"Ba't ngayon ka lang" sabi ni Ivan nang pumasok si Sherwin sa kwarto ni Ivan.
"Oo nga, muntikan ka nang maubusan ni Ivan nang pagkain" sabi ni Shane na may hawak na isang piraso nang pizza.
"Anong ako, eh mas madami ka pa atang nakain sakin" depensa ni Ivan habang lumalapit si Sherwin.
"Oo nga naman" sabi ni Anne na may hawak rin na pizzang nangalahati na.
"Sige pagkaisahan nyo ko, eh madami ka rin namang nakain" sabi ni Shane na nakatingin kay Anne.
"Ayos ka na?" tanong ni Aira dahil umupo si Sherwin malapit sa kanya.
"Oo ayos na ko" sabi ni Sherwin.
"Ano ba kasing nangyari, ba't wala kayo kanina sa eskwelahan?" sabi ni Phoebe na malapit kay Aira.
"Oo nga, nag-cut kayo nang klase" sabi ni Elizabeth.
"Buti nga pinuntahan pa namin kayo sa eskwelahan at inimbitahan" sabi ni Kier na may napansin at siniko si Alex.
"Uy loving-loving" sabay na sabi nila Kier at Alex na nakatingin kila Nick at Jen na hinati ang natirang pizza sa isang kahon.
"Huwag naman kayong ganyan nahiya tuloy" nakangiting sabi ni Robert dahil namula ang dalawa.
"Kuha ka na Sherwin, madaming matatakaw dito" pabulong na sabi ni Shane na nakatingin kay Anne bago inabot kay Sherwin ang isang kahon.
"Sakin ba lahat to?" pabirong tanong ni Sherwin dahil walang bawas yung inabot ni Shane.
"Eh ikaw naman pala ang matakaw, tatalunin mo pa ko" natatawang sabi ni Ivan.
"Ano ka isa't kalahati na kaya na-ubos mo" sabi ni Kier.
"Ganito ba talaga kayo?" tanong ni Nick sa katabi.
"Oo, lalo na kapag walang assignment kinabukasan" sabi ni Sherwin na kumuha nang isang slice at ibinalik sa gitna ang kahon.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Go on have fun as much as you want, because you might not be able to do it again my dear brother" sabi nang tagapagmana nang Juggernaut na nakatingin sa binatana mula sa isang malapit na poste.
"He really have a keen sense" sabi nito na tumalon pababa dahil tumingin si Sherwin sa direksyon nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nagpapatawa ka ba Sherwin" natatawang sabi ni Robert dahil nasa bibig ni Sherwin ang slice at nakatitig sya sa may bintana.
"Bakit?" tanong ni Aira.
"Ha wala, namalik-mata lang siguro ako" namumulang sabi ni Sherwin matapos ipagpatuloy ang dapat na gagawin habang nagtatawanan ang mga kasama nya.
"Huwag kang mag-alala gwapo ka parin naman kahit na anong gawin mo hindi tulad nang iba dyan" sabi ni Elizabeth na tumingin sa katabi.
"Ganon, for your information madaming nagsasabing gwapo ako" sabi ni Robert.
"Sino? Si Robert, si Philip atsaka si Fuentes?" pang-aasar ni Kier.
"Hindi lang sila, pati na sila Robert Philip, Philip Fuentes..." sabi ni Robert.
"Tama na, nawawalan ako nang ganang kumain" singit ni Anne.
"Mabuti yon nang may matira naman para sa iba" tabla ni Robert bago nagtawanan ang lahat.
Lumipas ang isang oras nang asaran at tawanan bago sila nag-desisyong magsiuwian na.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong ginagawa nang tagapagmana nang Juggernaut rito at parang sinusundan nya ko" sabi ni Sherwin, sya ngayon ay nakahiga na sa kanyang kama at hindi makatulog.
"Mag-ingat ka, ngayong nandito sya" sabi ni Drake.
"Bakit? Hindi ba dapat maging kampante ako dahil nandito ang kakambal ko at isa rin syang tagapagmana?" nagtatakang sabi ni Sherwin.
"Hindi mo sya kakampi, dahil halos lahat nang tagapagmana ay hindi naniniwalang lalabas lang ang monster form nang Fatality kapag namatay ang tagapagmana nito" sabi ni Drake.
"Bakit hindi sila naniniwala? Hindi pa ba lumalabas ang Demonyo dati?" tanong ni Sherwin na naghikab.
"Lumabas na ito rati nang dalawang beses, yung una ay nung nakain nito ang tagapagmana nang Vestige" sabi ni Drake.
"Nakain?!" gulat na sabi ni Sherwin na biglang nagising.
"Matulog ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo bukas" sabi ni Drake.
"Paano pa kaya ako makakatulog matapos mong sabihin yon" sabi ni Sherwin na tumingin sa kisame.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan...
"May bago nanaman daw tayong kaklase" sabi ni Carlos nang pumasok ito sa classroom.
"Foreigner daw sabi ni mam" dagdag nito bago umupo sa upuan nya.
"Babae?" tanong nang isang kaklase nilang lalake.
"Hinde, lalake" sabi nang titser nila na pumasok sa loob kasunod ang isang lalake.
"Mam naman, wala namang biruan si Sherwin yan eh dati pa namin sya kaklase" sabi ni Ivan bago may nagmamadaling pumasok sa classroom.
"She... Sherwin?!" gulat na sabi ni Shane nang makita ang kaibigan na hinihingal dahil sa pagtakbo.
"Pasensya na po mam, tinangha..." hindi na natapos ni Sherwin ang sasabihin dahil natulala sya sa nakita nyang lalakeng kamukhang-kamukha nya.
"Anong ginagawa nya rito?" isip ni Sherwin na nakatingin sa tagapagmana nang Juggernaut na kapareho na nya nang gupit kaya talagang magkamukha na sila.
"Ok lang yon Sherwin maupo ka na" sabi nang titser nila bago pumunta si Sherwin sa upuan nya at tinignan ulit ang lalake na nginitian sya.
"Sa nakita nyo hindi sya si Sherwin, nagulat nga rin ako nang nakita ko sya" natatawang sabi nang titser nila na inilibot ang paningin sa buong klase.
"Sya si LUIS DRAKE CRUZ at nanggaling sya sa Egypt. Pero marunong syang mag-english dahil amerikano ang magulang nya" sabi nang titser nila.
"Kamukhang kamukha mo sya pare" sabi ni Robert kay Sherwin.
"We'll Luis you can seat beside the class president CARLOS DELOS SANTOS" sabi nang titser na itinuro si Carlos.
"If I may mam, I would like to seat beside the person that I look alike. I believe you said his name was Sherwin?" sabi ni Luis na tumingin sa babae.
"Sure, if that's what you wanted. He will help you on the lessons that you have missed" sabi nang titser bago naglakad si Luis papunta kay Sherwin.
"Hello" sabi ni Luis na nakipagkamay kay Sherwin matapos itong umupo sa tabi nito.
"Hi" sabi ni Sherwin matapos makipagkamay.
"Told you we will meet again" narinig nyang inisip ni Luis.
"Are you alright?" tanong ni Luis dahil natulala si Sherwin.
"Yeah, everythings alright" sabi ni Sherwin na hinawakan ang ulo.
"Aren't you going to introduce me to you're friends?" tanong ni Luis na nakatingin kila Shane.
"Sorry, I'm Sherwin Drake Amante, and they are Shane Nestor Muños, Alexander Charles Tamayo, Ivan Lester Salaver, Kier Arsenio Ortiz, Robert Philip Fuentes and Nicholas Crane Vasquez" pakilala ni Sherwin sa mga kaibigan.
"Glad to meet you" sabi ni Luis na nakipagkamay din sa anim.
"Well, as I can see on you're reaction Sherwin haven't told you about me" sabi ni Luis.
"Nagkita na kayo?" bulong ni Shane sa katabi.
