Hindi Tanggap

1833 Words
CHAPTER 9 SKY POV Pagkasara pa lang ng pinto ng kotse, ramdam ko na agad ang bigat ng hangin sa loob. Hindi pa man umaandar ang sasakyan, parang may nakasabit na galit sa kisame, nakapulupot sa bawat hinga naming tatlo. Tahimik muna iyong klaseng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigawan nasa likod ako, nakasandal sa leather seat na sobrang lambot ironic, kasi sa dibdib ko, pakiramdam ko may dinadaganan na bato. Nakatingin lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng baryo, ng mga niyog, ng kubo… at ni Jhon hanggang sa. “Sky.” Isang salita lang pero matalim, mabigat alam ko na ang susunod. “Mom” “DON’T ‘MOM’ ME,” sigaw niya bigla, sabay harap sa akin kahit nakaupo siya sa passenger seat. Tinanggal niya ang sunglasses niya, at doon ko nakita ang galit sa mga mata niya. Hindi iyon galit na dahil nagkamali ako sa exam o umuwi nang late. Ibang klase ito. “Hanggang kailan ka magiging ganyan?” tanong niya. “Hanggang kailan ka magiging bata?” Napakurap ako. Bata? “Mom” “NO. Listen to me,” putol niya ulit. “Ayaw ko doon sa kaibigan mo.” Doon na uminit ang tenga ko. “Why?” sagot ko, pilit na kalmado pero ramdam ko na ang panginginig ng boses ko. “Anong ginawa niya sa’yo?” Umiling siya, parang nadudumihan sa iniisip niya pa lang si Jhon. “Kahit kailan, Sky, ayaw ko sa kanya,” sabi niya. “Patay-gutom ‘yon. Hampas-lupa. Walang mararating sa buhay.” Parang may sumabog sa loob ko. “ENOUGH!” sigaw ko, hindi ko na napigilan. “Mom, wag mo siyang tawagin ng ganyan!” Biglang napreno si Daddy nang bahagya, pero hindi siya lumingon. Ramdam ko ang pag-igting ng panga niya habang mahigpit ang hawak sa manibela. “Sky,” babala ni Daddy, malamig ang tono. “Lower your voice.” “No!” sagot ko. “Hindi ako tatahimik ngayon!” Huminga nang malalim si Mommy, pero hindi iyon para kumalma para mas lalo pang magalit. “Defending him now?” tanong niya. “Talagang ipinaglalaban mo pa?” “Oo!” sagot ko agad. “Kasi mabait siya! Kasi hindi siya masamang tao! Kasi hindi niya kami kailangan para maging disente!” Tumawa siya isang tuyong tawa na mas masakit pa sa sampal. “Mabait?” ulit niya. “Mabait doesn’t put food on the table, Sky. Mabait doesn’t give you a future.” Tumulo ang luha ko, pero hindi ako umatras. “Hindi mo siya kilala,” sabi ko, nanginginig na ang boses ko. “Hindi mo alam kung gaano siya kasipag. Kung gaano siya kabuti. Kung gaano siya magsakripisyo para sa pamilya niya.” “Ay eto na,” singit ni Daddy, galit na galit na rin. “You’re talking like that boy is some kind of hero.” “He is!” sigaw ko. “Mas bayani pa siya kaysa sa mga taong may pera pero walang puso!” Biglang huminto ang kotse sa gilid ng kalsada tahimik napakabigat ng katahimikan. Lumingon si Daddy sa akin, ang mga mata niya puno ng galit at pagkadismaya. “Do you even hear yourself?” tanong niya. “You’re choosing him over us?” “Hindi ako pumipili,” sagot ko. “Gusto ko lang ng respeto. Para sa kaibigan ko.” “Kaibigan?” ulit ni Mommy, mapait ang ngiti. “Sky, don’t insult us. We know where this is going.” Doon ako napatayo sa upuan, kahit alam kong delikado. “Wala kayong alam,” sabi ko. “At kung ayaw niyo siyang respetuhin, at least respetuhin niyo ako!” “Respect?” sigaw ni Mommy. “After everything we gave you?” “Hindi ko hiningi ang yaman ninyo!” sagot ko, umiiyak na. “Hindi ko hiningi ang mansion, ang kotse, ang pangalan niyo! Ang hinihingi ko lang konting respeto sa taong mahalaga sa akin!” Nanlaki ang mata niya. “Mahalaga?” tanong niya, halos pabulong. Oo. Nasabi ko na tumahimik kaming tatlo ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tikatik ng makina. “Sky,” sabi ni Daddy, mabigat ang boses. “Hindi kami galit kasi mahirap siya. Galit kami kasi hinihila ka niya pababa.” Napatawa ako sa gitna ng iyak ko. “Hindi niya ako hinihila pababa,” sabi ko. “Kung tutuusin, siya ang nagturo sa akin kung paano maging tao.” Tahimik ulit. Tumingin ulit ako sa bintana. Sa malayo, tanaw ko pa ang mga niyog, ang coprasan, ang mundo ni Jhon. At sa kauna-unahang pagkakataon, mas gusto kong nandoon kaysa sa loob ng mamahaling kotse na ‘to. “Kung kailangan kong piliin,” mahina kong sabi, “pipiliin ko ang maging totoo kaysa maging mayaman pero bulag.” Hindi na nagsalita si Mommy, si Daddy, muling pinaandar ang sasakyan mas mabilis ngayon. Mas galit. At habang papalayo kami, isa lang ang malinaw sa isip ko: Kung ganito kasakit ipaglaban ang isang kaibigan, paano pa kaya kung dumating ang araw na aminin ko sa sarili ko na hindi na lang siya basta kaibigan? At doon, sa loob ng kotse na puno ng galit at luha, tahimik kong ipinangako sa sarili ko hindi ko hahayaang apakan nila si Jhon. Hindi natapos ang sigawan sa loob ng kotse mas lalo pa itong lumala habang binabaybay namin ang daan pauwi sa mansion. Ang bawat metro na nilalayo namin sa baryo, parang mas lalo namang lumalayo ang loob ko sa kanila. “Sky, you are being unreasonable!” sigaw ni Mommy habang mabilis ang takbo ng kotse. “Unreasonable? For defending my friend?” sagot ko, nanginginig ang boses pero hindi nagpapatalo. “HE IS NOT YOUR LEVEL!” putol ni Daddy, galit na galit habang mahigpit ang hawak sa manibela. “Hindi siya bagay sa mundong ginagalawan mo!” “Hindi ako ang bagay sa mundong ginagalawan niyo!” sigaw ko pabalik. Biglang tumigil ang sasakyan sa harap ng mansion. Malaki, maliwanag, engrande. Iyong tipong bahay na pang-magazine. Pero sa sandaling iyon, parang kulungan. Hindi ko na hinintay na may magsalita binuksan ko ang pinto at bumaba agad. Pero hindi pa ako nakakalayo ng dalawang hakbang. “SKY!” Hinila ako ni Mommy sa braso napahinto ako, napalingon sa kanya. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya hindi lang sa balat ko kundi sa buong pagkatao ko. “Don’t you dare walk away from me!” sigaw niya. “Nasasaktan mo na ako, Mom!” sagot ko, pilit na kumakawala. “Nasasaktan?” ulit niya, halos matawa sa galit. “You’re hurting us! Pinapahiya mo kami!” “Pinapahiya?” nanginginig kong sabi. “Dahil lang nakikipagkaibigan ako sa hindi mayaman?” Sumali na si Daddy, bumaba ng kotse at malalaking hakbang ang lapit sa amin. “Enough!” sigaw niya. “This ends now.” Napatingin ako sa kanya, nangingilid ang luha. “Anong ends now?” tanong ko. “You will stop seeing that boy,” malamig niyang sagot. Parang may bumagsak sa dibdib ko. “What?” bulong ko. “You heard your father,” dagdag ni Mommy. “No more visits. No more coprasan. No more that… that place!” “Bahay nila ‘yon,” sagot ko, umiiyak na. “At mas may init pa doon kaysa dito!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko hindi ko alam kung alin ang mas masaki iyong pisngi ko o iyong katotohanang si Mommy ang gumawa noon. Nanlaki ang mata ko tahimik ang paligid. Pati ang mga katulong sa may pintuan, natigilan. “Do not ever talk to me like that,” madiing sabi ni Mommy napahawak ako sa pisngi ko, nanginginig ang kamay. “Mom…” basag ang boses ko pero hindi siya tumingin sa akin bilang anak. Tumingin siya bilang isang ina na natatakot mawalan ng kontrol. “Hindi ka na bata, Sky,” sabi niya, pero puno pa rin ng galit. “At dahil hindi ka na bata, mas dapat alam mo kung sino ang dapat mong samahan.” “Hindi pera ang basehan ng pagkatao,” sagot ko, mahina pero matatag. “Hindi status ang sukatan ng puso.” Sumingit si Daddy, mas malamig pa kaysa kanina. “You think love and kindness are enough? This is the real world, Sky. Hindi fairytale ang buhay.” “Mas hindi fairytale ang pagiging mayaman pero walang pakialam sa nararamdaman ng anak ninyo!” sigaw ko umalingawngaw iyon sa harap ng mansion. Sa unang pagkakataon, ako ang nangingibabaw sa sigawan. “Sky!” babala ni Daddy. “No!” sagot ko. “You don’t get to decide who I respect! You don’t get to insult him!” “HE IS NOTHING!” sigaw ni Mommy. Doon ako tuluyang nabasag. “Hindi siya nothing!” sigaw ko pabalik. “He works harder in one day than most people do in a month! He sacrifices! He bleeds! He starves just to feed his family!” Tahimik ulit huminga ako nang malalim, umiiyak. “At kung hindi niyo kayang makita ‘yon, then maybe kayo ang may problema.” Lumapit si Mommy at muling tinuro ako. “You are blinded.” “No,” sagot ko. “I’m finally seeing clearly.” “Sky Santillian!” sigaw ni Daddy. “You will stay inside this house starting today. No going out without permission. No visiting that boy. Do you understand?” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. “You’re grounding me?” tanong ko, nanginginig. “Yes,” sagot niya. “Until you come to your senses.” Tumawa ako isang tawang puno ng sakit. “My senses?” bulong ko. “For choosing to be kind?” “FOR CHOOSING TO BE STUPID!” sigaw ni Mommy doon na ako napaatras. Hindi ko na sila makita bilang mga magulang sa sandaling iyon. Nakita ko sila bilang mga taong mas mahal ang imahe kaysa sa anak nila. “Fine,” sabi ko, pinupunasan ang luha ko. “I’ll stay inside.” Tumingin sila sa isa’t isa. “But you can’t control what I feel.” At bago pa sila makasagot, tumalikod ako at pumasok sa mansion. Ang marmol na sahig ay malamig sa paa ko. Ang chandelier sa taas ay kumikislap. Ang lahat ay engrande. Pero sa loob ko, wasak, pagpasok ko sa kwarto ko, isinara ko ang pinto at sumandal doon. Unti-unting bumagsak ang katawan ko sa sahig, tahimik akong umiiyak, hindi dahil pinagalitan ako, kundi dahil alam kong nagsisimula pa lang ito. Kung ganito na ang laban sa pagiging magkaibigan. Ano pa kaya kapag dumating ang araw na aminin ko sa sarili ko na hindi na lang siya basta kaibigan? Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kisame sa kabila ng sigawan, ng sampal, ng pagbabawal isa lang ang malinaw sa akin. Hindi ko ikakahiya si Jhon hindi ko siya itatago at kung kailangan kong lumaban alaban ako kahit mansion pa ang kalaban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD