NANGHIHINANG napaupo si Analyn sa gilid ng kama na marinig nito si Annalisa! Dala ng pagkataranta niya ay naibaba niya ang linya at nanikip bigla ang dibdib nito. "A-anong ibig sabihin nito? Bakit siya nagpaparamdam?" usal nito na namumutlang nilingon si Theodore na nahihimbing sa tabi niya. "H-hindi kaya. . . babalik na siya? Babawiin niya kaya si Theo sa akin? Pero. . . asawa ko na si Theo. Ako na ang nagmamay-ari sa kanya. Ako na ang mahal niya --" Natigilan ito sa sumagi sa isipan na napalingon kay Theodore. Nangilid ang luha nito na hindi maiwasang mag-isip ng hindi maganda at pagdudahan si Theodore. "Mahal niya nga ba ako? Mahal na mahal niya si Annalisa. Paano kung. . . paano kung si Annalisa talaga ang nakikita niya sa akin? Paano kung si Annalisa pa rin ang mahal niya? Baka