"Kahapon... Dun sa building pagkaalis nyo" sabi ni Sherwin.
"I have the Juggernaut element and Sherwin was my twin brother" sabi nito.
"Ano!" gulat na sabi nang anim.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kamukhang kamukha nya si Sherwin" sabi ni Aira na nakatingin kay Luis na kausap ang mga kabarkada ni Sherwin.
"Edi mas maganda, mahahati na ang mga karibal ko kay Sherwin" sabi ni Anne na hindi man lang nakatingin kay Luis.
"Hindi ka man lang ba na-cucurious kung bakit sila magkamukha" sabi ni Jen.
"Oo nga may nabasa ako dati na lahat nang tao ay may kamukha at kapag nakita mo ito ay mamamatay ka" sabi ni Elizabeth.
"Nabasa ko rin yon" sabi ni Phoebe.
"Itigil nyo na nga yan, hindi mamamatay si Sherwin" sabi ni Anne.
"Ano!" narinig nilang sabay na sabi nang mga kabarkada ni Sherwin.
"What's happening over there?" tanong nang titser na tumigil sa pagsusulat sa pisara at tumingin kila Sherwin.
"Nothing mam" sabi ni Luis na sumagot para sa lahat dahil tulala ang anim at nakatingin sa magkapatid.
"Hindi kaya sya ang tagapagmana nang Juggernaut?" sabi ni Reign habang nakatingin parin si Aira kay Luis.
"Pwede kung galing nga sya nang Egpyt, doon lumabas ang Gargoyle" isip ni Aira na nagsimula nang magsulat.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tanghali, matapos nilang kumain...
"So you six are the other heirs on this country, were are the other two?" sabi ni Luis sila ngayon ay nasa classroom.
"Musta na, pakilala mo naman kami Sherwin" sabi ni Anne na lumapit sa kanila.
"Good afternoon there beautiful" sabi ni Luis na lumapit kay Aira at kinuha ang kanang kamay nito at hinalikan.
"...Thank you" nahihiyang sabi ni Aira na namula.
"Can I know you're name?" tanong ni Luis na tumingin kay Aira, kaso hindi ito nagsalita kaya tumingin sya kay Sherwin.
"She was Aira Gayle Casis and they are Anne Ma..." sabi ni Sherwin.
"Aira, what a beautiful name perfect for the Angelic Child" sabi ni Luis na yumuko na parang sundalo kay Aira.
"Angelic Child?" nagtatakang sabi ni Phoebe na tumingin kay Aira.
"What are you saying?" sabi ni Aira na nagulat sa sinabi.
"Looks like you're not ready yet to do you're job as an Angelic Child" sabi ni Luis na tumingin kay Sherwin.
"Anong sinasabi nya Aira?" tanong ni Elizabeth na nakatingin kay Aira.
"Anong ginagawa nya Sherwin?" tanong naman ni Shane kay Sherwin.
"Hindi ko rin alam" sagot ni Sherwin pero naguguluhan na ito.
"Don't worry you don't have to dirty you're hands by killing the Demon Child..." sabi ni Luis.
"Ano?!" gulat na sabi ni Sherwin na tumingin kay Aira na namumutla na.
"...I'll do it for you" sabi ni Luis bago mabilis na kumilos at naglabas nang cutter at sinugatan ang sarili bago nagkaroon nang talim mula sa dugo nya.
"Sherwin" sabi ni Alex na tinulak si Sherwin paalis kaya sya ang nasaksak sa tagiliran.
"Alex" sabi ni Sherwin na nakitang duguang bumagsak ang kaibigan.
"Aaaahhhhh" sigaw nila Phoebe na napaatras.
"What the..." sabi ni Kier na nakatingin kay Alex.
"Why did you do that?!" matapang na sabi ni Anne na pumagitna kila Luis at Sherwin na nasa sahig parin.
"Yeah men, why did you do that?" sabi ni Robert na sumingit kay Anne at tinulak si Luis.
"You've got the nerve to do that on me" sabi ni Luis na sinuntok si Robert sa sikmura.
"Robert" sabi ni Anne na lumapit kay Robert na napaluhod dahil sa sakit.
"Why?" naguguluhang sabi ni Sherwin na tumingin kay Luis tapos kay Aira na pinapagaling na si Alex.
"I should have known that you'll do that" sabi ni Nick na pumalit sa kaninang pwesto ni Robert na ngayon ay nasa gilid na.
"Nick..." sabi ni Jen dahil naglabas ito nang dalawang bolang apoy sa kamay.
"Anong nangyayari?" naguguluhang sabi ni Elizabeth na katabi si Phoebe sa gilid at nasa harapan nila si Shane na ngayon ay umiilaw na ang kamay bago may lumabas na baril rito.
"Nick yuko" sabi ni Kier bago yumuko si Nick at may tumamang patulis na yelo sa braso nito bago sumabog.
"Ayos" masayang sabi nila Ivan at Kier na naghigh-five.
"Insolent fool" sabi ni Luis na hawak ang nagdurugong braso bago tumakbo papunta sa dalawa kaso may bumaril sa daraanan nya.
"I don't think that's a good idea" sabi ni Shane na itinutok na kay Luis ang baril.
"I guess you're right" sabi ni Luis na tumingin kay Nick na handa nang ibato sa kanya ang dalawang bolang apoy,
"I know when I'm beaten" sabi nito na ibinato ang sandata sa ere bago ito bumalik sa pagiging dugo at...
"Blood Monster, Come Forth" sabi nito bago nagbago ang dugo at naging halimaw na mukhang paniki bago sya sumakay rito at lumipad paalis matapos masira ang kisame.
"Umalis na sya" sabi ni Nick na lumabas nang classroom at nakitang lumipad paalis si Luis habang nakatingin ang ibang tao dito, ang iba ay tumakbo palayo.
"Kamusta sya, Aira?" tanong ni Ivan na tumingin sa dalawa.
"Ayos na sya" sabi ni Aira na tumayo at tumingin kay Sherwin.
"Anong nangyari" sabi ni Elizabeth na nakatingin sa lahat kaso walang pumansin sa kanya.
"Ayos ka lang Sherwin?" tanong ni Shane na lumapit kay Sherwin.
"Ayos lang ako, kayo?" sabi ni Sherwin habang tumatayo at tumingin kay Robert na inaalalayan na ni Shane.
"Anong nangyari rito?" tanong ni Carlos na nagmamadaling pumasok sa classroom.
"Anong ibig nyang sabihin Aira?" tanong ni Anne na kaharap si Aira kaso bigla itong umiyak at nag-teleport paalis.
"Teka lang Aira" sabi ni Anne na ginamit ang disguise na orange ninja suit bago naging ibon at lumipad paalis.
"Ayos ka na?" tanong ni Nick na inalalayang tumayo si Alex.
"Ok na ko, napagaling na ko ni Aira diba" pabirong sabi ni Alex.
"Salamat, Alex" sabi ni Sherwin na lumapit sa kaibigan.
"Anong nangyari ri..." sabi ni Carlos kaso hindi nya ito natapos dahil bigla syang umilaw nang puti at napaluhod.
"Aaaahhhh!" sigaw ni Jen na umilaw naman nang pula.
"Jen!" sabi ni Nick na nakatingin sa babae.
"Anong nangyayari" sabi ni Ivan na nakatingin kila Elizabeth at Phoebe na umilaw naman nang maroon.
"Nadaplisan sila nang mga ilaw na tumama sa atin" sabi ni Sherwin na nakatingin sa mga kaklaseng unti-unti nang nagbabago.
"Pano sila mababalik?" tanong ni Nick na nakatingin kay Jen.
"Kailangan matalo sila nang elementong tumama sa kanila" sabi ni Sherwin bago ginamit ang kanyang disguise na black ninja suit.
