LUMIPAS ang mga araw na nagpapabalik-balik si Annalisa sa village nila Theodore. “Hanggang kailan ba natin ‘to gagawin, Anna?” reklamo ni Kolette, ang kaibigan nito na kasa-kasama sa pagmamatyag kay Analyn at Theodore. “Hanggang hindi ko nagagantihan ang traydor kong kapatid.” Sagot nito na nagngingitngit ang mga ngipin. “Yon na nga e. Kapatid mo ‘yong tao. Kita mo namang masaya na silang dalawa ng dating sugar daddy mo. Bakit hindi mo na lang sila hayaan? And besides, girl. Malaki ang atraso mo kay Sir Theodore. Hindi ka ba natatakot na ipakulong ka niya?” wika ng dalaga dito na napangisi at iling. “Hindi ako makakapayag mag buhay reyna ang traydor kong kapatid, Kolette. She will pay for betraying me. Ang linaw ng kasunduan namin. Magpapanggap siyang siya ako ng tatlong buwan. Aalag

