HALO-HALONG emosyon ang nadarama ni Theodore habang palapit sila nang palapit sa bahay nila Analyn. Alam niyang nasaktan niya ito. Pero kung iyon lang ang paraan para makampante si Annalisa at akalain nitong nagtagumpay siya sa plano niya, gagawin ulit niya. Ipagtatabuyan niya ito para lumayo at makakilos siya ng malaya. "I'm coming, wife. I hope and pray that you're okay. You and our baby." Usal nito. Napatitig ito sa dalang bouquet ng sunflower na binili nila kanina sa daan para kay Analyn. Alam niyang nagdadamdam ang asawa niya sa ginawa niya. Pero nakahanda siyang suyuin ito at ipaliwanag kung bakit niya iyon nagawa. Kung kinakailangan niyang ligawan ulit ito masuyo lang si Analyn, gagawin niya. Pagdating nila sa tapat ng bahay, nangunotnoo si Theodore na makitang nakasarado ang