"Hahanapin ko lang sila Aira at Anne" sabi ni Sherwin bago nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Are you happy with my gifts dear brother" sabi ni Luis na nasa taas nang pinakamalaking building sa eskwelahan, habang napapalibutan nang mga iba't-ibang kulay ang buong eskwelahan.
"Looks like the Angelic Child of our generations are the same Lantis, they both fell for the wrong guy" sabi ni Luis na inalis na ang kamay sa sugat na ngayon ay sarado na bago naging patalim ang dugo sa kamay nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Buti naman nakita na kita" sabi ni Anne na bumalik na sa dati matapos makita si Aira sa may lagoon nang eskwelahan.
"Anne?!" gulat na sabi ni Aira na napatingin sa babae.
"Anong ibig sabihin ni Luis kanina?" tanong ni Anne sa tonong galit.
"Alam nyo na naman ang mga monster form namin diba?" sabi ni Aira na tumingin nang diretso kay Anne.
"Anghel ang sayo at Demonyo kay Sherwin" sabi ni Anne.
"Ang Angelic Child o ang tagapagmana nang Spirit ay may tungkulin na wakasan ang buhay nang Demon Child o ang tagapagmana nang Fatality" sabi ni Aira na napayuko.
"Wakasan, papatayin mo si Sherwin" sabi ni Anne na lulusubin sana si Aira.
"Hindi naman sa paraan na ginagawa ngayon ni Luis, kailangang tapusin ko ang buhay nya kapag lumabas ang monster form nya" sabi agad ni Aira bago pa sya atakihin ni Anne.
"Lumabas?" sabi ni Anne na napatigil.
"Ang monster form namin ni Sherwin ay lalabas lamang kapag namatay kami" sabi ni Aira.
"Kung ganoon kailangang mamatay ka rin para magawa ang misyon mo?" tanong ni Anne.
"Oo" maikling sagot ni Aira bago...
"Buti naman at magkasama kayo" narinig nilang sabi nang isang lalake sa likod ni Anne.
"Sherwin?!" sabay na sabi nang dalawa na napatingin sa lalake.
"Tayo na kailangan namin nang tulong nyo, nagbago na lahat nang natamaan nang ilaw dito sa eskwelahan at merong umiilaw nang maroon at puti" sabi ni Sherwin.
"Tayo na kung ganon" sabi ni Anne bago sya naging ibon at lumipad.
"Sherwin" sabi ni Aira na nakayuko.
"Alam na ba nya ang tungkol don?" tanong ni Sherwin na tumingin kay Aira at hindi pinansin ang sinabi nito.
"Alam na nya sinabi ko na sa kanya nung isang araw" sabi ni Aira na mukhang malungkot.
"Huwag ka nang mag-alala, sinabi na sakin ni Drake ang lahat habang hinahanap ko kayo" sabi ni Sherwin.
"Hindi ka galit? Teka lang sinong Drake?" tanong ni Aira na nakatangin kay Sherwin na nakatingin rin sa kanya.
"Kita nalang tayo mamaya kapag tapos na ang lahat, basta tandaan nyo tignan nyo muna ang kakayahan nila para malaman nyo kung anong elemento ang dapat na tumalo dito" sabi ni Sherwin para sa lahat gamit ang relos nya.
"Tayo na" sabi ni Sherwin bago ginamit ni Aira ang kanyang puting ninja suit.
"Sige" sabi ni Aira bago sila mag-kasunod na nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Jen, ayaw kitang saktan kaya huminahon ka" sabi ni Nick na gamit na ang kanyang pulang ninja suit at kaharap ang isang malaki at nagliliyab na praying mantis.
