CHAPTER 6
THIRD PERSON POV
Nagising ang umaga sa tunog ng mga manok at sa malamig na hanging dumadaloy mula sa pagitan ng mga puno ng niyog. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang sumilip sa maliit na bintana ng kubo, tinamaan ang papag na kawayan kung saan mahimbing na natutulog si Sky Santillian nakatagilid, yakap ang lumang unan ni Jhon na para bang iyon ang pinakapinapahalagahan niyang kayamanan.
Sa kabilang banda ng kubo, nakaupo si Jhon Ohen Paga sa gilid ng pinto. Hindi man lang siya halos nakatulog. Buong gabi siyang nagbantay sa apoy at… kay Sky.
Kung tutuusin, sanay siyang magpuyat. Sanay siyang mapagod. Pero hindi siya sanay sa presensyang ganito isang presensyang nagpapakaba, nagpapainit ng dibdib, at nagpapagulo ng isip niya kahit wala namang ginagawa bglang umungol si Sky.
“Hmm… Jhon…”
Napatigil ang paghinga ni Jhon.
Dahan-dahang umikot si Sky, sabay bagsak ng braso sa mukha ni Jhon.
“ARAY!”
Napatalon si Jhon paatras. “Sky! Gising!”
“Ha?!” biglang upo ni Sky, gulat na gulat. “Nasaan ako?!”
“Sa kubo ko,” sagot ni Jhon, hawak ang ilong.
Tumingin siya sa paligid, sabay napakamot sa ulo. “Ay oo nga pala. Sinamahan kita.” Tapos bigla siyang tumingin kay Jhon mula ulo hanggang paa. “Bakit parang puyat ka?”
“Ewan ko,” sagot niya. “May multo kasi rito.”
“Ay!” sigaw ni Sky sabay kapit sa braso niya. “Saan?!”
“Joke lang,” seryosong sagot ni Jhon.
Tinapik siya ni Sky. “Bwisit ka!”
Napatawa si Jhon. Isang totoong tawa. Yung tawang bihira niyang ilabas, pero kusang lumalabas kapag si Sky ang kasama.
Tumayo si Sky, nag-inat, at muntik nang mabunggo ang ulo sa bubong ng kubo. “Aray! Ang liit nito!”
“Sakto lang sa’kin,” sagot ni Jhon.
“Eh ang tangkad mo ba?” balik niya.
Lumabas sila ng kubo. Ang umaga ay sariwa. Tahimik. May dalang pag-asa na hindi maipaliwanag.
“Ano’ng plano mo ngayon?” tanong ni Sky.
“Magbubuhat ulit ng copras,” sagot ni Jhon. “Ikaw, uuwi ka na.”
Umiling si Sky. “Hindi.”
“Sky”
“Wala kang magagawa,” sabay ngisi niya. “Tutulong ako.”
“Mayaman ka.”
“So?” taas-kilay niya. “Hindi ba pwedeng mayaman pero masipag?”
Napabuntong-hininga si Jhon. “Ikaw talaga.”
Habang nagbubuhat sila ng copras, puro kalokohan ang lumalabas sa bibig ni Sky.
“Hoy, Jhon,” sabi niya habang bitbit ang isang sako. “Kapag yumaman ka balang araw, aalagaan mo ba ako?”
“Hindi ka ba kayang alagaan ng pamilya mo?” sagot ni Jhon.
“Syempre kaya,” sagot ni Sky. “Pero iba kapag ikaw.”
Natigilan si Jhon.
“Joke lang!” mabilis na dagdag ni Sky, sabay tawa nang tawa. “Grabe ka, seryoso agad!”
Pero hindi nawala ang bigat sa dibdib ni Jhon.
Maya-maya, nadulas si Sky sa putik.
“AY!”
Mabilis siyang nasalo ni Jhon. Napahawak siya sa bewang ni Sky, habang si Sky naman ay napakapit sa dibdib niya.
Saglit na katahimikan nagtagpo ang mga mata nila ang mundo parang huminto.
“Okay ka lang?” tanong ni Jhon, mahina.
“Oo,” sagot ni Sky. “Ikaw?”
“Hindi ko alam,” bulong niya.
Biglang umubo si Sky sabay bitaw. “Mainit!”
“Mainit?” gulat ni Jhon.
“Oo,” sagot niya sabay fan ng kamay. “Ang init ng araw!”
Tumawa si Jhon, pero sa loob niya, mas mainit ang pakiramdam. Nagpahinga sila sa ilalim ng puno. Umupo si Sky sa damuhan, habang si Jhon ay nakatayo sa tabi niya.
“Jhon,” biglang sabi ni Sky.
“Hmm?”
“Kung balang araw… may magmahal sa’yo,” seryoso niyang tanong, “tatanggapin mo ba?”
Hindi agad nakasagot si Jhon.
“Siguro,” sagot niya. “Kung totoo.”
Ngumiti si Sky. “Buti pa.”
“Bakit?”
“Kasi kapag ako… matagal na kitang minahal.” Napatigil si Jhon.
“Teka!” biglang sigaw ni Sky. “Hindi ikaw ha! Ang buhay! Ang buhay ko!”
Napatawa si Jhon nang malakas. “Bwisit ka talaga!”
“Success!” sabi ni Sky sabay taas ng kamay. “Napatawa kita.”
Habang papalapit ang tanghali, magkatabi silang naglalakad pauwi. Tahimik na ulit, pero hindi awkward. May mga sandaling nagsasalita ang katahimikan nang mas malakas kaysa sa salita pagdating sa bahay ni Jhon, huminto si Sky.
“Uuwi na ako,” sabi niya.
Tumango si Jhon, kahit ayaw niya.
Biglang yumakap si Sky isang mahigpit, biglaang yakap.
