KUYOM ang kamao na iniuwi na muna ni Theodore si Analyn at kitang stressed na stressed ito sa nangyari. Maging siya ay nanghihinayang na napunta lang sa wala ang pinagpaguran ni Analyn. Maraming possibilities ang tumatakbo sa isipan nito. Pero ayaw niyang magpadalos-dalos lalo na't emotional si Analyn at nakakasama sa kanya ang ma-stressed ng gan'to. Habang pauwi, napakatahimik ni Analyn na malayo ang tanaw ng mga mata. Kahit hindi nito sabihin, kita sa mga mata kung gaano siya nalulungkot sa nangyari. Halos isang buwan din niyang pinaghirapan iguhit ang mga designs niya. Excited ito na magkakaroon siya ng kauna-unahang launch ng damit na disenyo niya mismo sa isang malaking kumpanya. Pero lahat ng excitement at tuwa nito ay naglahong parang bula na napunta lang sa basurahan ang mga iy

