"Nasan nanaman ako" sabi ni Sherwin dahil nasa labas sya nang isang sira-sirang kastilyo.
"Parang nakita ko na yon" sabi ni Sherwin na nakita ang simbolo sa taas nang gate.
"Saklolo!" narinig nyang sigaw nang isang lalake mula sa kastilyo.
"Sigurado ka bang ito ang Mimic" sabi nang isang lalakeng nakaarmor na pang-hari habang nakatutok ang espada nito sa isang binatang lalake.
"Sigurado ako VIEL" sabi nang isa pang lalakeng parang hari rin dahil sa armor nito.
"Kung sabagay duwag din naman ang nakita kong tagapagmana dati" sabi nang hari bago tumawa.
"Pa... pakawalan nyo ko" nanginginig na sabi nang Mimic.
"Bakit? Hawak ba kita?" papilosopong sabi ni Viel.
"Anong gusto nyo, bakit nilusob nyo ang Shadow Castle?" sabi nang Mimic.
"Ano pa ba? Edi ang kakayahan mo" sabi ni Viel na naglakad palapit sa Mimic.
"A... ang kakaya...han ko?" nanginginig na sabi nang Mimic na napaatras kaso bumagsak sya nang maapakan nya ang isang may kalakihang bato.
"Mukhang alam mo na ang mangyayari sayo" sabi ni Viel na muli sanang maglalakad kaso...
"Dyan ka lang Viel" sabi nang isang lalakeng may puting buhok at may hawak na espada.
"Anong ginagawa nang Angelic Child rito?" sabi ni Viel na hinarap ang bagong dating.
"Kasama mo na pala ang Dawn at Crypt" sabi nito nang makita ang dalawa sa likod nang Angelic Child.
"Bakit mo inatake ang kaharian nang Vestige" sabi nang Angelic Child na sumenyas sa likod bago naglaho ang isa.
"PIER naman alam kong alam mo na ang sagot, pero sasagutin parin kita" sabi ni Viel.
"Itigil mo na to Viel, alam ko na ang pinaplano mo" singit nang isang lalakeng naka-abito.
"Sigurado ka bang alam mo na ang buong plano ko? Tagapagmana nang Yore" sabi ni Viel na tumira nang itim na apoy kaso may humarang rito.
"Napapalibutan ka na namin" sabi nang isang babaeng may makinang at bughaw na buhok na nasa harapan nang Yore.
"Sige pag-kaisahan nyo ko, lagi nyo namang ginagawa yan" sabi ni Viel na lumingon sa paligid at nakita ang iba pang tagapagmana.
"Sumuko na kayong dalawa, walang laban ang dalawang elemento sa dalawampu't-apat" sabi nang Dawn na lumabas sa likod ni Pier na hawak ang Mimic.
"Tumakas ka na Viel, ako nang bahala sa kanila" sabi nang kasama nya.
"Mag-ingat ka, kailangan kita sa plano ko" sabi ni Viel bago sya nawala.
"Pier, sundan mo na si Viel" sabi nang isang babae na tumingin kay Viel.
"Ako nang haharap sa kanya" sabi nito na inilabas ang isang espada at nakatingin sa Juggernaut na nagpapalabas na nang halimaw.
"Mag-ingat ka" sabi ni Pier bago sila nawala.
"Sa tingin mo kaya mo kong talunin" sabi nang Juggernaut na nasa taas nang isang halimaw na bato.
"Hinde, pero hindi kita hahayaang makaalis rito nang buhay" sabi nang Radiant na tumakbo papunta sa halimaw.
"Talunin mo lang sya, huwag mo syang ta..." utos nang Juggernaut na nagulat nang may yumakap sa kanya mula sa likod at sinaksak nang espada sa puso.
"Paanong?!" tanong nang Juggernaut.
"Magkakaiba ang mga pwesto namin sa paningin ninyo ni Viel, dahil sa kakayahan nang Amplitude" sabi nang Radiant.
"Baliw ka mababale-wala ang sakripisyo mo dahil mabubuhay pa ako kapag ginamit ko ang monster form ko" sabi nang Juggernaut dahil tumagos hangang sa Radiant ang espada.
"Pareho lang tayo, kaya nga ginawa ko nalang na bomba ang katawan natin" sabi nang Radiant.
