MAAGANG bumangon si Theodore na nagtungo ng banyo at naglinis ng katawan. Napapilig ito ng ulo na makitang may mga bahid ng dugo ang kanyang ari! Kahit ang mga hita niya ay may bahid din ng dugo.
“This is impossible. Birhen nga siya. Hindi ko guni-guni ang naramdaman ko kagabi sa kanya. Kung birhen nga siya. . . hindi siya si Annalisa. Kundi ibang tao,” usal nito na napasapo sa ulo.
Natutulala ito na hindi malaman ang gagawin. Dati pa ay napapansin niyang maraming pagbabago sa nobya. Pero ipinagsawalang bahala niya ang bagay na iyon at iniisip na baka sinusubukan na ni Anna na magbago para sa kanya. Na nag-matured na ito. Pero sa namagitan sa kanila ng dalaga kagabi ay pinatunayan lang nitong. . . hindi siya si Annalisa!
“Who is she? Where's Anna?” usal nito na napakuyom ng kamao.
Naglinis ito ng katawan bago lumabas ng banyo. Naabutan naman nitong nahihimbing pa rin ang dalaga. Napalunok ito na bumilis ang kabog ng dibdib habang pinagmamasdan ang dalaga. Dahan-dahan itong humakbang palapit na naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan itong maigi.
Kung sa panlabas na itsura ay wala silang pinagkaiba ni Annalisa. Magkamukhang magkamukha talaga sila kahit sa boses. Kaya marahil nalinlang ito at napaniwala na ang kasama nito ay ang kanyang nobya. ‘Yon pala ay ibang tao na nagpapanggap lang!
“Who are you? Why are you pretending as my girlfriend? What did you do to her?” sunod-sunod nitong tanong sa isipan na nakamata sa dalaga.
Napahinga ito ng malalim na tumayong kinuha ang cellphone nito at tinawagan ang kanyang private investigator. Marami siyang katanungan sa isipan at alam niyang hindi basta-basta magsasalita ang dalagang kasama nito. Gusto niyang malaman kung sino ito. Kung bakit siya nandidito at nagpapanggap na Annalisa. Gusto niyang malaman kung nasaan ang totoong kasintahan niya. At kung alam ba nitong. . . may nagpapanggap na Annalisa sa kanya habang wala ito.
Kuyom ang kamao nito habang hinihintay na sumagot ang kanyang PI. Hindi na siya makapag hintay na malaman ang lahat. Dahil ang pinaka ayaw pa man din nito. Ang pinaglalaruan siya ng kung sino. Wala itong pakialam kung sino ang dalaga. Dahil oras na makumpirma niyang may nangyaring masama sa totoong nobya niya at ito ang may kagagawan, hindi siya magdadalawang-isip na patayin ang dalaga. Dahil walang ibang mahalaga sa kanya. Kundi si Annalisa.
NANLALATA ang katawan ni Analyn na bumangon ng kama. Para itong binugbog ng sampung katao sa sobrang panghihina nito. Sobrang sakit ng katawan niya lalo na ang kaselanan nito. Paika-ika itong naglakad papasok ng banyo para maglinis ng katawan.
Mapait itong napangiti na mapatitig sa repleksyon nito sa salamin. May mga pulang marka kasing iniwan si Theodore sa kanyang leeg at panga. Lalo na sa kanyang dibdib. Sobrang gigil na gigil si Theodore sa kanya kagabi. Na halos hindi na niya ito pagpahingain. Ilang beses siyang inangkin ni Theodore at aminado naman itong nagustuhan niya ang mga pinagsaluhan nilang dalawa kagabi.
“Sana lang hindi siya nakahalata kagabi,” piping usal nito na nagbabad sa ilalim ng shower.
Matapos nitong maligo, lumabas na ito ng banyo at naabutan si Theodore na galing sa labas at may dalang pagkain. Napalunok ito na binundol bigla ng kakaibang kaba sa dibdib.
“Good morning, baby. Breakfast in bed,” malambing saad ni Theodore dito na pilit niyang ikinangiti.
Paika-ika pa itong naglakad na nagtungo sa kama at naupo sa gilid.
“Still sore down there?” tanong ni Theodore dito na nag-init ang pisngi at marahang tumango.
Napahinga ng malalim si Theodore na hinaplos ito sa ulo.