"Ikaw ang may kasalanan nito" sabi ni Jen na inatake si Nick gamit ang pagwasiwas nang nagliliyab nyang patalim na naglabas nang mga pahabang apoy.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kung natamaan sya nang ilaw nang Yore, may kakayahan sya nito" sabi ni Alex na gamit na ang kanyang brown na ninja suit at nakatingin kay Carlos na ngayon ay may pakpak at paa nang agila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Unang beses na gagamitin ko ang kakayahan ko sa isang laban" sabi ni Robert na gamit na ang kanyang berdeng ninja suit at kaharap ang isang malaking gagamba na mga baging ang walong paa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukha namang tama ang kaharap ko ngayon" sabi ni Kier na gamit na ang kanyang kulay tansong ninja suit at kaharap ang isang scorpion na may katawan nang isang tao.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Siguradong mapapagod nanaman ako nito" sabi ni Ivan na gamit na ang kanyang bughaw na ninja suit at kaharap ang isang taong balot nang yelo ang buong katawan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang ikaw ang hinahanap kong kalaban" sabi ni Aira na kaharap ang isang nilalang na nagliliwanag.
"Malas mo lang dahil walang epekto sakin ang tindi nang liwanag mo" sabi ni Aira na umatake na.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakita ko rin kayong dalawa" sabi ni Anne na kaharap ang isang malaking halimaw na may dalawang mukha, mukha nila Phoebe at Elizabeth.
"Pasenya na pero kailangan ko kayong talunin" sabi ni Anne na naging Tyranosaurus Rex at umatake.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang Vestige ang tumama sa kanya" sabi ni Sherwin na nakatingin sa isang itim na pigura nang tao sa di kalayuan bago ito lumubog at biglang lumitaw sa harap nya bago sya pinuluputan.
"Naloko na" sabi ni Sherwin na pinilit kumawala habang unti-unting lumulubog ang halimaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Natapos na din" sabi ni Shane na gamit na ang kanyang dilaw na ninja suit at nasa taas nang bubong nang classroom nila at may hawak na isang bilog na gadget kaso may tumamang missile sa bubong na kinalalagyan nya na naging dahilan nang pagkalaglag nya.
"Mukhang ikaw ang nakakita sa akin" sabi ni Shane habang tumatayo at nakita ang isang taong bakal habang bumabalik sa pagiging kamay ang rocket launcher nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Jen" sabi ni Nick na iniwasan ang apoy na humati sa dingdeng na nasa likod nya.
"Jen ako to si Nick" sabi ni Nick na inalis ang takip sa mukha.
"Ni...ck" sabi nang halimaw sa boses ni Jen.
"Ako nga Jen, alalahanin mo" sabi ni Nick na naglakad palapit kay Jen kaso...
"Aaaaahhhhh!" sigaw ni Jen na naglabas nang isang malakas na pwersa nang apoy na kumalat sa paligid.
"Jen!" sigaw ni Nick bago sya tumilapon at tumama sa dingdeng dahil sa lakas nang apoy.
"Jen" sabi ni Nick bago sya napalibutan nang apoy na prumotekta sa kanya sa pwersa nang apoy ni Jen.
"Patawarin mo ako" sabi ni Nick na kinontrol ang mga apoy sa paligid at pinapunta lahat kay Jen kasunod nang pagpapalakas nya sa mga ito.
"Ni...ck" sabi ni Jen bago ito pumikit at sumabog dahil sa tindi nang apoy na sumira sa classroom kaso may lumabas na nagliliyab na ibon at hinawi ang bumabagsak na mga bato.
"Jen" sabi ni Nick bago unti-unting bumabalik sa dati at lumapit sa babae.
"Mabuti naman at ayos ka" sabi nito na inalis ang disguise at ang kanyang polo upang isuot sa babae.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang ako ang gusto mong mauna" sabi ni Alex na nilabas ang sandata nya, isang malaking boomerang na may parehong talim sa magkabilang dulo.
"Tignan natin ang nakuha mong kakayahan sa Yore" sabi ni Alex na binato ang sandata papunta sa halimaw, kasabay nang pagpapabilis dito.
"Naiwasan nya" sabi ni Alex na nawala nang makitang lumipad ang halimaw upang iwasan ang boomerang.
"Tignan natin kung tsamba lang ang ginawa mo kanina" sabi ni Alex na lumabas sa pupuntahan nang boomerang upang saluhin ito at binato papunta kay Carlos sa lalong masmabilis na oras kaso naiwasan parin ito nang halimaw.
"Huwag mong sabihing ang kakayahang makakita nang hinaharap ang nakuha mo" sabi ni Alex na hinintay bumalik ang boomerang nya.
"Ang daya, bakit ako nakaraan lang ang nakikita" sabi ni Alex na nakatingin sa halimaw na bumaba naulit.
"Masyadong malakas ang kakayahan nang Yore at hindi pa ito kaya nang katawan mo kaya hindi mo pa nagagamit ang lahat nang kakayahan nito" sabi ni Tiven.
"Pano ko sya matatalo kung nakikita nya ang hinaharap?" sabi ni Alex na nakatingin sa halimaw.
"Nakikita nga nya ang hinaharap pero hindi nya kayang kontrolin ang oras" sabi ni Tiven.
"Tama ka, hindi nya kayang pabilisin ang sarili nya" sabi ni Alex bago nya binato ang boomerang papunta sa halimaw at sa mas mabilis na takbo.
"Sabi ko na nga ba" sabi ni Alex na lumabas sa pupuntahan nang boomerang na sinalo nya at binato ulit sa dobleng bilis kaso naka-iwas parin si Carlos.
"Kulang pa" sabi ni Alex na muling binato ang boomerang sa mas dobleng bilis at ngayon ay tumama na sa halimaw kasabay nang paglabas nang puting ilaw rito at bumalik na si Carlos sa dati.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Kailangang magpasikat ako" sabi ni Robert na naglabas nang mga buto sa pagitan nang mga daliri at binato sa halimaw kaso tumalon ito pataas.
"Nakalimutan kong gumagalaw nga pala ang target" sabi ni Robert na nakatingin sa mga butas sa sahig na gawa nang mga buto nya kaya hindi nya inaasahan ang pagbagsak sa kanya nang halimaw.
"Aaaahhhh!" sigaw nya dahil tumagos sa kaliwang braso nya ang isang paa nito nang bumagsak sya sa sahig.
"Tapos ka na" sabi nang halimaw na itinaas ang paang nakatusok kay Robert kaso biglang may mga baging na tumama sa kanya mula sa likod.
"Ayan ang pag-kakamali mo, doble purpose ang mga buto ko nagsisilbi itong bala na nagpepenetrate sa kalaban at naghahanap nang tubig bago ito nagiging baging na kaya ko paring kontrolin" sabi ni Robert habang umiilaw nang berde ang kalaban at bumalik na sa dati.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano kayang kakayahan ang nakuha nya?" sabi ni Kier na inilabas ang sandata nya, ito ay gadget sa magkabilang kamay na naglalabas nang chain na bakal at may patusok sa dulo.
"Delikado ka kapag ang kakayahang magpasabog ang nakuha nya, ang malakas na tagapagmana nang Radiant ay kayang pasabugin ang lahat nang makita nito" sabi ni Scon.
"Ano" sabi ni Kier na tumalon kasabay nang paghagis nang bakal sa halimaw na eksakto sa pagsabog nang basurahan sa likod nya.
"Tulad non" sabi ni Scon.
"Ang daya, ibig sabihin mas malakas sya" sabi ni Kier nang tumama at tumagos sa halimaw ang sandata nya.
"Pasalamat ka parin dahil hindi yung kakayahang humigop nang enerhiya ang nakuha nya" sabi ni Scon.
"Tapos ka na" sabi ni Kier bago may sumabog sa halimaw, kasunod nang tunog nang pagbagsak nang bakal sa paglanding nya sa semento.
"Sigurado ka" sabi nang halimaw na lumabas mula sa usok na tanging ang butas lang nang bakal ang pinsala.
"Mukhang na-unahan ka nya sa pagpapasabog, kailangang pasabugin mo kaagad ang lahat nang matatamaan nang bakal mo o sya mismo ang pasabugin mo" sabi ni Scon.
"Pero hin..." sabi ni Kier na natigilan nang umiwas sa buntot nang halimaw.
"Pwede nga yon" sabi nito na hinintay ang sunod na pag-atake nang halimaw.
"Paano mo?" nagtatakang sabi nang halimaw dahil napigilan ni Kier ang buntot at hinawakan ito sandali at binitawan bago sya tumalon palayo at sumabog ang halimaw na naglabas rin nang pulang ilaw bago bumalik sa dati.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Teka lang kung balot sya sa yelo magiging madali lang to" sabi ni Ivan na nakatingin sa lalakeng naglalakad palapit sa kanya habang nagiging yelo ang inaapakan nito.
"Tama ka, bilang tagapagmana nang Hail kaya mong controlin o gumawa nang yelo" sabi ni Frae.
"Kung ganoon hindi ako mapapagod at makakakain ako agad" masayang sabi ni Ivan na tinapat ang kamay sa kalaban bago ito nabasag at umilaw.
"Tapos na" sabi nito nang makita ang isang lalakeng walang malay sa kinatatayuan kanina nang halimaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nawala sya" sabi ni Aira nang biglang nawala ang kalaban nya.
"Gamitin mo ang pakiramdam mo" sabi ni Reign nang mapansing hindi mapakali si Aira.
"Tama ka" sabi ni Aira na huminahon at inilabas ang isang ceremonial staff bago pumikit.
"Huli ka" sabi ni Aira na inihampas sa kanyang kanan ang staff at lumabas ang kalaban nya na nagkalat ulit nang liwanag.
"Tapusin na natin to" sabi ni Aira na hinigop ang liwanag at tumira nang laser papunta sa halimaw bago ito lalong nagliwanag at lumabas ang isang babaeng walang malay nang mawala na ang ilaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Malakas kayo ha" sabi ni Anne na bumalik sa dati matapos syang mapatalsik nang kalaban.
"Tignan natin pagkatapos nito" sabi ni Anne na nilabas ang sandata nya, isang knuckles sa magkabilang kamay at may tig-tatlong talim.
"Tapusin na natin to, masyado nyo na kong pinapagod" sabi ni Anne bago naging leon kaso mas mahaba ang mga kuko nito sa harapan bago nya dinamba ang kalaban at tumagos ang mga kuko nito sa likod bago umilaw ang halimaw.
"Kamusta na kaya ang iba" sabi nito habang bumabalik na sa dati ang dalawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nasira tuloy" sabi ni Shane na nakatingin sa sira-sirang gadget nya.
"Lagot ka sakin" sabi ni Shane na nilabas na ang kanyang dalawang baril at sunod-sunod na pinaputukan ang halimaw na hindi nagtagal ay bumalik na sa dati.
"Tapos narin, pwede ko pa naman ayusin to" sabi ni Shane na inayos ang gadget at pinagana.
Ang gadget ay umilaw at lumipad papunta sa gitna nang eskwelahan.
"Guys, gumawa ako nang gadget na makakapag-atract nang magkatulad na elemento, bale kusang pupunta sa inyo ang mga halimaw na kapareho nyo nang elemento" sabi ni Shane.
"Ok ka lang? Wala na kayang halimaw" narinig nyang sabi ni Anne mula sa kabilang linya.
"Ha!" gulat na sabi ni Shane.
"Oo nga ang isa ay kakawala lang ngayon" sabi ni Ivan.
"Parang tig-isang halimaw lang tayo" sabi ni Kier.
"Kamusta kayo?" tanong ni Aira.
"Ayos lang ako bukod sa sugat ko sa braso" sabi ni Robert.
"Ayos lang kami rito ni Jen" sabi ni Nick
"Pupuntahan na kita agad Robert" sabi ni Aira.
"Si Sherwin?" tanong ni Alex nang hindi magsalita ang kaibigan
"Baka nawalan lang yon nang malay o nagpapahinga na" sabi ni Kier.
"Masama ang kutob ko" sabi ni Alex bago...
"Aaaaaaaaahhhhhhhh!" narinig nilang sigaw ni Sherwin.
"Sherwin" sabay na sabi nila kaso naging static na ang linya.