Sundo

1058 Words
CHAPTER 8 JHON POV Maya-maya pa, habang abala ako sa pagbabaliktad ng copras at si Sky naman ay kunwaring tumutulong pero mas madalas pang mang-asar kaysa magtrabaho, biglang may tumigil na sasakyan sa tapat ng niyugan. Hindi iyon ordinaryong sasakyan, hindi iyon yung tipong may kalawang sa gilid o may speaker na malakas ang tugtog. Iyon yung klase ng sasakyan na kapag huminto, parang may sariling background music. Sosyal. Makintab. Parang may sariling aircon kahit bukas ang bintana paglingon ko halos mabitawan ko ang hawak kong bao. “Sky…” bulong ko. “Hmm?” sagot niya habang may hawak na kahoy na parang mikropono at kunwari reporter. “Breaking news, Jhon” Natigil siya kasi bumaba na ang mommy at daddy niya. Pareho silang nakaayos. Si Tita naka-sunglasses kahit hindi naman na tirik ang araw. Si Tito naman naka-long sleeves at mukhang galing board meeting kahit nasa gitna kami ng coprasan nanlaki ang mata ni Sky. “Ay,” sabi niya. “May inspection.” “Hindi inspection,” sagot ko. “Execution.” Tinapik niya ako sa braso. “Hoy, OA!” Lumapit ang mga magulang niya. Ramdam ko agad ang lamig ng aura nila. Parang biglang naging formal ang hangin. Kahit yung mga manok sa gilid parang tumigil sa pagtilaok. “Sky,” malamig na tawag ng mommy niya. “Ano’ng ginagawa mo dito?” Ngumiti si Sky ng sobrang tamis. Iyong ngiti na ginagamit niya kapag may kalokohan. “Ma, nag-iinvest po ako.” “Sa ano?” taas-kilay na tanong ni Tito. “Sa future ng copra industry.” Hindi ko na napigilan. Napayuko ako para hindi mahalata ang pagtawa ko. “Sky,” seryosong sabi ng mommy niya, “ilang beses na namin sinabi sa’yo. Hindi ka nababagay sa ganitong lugar.” Tumayo si Sky at tumabi sa akin. Ramdam ko ang braso niya na bahagyang dumikit sa akin. “Ma,” sagot niya, “lugar lang ‘to. Hindi naman ako mababasag.” Napatingin sila sa akin iyong tingin na parang ako ang dahilan kung bakit may rebelde silang anak. “Jhon,” tawag ni Tito. “Opo?” sagot ko nang maayos. “Hindi ba malinaw sa’yo ang posisyon mo?” Ngumiti ako ng kaunti. “Kaibigan lang po niya ako.” “Sigurado ka?” tanong ng mommy niya bago pa ako makasagot, biglang sumingit si Sky. “Oo, Ma! Kaibigan lang! Bakit, may application form ba para sa iba?” Napangiwi ako. “Sky…” “Ano?” bulong niya. “Seryoso ka masyado.” Huminga ako nang malalim, wala akong pakialam kung hindi nila ako gusto. Oo, ramdam ko ang baba ng tingin nila sa akin. Ramdam ko ang distansya. Parang sa paningin nila, ako yung alikabok sa sapatos ng anak nila. Pero hindi ko kayang layuan si Sky kasi sa tuwing kasama ko siya, hindi ko nararamdaman na mababa ako pakiramdam ko… sapat ako. “Jhon,” sabi ng mommy niya, “alam mo namang may estado sa buhay ang pamilya namin.” “Opo,” sagot ko. “At alam mo rin siguro na may mga bagay na hindi dapat pinagsasama.” Ngumiti ako nang bahagya. “Tulad po ng kape at asin?" napatigil sila si Sky naman, napahawak sa tiyan sa kakatawa. “Grabe ka, Jhon!” sabi niya. “May pa-analogy!” Namula ako pero tinuloy ko. “Ang ibig ko lang pong sabihin, wala naman pong masama sa pakikipagkaibigan. Wala po akong masamang intensyon kay Sky.” “Wala?” singit ni Sky, nakangisi. “Sigurado ka?” Napalingon ako sa kanya. “Ikaw ha…” Bigla niyang hinawakan ang braso ko at yumakap ng mahigpit. Parang tumigil ang mundo. “Ma, Pa,” sabi niya habang nakadikit sa akin, “kung may masamang balak ‘to, matagal na niya akong tinulak sa tambak ng copra.” “Hoy!” protesta ko. “Ikaw nga ang madalas mang-una!” Tumawa siya nang malakas. Iyong tawang nakakawala ng tensyon pero hindi pa rin nakangiti ang mga magulang niya. “Sky,” sabi ng daddy niya, “sumama ka na sa amin.” Umiling siya. “Mamaya na. Tutulong muna ako.” “Tulong saan?” tanong ng mommy niya. “Sa pagbibilang ng bao.” “Marunong ka ba?” “Hindi. Pero marunong akong magbantay.” Napailing si Tito. “Sky…” Bigla siyang lumapit sa akin at bumulong, “Jhon, kunwari may emergency.” “Ano naman?” “Sabihin mo nasusunog ang copra.” “Baliw ka ba?” “Edi sabihin mo nahulog ako sa bao.” “Mas baliw ‘yon!” Hindi ko napigilan ang tawa ko. Kahit seryoso ang sitwasyon, hindi talaga kayang seryosohin ni Sky ang buhay. Humakbang ako nang kaunti palapit sa mga magulang niya. “Sir, Ma’am,” sabi ko nang maayos, “naiintindihan ko po kayo. Pero wala po talaga akong balak na saktan o ilagay sa alanganin si Sky. Kaibigan ko po siya. At mahalaga po siya sa akin.” Biglang natahimik ang paligid ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko napalingon ako kay Sky namula siya. “Hoy,” bulong niya, “ang drama mo.” “Hindi drama,” sagot ko. “Totoo.” Saglit na nagkatinginan ang mommy at daddy niya. “Sky,” sabi ng mommy niya, “uuwi ka ba o hindi?” Napabuntong-hininga siya. “Uuwi na po.” Lumapit siya sa akin bago sumakay sa sasakyan bigla niya akong hinawakan sa pisngi. “Salamat, Jhon.” “Sa ano?” “Sa pagiging ikaw." Hindi ako nakasagot. Tapos bigla niya akong kinurot sa tagiliran. “Aray!” “Para hindi ka masyadong lumutang,” sabi niya sabay tawa sumakay siya sa sasakyan pero bago tuluyang isara ang pinto, sumigaw siya. “Hoy, Jhon!” “Ano?” “Kaibigan lang ha!” Napangiti ako. “Kaibigan lang,” sagot ko umandar ang sasakyan, naiwan akong nakatayo sa gitna ng coprasan, hawak ang isang bao, nakangiti na parang tanga. Oo. Baka mababa ang tingin nila sa akin, baka hindi ako pasok sa mundo nila. Pero kung ang kapalit ng lahat ay ang mga tawa niya, ang mga kurot niya, at ang mga sandaling magkatabi kami sa ilalim ng niyog wala akong pakialam. Kasi sa mundo ko si Sky ang pinakamagandang tanawin sa coprasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD