"Did you like my gift?" narinig nyang sabi nang isang boses pagkalabas nila nang halimaw sa isang lugar.
"Luis" sabi ni Sherwin na nagpumilit makawala nang makita ang lalake.
"Looks like you're body was still weak, like the old times" nakangiting sabi ni Luis na lumapit sa kanilang dalawa.
"Want me to help?" sabi ni Luis bago hinati ang halimaw.
"Nooo!" sigaw ni Sherwin bago walang buhay na bumalik ang halimaw sa dati at nalaglag mula sa taas nang building.
"Why did you do that?!" galit na sabi ni Sherwin na hinawakan sa magkabilang kwelyo si Luis habang may umiikot na itim na hangin sa kanya.
"Think about yourself first before you think about others" sabi ni Luis na sinaksak sa dibdib si Sherwin.
"Hin..." sabi ni Sherwin na napaatras bago naging dugo ang kutsilyong nakasaksak sa kanya na tumagos sa kwintas, ang sugat naman nya ay unting-unting gumaling.
"Why are you still alive?" nagtatakang sabi ni Luis na nakatingin kay Sherwin na hawak ang sirang kwintas na may dumadaloy na itim na likido.
"Sa wakas nasira na rin ang tanging pumipigil sakin" sabi nang isang boses.
"Hinde... Hinde to maaari" sabi ni Sherwin bago sumakit ang ulo nya habang hawak nya ang kwintas.
"Aaaaaaaaahhhhhhhh!" sigaw nya bago sya napa-ikutan nang itim na enerhiya.
"What's happening" sabi ni Luis na nakatingin kay Sherwin na napapalibutan nang itim na enerhiya.
"Is this the demon that you're talking about Lantis?" sabi ni Luis
"No, if this was the monster form he should have black wings and horns by now" sabi ni Lantis.
"So what is it then?" sabi ni Luis na nakatingin kay Sherwin na ngayon ay tumatayo na.
"You want to know what this is?" sabi ni Sherwin bago sya nawala.
"I'm the Vampire, the monster form of Vagrant" sabi ni Sherwin na ngayon ay may pulang mga mata at matatalim na pangil.
"What the...!" gulat na sabi ni Luis na napaatras.
"You've got to be kidding me, there was no Vagrant much more a Vampire monster form" sabi ni Luis na nakatingin kay Sherwin.
"No I'm not" sabi ni Sherwin na naglabas nang itim na apoy sa magkabilang kamay.
"I'm the combined element of Fatality and Vestige, and I used the form of this vessel as my monster form" sabi ni Sherwin bago binato kay Luis ang itim na apoy.
"Combined Element" sabi ni Luis na hindi agad nakaiwas sa apoy kaya tinamaan sya sa kanyang kaliwang braso.
"Aaaaahhhhhh!" sigaw ni Luis habang kumakalat ang apoy sa buong katawan nya.
"That was my thanks for destroying the only thing that keeps my vessel from being a vampire" sabi ni Sherwin na nakatingin kay Luis na puno na nang itim na apoy.
"And to have the honor of being my first victim after I finally acquired my form" sabi nito kaso biglang napalibutan nang bato si Luis.
"Then I'll have the honor of killing you too" sabi ni Luis na ngayon ay isa nang gargoyle.
"Really?" sabi ni Sherwin na tumawa bago may lumabas na aninong kamay kay Luis.
"What the...!" gulat na sabi ni Luis dahil hindi sya makaalis.
"Let's see you survive this" sabi ni Sherwin na naglabas nang malaking bilog na itim na tubig at nasa gitna si Luis.
"Aaaaahhhhh!" sigaw ni Luis habang natutunaw ang mga bato sa kanya.
"Sherwin?" narinig nyang sabi nang isang boses babae mula sa likod.
"Ai...ra" sabi ni Sherwin sa normal na boses at itsura nang tumingin kay Aira, kaya nawala ang konsentrasyon nya sa anino at nakawala si Luis.
"Hinde" sabi ni Sherwin sa boses nang Vagrant habang nakatingin sa palayong gargoyle.
"Anong nangyari?" tanong ni Anne nang makalapit kila Aira at Robert.
"Hindi ko alam, parang..." sabi ni Robert kaso natigilan sya nang.