"Hinde!" gulat na sabi nang Juggernaut bago sila umilaw.
"Sabay tayong mamamatay mahal ko" sabi nang Radiant bago sila sumabog na sumira sa buong kastilyo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong binabalak mo Viel?" sabi ni Pier nang makita nilang may hawak itong patalim at naghahanda nang saksakin ang sarili.
"Kailangang lumabas ang Demonyo bago pa may masamang mangyari sa kaisa-isang taong naniniwala sakin" isip ni Viel na sasaksakin na ang sarili kaso hindi nya maigalaw ang katawan nya.
"Hindi namin yan hahayaan" sabi nang babaeng tagapagmana nang Amplitude bago biglang lumindol matapos ang isang malakas na pag-sabog.
"Ano yon?" sabi ni Pier habang tumatayo ang lahat.
"Wala na ang dalawang tagapagmana" sabi nang Yore.
"Hinde! Sinira nyo ang plano ko" sabi ni Vile habang tumatayo.
"Pero may pagasa pa sa susunod na buhay, pero kailangang makuha ko ngayon ang Vestige para mas mabilis ang sa susunod" isip ni Viel na sinaksak na ang sarili.
"Hinde" sabi ni Pier bago napaikutan nang itim na apoy si Viel na kasabay nang pagdilim nang paligid.
"Tayo na, umalis na tayo rito" sabi nang Yore bago sila nawala.
"Aaaaahhhhh!" sigaw ni Viel sa sakit habang natutunaw ang patalim sa dibdib nito, kasabay nito ang paglabas nang dalawang itim na pakpak sa likod nya at dalawa ring sungay sa ulo, ang katawan naman nya ay napuno nang dugo mula sa paglabas nang mga pakpak at sungay.
"Ganito ang mangyayari sakin" sabi ni Sherwin na nasa sulok at nakatingin sa Demonyo.
"Ano yung plano nya na kailangan ang Juggernaut?" sabi ni Sherwin na nakatingin sa Demonyong lumipad pataas bago nagsigawan ang mga tao.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hindi maaari" sabi nang isang babae na niyakap si Pier.
"Wala nang ibang paraan, lumabas na ang Demonyo" sabi ni Pier na inalis ang kamay nang babae.
"Masaya ako at naging asawa kita" sabi ni Pier na nakatingin sa babae.
"Kamahalan wala nang oras, nasira na ang Ensanguined" sabi nang Yore na tumingin sa tagapagmana nito na nanghina at napasandal sa dingdeng.
"Huwag kayong mag-alala, akong bahala sa Fatality" sabi ni Pier habang sinenyasan ang mga kawal na ilayo ang kanyang reyna.
"Bilisan mo kamahalan, sira narin ang Ultra" sabi nang tagapagmana nito na naghina narin.
"Tama sya kamahalan, bumibilis ang galaw nang Fatality" sabi nang Yore dahil nakita nyang nasira narin ang Knowledge at Mystic.
Dahil don ay sinaksak na ni Pier ang sarili sa puso bago sya umilaw.
"Pagkalabas nang Anghel ibigay nyo na agad ang lakas nyo rito" sabi nang Yore na hinarap ang Dawn at Crypt na parehong tumango.
Habang kinakausap nang Yore ang ibang tagapagmana ay lumalabas na ang dalawang elegante at puting pakpak ni Pier at nawala ang mga dugong nangaling sa paglabas nito kasama na ang sugat nito sa dibdib.
"Ngayon na" sabi nang Yore pagkadilat nang Anghel dahil nagsisigawan na sa labas nang kastilyo.
"Lahat ibigay na ang kakayahan sa Spirit" sabi nang Yore bago isa-isang umilaw ang mga tagapagmana, kaso bago pa umilaw ang Mimic ay nabasag ang salamin sa likod nito at...
"Saklolo!" sigaw nang Mimic na hawak nang Fatality sa ulo.
"Hindi maaari" sabi nang Inferno dahil nanghina sya matapos nyang ibigay ang kakayahan nya sa Spirit.
"Pa...ka...wa..." nanginginig na sabi nang Mimic.
"Pakawalan mo sya" sabi nang Yore habang isa-isang nanghihina ang mga tagapagmana matapos nilang ibigay ang kakayahan nila sa Spirit.