“I'm sorry, baby. Nasobrahan kita kagabi.” Paumanhin nito na lumamlam ang mga mata.
Pilit ngumiti si Analyn na umiling at kinuha ang kamay nito na ikinalunok ni Theodore.
“Hwag ka namang mag-sorry, Daddy. Pakiramdam ko ay pinagsisisihan mong may namagitan sa atin kagabi. Ginusto ko naman ‘yon eh. Kaya okay lang,” saad ni Analyn dito na pilit ngumiti sa dalaga.
“Kumain ka na muna. I've made this breakfast for you,” pag-iiba ni Theodore dito na inabot ang tray na pinaglagyan niya ng agahan ng dalaga.
Hinayaan lang naman ito ni Analyn na subuan siya nito. Kahit bakas ang kakaibang lungkot sa mga mata ni Theodore ay pinilit nitong umaktong normal sa harapan ng binata. Marahil ay nagu-guilt ito na nasobrahan siya kagabi kaya nanghihina siya ngayong umaga.
Matapos kumain ay dinala din ni Theodore ang mga pinagkainan nito sa dining room. Nakakalakad na kasi ito kahit walang nakakaalalay. Pero hindi niya pa kayang tumakbo. Kaya hinahayaan lang ni Analyn na mag-ehersisyo ito na mag-isa.
“Bakit parang ang lungkot niya? May problema kaya siya?” usal nito na naiisip si Theodore.
LUMIPAS ang mga araw na napapansin ni Analyn na tila may problema si Theodore. Kahit hindi nito sabihin ay bakas ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Napapadalas din ang pag-inom nito sa gabi na nakakagisnan ni Analyn na wala sa kama nila at nasa balcony na umiinom.
Isang gabi, nagising si Analyn na wala na naman si Theodore sa tabi niya. As usual, nasa balcony ito na malayo ang tanaw at mag-isang umiinom. Napahinga ito ng malalim na bumangon at nilapitan ang binata. Dalawang linggo na lang kasi ay matatapos na ang tatlong buwan nilang usapan ni Annalisa. Matatapos na ang kasunduan nila at maaari na siyang bumalik sa probinsya nila.
“Daddy, is everything okay?” malambing tanong nito na yumapos sa baywang ni Theodore.
Napabuntong hininga ito ng malalim na mapupungay ang mga matang tinitigan ang dalagang nakatingala dito. Ilang segundo niyang pinagmasdan ito bago nagsalita.
“You said you like me. That you want to stay beside me. Totoo ba iyon, Anna? Gusto mo ba talaga akong. . . makasama? M-mahal mo ba talaga ako?” seryosong tanong ni Theodore dito na napalunok at bumilis ang t***k ng puso sa kaba!
“O-oo naman, Daddy. Bakit mo naman naitanong?” kabadong sagot ni Analyn dito na matiim siyang tinititigan sa mga mata.
“As you can see. Magaling na ang mga binti ko, baby. Hindi ba't sabi mo dati. . . magpagaling na muna ako bago natin pag-usapan ang pagpapakasal. G-gusto ko lang malaman kung. . . kung hindi pa rin nagbabago ang isip mo, Anna. Na gusto mo pa ring magpakasal sa akin.” Saad ni Theodore dito na napalunok at namigat ang dibdib!
Sobrang kinakabahan ito na pilit niyang nilalabanan. Lalo na't matiim na nakatitig si Theodore sa kanya na tila binabasa nito ang mga tumatakbo sa isipan niya.
Nangilid ang luha ni Analyn na nag-iwas ng tingin dito. Gustong gusto niyang magpakasal sila ni Theodore. Dahil natutunan na niyang mahalin ang binata. Pero ang kaisipan na hindi siya ang mahal ni Theodore kundi si Annalisa, ay dumudurog sa puso niya at ikinanghihina nito. Pakiramdam niya kasi ay inaagawan na niya si Annalisa kapag nagpakasal sila ni Theodore na hindi nito alam na hindi siya si Annalisa.
“Ayaw mo na,” mababang saad nito na mapait na napangiting napatango-tango.
“H-hindi naman sa gano'n, Daddy Theo. Ikaw ang inaalala ko eh. Baka kasi. . . magsisi ka kapag nagpakasal na tayo.” Sagot ni Analyn dito na napatitig sa dalaga.
“Bakit naman ako magsisisi? Eh mahal na mahal kita. At kung mahal mo din ako? Walang rason para magsisi ako na pakasalan ka,” saad ni Theodore dito na tumulo ang luhang nakatingala sa binata.
Umangat ang kamay ni Theodore na marahang pinahid ang luha nito.
"Yon na nga eh. Mahal na mahal mo si Anna. At siya ang gusto mong makasama at pakasalan. Hindi ang Anna na kaharap mo ngayon," mahinang usal ni Analyn na napayukong yumugyog ang balikat.
Napalunok si Theodore na umabot pa rin naman sa pandinig niya ang sinaad ng dalaga. At nakukuha niya kung bakit ito nasabi ni Analyn. Dahil. . . alam na niya lahat. Kung sino ito. Bakit ito nandidito sa tabi niya. At kung. . . kung nasaan ang totoong Annalisa.
Masakit sa kanya na mapag-alaman nitong may iba ng lalake ang pinakamamahal niyang babae. Lahat ginawa at ibinigay niya kay Annalisa para mapanatili ito sa tabi niya. Pero kung kailan kailangang kailangan niya ito ay umalis ang dalaga at sumama sa ibang lalake.
Nalaman din niyang sinadya ang nangyaring aksidente sa kanya. Na hindi totoong natupok sa sunod ang head bodyguard niya na driver niya nang araw na iyon. Dahil napag-alaman niyang. . . buhay ito at kasama ni Annalisa sa Bali Indonesia. Masakit sa kanya na tanggapin na plinano siyang patayin ng dalawang taong pinagka tiwalaan niya ng lubos. Lalo na ang babaeng tinuturing niyang reyna niya.
Gusto niyang magwala. Sumigaw. Manakit. Hanapin sila at pagbayarin. Pero naiisip din niya ang mga magagandang pinagsamahan nila ni Annalisa. Lalo na. . . ang kabutihan ng kakambal nitong pumalit sa nobya niya noong nakaratay siya sa coma.
Kung hindi nagpanggap na Annalisa si Analyn at nalaman niya ang buong katotohanan. Tiyak na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya sa wheelchair at mananatili na doon. Dahil nawalan na siya ng gana na gumaling pa at magpatuloy sa buhay. Pero dahil sa dalaga, na nagpakita sa kanya ng kabutihan at totoong pagmamahal. Nagkaroon siya ng panibagong pag-asa.
Nalaman niyang kakambal ito ni Annalisa mula sa private investigator nito. Nalaman din nito na nagpa-opera kamakailan lang ang ina nilang nasa probinsya. At ang pagpapalaki ng kanilang bahay. Na binayaran siya ni Annalisa para magpanggap bilang Annalisa at manatili sa tabi nito. Kaya nandidito sa poder niya ang dalaga.
Natatakot ito na baka isang araw ay umalis na ang dalaga sa poder niya. Lalo na't magaling na siya. Na kaya na niya ang sarili niya kahit hindi na nakaalalay ang dalaga sa kanya. Hindi siya sigurado kung totoong mahal siya ni Analyn. Pero kung siya lang ang tatanungin? Natutunan na niya itong. . . mahalin.
Napapisil ito sa baba ng dalaga na iniangat ang mukha nito na pinakatitigan ito sa mga mata. Kaya naman pala umpisa pa lang ay iba na ang nagpaparamdam sa kanya. Dahil ibang tao na pala ang kasama niya at nakahandang alagaan siya.
"I'll ask you one more time, Anna. Do you want. . . to marry me?" madamdaming tanong nito na ikinalapat ng labi ni Analyn na tumulong muli ang butil-butil nitong luha.
Ngumiti ito na marahang pinahid ang luha ng dalaga na luhaang nakatingala sa kanya at bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata. Yumuko si Theodore na matiim itong pinakatitigan sa mga mata.
"I'm asking you, baby. Do you want to marry me. . . Ana--lyn?"
Parang bombang sumabog ang katagang iyon sa dibdib ni Analyn na nanigas at natulala sa narinig! Paulit-ulit na nagri-replay sa isipan nito ang itinawag sa kanya ni Theodore. Para itong nalulutang sa kalawakan na inaalisa ang narinig. Pero malinaw na malinaw ang narinig niya. Tinawag siya ni Theodore. . . sa kanyang pangalan!
"T-Theo."