TAHIMIK na nagpapakiramdaman ang mag-asawa habang nakahiga sa kama. Nakayakap naman si Theodore dito na marahang hinahaplos ang baby bump ni Analyn. Maraming gustong itanong si Analyn dito pero nanatiling tikom na muna ang bibig. Gusto na lamang niyang sulitin ang sandaling ito na nakakulong siya sa bisig ni Theodore habang hinahaplos ang baby bump niya. Kahit paano ay unti-unting naglahong parang bula ang pagtatampo nito sa asawa. Gumaan na ang bigat sa dibdib nito na sa wakas. . . magkasama na sila ni Theodore. Ilang minuto pa'y hindi na kumikilos si Theodore sa likuran nito. Dama din niyang pantay na ang paghinga nito at mahinang humihilik. Dahan-dahan itong pumihit paharap sa asawa nito at napangiting makitang nakaidlip na nga ito. Bahagya pang nakaawang ang labi nito na bakas ang

