CHAPTER 7
SKY POV
Kung may isang bagay talaga na kayang sirain ang tahimik at masayang araw ko, iyon ay ang tunog ng cellphone ko lalo na kapag ang caller ID ay may label na “Mommy”.
Napapikit ako nang mahigpit nang magsimulang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Alam ko na agad. Ramdam ko na sa kalamnan ko. Sa kaluluwa ko. Sa buong pagkatao ko.
Gulo na naman ‘to.
“Sky Santillian!” sigaw ni Mommy sa kabilang linya kahit hindi ko pa man nasasagot nang maayos ang tawag. “NASAN KA NA NAMAN?!”
Inilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko. Grabe, parang may sirena sa loob ng tenga ko.
“Good morning din po, Mommy,” sagot ko, pilit na kalmado pero halatang nagmamaktol.
“HUWAG MO AKONG ‘MOMMY-MOMMY’ DIYAN!” singhal niya. “NASAAN. KA. NGAYON.”
Napatingin ako kay Jhon na nasa harap ko, tahimik na nag-aayos ng copras. Pawis siya, nakaputing sando, seryoso ang mukha at jusko, bakit ba ang gwapo niya kapag ganito?!
“Ano ‘yon?” tanong niya, pabulong.
Tinakpan ko ang cellphone. “Momzilla.”
Napapikit siya, pinipigilan ang tawa.
“Sky!” sigaw ulit ni Mommy. “SUMAGOT KA!”
“Relax lang po,” sagot ko. “Nasa probinsya lang.”
“PROBINSYA?!”
Oo. Ayun na. Sumabog na.
“NAG-AARAL KA SA PRIVATE UNIVERSITY, MAY SARILING KONDO KA SA SIYUDAD, MAY DRIVER, MAY CREDIT CARD TAPOS NASA PROBINSYA KA LANG?!”
Umupo ako sa isang tuod, nag-cross legs pa. “Mommy, breathe po. Hindi masama ang probinsya.” Biglang may sumabat.
“SKY!”
Daddy mas lalong kumabog ang dibdib ko.
“Daddy, hello po,” sabi ko, parang walang nangyari.
“ANAK,” mabagal pero matalim ang boses niya, “BAKIT AMOY USOK KA SA VIDEO CALL KAGABI?”
Napakurap ako. “Ah… incense?”
“INCENSE?!” sigaw ni Mommy. “NAGSISINUNGALING KA NA NAMAN!”
Napabuntong-hininga ako. “Mommy, Daddy… masaya po ako dito.” Tahimik ang kabilang linya mas nakakatakot ‘yon.
“Masaya?” ulit ni Mommy, parang lason ang salitang ‘yon. “Masaya kang nakatira sa kubo? Sa putik? Sa kahirapan?”
Kinagat ko ang labi ko. “Hindi po kahirapan ‘to para sa’kin. Buhay po ‘to.”
“SKY SANTILLIAN,” singhal ni Daddy, “HINDI KA NAMIN PINAGARAL PARA MAG-ARTISTA SA HIRAP.”
Napatawa ako isang maikling tawa na may halong inis. “Hindi po ako nag-aartista. Nabubuhay lang po ako.”
Sa gilid ng mata ko, nakita kong tumigil si Jhon sa ginagawa niya. Nakatingin siya sa’kin. Tahimik. Pero ramdam ko ang pag-aalala niya.
“May lalaking kasama ka diyan, ‘no?” biglang tanong ni Mommy.
Nabilaukan ako. “HA?!”
“Huwag mo akong lokohin,” sabi niya. “Naririnig ko ang hininga.” Napatingin ako kay Jhon.
Tumango siya. “Huminga lang ako,” bulong niya.
“Mommy,” sagot ko. “Kaibigan ko po ‘yon.”
“KAIBIGAN?!” halos mangisay si Mommy. “SKY, HUWAG MO AKONG GAWING TANGA!”
“Hindi po,” sagot ko, seryoso na. “Hindi ko kayo ginagawang tanga. Ginagawa ko lang po ang sarili ko.” Tahimik ulit tapos.
“UMUWI KA NA,” sabay-sabay nilang sigaw.
Umiling ako kahit hindi nila nakikita. “Hindi pa po.”
“SKY”
Pinatay ko ang tawag, Oo. Pinatay ko napahawak ako sa dibdib ko, hinihingal hindi dahil sa takbo, kundi dahil sa tapang na bihira kong ipakita sa kanila tahimik si Jhon lumapit siya sa’kin.
“Okay ka lang?” tanong niya, maingat.
Ngumiti ako yung ngiting pilit, pero totoo. “Oo. Sanay na ako.”
Umupo siya sa tabi ko. Walang salita. Walang tanong. Presensya lang.
At doon, biglang bumigay ang luha ko.
“Ang hirap,” bulong ko. “Gusto ko lang naman ng simpleng buhay.”
Hindi siya nagsalita. Inilapit lang niya ang kamay niya sa akin hindi humawak, hindi yumakap nandiyan lang.
“Sila kasi,” sabi ko ulit, “gusto nila lahat kontrolado. Gusto nila ako maging… sila.”
Napatingin siya sa’kin. “Pero ikaw, ikaw.”
Napangiti ako. “Corny mo.”
Ngumiti rin siya. “Pero totoo.”
Tumayo ako bigla. “Tara.”
“Saan?”
“Maglakad.”
“Ngayon?”
“Oo. Baka kapag tumigil ako, umiyak na naman ako.”
Naglakad kami. Walang direksyon. Tawa-tawa lang. Hanggang sa bigla akong nadapa.
“Ay!”
Mabilis niya akong nasalo. Napahawak ako sa kanya. Napakalapit namin.
“Okay ka lang?” tanong niya.
“Hindi,” sagot ko. “Nasaktan ego ko.”
Tumawa siya napatingin ako sa kanya. Sa mata niya. Sa ngiti niya.
“Jhon,” sabi ko, mahina.
“Hmm?”
“Salamat.”
“Para saan?”
“Sa pagiging… ikaw.”
Hindi siya sumagot. Ngumiti lang at sa sandaling iyon, kahit galit ang mundo ko kahit sumisigaw sina Mommy at Daddy sa kabilang linya ng buhay ko payapa ako.
Dahil nandoon siya at kahit hindi pa namin sinasabi, kahit pareho pa kaming nagkukunwari alam ko na.
Hindi na lang siya basta kaibigan at hindi na rin ako basta Sky Santillian na anak ng mayaman.
Ako ay si Sky babaeng pumiling mahalin ang simpleng buhay at unti-unting nahuhulog sa lalaking hindi kailanman nangako ng yaman pero araw-araw pinaparamdam kung ano ang tahanan.
Humahagalpak ako ng tawa habang tumatakbo sa gitna ng bukid, halos madulas sa putik, halos mabunggo sa mga tuyong damo, pero wala akong pakialam. Ang saya. Ang gaan. Para bang sa bawat hakbang ko palayo, iniiwan ko rin ang lahat ng sigaw, utos, at inaasahan ng mundo sa akin.
“SKY! TIGILAN MO ‘YAN!” sigaw ni Jhon sa likod ko mas lalo akong tumakbo.
“Ay, hindi!” sigaw ko pabalik. “Kapag nahuli mo ako, talo ka!”
“Talo sa ano?!” sigaw niya, hingal na hingal na.
“Hindi ko pa alam!” tawa ko. “Pero talo ka!”
Naririnig ko ang yabag ng paa niya sa likod ko—mabilis, mabigat, determinado. Alam kong mas malakas siya sa akin, mas sanay sa ganitong takbuhan. Pero may lamang ako: kalokohan at adrenaline.
Napalingon ako sandali ay mali nadapa ako.
“AY!”
Bumagsak ako sa damuhan, pero bago pa man sumubsob ang mukha ko sa lupa, may dalawang kamay na humawak sa braso ko at hinila ako paitaas at doon sa isang iglap napasubsob ako sa dibdib ni Jhon.
Hindi ako agad nakalayo, indi rin siya ang mga braso niya ay nakapalibot sa akin, mahigpit, parang natatakot siyang mabitawan ako. Ramdam ko ang t***k ng puso niya mabilis, malakas, parang galit… o parang kinikilig din.
“Ayos ka lang?” tanong niya, hingal, pero maingat.
Hindi ako agad sumagot ang lapit namin sobrang lapit.
“Sky?” tawag niya ulit tumingala ako sa kanya. “Oo. Buhay pa.”
Napasinghap siya, parang doon lang siya nakahinga nang maayos. “Bwisit ka,” sabi niya, pero hindi galit. “Akala ko nasaktan ka.”
Ngumiti ako. “Concern ka?”
Umiling siya, pero ngumiti rin. “Ewan.”
Bigla kong tinulak ang dibdib niya—mahina lang. “Hindi ka pa panalo!”
“Ano?!”