"Kasalanan nyo to!" sigaw ni Sherwin na humarap sa tatlo.
"Sherwin?!" nagulat na sabi ni Aira na napahawak kay Robert nang makita ang pulang mata ni Sherwin.
"Anong nangyari sayo Sherwin, hindi ka naman dating ganyan?" tanong ni Robert dahil parehong hindi makapagsalita ang dalawang babaeng nasa likod nya at nakahawak sa kanyang braso.
"Kayo ang ipapalit ko sa nakatakas na iyon, tagapagmana nang Brutish, Weald at Spirit" sabi ni Sherwin na ngumiti at lumabas ang mga matatalim nyang pangil, bago napa-ikutan nang itim na apoy ang tatlo.
"Pero kung sabagay, hindi narin magtatagal yon sa pinsalang nagawa ko sa kanya" sabi ni Sherwin na naglalakad palapit sa tatlo.
"Sherwin" sabi nang isang boses sa likod ni Sherwin.
"Mukhang dumating narin ang ibang tagapagmana" sabi ni Sherwin na tumingin sa pinggalingan nang boses at nakita sila Alex.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Shane na nakatingin sa itim na apoy na nakapaikot kila Robert.
"Kung sabagay hindi ko nga naman kayo kailangan" sabi ni Sherwin bago pinalutang sila Robert at Anne na binato nya kila Alex na nasalo naman nito at ni Nick.
"Anong nangyayari sayo Sherwin?" tanong ni Shane na nakatingin sa kaibigan.
"Wala si Sherwin ngayon, ang kaharap nyo ay ang Vagrant mag-iwan nalang kayo nang mensahe dahil siguradong maririnig parin nya kayo" sabi ni Sherwin na tumawa bago tumingin kay Aira.
"Ano kaya yon?" isip ni Shane nang may nakitang bagay malapit sa gilid nang building.
"Kailangang makita natin ang kwintas ni Sherwin at mabalik ito sa kanya" sabi ni Alex habang tumatayo kasama sila Anne.
"Nakita ko na ang kwintas" sabi ni Shane na itinuro ang nakitang bagay.
"Tayo na" sabi ni Ivan kaso biglang may lumabas na itim na apoy sa paligid nila.
"Dyan lang kayo" sabi ni Sherwin habang naglakad palapit kay Aira na nawalan nang balanse dahil sa panginginig.
"Ngayong wala na ang Juggernaut, ikaw naman ang isusunod ko" sabi ni Sherwin na pinaikutan nang itim na koryente ang kanang kamay.
"Alam mo naman siguro na hindi lalabas ang Anghel at tuluyang mamamatay ang Angelic Child kapag nauna itong masawi sa Demon Child" sabi ni Sherwin na gumawa nang pagitan sa apoy para makapasok.
"Hindi lalabas?!" sabi ni Aira na nagulat sa nalaman.
"Oo nga pala, hindi mo ito alam dahil tanging ang tagapagmana nang Fatality lang ang nakakaalam nito" sabi ni Sherwin.
"Itigil mo na yan Sherwin" sabi ni Alex na sinubukang mag-teleport kaso hindi nya nagawa.
"Hindi ako makapag-teleport" sabi ni Alex na tumingin sa mga kasama.
"Kung hindi pwede yon, subukan natin ito" sabi ni Nick na tumira nang apoy sa direksyon ni Sherwin kaso humarang naman ang itim na apoy ni Sherwin.
"Subukan natin to" sabi ni Ivan na tumira nang yelo pero ni hindi ito umaabot sa apoy dahil natunaw agad ito.
"Ano nang gagawin natin" sabi ni Anne na tumingin kay Robert na nakaluhod sa sahig habang hawak nang kanang kamay ang sahig at pinatahimik ang lahat.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Huwag kang lalapit, hindi ikaw si Sherwin" sabi ni Aira na naglagay nang barrier sa paligid nya.
"Tama ka hindi nga ako ang kilala nyong Sherwin, dahil ako ang anyong inilihim nya sa inyo" sabi ni Sherwin na itinira na ang itim na koryente nya kay Aira.
"Paanong?!" gulat na sabi ni Aira dahil tumagos ang koryente sa barrier nya at tumama sa balikat nya.
"Nagulat ka ba? Mukhang hindi mo rin alam na kayang mag-penetrate nang Dark Lightning kahit sa barrier mismo nang tagapagmana nang Zircon" sabi ni Sherwin na nakalapit na kay Aira na hindi makatayo dahil sa sakit.
"Tapos ka na" sabi ni Sherwin na pinaikutan ulit nang itim na koryente ang kamay at itinapat kay Aira, kaso...
"Hinde, itigil mo yan" sabi ni Sherwin sa normal na boses nito at nawala ang koryente sa kamay nya at apoy sa paligid nang lahat.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakuha ko na" sabi ni Robert na pinakita ang baging sa palad nya na napupuluputan ang kwintas ni Sherwin, na nanggaling sa isang butas na ginawa nya para sa baging.
"Anong nangyari, parang sira ang kwintas" sabi ni Kier nang makita ang palawit nang kwintas na may butas.
"Kaya kong ayusin yan" sabi ni Shane na lumapit.
"May kakaibang likido sa loob nang palawit" sabi ni Anne na lumapit.
"Mukhang ang likidong yan at ang mga simbolo dito ang pumipigil sa pagiging bampira ni Sherwin" sabi ni Alex bago nawala ang itiim na apoy sa paligid nila.
"Umalis na kayo, habang napipigilan ko pa sya" sabi ni Sherwin sa lahat.
"Pero..." sabi ni Aira na lalapit sana kaso.
"Umalis na kayo!" sigaw ni Sherwin bago sila nawala.
"Magaling, nagawa mo pa silang iteleport paalis" sabi ni Sherwin sa boses nang Vagrant na inilibot ang paningin.
"Ngayon saan naman kaya ako maghahasik nang lagim" sabi ni Sherwin na tumingin sa paligid bago ito nawala.
"Tamang-tama" sabi ni Sherwin na lumabas sa taas nang isang poste nang ilaw sa gitna nang kalsada at nakitang madaming tao at ang iba ay nakatingin na sa kanya.
"Dark Wind, lasunin mo lahat nang taong narito" sabi ni Sherwin bago may umikot na itim na hangin sa kanya at kumalat sa paligid.
"Aaaahhhhh!" sigaw nang mga tao na nagtakbuhan nang nakitang isa-isang bumabagsak ang mga taong napapasok sa hangin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Paanong?" sabi ni Anne nang biglang nagbago ang paligid nila, sila ngayon ay nasa bahay ni Ivan.
"Mukhang tineleport nya tayo paalis" sabi ni Aira na lumapit na sa mga kasama.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Kier na nakatingin sa sirang pendant nang kwintas ni Sherwin.
"Kaya kong ayusin ang butas pero hindi ko mapaparami ang natitirang liquido, hidi ko kasi alam kung anong klase to" sabi ni Shane na kinuha ang kwintas kay Robert at tinignan ang halos maubos nang liquido sa kwintas.
"Sana sapat pa ang natitira para pigilan ulit ang pagiging bampira ni Sherwin" sabi ni Nick.
"Sana" sabi ni Shane bago ikinulong sa dalawang kamay ang kwintas bago ito umilaw.
"Pero diba dapat, hindi sya makakalabas dahil tanghaling tapat?" sabi ni Anne na nakatingin sa ginagawa ni Shane.
"Hindi lang yon ordinaryong bampira, tinawag nya ang sarili nyang Vagrant ang elementong may pinagsamang lakas nang Fatality at Vestige" sabi ni Alex na nakapikit.
"Isa pa nakakalabas rin naman dati pa si Sherwin sa umaga" sabi ni Aira.
"Tapos na, kailangan nalang nating makita si Sherwin para malaman kung gagana pa ito" sabi ni Shane na ipinakita sa lahat ang ayos na kwintas.
"Tayo na, alam ko na kung nasaan si Sherwin" sabi ni Alex na idiniretso ang braso para hawakan nang mga kasama nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari rito?" sabi ni Kier dahil napapalibutan sila nang bangkay sa pinaglabasan nila.
"Sigurado ka bang narito si Sherwin?" tanong ni Ivan kay Alex.
"Eto ang lugar na nakita ko kanina" sabi ni Alex na inilibot ang paningin.
"Nasaan na kaya sya" sabi ni Anne na nakatakip ang ilong.
"May problema tayo, bukod kay Sherwin" sabi ni Nick sa mga kasama.
"Anong ibi..." hindi na natapos ni Aira dahil nakita nyang isa-isang tumatayo ang mga bangkay.
"Anong nangyayari rito" sabi ni Robert na napaatras.
"Hindi natin sila maaaring kalabanin" sabi ni Aira sa mga kasamang naghanda nang umatake.
"Bakit?" nagtatakang sabi ni Kier na nakatingin sa mga bangkay na palapit na sa kanila.
"Mga tao parin sila" sabi ni Aira na naglagay nang barrier para harangan ang mga bangkay.
"Isa pa pwede ko pa silang buhayin hangat buo pa ang katawan nila" dagdag nito.
"Ibig sabihin kailangan natin silang pigilan" sabi ni Shane na nilabas na ang dalawa nyang baril.
"Sa tingin mo ba gagana ang pampatulog sa mga zombie" sabi ni Sherwin na naglalakad papunta sa kanila habang gumagawa nang daan ang mga bangkay na kinokontrol nya.
"Bakit mo ginagawa to Sherwin?" tanong ni Ivan na nakatingin sa mga bangkay na nagpupumilit makapasok sa barrier ni Aira.
"Sinabi nang hindi ako si Sherwin" sabi ni Sherwin na itinapat ang kamay sa walo bago sila tumalsik papunta sa mga bangkay na hinawakan sila.
"Paano nya nasira ang barrier ko?!" gulat na sabi ni Aira na pinipilit makawala kasama ang iba.
"Nagulat ka ba Angelic Child?" sabi ni Sherwin na lumapit kay Aira at hinawakan ang mukha nito at itinaas.
"Ako ang monster form nang pinagsamang-lakas nang Demon Child at nang Mimic, kaya doble ang lakas nang Fatality lalo na kung itatapat rin naman sa kakayahan nang Spirit" sabi ni Sherwin na binitawan si Aira at tumawa bago tumalikod.
"Nakalimutan mo rin atang ganoon din ako kapag maliwanag ang paligid" sabi ni Aira bago sya umilaw.
"Bakit hindi sila nabuhay?" nagtatakang sabi ni Aira dahil walang nangyari.
"Bakit?" tanong ni Sherwin na tumingin sa walo.
"Dahil ginamitan ko sila nang Dark Element" sabi ni Sherwin nang mapansing pito lang ang hawak nang mga bangkay.
"Nasaan ang tagapagmana nang Yore" sabi ni Sherwin na inilibot ang paningin kaso pagtalikod nya ay eksaktong nasuot sa kanya ni Alex ang kwintas.
"Anong?!" gulat na sabi ni Sherwin na nagawang patalsikin si Alex kaso naiwan ang kwintas sa kanya.
"Hindeeeeeee!" sigaw ni Sherwin bago sya napaluhod at tuluyang nawalan nang malay kasunod nang pag-bagsak nang mga bangkay.
"Tumalab pa ang kwintas" sabi ni Alex habang tumatayo.
"Ano na ngayon ang gagawin natin sa mga to?" sabi ni Kier na tinutukoy ang mga bangkay sa paligid.
"Wala rin naman tayong magagawa hangat walang malay si Sherwin" sabi ni Shane na tumingin sa paligid.
"Kung ganoon ilagay nalang natin sila sa gilid" sabi ni Aira bago isa-isang lumutang ang mga bangkay papunta sa sidewalk.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa isang liblib na kweba...
"You... pay... for wha... you di... Sherwi..." sabi nang Juggernaut na halos tunaw na ang buong katawan.
"Do you want to live?"tanong ni Lantis.
"Of... course..." sabi nang Juggernaut.
"Then the only thing you need to do was to return to your human form, it already healed the time you used your monster form and it was not affected by the attack that the monster form sustain in the battle" sabi ni Lantis.
"O...k" sabi nang Juggernaut bago ito pumikit at umilaw nang itim.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari? Nasan ako?" sabi ni Sherwin nang magising sya.
"Nasamin ka" narinig nyang sabi ni Ivan.
"Pano ko napunta rito?" tanong ni Sherwin na bumangon kaso bigla syang nanghina at bumagsak.
"Ayos ka lang?" tanong ni Anne na nasa gilid nang kama.
"Wala kang maalala sa nangyari?" sabi ni Nick na nakatingin kay Sherwin.
"Bakit? Ano bang nangyari? Huling naaalala ko lang ay nasaksak ako ni Luis at nasira ang kwintas" sabi ni Sherwin na pumikit.
"Oo nga pala" sabi ni Sherwin na biglang napabangon at tinignan ang kwintas.
"Naayos ko yung kwintas pero hindi ko napalitan ang laman nyan sa loob" sabi ni Shane na lumapit sa kaibigan.
"Pareho parin naman nang epekto" sabi ni Kier.
"Huwag nyong sabihing..." sabi ni Sherwin kaso natigilan ito na itinago ang mukha sa mga kamay nya.
"Alam mo ang tungkol sa Vagrant?" tanong ni Aira.
"Vagrant?" nagtatakang tanong ni Sherwin na tumingin kay Aira.
"Ayon ang tinawag mo sa sarili mo nung naging bampira ka" sabi ni Robert.
"Vagrant... Nakita ko lang sya sa monitor nang laboratoryo kahapon" sabi ni Sherwin na hinawakan ang ulo.
"Sabihin na ninyo ang nangyari?" sabi ni Sherwin na tumingin sa mga kasama.
"Mabuti pa ipakita ko nalang sayo" sabi ni Alex na lumapit kay Sherwin bago ito hinawakan sa balikat at pareho silang nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"I think this was the right time to revive my ONI's" sabi ni Luis habang nakatingin sa mga nakahilerang bangkay sa sidewalk.
"Looks like they are well protected" sabi nito na hinawakan ang barrier na nakaharang.
"But not strong enough to keep me out for long, now that the sun is gone" sabi nito bago may lumabas na dalawang itim na halimaw na malaki at hugis tao.
"Attack!" utos nito sa mga halimaw bago nila inatake ang barrier.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Madami nanamang namatay nang dahil sakin" sabi ni Sherwin na napa-upo nang bumalik sila ni Alex sa kasalukuyang oras.
"Nabuhay nyo ba ulit yung mga tao?" tanong ni Sherwin na tumingin kay Aira.
"Hindi sila mabubuhay ni Aira hangat hindi mo inaalis ang epekto nang Dark Elements sa kanila" sabi ni Nick.
"Kung ganoon tayo na" sabi ni Sherwin bago ito tumayo kaso tumunog ang alarm nang relos.
"May halimaw sa lugar kung saan natin iniwan ang mga bangkay" sabi ni Shane na nakatingin sa radar.
"Tayo na" sabi ulit ni Sherwin na ginamit na ang disguise.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Anne na malapit sa lalake.
"Ayos na ko, mahalagang mabuhay natin agad ang mga tao, malapit nang mag-walong oras na wala silang buhay" sabi ni Sherwin.
"Oo nga pala, hindi ko na sila mabubuhay kapag lumagpas nang walong oras" sabi ni Aira na ginamit na rin ang disguise.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Aaaaahhhhh!" sigaw nang mga tao na nagtakbuhan palayo.
"Ang anak ko" sabi nang isang babae dahil may kinuhang batang lalake ang halimaw at kasama ang iba pang bangkay.
"Ibaba mo sila" sabi nang isang pulis na tinutukan nang baril ang halimaw kasama ang iba pang mga pulis
"What will you do? Shoot them with you're pathetic guns?" sabi ni Luis bago tumawa at inutusan ang isang halimaw na harapin ang mga pulis.
"Fire!" sigaw nang Head Chief bago sila nagpaputok kaso tumagos lang ang mga ito at tumama sa building na nasa likod nito.
"Hinde gumana?" gulat na sabi nang pulis na lalong nagulat nang biglang nag-anyong baril ang dalawang kamay nang halimaw at sunod-sunod na naglabas nang mga balang itim kaso may kung anong humarang sa mga ito.
"It's about time that you guys came?" sabi ni Luis na nakatingin sa syam.
"Luis?" sabi ni Sherwin na nakatingin sa lalake.
"Surprise to see me alive dear brother?" sabi ni Luis na tumalon pataas sa halimaw na bitbit ang mga bangkay.
"Buti at buhay ka pa" masayang sabi ni Sherwin na nakatingin parin sa lalake.
"You're joking right?" natatawang sabi ni Luis habang unti-unting lumulubog ang halimaw kung nasaan sya.
"Teka lang sandali" sabi ni Sherwin kaso lumubog na ito.
"Kami nang bahala rito, buhayin nyo nalang ang mga tao" sabi ni Nick kila Sherwin at Aira.
"Tayo na Sherwin" sabi ni Aira na lumapit kay Sherwin na nakatingin sa pinaglubugan ni Luis.
"Tara" sabi ni Sherwin matapos huminga nang malalim at bago sila nawala.
Pagkaalis nang dalawa ay naglabas si Nick nang bolang apoy at ibinato sa halimaw kaso tumagos lang ito, buti nalang at pataas ang tira nya kaya walang natamaan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ganito kadami ang tinapos ko nang walang dahilan" sabi ni Sherwin na tinignan ang mga bangkay bago may tumamang bato sa likod nya.
"Masama ka, lumayo ka sa mama ko" sigaw nang bata na binato si Sherwin na hindi umiwas kaya tumama sa ulo nya ang bato.
"Sherwin!" sabi ni Aira na kausap ang mga pulis sa di kalayuan at nakita ang nangyari.
"Nakung bata ka, ba't mo sya binabato" sabi nang isang matandang babaeng lumapit sa bata at pinigilan ito sa pagbato ulit.
"Ayos ka lang?" tanong ni Aira na lumapit kay Sherwin na tumango lang.
"Hindi ba sya yung nakita nating naglabas nang itim na usok sa video" sabi nang isa pang lalake.
"Lumayo kayo sa mga bangkay" sabi nang kausap na pulis ni Aira kanina, kaso ngayon ay tinutukan na sila nang baril pati ang ibang kasama nito
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Di gumagana ang apoy, subukan natin ang yelo" sabi ni Ivan na itinapat ang parehong kamay sa halimaw bago sya tumira nang mga patusok na yelo.
"Sa tingin ko walang epekto" sabi ni Anne dahil tumagos din ang yelo.
"Naman" sabi ni Ivan na kinontrol ang mga yelo para hindi ito tumama sa building na nasa likod nang halimaw.
"Hindi ko rin sya mapatigil" sabi ni Alex bago may mga baging na lumabas sa ilalim nang halimaw.
"Wala ring epekto" sabi ni Robert dahil hindi nya nagapos ang halimaw.
"Subukan natin ang malapitang atake" sabi ni Anne na nag-anyong leon at tumakbo papunta sa halimaw kaso natigilan sya nang...
"Lumayo kayo sa mga bangkay" narinig nyang sabi nang isang lalake at nakita nyang tinutukan nang baril sila Sherwin.
"Mukhang nakita nila ang nangyari" sabi ni Shane na nakatingin rin sa mga pulis, kaya hindi nila inaasahan ang biglang pagkilos nang halimaw.
"Aaaaahhhh!" sigaw ni Anne na biglang tumalsik at tumama kay Alex at pareho silang tumama sa dingdeng.
"Anong?!" gulat na sabi ni Nick dahil biglang bumilis ang halimaw na naging patalim ang kamay at sinugatan sya bago sya sinipa palayo.
"Naloko na" sabi ni Kier na tumalon paatras dahil papunta sa kanya ang halimaw, kaso biglang may lumabas na mahabang patusok dito at tumama sa balikat ni Kier.
"Aaaahhhh!" sigaw ni Kier na bumagsak nang nawala ang patusok mula sa halimaw.
"Bakit bigla syang bumilis" sabi ni Robert na nagulat sa biglang paglabas nang halimaw sa harap nya at tinusok sya nang patalim sa balikat bago sya hinawi nito papunta kay Ivan at dumiretso papunta kay Shane.
"Lightni..." hindi na nagawang paputukin ni Shane ang baril nya dahil nasugatan na sya nang halimaw at binato sya palayo bago unti-unting lumubog ang halimaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"May kinalaman ba kayo sa nangyari kanina?" tanong nang Head Chief kila Aira at Sherwin na parehong hindi alam ang nagyari sa mga kasama nila.
"Teka lang po" sabi ni Sherwin na lalapit sana sa pulis kaso...
"Walang kikilos!" sigaw nang pulis.
"Ako nang bahala rito Sherwin, alisin mo nalang ang epekto nang Dark Element" sabi ni Aira na naglagay nang barrier sa kanila at sa mga bangkay.
"Huwag kang lumapit dyan!" sigaw nang Head Chief nang nakitang lumapit si Sherwin sa mga bangkay.
"Ayaw mong sumunod" sabi nito na nagpaputok, kaso tumama ito sa barrier ni Aira.
"Anong?!" gulat na sabi nito na nakatingin sa bala sa sahig.
"Fire!" sigaw nito na tumingin sa mga kasama bago sunod-sunod na nagpaputok ang mga pulis.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Masama to" sabi ni Alex na inaalalayan si Anne at nakitang nanghihina na si Aira.
"Limitado ang lakas ni Aira sa dilim" sabi ni Anne na nakitang napaluhod na si Aira, habang si Sherwin naman ay nagsimula nang alisin ang epekto nang Dark Element.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Dark Wind, Alisin mo ang lason sa lahat nang tao" sabi ni Sherwin bago sya naglabas nang itim na hangin na pinalibutan ang mga bangkay habang nagsisigawan ang mga tao sa labas nang barrier.
"Anong ginagawa mo, itigil mo yan" sabi nang Head Chief na patuloy sa pagpapaputok kasama ang iba.
"Hindi ko na kaya" sabi ni Aira na nanghihinang bumagsak sa semento.
"Sherwin!" sabi ni Aira dahil papunta na kay Sherwin ang mga bala kaso bigla itong tumigil sa ere.
"Anong nangya..." hindi na natapos nang pulis ang sasabihin dahil tumigil sila kasama ang ibang tao maliban sa kanilang syam.
"Ayos ka lang?" tanong ni Nick na tumatakbo palapit sa dalawa kasama ang iba.
"Medyo nanghina lang ako dahil madilim" sabi ni Aira na nakatingin kay Sherwin na naglalakad na palayo sa mga bangkay.
"Pano mo sila mabubuhay kung nanghihina ka na?" sabi ni Kier na inaalalayan ni Ivan.
"Ako nang bahala don" sabi ni Sherwin na gumawa nang simbolo gamit ang kamay at...
"Nimpo Shadow Clone Technique" sabi ni Sherwin bago sya dumami at isa-isang naging kalapati na nagpaliwanag sa buong paligid na parang umaga.
"Ang Dawn" sabi ni Aira na nakatingin sa mga kalapati.
"Pero sa dami nyan parang umaga narin at manghihina ka agad" dagdag nito habang tumatayo.
"Huwag mo kong intindihin, konting minuto nalang ang natitira" sabi ni Sherwin na kalat ang boses.
"Sige na Aira, bago pa sya manghina" sabi ni Anne na hinawakan sa balikat si Aira na tumango nalang at lumapit sa mga bangkay.
"Sa tingin ko pwede na siguro kayong makagalaw" sabi ni Alex na tumingin sa mga tao matapos kunin ni Kier ang mga bala sa ere.
Pagkalapit ni Aira sa mga bangkay ay bigla syang umilaw kasama ang mga bangkay at hindi nagtagal ay isa-isa nang bumangon ang mga bangkay na muling nabuhay.
"Nasan ako?" sabi nang isang babae na lumingon sa paligid.
"Nanay!" sigaw nang bata kanina na tumakbo palapit sa babae.
"Lui" sabi nang babae na sinalubong at niyakap ang bata.
"Nabuhay ang mg..." sabi nang Head Chief na natulala sa nangyari.
"Maraming salamat ate" sabi nang bata na tumingin kay Aira.
"Huwag sakin, sa kanya ka magpasalamant" sabi ni Aira bago isa-isang nawala ang mga kalapati at walang malay na bumagsak si Sherwin pero nasalo ito ni Robert dahil pinabagal ni Alex ang pagbagsak nya.
"Pasabi nalang po" sabi ni Lui kay Aira bago sila umalis nang nanay nya.
"Maraming salamat, ayon pala ang gagawin nyo, ba't hindi nyo sinabi agad" sabi nang Head Chief na lumapit sa kanila.
"Paano nyo nga pala nagawa yon? Pati yung paglaban nyo sa mga halimaw.
"Sa tingin ko kailangan na nating umalis" sabi ni Robert sa mga kasama dahil dumadami na ang mga tao at ang karamihan rito ay mga reporters.
"Tayo na" sabi ni Alex bago lumapit sa kanya ang mga kasama nya.
"Nasan na sila?" tanong nang isang reporter dahil biglang naglaho sila Alex.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mabuti nalang at nagawa mo pang buhayin ang mga tao" sabi ni Kier na pinapagaling na ni Aira.
"Nakakalungkot nga lang at merong nakuhang mga bangkay ang halimaw at si Luis" sabi ni Aira na tumatayo na.
"Salamat" sabi ni Kier.
"Ano kayang gagawin nya sa mga yon" sabi ni Alex na tumingin sa mga kasama.
"Maling tanong" sabi ni Robert.
"Anong gagawin natin kay Sherwin ngayon" sabi nito na nakatingin sa wala paring malay na kaibigan.
"Oo nga anong sasabihin natin sa mga kamag-anak nya" sabi ni Nick.
"Teka lang balik tayo sa mga bangkay" sabi ni Shane.
"Wala rin naman tayong magagawa, lagpas walong oras na at hindi rin natin alam kung saan sila dinala ni Luis" sabi ni Ivan.
"Hindi mo ba alam Alex?" tanong ni Anne.
"Hindi eh, pasensya na" sabi ni Alex na yumuko.
"Maiba ako" sabi ni Kier na nakatingin kay Robert.
"May sakit ka ba?" tanong nito na nakatingin parin sa kaibigan.
"Wala, bakit?" sabi ni Robert.
"Ikaw kasi yung nagsabing kailangan na nating umalis kahit na may palapit na mga reporters" sabi ni Kier na nakangiti.
"Oo nga no" sabi ni Shane na tumingin narin kay Robert.
"Ano ko sira, matapos nang nakita kong gawin nila kay Sherwin" sabi ni Robert.
"Kahit na sisikat ka?" sabi ni Ivan.
"Kahit na, kung kapalit nito ay makukulong ako sa isang laboratoryo" sabi ni Robert.
"Hindi ka rin naman makikilala, ano pang silbi nang disguise mo kung makikilala ka diba" sabi ni Nick.
"Oo nga pala ano, tara balik na tayo" sabi ni Robert na tumayo na kaso may tumamang unan sa mukha nya.
"Sira, 30 minutes na ang nakalipas kaya wala na sila don" natatawang sabi ni Kier na syang nagbato nang unan.
"Ganon naman pala eh, ba't mo pa pinaalala" sabi ni Robert na ibinato pabalik kay Kier kaso bigla itong tumigil.
"Ang ingay nyo" nakangiting sabi ni Sherwin na bumabangon na.
"Mabuti naman at nagising ka na ulit" sabi ni Alex.
"Oo nga, hindi na kami mahihirapang magdahilan sa tito at tita mo" sabi ni Shane.
"Ah, ganon" sabi ni Sherwin bago tumalsik papunta kay Shane ang unan kaso nakaiwas ito at tumama ito kay Anne.
"Ganon pala ha" sabi ni Anne na binato ang unan kay Sherwin kaso tumigil ulit ito sa ere.
"Teka lang" sabi ni Ivan.
"Kwarto ko to noh" dagdag nito.
"KJ, para namang may igugulo pa ang kwarto mo" sabi ni Kier.
"Hindi naman sa ayoko, kaso kanina pa nakauwi ang mga magulang ko at baka magising sila" sabi ni Ivan.
"Kung sabagay tama si Ivan, gabi na" sabi ni Sherwin na ibinaba na sa kama ang unan.
"Tayo na uwi na tayo" yaya nito na tumayo na.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang daming nangyari ngayong araw na ito" sabi ni Sherwin, sya ngayon ay nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama nya.
"Oo nga, hindi ko inaasahan na ganon parin ang paguutak nang Juggernaut" sabi ni Drake.
"Oo nga pala, anong ibig mong sabihin dun sa sinabi mo kahapon sa nakain nang Fatality ang Vestige? Ayon ba ang dahilan kaya dalawa ang elementong nasakin?" tanong ni Sherwin.
"Matulog ka na" sabi ni Drake.
"Drake... Ba't ba ayaw mong sabihin ang nangyari" sabi ni Sherwin kaso hindi na sya sinagot ni Drake.
"Bahala ka nga dyan" sabi ni Sherwin bago ito pumikit.