NAPANGISI si Annalisa na nakamata sa kakambal nitong sumulpot nga ng mansion. Pauwi na sana ito sa mansion nang tumawag si Kolette na kaibigan nito at sinabing nakatakas si Analyn. Kaya hindi na muna ito nagpakita. Malapad ang ngising nakapaskil sa mga labi nito na makitang umayon sa plano niya ang lahat. Kung saan napaniwala niya si Theodore na nagtaksil si Analyn sa kanya at tinangayan din ng malaking halaga! Paubos na kasi ang pera nito. Kaya naman nagpuslit siya ng abot one hundred million sa vault ni Theodore kaninang umaga at tinangay. Si Analyn ang napagbintangan na tumangay ng one hundred million na ninakaw nito dahil sa pag-aakala ng lahat, siya si Analyn. "Let's go," anito nang makitang sapilitang hinila palabas ng gate si Analyn at pinasakay sa taxi ng isang tauhan ni Theodo