Tumakbo ulit ako.
“SKY!”
Grabe, parang bata kami. Parang walang problema. Parang walang pagitan ng mundo namin. Tawa lang. Takbo. Sigaw. Habol.
Hanggang sa makarating kami sa may ilog—mababaw lang, malinaw ang tubig, at malamig sa paa.
Tumalon ako papasok.
“Hoy!” sigaw ni Jhon. “Malalaglag ka!”
“Sabi ko nga, hindi ka pa panalo!” sigaw ko sabay splash ng tubig sa kanya.
“Ay!” gulat niya. “Ganti ka ha!”
Tumalon din siya sa tubig at doon na nagsimula ang giyera, basaan, talsikan, sigawan, tawanan.
“SKY!”
“JHON!”
“TIGIL NA!”
“AYOKO NGA!”
Tumatawa ako nang halos sumakit na ang tiyan ko. Basa ang buhok ko, basa ang damit ko, pero ang gaan ng pakiramdam ko. Sa bawat hagod ng tubig, parang hinuhugasan ang bigat na dala ko kanina.
Hanggang sa bigla na lang akong mapatid sa isang bato.
“AY!”
Mabilis ulit siyang lumapit. Hinawakan niya ang bewang ko para hindi ako matumba.
“Okay ka lang?” tanong niya, seryoso na naman.
Tumango ako. “Oo.”
Pero hindi siya bumitaw tahimik ang paligid ang araw ay tumatama sa tubig, kumikislap. Ang hangin ay humahaplos sa balat namin. Ang mga kamay niya ay mainit sa bewang ko at bigla kong naramdaman ibang klase na ang t***k ng puso ko.
“Jhon,” mahina kong tawag.
“Hmm?”
“Bakit mo ako hinabol?”
Napakurap siya. “Kasi… tatakbo ka.”
“Hindi ‘yon sagot,” sabi ko.
Huminga siya nang malalim. “Kasi kapag tumatakbo ka… parang ayokong mawala ka sa paningin ko.”
Boom.
Kung may narinig kang tunog ng sumabog na puso, akin ‘yon hindi ako nakapagsalita.
Ngumiti siya, parang nahiya sa sarili niyang sinabi. “Joke lang.”
“Sinungaling,” bulong ko.
Napakunot-noo siya. “Ha?”
Ngumiti ako. “Sinungaling ka. Hindi ‘yon joke.” Napatigil siya.
Saglit tapos tumawa siya isang tawang pilit. “Grabe ka talaga.”
“Alam ko,” sagot ko. “Best friend mo ‘ko eh.”
Best friend ang salitang ‘yon parang may kurot na ngayon. Lumabas kami ng ilog, basang-basa, nanginginig sa lamig pero tawa pa rin nang tawa.
“Siguradong mapapagalitan ka ni Mommy kapag nakita ka niyang ganito,” sabi ni Jhon.
Tumawa ako. “Mas mapapagalitan ako kapag nakita niya kung gaano ako kasaya.”
Napatingin siya sa akin. “Masaya ka ba?”
Tumango ako. “Oo. Kasi nandito ako.”
Hindi ko na dinugtungan. Hindi ko na sinabi kung sino ang dahilan.
Tumahimik kami sandali, magkatabi, pinapaarawan ang mga basang damit bigla akong napangisi.
“Ano na naman?” tanong niya, alerto.
“Wala,” sagot ko. “Naisip ko lang…”
“Ano?”
“Kung hahabulin mo pa rin ba ako kapag mas malayo na ang tinakbo ko.”
Napatingin siya sa akin, seryoso. “Kahit saan.”
Tumigil ang oras huminga ako nang malalim. Tinapik ko ang tuhod ko. “Okay. Noted.”
Tumayo ako at muli akong tumakbo.
“SKY!” sigaw niya, pero may tawa na sa boses niya.
At hinabol niya ulit ako hindi dahil kalokohan, hindi dahil laro kundi dahil minsan, may mga taong kahit gaano kabilis tumakbo pipiliin mo pa ring habulin at habang tumatakbo ako palayo, alam ko kahit hindi ko pa kayang aminin sa mundo, kahit ayaw pa ng magulang ko, kahit magkaiba ang buhay na kinalakihan namin.
May isang taong kapag tinawag ko, kapag tumakbo ako, kapag nadapa ako laging hahabol at sa pagkakataong ‘yon, hindi na lang siya basta best friend at ako, hindi na lang basta babaeng mahilig sa kalokohan.