HALOS hindi makatingin ang apat kay Analyn na nakaupo sa tabi ng kanilang boss habang nasa meeting sila with the board directors! Para silang malulusaw sa kahihiyan at gusto na lamang bumuka ang lupa at lamunin sila nito! “Everyone, these are the designs of ms Shirley Aquino.” Wika ni Atasha habang pinapakita sa led screen ang mga disenyo ni Shirley. Napapatango-tango naman ang mga board director habang pinapanood ang mga designs nito na halatang wala silang naibigan. Sunod ang mga designs ni Annie at Mica. Sunod-sunod na napapalunok si Rita nang siya na ang banggitin ang pangalan! Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha na pinagpapawisan ng malapot at nagtama ang paningin nila ni Analyn! Napangisi naman si Analyn na napataas ng kilay ditong halos mawalan na ng kulay ang mukha sa pamumu