"Matapang ka, sa tingin mo may laban ka sakin" sabi nang Fatality nang harapin sya nang Yore.
"Ako nalang ang may lakas at hindi pa handa ang Spirit" sabi nang Yore dahil umiilaw parin ang Spirit.
"Pababayaan ko namang lumabas ang Archangel kung ibibigay nyo sya sakin" sabi nang Fatality na itinaas ang Mimic na hinimatay na sa takot.
"Sa tingin mo hahayaan ko yon" sabi nang Yore na tinapat ang kanang kamay sa Fatality.
Kaso bago pa nya ito patigilin ay nabalutan na sya nang itim na yelo.
"Hindi ikaw ang makakatalo sakin" sabi nang Fatality bago nabasag ang yelo kasama ang Yore.
"Sinong gustong sumunod?" tanong nang Fatality na tumingin sa mga nanghihinang tagapagmana.
"Kung wala na, salamat sa pagkain" sabi nang Fatality bago itinaas ang kanang kamay nang Mimic at...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hinde" sabi ni Sherwin na napayuko at pumikit.
"Aaaaahhhhh!" narinig nyang sigaw nang Mimic na nagising dahil sa sakit nang pagkain nang Fatality sa kamay nya.
"Sa ganitong paraan ko nakuha ang Vestige" sabi ni Sherwin na tumalikod at tinakpan ang bibig dahil muntikan na syang masuka.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sige sigaw pa, nasisiyahan akong pakinggan ang sigaw mo" sabi nang Fatality na tinignan ang nanghihina nang Mimic.
"Hindi to maaari, hindi lalabas ang Archangel hangat may malapit na tagapagmana ang hindi pa nagbibigay sa kanya nang lakas" sabi nang Knowledge na tiniis ang sigaw nang Mimic habang patuloy ang Fatality sa pagkain sa kamay nito.
"Para matapos ang ceremonya at tuluyan ko nang makuha ang Vestige" sabi nang Fatality na itinaas ang Mimic matapos nyang maubos ang kanag kamay nito.
"Masama to, hindi parin bumabalik ang lakas namin" sabi nang Weald na tumingin sa iba at nagulat nang...
"Pakawalan mo sya" sabi nang Ensanguined na nanghihinang tumayo at sinugatan ang sarili upang gumawa nang espada at tumakbo patungo sa Fatality.
"Huwag mong gagawin yan!" sigaw nang Gust pero huli na ang lahat.
"Sa tingin mo makakagawa ka pa nang matibay na sandata, kahit gamitin mo ang lahat nang dugo mo hindi ka na makakagawa non dahil wala na ang sagradong bato nang elemento mo at naibigay mo narin sa Spirit ang lakas mo" sabi nang Fatality dahil biglang naging dugo ang sandata bago pa ito tumama sa kanya.
Kasabay non ay dinukot nya ang puso nang Ensanguind at inipit ito nang kanyang kamay.
"Di ko na kayo kailangan dahil kulang na kayo at naibigay na ninyo ang lakas nyo sa Spirit" sabi nang Fatality habang nakatingin sa walang buhay na Ensanguined malapit sa kanya.
"Isa pa hawak ko ang Mimic" sabi nito na itinaas ang nang-hihinang lalake.
"Anong!" gulat na sabi nito dahil umiilaw nang itim ang Mimic.
"Hin...di... ako... pa...pa..." nanghihinang sabi nang Mimic.
"Hindi ka papayag na makuha ko ang kakayahan mo" sabi nang Fatality bago iniharap ang Mimic sa Spirit.
"Buo na sya pero hindi ka parin nya tinutulungan, tapos ibibigay mo lang ang kakayahan mo sa kanya" sabi nang Fatality bago nawala ang ilaw nang Mimic.
"Huwag kang maki..." hindi na natapos nang Knowledge ang sasabihin dahil may lumabas na patusok at itim na lupa sa ilalim nya at tinamaan nito ang kanyang puso.
"Ta...ma... na!" sigaw nang Mimic bago sya pinaikutan nang anino.
"Pinapabilib mo ko, may lakas ka pang tawagin ang mga anino mo" sabi nang Fatality na ngumiti.
"Pero ayan talaga ang kailangan ko, ang gamitin mo ang kakayahan mo bago ko..." sabi nito bago biglang dinukot mula sa likod nang Mimic ang puso nito.
"...kainin ang puso mo" sabi nito bago tumawa at binitawan ang walang buhay na Mimic.
"Pababayaan ko munang magising ang Spirit para naman may malakas akong makalaban" sabi nito bago sinubo nang buo ang puso nang Mimic at lumipad paalis.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Masyadong brutal ang pagkuha nya sa elemento" sabi ni Sherwin na kusang sumusunod kung nasan ang Fatality.
Hindi pa sila nakakalayo nang biglang umilaw nang itim ang Fatality.
"Nararamdaman ko ang lakas nang enerhiyang dumadaloy sakin" sabi nang Fatality bago sya tinubuan nang apat pang itim na pakpak kasabay nang paghaba nang dalawang sungay nito na umikot nang isang beses at paghaba nang dalawa nyang braso hangang sa umabot na sa kanyang mga paa ang kanyang kamay.
Kasabay non ay unti-unti nang lumalakas ang liwanag na nanggagaling sa Spirit na tinubuan narin nang apat pang elegante at puting pakpak.
"Ang laki nang idinagdag nang lakas ko" sabi nang Archdevil habang lumipad na palayo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari rito?" tanong nang Archangel dahil nakita nya ang tatlong tagapagmanang wala nang buhay at may nakakalat na itim na yelo sa sahig.
"Nakuha nang Fatality ang Vestige at ngayon ay..." sabi nang Crypt.
"...lumabas na ang Archdevil" sabi nang Archangel na lumapit sa bintana.
"Dito lang kayo at magpalakas" sabi nito bago lumipad palabas.
"Mas mabilis sana kung nakuha ko ang Yore at nakakapag-teleport" sabi nito bago lumipad papunta sa direksyon nang Archdevil.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Musta" bati nang Archdevil na nasa labas nang kastilyo nang Amplitude sa outer space.
"Ang... ang..." sabi nang isang lalake na nakatingin sa nilalang sa labas habang nagtatakbuhan ang mga tao.
"Wala na kayong tatakbuhan" sabi nang Archdevil na binasag ang salamin na bumabalot sa kastilyo na naging dahilan nang pagkakaroon nang vacuum na hinigop palabas ang mga tao kasabay nang pagkawala nang kastilyo sa orbit at bumagsak sa mundo.
"Ilang kastilyo kaya ang masisira ko" sabi nang Archdevil bago tumawa at nawala.
"Nasan ka na?" sabi nang Archangel dahil biglang nawala ang enerhiya nang Fatality.
"Sa Zircon" sabi nito bago nag-iba nang direksyon at mabilis na pumunta sa kastilyo nang Zircon pero may nakita syang mga malalaking bato na nalalaglag mula sa kalawakan.
"Kami na nang Zircon ang pupunta don" narinig nyang sabi nang Nirvana na nakasakay na sa ulap malapit sa kanya at katabi nito ang Zircon.
"Sige, mag-ingat kayo" sabi nang Archangel na nagpatuloy na papunta sa Zircon.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sigurado kayong ayos lang kayo?" tanong nang Inferno sa tagapagmana nang Xeno at Mystic dahil hindi parin nanunumbalik ang lakas nila.
"Sa tingin ko epekto yan nang pagkasira nang sagradong bato nang inyong elemento" sabi nang Panacea na sinusuri ang dalawa.
"Iwanan na namin kayo rito, tutulong kami sa Spirit" sabi nang Inferno na sumakay sa Amplitude na ngayon ay gamit na ang monster form nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ilikas mo na lahat nang tao rito" sabi nang Zircon pagdating nila sa Hail.
"Huwag mong pwersahin ang sarili mo, hindi pa tuluyang bumabalik ang lakas mo" sabi nang Nirvana habang gumagawa nang malaking ulap na kasya ang lahat nang tao sa kastilyo.
"Alam ko, kaya nga pinapalikas ko sila para makasigurado" sabi nang Zircon na unti-unting nagbabago.
"Nag-iwan ako nang ulap para masakyan mo paalis pag hindi mo na kaya" sabi nang Nirvana na sumakay na sa ulap nang makasakay na lahat nang tao bago umalis.
"Kaya ko to hangang buo ang sagradong bato nang Zircon" sabi nang Zircon na ngayon ay mukhang pusa na may puting balahibo at dyamante sa noo bago sya naglagay nang barrier sa buong kastilyo bilang proteksyon nito sa mga bumabagsak na bato.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang Spirit" sabi nang matanda sa kastilyo nang Zircon na nakatingin sa nilalang na may dalawang puting pakpak.
"Mag-ingat kayo, nararamdaman ko ang Archdevil na parating" sabi nito.
"Archdevil!" sabi nang matanda na nagulat.
"Nakain nya ang Mimic at pinabagsak ang ibang tagapagmana kaya hindi ako maging Archangel" sabi nang Anghel.
"May nakikita kaming papalapit rito na may puting pakpak" ulat nang isang kawal.
"Ginaya nya ko" sabi nang Anghel na nakatingin sa padating na Archangel.
"Pumasok ka sa barrier, walang makakalusot sa barrier nang kastilyo kahit na ang teleportation nang Yore" sabi nang matanda na pinatanggal ang barrier para makapasok sa loob ang Spirit.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong?!" gulat na sabi nang Archangel nang nakita ang Spirit na nakikipag-usap sa tao sa loob nang kastilyo nang Zircon.
"Huwag nyo syang papasukin!" sigaw nito nang nakitang tinangal ang barrier nang kastilyo.
"Huwag nyo syang papasukin, sya ang Archdevil" sabi nang Archangel gamit ang telepathy para marinig nang mga tao sa kastilyo.
Kaso huli na ang lahat dahil bago pa maibalik ang barrier ay sumabog na ang kastilyo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Huwag nyo syang papasukin, sya ang Archdevil" narinig nang matanda sabi nang isang boses.
"Haring Pier" sabi nito nang nakilala ang boses nang tagapagmana nang Spirit.
"Ibalik ang barrier!" sigaw nito sa kumokontrol nang depensa kaso sumabog na ang kastilyo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong!" gulat na sabi nang Zircon dahil kasamang bumabagsak nang mga bato ang buong kastilyo nang Amplitude at mabilis na pabagsak ito sa tubig malapit sa kastilyo nang Hail.
"Kailangang palakasin ko ang barrier" sabi nito kaso...
"Hindi ito maaari..." sabi nang tagapagmana bago sya bumalik sa dati matapos ang isang pag-sabog.
"Lagot na" sabi nito dahil malapit na ang kastilyo.
Ilang sandali ay bumagsak na ang kastilyo kasabay nang malakas na pagsabog dahil sa impact na sumira sa kastilyo nang Hail kasama ang kalapit nitong mga kastilyo nang Xeno, Juggernaut at Panacea. Dahil rin sa malakas nang hangin ay naapektuhan nito ang kastilyo nang Nirvana na nasa puting ulap na bumanga sa kastilyo nang Lightning na nasa itim na ulap na nagdulot nang pagkasira nang parehong kastilyo at magkasamang nalaglag sa lupa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang lakas naman nang pagsabog na iyon" sabi nang Nirvana na nilingon ang direksyong pinangalingan nila.
"Maganda to madali kaming makakarating sa kastilyo nang Spirit" sabi nang Nirvana kaso biglang may mga batong nagsimulang bumagsak mula sa ere.
"Hinde, lagot na..." sabi nang tagapagmana nang nakita nya ang kalahati nang sagradong bato nang Nirvana sa mga nalalaglag.
"Masama to, di namin maiiwasan ang mga bato" sabi nang Nirvana na hindi na makontrol ang ulap dahil sa bilis nito at hindi nagtagal ay nabagsakan na sila nang mga bato.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mapapagaling ko ang mga sugat nyo pero hindi ko sigurado kung mananatili pa ang mga kakayahan nyo" sabi nang Panacea na naging dragon.
"Nasira narin ang kastilyo nang Panacea" sabi nang Panacea dahil bumalik sya sa dati pagkatapos nang isang pagsabog.
"Nasira narin ang Panacea" ulit nang Ultra na tumayo.
"Kailangan na nating kumilos, kunin natin ang sagradong bato nang Spirit at itago ito sa labas nang kastilyo" sabi nang Mystic.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"San tayo pupunta?" tanong nang Amplitude pagkasakay nang iba sa kanyang monster form.
"Sa kastilyo nang Fatality upang sirain ang sagradong bato nito" sabi nang Inferno.
"Teka lang dapat makuha din natin ang bato nang Vestige" sabi nang Weald habang papunta na and Amplitude sa kastilyo nang Fatality.
"Pero wasak na ang kastilyo nang Vestige" sabi nang Taboo.
"Maraming nagsasabing kahit mawasak ang bato nang Vestige ay gagana parin ito hangat nasisinagan ito nang liwanag" paliwanag nang Weald.
"Sige Taboo, Weald, Ocean at Crypt kayo na ang bahala sa Vestige, kami na ang bahala sa bato nang Fatality" sabi nang Inferno.
"Silang apat lang?" tanong nang Lightning.
"Buo pa ang kastilyo nang Fatality siguradong nakahanda na ang mga sundalo don sa ano mang pagsalakay.
"Naintindihan namin" sabi nang Taboo bago tumalon mula sa monster form nang Amplitude.
"Kailangan nyong magmadali" sabi nang Ocean bago rin tumalon kasama ang Crypt at Weald.
Ang Taboo ay kinokontrol ang gravity upang bumagal ang pagbagsak nila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang kastilyo nang Amplitude" sabi nang Amplitude nang makita ang sariling kastilyong bumabagsak.
"Lagot na" dagdag nito na biglang bumalik sa dati at nalaglag sila kaso biglang lumakas ang hangin na nagpatigil sa kanila sa ere.
"Ako nang bahala" sabi nang Brutish na tumingin sa Gust bago sya nalaglag sa tubig at hindi nagtagal ay lumabas na sya na nasa taas nang isang balyena.
"Pwede natin syang sakyan" sabi nang Brutish bago binaba nang Gust ang iba roon.
"Tayo na" utos nang Brutish bago lumangoy yung hayop.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kailangan nating bilisan ang pagbaba" sabi nang Crypt na nakita ang pabagsak na kastilyo.
"Pero mataas pa to" sabi nang Taboo.
"Baka tangayin tayo nang malakas na..." huli na ang babala nito dahil pagkatapos nang pagsabog ay sumunod ang malakas na hanging nagpalayo sa kanila sa guho nang Vestige.
"Lumapit kayo sakin" sabi nang Ocean nang mapatapat sila sa tubig.
"Paano?" sabi nang Taboo bago bumilis ang paglaglag nila.
"Anong nangyari?" sabi nang Crypt na tumingin sa Taboo.
"Nanghina ako bigla" sabi nang Taboo na tinignan ang simbolo nya sa kamay na unti-unting nawawala at nasusugatan.
"Wala nang oras" sabi nang Weald dahil pabilis sila nang pabilis.
"Akong bahala, basta huwag kayong hihinga" sabi nang Ocean na pinabigat ang itaas na parte nang katawan at tinapat ang dalawang kamay sa tubig.
"Huwag hi..." sabi nang Weald bago biglang may apat na parang poste na gawa sa tubig at tumama sa bawat isa sa kanila bago sila nabalutan nang bula.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakita rin kita, Archdevil" sabi nang Archangel pagkatigil nito bago ang isang malakas na pagsabog sa di kalayuan.
"Ang kastilyo nang Hail!" gulat na sabi nang Archangel.
"Di lang ang Hail, wasak narin ang Amplitude, Juggernaut, Xeno at Panacea. Limang kastilyo sa isa, ang galing ko talaga" sabi nang Archdevil na iniwasan ang malaking bolang apoy na tinira nang Arhcangel.
"Nice one" pabirong sabi nito dahil tumama sa kalapit na kastilyo ang apoy.
"Tatapusin kita" sabi nang Archangel na sinugatan ang sarili at gumawa nang espada.
"Humanda ka" sabi nang Archangel na inatake ang Archdevil.
"Sa tingin mo matatalo mo ko, hawak ko ang dalawa sa pinaka-malakas na elemento..." sabi nang Archdevil na gumawa nang espada gamit ang anino.
"...hangang sa susunod kong buhay" nakangiting isip nito.
"Wala akong pakialam kahit hawak mo rin ang Vestige" sabi nang Archangel na hinaharangan ang sandata nang Archdevil.
"Sigurado ka? May alam akong hindi mo alam" pabirong sabi nang Archdevil bago tumawa at nawala.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi nang Archangel na inilibot ang paningin.
"Ba't ko sasabihin" sabi nang Archdevil na lumabas sa likod nang Archangel bago hinati ang isa sa pakpak nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sigurado po kayong narito ang sagradong bato nang Spirit?" sabi nang Panacea dahil buhangin nalang ang nakita nila ron.
"Sigurado ako, nakalagay pa dyan ang bato kanina" sabi nang reyna na tinuro ang bilog na butas sa dingdeng.
"Posible kayang nadurog ang bato?" sabi nang Mystic na lumapit at iniluhod ang isang binti sa tabi nang buhangin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Maghanda kayo, siguradong madami nang kawal ang nasa kabila nito" babala nang Inferno sa mga kasama.
Sila ngayon ay nasa harapan na nang gate nang Fatality.
"Tayo na" sabi nang Inferno na lumunok muna nang laway bago binuksan ang gate.
"..." lahat sila ay natulala at walang nasabi dahil walang kahit na isang kawal ang sumalubong.
Ang buong kastilyo ay sirang-sira at nagkalat ang mga bangkay nang tao sa paligid.
"Anong nangyari rito?" sabi nang Xeno habang naglalakad sila sa kalsada.
"Mukhang ang kastilyo nang Fatality mismo ang unang biktima nang Demonyo" sabi nang Inferno bago may narinig na kaluskos sa pagitan nang mga bahay.
"Tulong" narinig nilang tawag nang isang boses.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Akala ko mamamatay na ko" sabi nang Weald na hinahabol ang hininga.
Sila ngayon ay nasa guho na nang Vestige.
"Sinabi na kasing huwag huminga" sabi nang Ocean na naglakad na kaso tumigil ito nang may natamaang bakal.
"Bakit ka naman biglang huminto" sabi nang Weald na tumama sa likod nang Ocean.
"Ang espada nang tagapagmana nang Radiant" sabi nito nang makita ang hawakan nang espadang may simbolo nang Radiant.
"Tayo na kailangang mahanap na natin ang mga piraso nang bato" sabi nang Crypt na pinaalala ang misyon sa mga kasama.
"Ipaubaya nyo na to sakin" sabi nang Taboo na pumunta sa gitna nang guho.
"Pero nanghihina ka na at wala ka nang pinagkukunan nang lakas" protesta nang Weald.
"Ayos lang yon, talaga namang gusto kong isakripisyo ang buhay ko para matalo ang Archdevil" sabi nang Taboo bago umilaw.
"Isa pa sino pa ba ang pwedeng gumawa nito bukod sa elemento nang gravity" dagdag nito bago isa-isang lumutang ang mga bato.
"Hanapin nyo na ang kahit na isang piraso nang bato" sabi nito bago naglakad ang tatlo sa paligid.
Pero hindi pa sila nakakalayo ay nagbagsakan na yung mga bato.
"Bumigay na sya kaagad" sabi nang Crypt na tumingin sa walang malay na Taboo.
"Bakit naman kasi pinalutang nya lahat, pwede namang yung mga maliliit nalang ang pinalutang nya" sabi nang Ocean.
"Muntik na" isip nang Weald na nakatingin sa malaking bato sa harap nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano na, di ko inaakalang ganito ka kahina" sabi nang Archdevil dahil putol na lahat nang pakpak nang Archangel.
"Talaga palang malakas sya" isip nang Archangel na hawak parin ang espada.
"O baka naman nakuha ko lang ang Vestige kaya ganito ako kalakas" sabi nang Archdevil bago tumawa.
"Aaaaaahhhhh!" sigaw nang Archangel habang tumatakbong inatake ang Archdevil.
"O dahil wala kang kakayahan nang Yore?" sabi nang Archdevil na lumabas ulit sa likod nang Archangel at sinaksak ito na tumagos sa puso nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Salamat" sabi nang isang matandang nilabas nila sa mga guho.
"Ayos lang po yon" sabi nang Inferno.
"Bakit nga pala kayo narito?" tanong nang matanda.
"Hinahanap po namin ang sagradong bato nang Fatality, alam nyo po ba kung nasaan yon?" sabi nang Hail.
"Ang bato nang Fatality kamo?" sabi nang matanda.
"Kailangan po kasi naming sirain yon" sabi nang Lightning.
"Sirain? Alam nyo ba ang sinasabi nyo" galit na sabi nang matanda na ikinagulat nang lahat.
"Katulad nyo rin ang mga batong yon, dati silang tao at tagapagmana. Sila ang mga katauhan na nakakausap nyo tungkol sa elemento nyo at ang nagturo sa inyo nang mga kakayahan nyo" sabi nang matanda sa mahinang boses.
"Ano po yon?" tanong nang Inferno dahil hindi nila narinig ang sinabi nang matanda.
"Bakit gusto nyong sirain ang sagradong bato?" tanong nang matanda.
"Kailangan po naming gawin yon baka sakaling mapigilan po non yung Archdevil" sabi nang Lightning.
"Lumabas na ang Archdevil!" gulat na sabi nang matanda.
"Lumabas narin naman po ang Archangel kaso baka hindi po sapat ang kakayahan nito kaya nagbakasa..." sabi nang Amplitude.
"Wala na ang bato" singit nang matanda na ikinagulat ulit nang lahat.
"Ang sagradong bato nang tatlong pinakamalakas ay pare-parehong may espesyal na kakayahan. Ang Vestige ay hindi tuluyang masisira hangat nasisinagan nang liwanag ang kahit na maliit na piraso nito. Ang Spirit at Fatality ay nagiging buhangin sa oras na lumabas na ang pangalawa nitong anyo" sabi nang matanda.
"Ibig sabihin wala na ang bato" malungkot na sabi nang Inferno.
"Pero manghihina ang Archdevil kapag nawasak ang sagradong bato nang elementong nakain nito" sabi nang matanda.
"Kaya mo pa bang sabihin ito sa apat?" tanong nang Inferno na tumingin sa Amplitude.
"Kaya ko pa" sabi nang Amplitude bago ito pumikit.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Okay" sabi nang tatlong naghahanap nang bato sa kastilyo nang Vestige.
"Malakas pa ang Archdevil dahil nasisinagan pa nang araw ang ilang piraso nang bato..." sabi nang Ocean.
"...dahil ito ay nasa pagitan nang mga bato..." dugtong nang Weald.
"...kaya ito ay masisira kapag dumilim ang paligid" pananapos nang Crypt bago nya pinadilim ang paligid.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Walang kwentang laban" sabi nang Archdevil habang bumabagsak ang Archangel.
"Akala ko pa naman masisiyahan ako sa laban natin" sabi nang Archdevil.
"Pano na ako mapapatay ngayon" isip nito na aapakan sana ang ulo nang Archangel kaso bigla itong nanghina at bumagsak.
"Ang mga yon, sana pala tinapos ko na silang lahat kanina" sabi nang Archdevil na pinipilit tumayo kaso biglang may espadang tumusok sa puso nya mula sa likod.
"Buti naman totoo ang mga nabasa ko" isip nang Archdevil na walang buhay nang bumagsak sa lupa.
"Muli akong mabubuhay hangat hindi kita natatalo, ito ang wala ka" sabi nang Archangel bago rin sya walang buhay na bumagsak.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano to" sabi nang Inferno dahil bigla silang umilaw.
"Tapos na ang oras nyo bilang tagapagmana, namatay na ang Fatality at Spirit sa panahong ito" sabi nang matanda.
"Nagawa nila" isip nang Brutish na napangiti.
"Teka lang po, ano pong ibig nyong sabihing tapos na ang oras namin?" tanong nang Hail dahil biglang lumakas ang ilaw.
"Binigay nyo ang enerhiya nyo sa Spirit hindi ba?" sabi nang matanda.
"Opo" sabi nang Dawn.
"Kapag namatay ang Spirit mamamatay narin ang mga tagapagmanang nagbigay rito nang enerhiya kahit buhay na buhay pa ang mga ito. Ang mga tagapagmanang ito ay ang magiging bagong sagradong bato at magiging gabay nang susunod na tagapagmana" sabi nang matanda bago nawala ang mga tagapagmana at naiwan ang syam na bato sa kastilyo nang Fatality.
Anim na bato naman sa guho nang Vestige; Pito sa kastilyo nang Spirit; Isa sa guho nang Nirvana at Lightning; Isang lumulutang sa tubig kung saan nakatayo dati ang kastilyo nang Hail; at Dalawa malapit sa guho nang nang Zircon.