“Salamat,” bulong niya.
Hindi agad bumitaw si Jhon at sa yakap na iyon may tawa, may kilig, may lihim na nararamdaman, at may isang tanong na pareho pa nilang iniiwasan.
Hindi agad bumitaw si Sky sa yakap tahimik ang paligid ang hangin ay marahang humahaplos sa mga dahon ng niyog, ang araw ay unti-unting tumataas, at sa gitna ng lahat ng iyon ay dalawang pusong sabay na naliligaw sa t***k ng isa’t isa.
Si Jhon ay nanigas hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay niya. Nakatigil ang mundo niya sa simpleng yakap na iyon isang yakap na puno ng lambing, pag-aalala, at mga damdaming matagal na niyang kinukulong sa sarili.
At doon bigla na lang naramdaman ni Jhon ang isang mabilis, mainit, at magaan na halik sa kanyang pisngi isang segundo lang.
Isang iglap isang halik na parang kidlat na dumaan sa buong katawan niya. Bago pa siya makapagsalita, bago pa man siya makapikit, mabilis na bumitaw si Sky sabay tawa, sabay takbo palayo.
“BAYAD MO ‘YUN SA AKIN!” sigaw ni Sky habang tumatakbo, halos matisod sa sarili niyang paa.
“SKY!” sigaw ni Jhon, gulat na gulat.
Huminto si Sky sandali, lumingon, sabay kindat. “Hindi mo na mababawi!”
At tuluyan na siyang nawala sa likod ng mga puno, kasama ang hagikhik na parang nanunukso sa hangin.
Naiwang nakatayo si Jhon sa gitna ng bakuran tahimik walang galaw parang estatwa.
Unti-unting umangat ang kamay niya sa pisngi doon mismo kung saan dumapo ang halik ni Sky mainit parang nagmarka.
“G-gago…” bulong niya sa sarili, pero hindi galit ang tono. Halos natatawa pa nga.
Napaupo siya sa isang tuod. Nakatulala. Ang puso niya ay nagwawala sa loob ng dibdib niya na parang gustong lumabas.
Ano ‘yon? Halik ba ‘yon?
Oo. Halik ‘yon at bakit parang… gusto niyang ulitin?
Umiling siya nang mariin. “Kaibigan mo ‘yon, Jhon,” bulong niya. “Best friend.”
Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mapigilan ang ngiting unti-unting lumalapad sa labi niya hindi niya napansin na mag-isa na siyang tumatawa.
Samantala, si Sky halos hindi makahinga sa kakatawa habang tumatakbo pauwi.
“Grabe… grabe… ginawa ko talaga ‘yon!” bulong niya habang hawak ang dibdib niya.
Tumigil siya sa gilid ng daan, nakasandal sa puno, hingal na hingal hindi lang sa takbo kundi sa kaba.
“Sky Santillian,” kausap niya ang sarili, “anong kalokohan na naman ‘yan?”
Hinawakan niya ang labi niya, tapos biglang napangiti.
“Bayad ko ‘yon,” ulit niya, sabay tawa. “Utang na loob niya ‘yon sa akin!”
Pero sa likod ng kalokohan at tawa, may munting takot paano kung seryosohin ni Jhon?
Paano kung masaktan siya? O mas masakitpaano kung wala lang ‘yon kay Jhon?
Umiling siya. “Bahala na,” sabi niya. “At least… ginawa ko.” Pagdating ni Jhon sa bahay nila, nadatnan siya ng ina niyang naglalaba.
“Anak,” tawag nito. “Bakit parang lutang ka?”
Napakurap siya. “Ha? Wala po.”
“Namumula ang pisngi mo,” puna ng ina. “Mainit ba sa labas?”
“Opo,” mabilis niyang sagot. “Sobrang init.” Kung alam lang ng ina niya kung anong klaseng init ‘yon.
Buong araw, hindi makapagtrabaho nang maayos si Jhon. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang eksena ang yakap, ang halik, ang tawa ni Sky. Sa bawat paghakbang niya, parang may kurot sa dibdib niya.
Sa bawat paghinga niya, parang naroon pa rin ang amoy ni Sky halong araw, hangin, at pagiging siya.
Kinagabihan, habang naglalakad si Jhon pauwi mula sa pantalan, may pamilyar na boses na sumigaw.
“HOY, HALIK-BOY!”
Napahinto siya. Napalingon si Sky nakatayo sa gitna ng daan, may dalang supot ng tinapay, at may ngising parang walang ginawang krimen kanina.
“Sky…” mahinang sabi ni Jhon.
“Relax,” sabi niya. “Hindi na kita hahalikan.”
Tumawa siya, sabay lapit. “Baka mag-demand ka pa eh.”
Namula si Jhon. “Hindi ah.”
“Ay weh?” tukso niya. “Eh bakit parang kinikilig ka pa rin?”
“Hindi nga!”
Lumapit si Sky nang mas malapit pa masyadong malapit.
“Jhon,” bulong niya, “galit ka ba?”
Umiling siya. “Hindi.”
“Natakot?”
“Hindi rin.”
“Kinikilig?”
Hindi sumagot si Jhon ngumiti si Sky isang ngiting hindi kalokohan. Isang ngiting may halong lambing.
“Okay na ‘yon,” sabi niya. “Hindi mo kailangang magsalita.”
Tahimik silang naglakad pauwi magkatabi walang hawakannpero ramdam na ramdam ang presensya ng isa’t isa.
At sa gabing iyon, pareho silang nakatulog na may ngiti sa labi isang ngiting puno ng tanong,
isang ngiting puno ng posibilidad,
isang ngiting hindi na pang-kaibigan lang, at sa isang halik na ninakaw,
may dalawang pusong tuluyang nagising.