proposal ko kay Akira. Habang umiinom ako ng tubig biglang nag-ring ang cellphone ko so I answer the call. "Limuel tapos na akong magbihis ahhm pwede ka ng pumunta dito" sambit ni Akira. "Sige papunta na ako" sambit ko. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at nagmadali na akong puntahan si Akira sa kanilang bahay para sunduin. Akira's POV "Ang tagal naman ni Limuel" Inis kong sambit habang hinihintay ko ang boyfriend ko. Bigla nalang may kumatok sa pintuan so I think he's here kaya binuksan ko ang pintuan. "Oh Limuel bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa boyfriend ko. "Ahhm pasensya na eh naflat kasi yung gulong ng kotse ko" he reasoned. "Di bale ang mahalaga you're here" Napansin kong pinapaikot-ikot ni Limuel ang panyo ng parolyo. "Oh para saan yan?" Pagtataka ko. "Tumalikod ka" utos ni Limuel sakin. Kaya tumalikod ako I think may surprise sya sakin para sa first anniversary namin. Nilagyan ng panyo Limuel ang mata ko kaya ngayon wala akong makita. "Paano ako makakapaglakad ng ayos eh tinakpan mo ng panyo mga mata ko? Baka madapa lang ako" Biglang hinawakan ni Limuel ang kamay ko. "Oh ayan nakahawak na ko sa kamay mo para di ka matakot" sambit nya. Maya-maya lamang bumaba na kami ng kotse. Inalalayan ako ni Limuel sa paglakakad dahil wala akong makita. "Oh dahan-dahan lang sa paglalakad medyo mabato" "Eh nasaan ba tayo?" Tanong ko. "Secret basta malapit na tayo" Pinagpapawisan na ang kamay ko medyo excited kasi ako then bigla kaming napahinto sa paglalakad. "Mahal nandito na tayo pwede mo ng tanggalin yung panyo" sambit ni Limuel. Tinanggal ko ang panyo na nakatakip sa aking mata. Tumingin ako sa paligid at biglang napangiti grabe ang sariwa ng hangin tapos ang ganda ng paligid. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang tabing ilog naaalala ko ang pagkabata ko when I was a kid kapag bakasyon dumadayo kami ni Ina'y sa tabing ilog para mamasyal. "Ano nagustuhan mo ba surprise ko para sayo?" "Syempre naman Mahal nagustuhan ko" Nakangiting sambit ko. Hindi ko maiwasan maging masaya ngayon dahil siguro sa nakikita kong magandang tanawin. Walang pinagbago ang lugar na ito simula noong namasyal kami dito ni Ina'y as in malinaw pa rin ang tubig. "Ikaw ba lahat naghanda nito?" Tanong ko. "Oo bakit?" "Well infairness ang ganda ng pagkakadecorate mo ha pwede ka ng kunin sa catering service" pabirong sambit ko. Si Limuel ngumiti lang tapos kinuha ang pink roses sa table. "Happy first anniversary satin! flowers for you" sambit nya sabay iniabot ang pink roses sakin. "Oh thank you" pagpapasalamat ko sabay inamoy ko ang roses. "A-Akira may sasabihin pala akong importante sayo" "Ano yon?" tanong ko Nagulat ako nang bigla na lamang lumuhod si Limuel sa harap ko at inilabas nya ang sing-sing. "Akira ikaw yung unang babae na nagparamdam sakin kung paano magmahal at ikaw rin ang unang babaeng minahal ko at first girlfriend ko. Akira ikaw yung gusto kong makasama habambuhay will you marry me?" Dito na ako nagsimulang umiyak. "Kung hindi ka pa handa magpakasal okay lang kahit kailan mo gustong magpakasal okay lang maghihintay ako" he added. "Pero ang bilis naman natin! Sigurado ka na ba talaga? Di biro pag-aasawa Limuel sa totoo lang" Pagtataka ko. "Pero sa totoo lang para sakin Akira ayoko nang pakawalan ka pa kasi ayoko nang may makapagpahiwalay satin alam naman natin pareho di parin boto satin mga magulang ko kaya nagpropropose nako ngayon. Huwag kang mag-alala kung mahirap man handa akong magtiis. Mag-iipon tayo at magpapagawa ng bahay natin saka payag parin naman akong magwork ka kung gusto mo I'm still support you sa goals at pangarap mo!" paliwanag ni Limuel sakin. "Salamat love! Pinaglalaban mo parin kung anong meron tayo! Salamat kasi napaka supportive mo! Kaya mahal na mahal kita!" Nakangiting saad ko. "Lahat naman gagawin ko para ipanalo ka!" Saad ni Limuel dahilan para ngumiti ako. "Limuel sorry kasi retokada ako! Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo" malungkot kong sambit. Tumayo si Limuel ngunit heto patuloy parin sa pag-iyak hindi ako makatingin sa kanya ng diretsuhan. "Sorry Limuel kung nagsinungaling pa ako sa sinabi ni Michelle sayo lahat ng sinabi nya totoo. Totoong napakapanget ko sobrang panget ko Limuel!" Napahawak na si Limuel sa mukha ko kaya tumingin ako sa kanya "Look at me huwag kang magsorry kasi wala kang kasalanan hindi mo kasalanan kung ganyan ka pinanganak at Isa pa walang masama sa pagiging retokada mo tandaan mo tanggap kita kasi mahal kita tanggap kita kahit ano pang maging itsura mo ikaw pa rin ang gugustuhin ko Akira wala ng iba" "T-talaga ba Limuel?" "Oo naman syempre!" Pinunasan ni Limuel ang luha ko. "Ano Akira payag ka na ba? Sigurado ka na ba sakin?" Paninigurado ni Limuel sakin "Syempre naman I want to marry you!" tugon ko Isinuot ni Limuel ang sing-sing sa daliri ko at hinalikan ko ang labi ni Limuel and niyakap na namin ang isa't isa. Amoy ko ang mabangong pabango ni Limuel sa katawan. Pagkatapos namin kumain sinimulan na ni Limuel ang pagpapatugtog ng love song sa kanyang cellphone ipinatong ito sa table then tumayo sya at iniabot ang kamay nya sakin. "Tara sayaw tayo" alok ni Limuel sakin. "Sige" Ang pagpayag ko. Pumwesto kami sa gitna nakahawak si Limuel sa aking baywang tapos ako naman ay nakahawak sa kanyang mga balikat habang nagsasayaw. Habang nagsasayaw kami dito na kami nagsimulang magkwentuhan. "Kailan mo ba gustong magpakasal?" Tanong sakin ni Limuel. "Sa February one" sagot ko. "Talaga? Eksakto birthday ko yon" "Eh gusto mo ba ibahin ko yung date?" "Huwag na okay na ko maganda nga yun eh kasal natin tapos birthday ko pa" "Ilan taon ka na ba sa wedding day natin?" "Turning twenty nine years old" "Anong gusto mo mag secret wedding tayo or yung dream wedding mo yung gusto mo?" Tanong ni Limuel sakin. "Basta ang mahalaga sakin makasal tayo! Para lagi na tayong magkasama at pwede na tayo tumira sa iisang Bahay kung gusto mo magtanan na tayo agad bago magpakasal" suggestion ko kay Limuel. "Ayoko ng ganun set up para satin Akira mas deserve mong pakasalan muna ayokong itanan ka! At gusto ko malinis tayong haharap sa altar! Ibig kong sabihin gusto ko birhen tayong haharap sa altar " Sagot ni Limuel sakin. Bigla akong natahimik dahil may naalala bigla ako. "Birhen?" Malungkot na saad ko. "Bakit di ba yun naman ang tama? Saka ayokong may mangyari na agad satin pag nagtanan agad tayo ayokong matukso!" He reasoned. "Naniniwala ka parin pala sa marriage first before anything else! Honestly bibihira nalang kayo na ganyan ang mindset lalo na ikaw lalaki ka pa naman kasi " saad ko Iniikot ako ni Limuel habang patuloy parin kami sa pagsasayaw at pagkukwentuhan. "Mahalaga ba sayo kung birhen mapapangasawa mo? paano kung hindi na?" Tanong ko. "Bakit? Sorry sa tanong ko ha pero may napagbigyan ka na ba ng sarili mo?" " Tanong sakin ni Limuel. "Honestly di ko ginusto lahat kindly please just stop this kind of topic nakakastress kasi!" I reasoned. "Sige sabi mo eh!" saad ni Limuel sakin. Bigla ko naalala lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko when I was 18 years old college palang ako noon sa Thailand pa ako nag-aaral that time. Nag flashback sakin mga ginagawa sakin ng prof ko na pananamantala at pati narin nagawa sakin pamimilit ni Mico na makipagtalik nung lasing kami that's why I can't stop my tears to drop now at dali-dali ko itong pinunasan. "Oh bat parang naiiyak ka?" Tanong ni Limuel sakin. "Wala naman Love!" sagot ko. Finally we are engaged unting-unti ko na makukuha ang loob nilang lahat. Isang Oras ang lumipas... "Nag-enjoy kaba tonight?" Tanong ni Limuel sakin. "Oo naman!" Tugon ko. "Pwede ba kitang halikan? Halik lang naman!" Pagpapaalam ni Limuel sakin "Ahh oo pero_" hindi ko na maituloy ang aking sasabihin dahil bigla na lamang hinalikan ni Limuel ang labi ko. Namilog aking mga mata dahil nashock ako sa biglaan nyang paghalik sa labi ko so wala akong magawa sa oras na ito dahil kahit ako mismo napapikit na lamang. Sa ginagawang paghalik sakin ni Limuel hindi na ako makapag-isip pa dahil nadadala na ako sa halik nya sakin kusang gumalaw ang isa kong kamay namihinga ito sa kanyang likod dahil lumalalim na ang paghalik nya sa labi ko kaya bago pa ako mawala sa katinuan itinikom ko na ng mariin ang labi ko sabay sabi nya. "Ahhhm pasensya nabigla ako" sambit ni Limuel sakin pagkatapos nyang halikan ang labi ko. "Okay lang" sambit ko tapos ngumiti ako ng konti. "That's enough baka kung saan pa mapunta ito!" Saad ni Limuel sakin. Pagkatapos ng moment na ito sumakay na ako ng kotse kasama si Limuel dahil gusto raw nyang ihatid ako pauwi sa amin. Bago ako bumaba ng kotse nagkwentuhan muna kami. "Finally we are engaged!" Masaya kong sambit kay Limuel. "Syempre, Salamat Akira binigyan mo ako ng pagkakataon mahalin ka alam ko marami ng lalaki ang nanloko sayo kaya asahan mo hindi ko gagawin sayo ang ginawa nila sayo I love you always hindi ko na hahayaan masaktan ka" sambit ni Limuel sakin sabay hawak sa kamay ko. "Alam ko naman yun Limuel that's why I trust you thank you kasi tinanggap mo ako kahit retokada ako" "Syempre tanggap kita dahil mahal kita" sambit nya. Unting-unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang labi nya sa labi ko and my palm is resting on his back then bigla na lang nagring ang cellphone ni Limuel kaya napadilat ako. "Akira sagutin ko lang ito" ang pagpapaalam nya sakin na sasagutin nya ang tawag ng Mama nya. "Oh sige sagutin mo. Limuel baba na ako ng kotse gusto ko ng magpahinga" "Oh sige I love you" "I love you too Mahal ko" Ang malambing kong sambit. He kissed my cheeks at tuluyan na akong bumaba ng kotse. Sumapit ang 10 pm ng gabi heto ako nakahiga lang hindi ako makatulog kaya naupo nalang ako sa kama para mag cellphone para libangin ko ang aking sarili. Limuel's POV Dahil hindi ako makatulog mas pinili ko nalang maligo para masarap ang tulog ko pero hindi pa rin ako makatulog kaya naisipan kong magbasa ng book. Natapos na ako sa pagbabasa ng book pero hindi pa rin ako makatulog bigla akong napahawak sa labi ko naalala ko bigla girlfriend ko si Akira hindi ko maiwasan maalala yung kiss kanina kaya napangiti ako heto ako nakahiga nangangarap. Akira is my first love and my first kiss I hope she's the one sana sya na yung babaeng inilaan sakin ni God. Naalala ko pa noong una ko syang nakita ang saya ko I don't know why but I think this is love at first sight sa loob ng twenty eight seven na pamumuhay ko sa mundong ito now ko lang naramdaman kung paano ma-inlove. Akira's POV Habang nanonood ako ng video sa YouTube bigla na naman sumagi sa isipan ko ang halik ni Limuel sakin kanina kaya na-distruct ako. "Akira naman huwag mong isipin si Limuel! Remember anak sya ni Erik Saison na pinaghihigantihan mo please just stop thinking of him hindi sya mahalaga props lang sya sa plano mo. Alalahanin mo si Mico dahil si Mico lang talaga ang mahal mo" Ang sabi ng isipan ko. Hindi mawala sa isipan ko ang paghalik ni Limuel sa labi ko kanina dito na ako nagsimulang mainis sa sarili ko. Biglang tumawag si Mico sakin ang original kong boyfriend na nagtatrabaho sa Germany that's why I answer the call. "Hello beh kamusta na?" Tanong ko. "Ayos lang naman eh ikaw?" "Ayos lang den I love you so much Lim_" napatigil bigla ako sa pagsasalita nang napansin kong muntikan ko ng bigkasin ang pangalan ni Limuel. "Lim?? Anu yon ha?" Pagtataka nya. "Ahh pasensya na mahal Este beh inaantok na kasi ako kaya kung ano-ano na mga nasasabi ko" ang aking palusot. "Oh sya matulog ka na alam ko naman sobrang busy mo kanina I love you and take care of yourself beh" "Okay beh. Ingat ka I love you" "I love you too Akira ko" Then ibinaba ko na ang tawag napansin kong wala na kami masyadong communication ni Mico parang nakakatamad na syang kausap hay ewan makatulog na nga. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi parin mawala sa isip ko yung kiss. Pagsapit ng linggo... Limuel's POV Isinama ko ang girlfriend kong si Akira sa Mansion para ipaalam sa parents ko na kaming dalawa ay engaged na at kami ay magpapakasal na sa isang buwan. Kasama namin sa hapag kainan si Lenard at ang girlfriend nya tapos si Mama, Papa, ako at si Akira kaming lahat ay nagsasalo-salo sa pagkain na nakahain sa lamesa. "Limuel anong okasyon at nagluto ka ng maraming pagkain?" Tanong ni Mama sakin. Hinawakan ko ang kamay ni Akira. "Mama at Papa magpapakasal na po kami ni Akira" sagot ko. "Kasal? Eh iisang taon palang relasyon nyo hindi nyo pa kilala ang isa't isa tapos kasalan agad?" Sambit ni Papa. Hinawakan ni Mama ang kamay ni Papa. "Erik suportahan nalang natin sila sa gusto nila" sambit ni Mama kay Papa. "Hindi naman sa kumokontra ako Limuel eh hindi mo pa naman kilalang lubusan babaeng yan malay mo pera at kayamanan lang ang habol nya sayo" sambit ni Papa sakin. "Pasensya na mawalang galang na po hindi po ako pinalaki ng Ina'y ko na ganid" ang matapang na pagsagot ni Akira kay Papa. "Bahala ka Limuel matanda ka na kaya bahala ka na sa buhay mo sana lang hindi ka magsisi ng dahil pinili mo sya" paalala ni Papa sakin. "Papa please wag naman kayong ganyan kay Akira" ang pagsaway ko sa Papa ko. "Bahala ka! Kung si Patricia ang mas pinili mong maging girlfriend magiging maayos lahat pati utang ng company natin mababayaran" suggestion ni Papa sakin. "Papa huwag po kayong mag-aalala gagawa po ako ng paraan para maisalba kumpanya natin kahit hindi ako magpakasal sa taong hindi ko mahal" sambit ko. "Yan ang problema sayo Limuel puro kagustuhan mo nalang lagi ang sinusunod mo mabuti pa hindi ka nalang bumalik wala ka naman palang silbi" Ang masakit na salitang binitawan ni Papa sakin dahilan para mamuo luha sa mata ko nang napansin ko na may umagos na luha sa pisngi ko ay agad ko itong pinunasan upanag di nila mahalata ang luha sa mata ko. Dito na ako nagsimulang malungkot ang baba parin ng tingin sakin ni Papa hanggang ngayon. "Excuse lang po may silbi si Limuel kung hindi dahil sa kanya kakaunti pa rin ang investor natin sa company and last he did his best para mabenta lahat ng product sa ibang bansa Sir.Erik yun pa ba ang walang silbi sa inyo?" Sambit ni Akira kay Papa. Hinawakan ko ulit ang kamay ni Akira para itigil nya ang pagsagot kay Papa. "Akira please!" Mahinang saad ko. "Eh totoo naman Limuel ah marami kang nagawa sa kumpanya kahit noong baguhan ka palang" "Huwag kayong mag-away sa harap ng grasya mabubusong tayo" ang pagsaway ni Mama sa amin . Ako na ang nagpakumbaba para matigil na ang pagtatalong ito dahil ayokong makaaway si Papa ang gusto ko maayos lahat. Tumayo si Papa sa kinauupuan nya sabay ibinaba ang kubyertos. "Hay nako nakakawalang gana kumain" sambit nya tapos naglakad palabas ng Mansion. Akala ko na-appreciate ni Papa lahat ng efforts ko yun pala hindi pa rin ang baba parin ng tingin nya sakin simula noon he always compares me to my cousin dahil matalino ito at honor student tapos confident pa sa sarili kaya minsan hindi ko maiwasan mainggit kay Lenard dahil mukhang mas paborito sya ni Papa. Hinimas ni Akira ang likod ko sabay sabi nya sakin na "Ayos lang yan love! Basta kahit anong mangyari matuloy kasal natin!" "Oo naman nagpromise na tayo sa isat isa diba what if mag secret wedding tayo like magpakasal muna tayo sa Mayor?" Suggestion ko "Wala naman problema love kung saan tayo ikakasal. Ang important lang sakin makapagpakasal na tayo tapos titira tayo sa iisang bahay at araw-araw tayong magkasama" Akira's POV Nagvivideo call kami ni Limuel ngayon hapon habang ako ay nakadapa sa kama "Oh bakit nagpavideo call ka?" Tanong ko. "Gusto kasi kitang makita" he reasoned. "Limuel, bukas na wedding day natin" "Oo nga excited na ko eh Ikaw?" "Syempre excited na ako magiging mister na kita bukas eh" malambing kong sambit kay Limuel. "Ako rin excited na akong maging misis ka hahahha. Magbihis ka ng maganda mamaya may party tayo kasama sila Lenard" "Party? Anong meron?" Tanong ko. "Basta secret! Hahahaha" "Sayang saya ka ata ngayon ah puro ka tawa" "Syempre excited ako kaya ako nagtatawa" "Hahahha Ikaw talaga Limuel walang pinagbago" sambit ko habang umiiling. "Bakit naman ako magbabago tandaan mo kahit tumaba ka at pumuti pa yan mga buhok mo Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko forever" "Talaga Limuel?" "Oo naman. Mahal kaya kita" "Siguraduhin mo lang tutuparin mo mga pinagsasasabi mo naku ayoko ng liar" "Abay oo nga. I will love you forever and ever eh ako ba?" "Syempre naman! Ikaw na ata ang pinakaloyal na nakilala ko." "Loyal na pogi pa hahaha" "Oo na pogi ka na! Ikaw talaga puro biro" "Para sakin Ikaw ang pinaka maganda para kang Miss universe" "Hahahaha Ikaw talaga oh sya magbibihis lang ako ng maganda tapos sunduin mo ako dito sa bahay" "Okay sige take care of yourself kumain ka muna ng hapunan baka magutom tayo sa haba ng program" "Sige Limuel" Pagkatapos kong magmeryenda naligo na rin at nagbihis. Maya-maya lamang dumating na si Limuel dito sa bahay namin para ako ay sunduin. Sumakay kami ng kotse pagkadating namin sa Dasma nasurpresa ako dahil engagement party namin ni Limuel ang occasion akala ko celebration ng birthday ni Lenard hindi naman pala. "Ikaw talaga Limuel sinurpresa mo ako" Nakangiting sambit ko. "Syempre para sayo!" Sambit ni Limuel sakin. "Tara let's eat everyone alam ko gutom na kayo" sambit ni Limuel sa lahat. "Limuel anak pwede na mag-usap muna tayo sa labas?" sambit ni Imelda kay Limuel na aking magiging mother in law. "Sige po Ma" sagot nya. "Mag-uusap lang kami ni Mama sa labas" bulong ni Limuel sakin. "Okay sige" Ang pagpayag ko. At 9pm naglabas ng isang case ng beer si Lenard at ipinatong ito sa aming table. "Oh Tara tikman natin itong wine this is from Germany imported na imported ito" alok ni Lenard sa aming lahat. "At Isa pa walang uuwing hindi lasing" he added. Tumayo si Limuel "Ahhm bawal akong mag-inom kasi ako yung magda-drive" "Walang exempted! Sige ganito nalang papayag akong umuwi ka ng hindi lasing pero inumin mo ng straight itong beer" Ang hamon ni Lenard kay Limuel. "Go kaya mo yan Limuel" Ang pagsuporta ko. "Oh support ka naman pala ng future wife mo Limuel sige na inumin mo na" Pakiusap ni Lenard kay Limuel. Tumingin sakin si Limuel. "Sige pero isang bote lang ha" Ang pagpayag ni Limuel sa hamon ni Lenard. Nagpalakpakan sila at naghiyawan. Nangasim ang mukha ni Limuel habang iniinom ang beer. Pumalakpak si Lenard nang maubos na ni Limuel ang isang bote beer. "Nice bro nagawa mo!" Ang papuri ni Lenard kay Limuel Umupo na si Limuel sa tabi ko. Pagkatapos ng engagement party sumakay kami ni Limuel sa kotse. Biglang nagkalapit ang aming mukha nang ikinakabit nya ang seatbelt ko kaya nagkatinginan kami. Amoy ko ang mabango nyang hininga kahit sya ay nakainom. Dahil sa pagod ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa byahe kaya nagising na lamang ako na narito na ako sa loob ng bahay. On the first day of February... Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. "Wow ang ganda ng pagkakamake-up sakin ah!" Nakangiting sambit ko habang pinagmamasdan ang sarili ko habang suot ko ang wedding gown. Today is my wedding day ikakasal na ako kay Limuel na-distruct ako nang bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko so I answer the call. "H-hello Mico bakit napatawag ka? Kamusta ka na?" Pautal-utal kong tanong. "Akira totoo ba?" Tanong nya sakin. "Ang alin?" "Na i-ikakasal ka na. Totoo ba yun beh" pautal-utal nyang tanong sakin. "Saan mo naman nakuha tanong mong yan?" Tanong ko habang namumuo ang luha ko sa mga mata ko ngunit pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. "Akira please tell me the truth. Totoo ba?" Pagalit nyang tanong sakin. "Oo Mico tama ka ikakasal na ako pero_" di ko na maituloy ang sasabihin ko dahil ibinaba na ni Mico ang tawag. "Hello Mico" sambit ko habang natataranta Ngayon nalaman na ni Mico na ako'y ikakasal na nangangamba ako dahil baka kung anong gawin ni Mico at siya pa ang maging dahilan para hindi ko matupad mga plano kong paghihiganti sa mga Saison hindi ako pwedeng pumalpak dahil matagal ko na itong pinagplanuhan kaya hindi ako papayag na hindi ito matuloy. Limuel's POV Inayos ko ang necktie ko at pinagmasdan ko ng mabuti itong damit na suot ko sa araw na ito finally ikakasal na ako sa araw na ito kaya lang kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kasi kinakabahan ako. Ang kaibigan kong si Brix ang kinuha kong magkakasal sa amin ni Akira dahil ito ang aming kasunduan noong Seminarista pa kami na kapag ako ay hindi matuloy sa pagpapari at kung sa pag-aasawa ako matutuloy siya ang magkakasal. But now ikakasal na ako kaya matutupad ang aming kasunduan noon. Simula sa araw na ito wala ng makapaghihiwalay sa amin ni Akira ito na ang araw na magbubuklod sa amin dalawa. Pagkatapos kong magbihis nagpunta na ako sa simbahan kasama parents ko. Sa simbahan na ito kami unang nagkakilala ng aking future wife I think we're destined to each other. On this day I will do my best as a good husband to my wife I promise that I will love her until my last breath. Akira's POV I'm here inside the car pinipigilan ko parin ang pagtulo ng luha ko. Bumaba ako ng kotse dahil nandito na ako sa simbahan. Nagbukas ang pintuan ng simbahan I'm so emotional while I'm walking on the aisle hindi ko parin mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko kaya ngumiti nalang ako kunyari tears of joy itong nararamdaman ko kahit tears of sorrowful dahil nasaktan ko ng sobra si Mico dahil sa pagpapakasal ko kay Limuel. Now Limuel is here by my side at tuluyan nang sinimulan ni Father Brix ang seremonya ng aming kasal. "Sa ngalan ng ama ng anak at espiritu santo. Amen" Sambit ni Brix nang simulan nya ang seremonya ng aming kasal. Magkahalong lungkot at kaba ang narar amdaman ko ngayon araw ng kasal namin ni Limuel. Mico's POV "Bakit ginawa mo ito sakin Akira? Minahal kita ng sobra ibinigay ko lahat kulang parin ba?" Tanong na paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko. Bumili ako ng tequila sa grocery store hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon napakasakit dahil sobrang sakit kasi ikakasal na ang babaeng pinakamamahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD