"Nasaan na kaya si Sherwin?" isip ni Ivan na nakatingin sa pintuan nang classroom na napapaligiran nang mga sayentipiko at sundalong pumipigil sa kanilang lumabas.
"Siguradong hindi na papasok yon lalo na kung nalaman nya ang nag-aabang sa kanya rito" sabi ni Nick.
"May nag-text ba sa kanya?" naalalang tanong nito na tumingin kila Ivan.
"Nasan na rin kaya sila Shane, Robert at Alex" sabi ni Kier na iniba ang usapan at tumingin sa paligid.
"Mukhang wala rin sila Anne at Aira" dagdag nito nang hindi makita ang dalawa.
"Oo nga no" sabi ni Ivan.
"Kung hindi lang mapanganib ang kakayahan ko pwede kong tulungan si Sherwin" isip ni Nick na nakatingin parin sa may pinto.
"Sa tingin ko nga ay dapat tulungan mo sya, dahil sa tingin ko sya ang may hawak nang Fatality at Vestige" sabi nang boses.
"Wala akong magagawa Naht, dahil delikado ang kakayahan ko laban sa mga tao" isip ni Nick bago nagtakbuhan paalis ang mga seyentipiko.
"Bakit?" tanong ni Ivan sa kaklaseng malapit sa pinto.
"Nakita na raw si Sherwin" nag-aalalang sabi nito.
"Ano?! Bakit pa sya pumasok" sabay na sabi nila Ivan at Kier na sabay ring napatayo.
"Tara tulungan natin si Sherwin" sabi ni Nick na tumayo na rin.
"Magiging mahirap yon" sabi nang kaklase nila na itinuro ang pinto na may naiwang sundalo.
"Ano na ngayon ang gagawin natin" sabi ni Ivan na sumuko at ibinagsak ang katawan sa upuan.
"Wala kundi maghintay lang dito, sana nasa labas na sila Shane" sabi ni Kier na umupo narin.
"Sana nga" sabi ni Ivan na nakatingin sa may pinto.
Pagkalipas nang ilang sandali...
"Umalis na yung sundalo" sabi nang isa nilang kaklaseng nagbabantay sa pinto.
"Tayo na" sabi ni Kier sa mga kaklase bago sila lumabas kaso...
"Nahuli na tayo" sabi ni Carlos dahil nakita nilang paalis na ang mga sasakyan sa loob nang campus.
"Anong ginawa nila Shane, nandito narin naman pala sila" sabi ni Kier nang makita sila Shane at Alex na nag-uusap kasama sila Anne at Aira.
"Ano kaya yung pinag-uusapan nila" sabi ni Phoebe na nakatingin din sa apat na malapit sa mga puno nang campus.
"Tara lapit tayo" sabi ni Elizabeth sa mga kasama.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tama ba narinig namin, ikaw ang lumabas na Garuda dati!" gulat na sabi ni Shane na nakatingin kay Alex.
"Ako nga, kaya nga alam kong kayo ang iba pang lumabas" sabi ni Alex.
"Kung ganoon alam mo rin kung sino ang iba pa?" tanong ni Aira.
"Hindi malayong nakaraan palang ang nakikita ko hindi ko pa nakikita ang hinaharap" sabi ni Alex na napayuko.
"Pero kaya mo nang kontrolin ang oras?" tanong ni Aira.
"Medyo" sabi ni Alex.
"Pwede nating gamitin yon para tulungan si Sherwin" sabi ni Shane
"Ano pang hinihintay natin rito, tayo na" sabi ni Anne bago tumakbo papunta sa gate
"Teka lang Anne, pwede na tayong mag..." sabi ni Alex na natigilan dahil baka marinig nang iba.
"Pwedeng?" sabi ni Anne na natigilan at tumingin kay Alex.
"Ah, oo nga pala" sabi ni Anne na muling lumapit bago sila nagtago.
"Humawak kayo" sabi ni Alex na idiniretso ang kanang braso na ginawa naman nang iba.
"Ano na?" tanong ni Anne na naiinip na dahil walang nangyari.
"Kailangan nga palang alam ko kung saan ang lugar bago ako makapag-teleport" sabi ni Alex na napakamot nang ulo gamit ang kaliwang braso.
"Walan dyo naman oh, ako nalang muna ang susunod" sabi ni Ann bago nito ginamit ang ninja costume nya bago sya naging ibon.
"Hintayin mo kami, huwag kang lulusob at baka mahuli ka rin" sabi ni Aira bago tuluyang lumipad palayo si Anne.
"Tayo na, umalis narin tayo rito" sabi ni Shane bago sila tumakbo palabas nang campus.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hindi na natin sila naabutan" sabi ni Jen na nakatingin sa mga paalis na kaklase.
"Hindi ba si Robert yon?" sabi ni Ivan nang nakita si Robert na sinundan sila Shane.
"Tayo na sundan din natin sila, siguradong tutulungan nila si Sherwin" sabi ni Nick bago sumunod.
"Narito po tayo ngayon sa eskwelahan kung saan, ngayon-ngayon lang ay kinuha na nang mga sayenpiko si Sherwin Amante ang batang may kakayahan nang Telekinesis" sabi ni Ruth na nakaharang sa daan kaya hindi sinasadyang nabungo ni Ivan ang cameraman at pareho silang bumagsak.
"Pasensya na po" sabi ni Ivan habang tumatayo.
"Ang camera" sabi ni Ruth nang makita ang sirang camera.
"Pasensya na po ulit" sabi ni Ivan habang tumatayo ang cameraman.
"Nandoon ang coverage ko sa nangyari kanina" sabi ni Ruth bago ito umilaw nang bughaw pati ang cameraman.
"Anong nangyayari?" tanong ni Kier nang nakita ang pag-ilaw nang dalawa.
"Hindi ko alam" sabi ni Ivan na natulala nang biglang nagbago ang dalawa.
"Takbo na!" sigaw ni Nick na hinila ang dalawa palayo habang tumatakbo na palayo ang dalawang babae.
"Humanda ka sakin ngayon" sabi ni Ruth bago sila nagsanib nang camera man at naging two-headed snake na may dalawang kamay at gawa sa tubig ang buong katawan.
"Aaaaaahhhhhh" sigaw nang mga tao na nagtakbuhan na sa iba't-ibang direksyon.
"Dito lang kayo" sabi ni Nick sa mga kasama nang makalayo sila.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jen sa paalis na lalake.
"Basta dito lang kayo" sabi ni Nick bago sya tumakbo papunta sa halimaw.
"Teka lang" sabi ni Kier na humabol.
"Anong magagawa nila don?" sabi ni Phoebe na nakatingin sa dalawang lalakeng pabalik sa pinanggalingan nila.
"Ayos ka lang?" tanong ni Elizabeth kay Ivan dahil nakatulala lang ito at nakatingin sa pinanggalingan nila.
"Ha! Oo ayos lang ako" sabi ni Ivan na tumingin sa tatlo.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Itigil mo yan, ako ang harapin mo" sabi ni Nick sa halimaw na sinisira ang mga building.
"At ano naman ang magagawa mo" sabi nang halimaw sa boses ni Ruth at nang cameraman na tumingin kay Nick.
"Bahala na" sabi ni Nick bago may lumabas na tig-isang bolang apoy sa mag-kabilang kamay nya at binato papunta sa halimaw.
"Nagpapatawa ka ba?" sabi nang halimaw nang tumama sa kanya ang mga apoy, pero walang naging epekto.
"Gawa ako sa tubig" sabi nang halimaw na ginawang patusok ang apat na kamay bago mabilis na inatake si Nick kaso may tumama sa mga ito bago sumabog.
"Sinong?!" gulat na sabi ni Nick na tumingin sa pinangalingan nang bagay.
"Hindi ko inaasahang may kakayahan ka rin" sabi ni Kier na may hawak na mga bato na ngayon ay bahagyang umiilaw nang pula.
"Ilag!" sigaw ni Kier nang makitang tinubuan ulit nang mga patusok ang halimaw at papunta ulit kay Nick kaso nakaiwas ito at pumunta kay Kier.
"Ikaw ang lumabas na Hydra dati?" tanong ni Nick na tinira ulit nang apoy ang halimaw.
"Ako nga at ikaw ang lumabas na Phoenix?" sabi ni Kier na isinabay ang mga bato sa apoy ni Nick.
"Ako nga at siguradong si Sherwin ang lumabas na demonyo" sabi ni Nick na tumakbo palapit sa halimaw.
"Si Sherwin?" sabi ni Kier na natulala.
"Hindi nakakapagtaka na isipin nya yon, dahil may ganoong kakayahan rin ang dating tagapagmana nang Fatality at Vestige" sabi ni Scon.
"Kung sya ang lumabas na demonyo siguradong si Aira ang lumabas na anghel dahil nasa dojo sila nang mga oras na yon at sa iisang lugar lang nakita ang dalawa" sabi ni Kier bago kumuha nang malaki-laking bato at tumakbo palapit upang ibato ang hawak nya.
"Hindi nyo ko kaya" sabi nang halimaw dahil bumalik sa dati ang natamaan nang bato.
"Tama sya, hindi natin to kaya" sabi ni Nick dahil walang epekto ang mga apoy nya.
"Pero hindi natin alam kung nasaan ang ibang tagapagmana" sabi ni Kier na umiwas sa mga patusok nang halimaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"May kakayahan rin sila" sabi ni Elizabeth na nakatingin sa dalawa na kinakalaban rin ang halimaw.
"Kaso mas malakas ang halimaw" sabi ni Phoebe.
"Hindi naman sa ganoon, mali lang ang kakayahan nila para sa halimaw" sabi ni Jen.
"Sila ang tagapagmana nang Inferno at Radiant, tama ba ako Frae" sabi ni Ivan na nakatingin sa mga kaibigan na iniiwasan ang mga atake nang halimaw.
"Anong sinabi mo?" sabi ni Jen na narinig ang sinabi ni Ivan.
"Dito lang kayo" sabi ni Ivan bago tumakbo papunta sa halimaw na ngayon ay nakatalikod sa kanila.
"Huwag nyang sabihing may kakayahan din sya" sabi ni Elizabeth na nakatingin kay Ivan.
"Siguro" sabi ni Jen na tumingin sa mga kamay nya.
"Naloko na" sabi ni Nick na nadulas dahil sa mga tubig na nakakalat sa paligid nang iiwasan nya ang atake nang halimaw.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kier na lumapit kay Nick matapos nyang pasabugin ang mga patusok na papunta kay Nick.
"Salamat" sabi ni Nick bago...
"Ilag" sabi nito na hinila si Kier paupo para maiwasan nito ang patusok nang halimaw.
"Salamat" sabi ni Kier na nakitang nabutas ang semento sa atake nang halimaw.
"Sa tingin nyo ayon lang ang kakayahan ko" sabi nang halimaw bago sunod-sunod na naglabas nang mga mahahabang patusok paikot sa dalawa.
"Napalibutan tayo" sabi ni Nick nang makitang wala silang lalabasan.
"Wala rin akong pwedeng gawing bomba rito" sabi ni Kier dahil nagamit na nya kanina ang huling batong napulot nya.
"Tapos na kayo" sabi nang halimaw na lumapit sa dalawa.
"Pinahirapan nyo ko sa pagiwas nyo, ngayon hindi na kayo makakaiwas" sabi nito bago pinagsama-sama ang apat na braso at naging isang malaking patusok.
"Hindi mo ba pwedeng pasabugin ang mga yan?" tanong ni Nick na inginuso ang mga mahahabang tubig na humaharang sa kanila.
"Susubukan ko" sabi ni Kier na hahawakan ang tubig.
"Hindi ko hahayaan yan" sabi nang halimaw na mabilis na kumilos at inatake ang dalawa kaso bigla itong nag-yelo.
"Anong nangyari?" nagtatakang sabi ni Kier nang alisin nito ang nakatakip na braso sa mukha.
"Nagyelo bigla ang halimaw" sabi ni Nick bago rin nagyelo ang mga tubig na nakapaikot sa kanila.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Ivan nang may bumasag sa ibang yelo.
"Ivan?" sabi ni Kier nang makita ang kaibigan.
"Ikaw ang may gawa nito?" tanong ni Nick na hinawakan ang yelo.
"Oo, pasensya na at hindi ako agad tumulong" sabi ni Ivan habang lumalabas ang dalawa.
"Lagot na, siguradong magagaya rin tayo kay Sherwin" sabi ni Ivan nang nakitang madaming tao sa paligid.
"Oo nga pala, si Sherwin... Tayo na" yaya ni Nick bago tumakbo papunta sa gate.
"Teka lang, alam mo ba kung saan nila dinala si Sherwin?" tanong ni Kier bago ito humabol kasama si Ivan.
"Teka lang, anong gagawin natin sa kanila?" habol na tanong ni Ivan na nakasunod sa dalawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isang oras matapos ang laban nang tatlo, sa laboratoryo...
"Anong nangyari don?" tanong ni Robert matapos mawala ni Sherwin.
"Ngayon ko lang sya narinig sumigaw" sabi ni Aira na medyo nanginginig parin.
"Mabuti pa pag-isipan nalang natin kung anong gagawin natin sa mga bangkay na to" sabi ni Alex na nakatakip narin ang ilong.
"Oo nga, pabayaan muna natin mag-isa si Sherwin" sabi ni Shane na tumingin sa mga kasama.
"Ako nang bahala sa mga tao, kaya ko silang buhayin" sabi ni Aira.
"Pero pag binuhay mo sila hahabulin ulit nila si Sherwin" sabi ni Anne.
"Kung hindi naman, siguradong masisisi si Sherwin at hindi lang mga sayentipiko ang maghahanap sa kanya dahil magiging wanted sya" sabi ni Alex.
"Ako nang bahala don, kaya huwag na kayong mag-alala" sabi ni Shane na naglabas nang gadget.
"Kaya nitong burahin ang lahat nang ebidensya at memorya nang ibang tao sa kakayahan ni Sherwin, ipikit nyo ang mga mata nyo" sabi ni Shane bago pinagana ang gadget na nagkalat nang ilaw sa paligid.
"Tapos na" sabi ni Shane nang mawala ang ilaw at dumilat na ang lahat.
"Ako nang bahala sa paligid" sabi ni Alex bago nito hinawakan ang dingdeng bago ito unti-unting bumalik sa dati.
"Ayos ka lang?" tanong ni Robert na sinalo si Alex nang muntikan na itong bumagsak matapos ibalik sa dati ang lahat.
"Ayos lang, nanghina lang ako" sabi ni Alex habang umaayos nang tayo.
"Kaya mo pang mag-teleport paalis?" tanong ni Aira na tumingin kay Alex.
"Kaya ko, mabilis lang naman bumabalik ang lakas ko" sabi ni Alex na idiniretso na ang dalawang braso.
"Mag-teleport ka agad pagsinabi ko na para walang makakita satin, ipikit nyo pala ulit ang mga mata nyo" sabi ni Aira bago sya umilaw nang masigurong nakapikit na at nakahawak kay Alex ang lahat.
"Tayo na" sabi ni Aira ilang sandali matapos nyang buhayin ang lahat at humawak silang lahat kay Alex bago sila nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayos ka lang" tanong ni Drake.
Si Sherwin ngayon ay nasa shadow realm at nakapikit.
"Pano ako magiging ayos kung nagiging bampira ako kapag naalis ang kwintas" sabi ni Sherwin.
"Bakit kaya hindi mo makontrol ang sarili mo kapag nagiging bampira ka?" tanong ni Drake.
"Hindi ko alam at mukhang hindi ko malalaman dahil ang mga tunay kong magulang ay marahil patay na dahil may humahabol sa kanila nung iniwan nila kami sa simbahan" sabi ni Sherwin.
"Hindi kaya..." sabi ni Drake.
"Hindi kaya ano?" tanong ni Sherwin.
"Alam mo nang mag-kaiba ang Fatality at Vestige diba?" sabi ni Drake.
"Oo, ang Fatality ay elemento nang kamatayan at ang Vestige ay elemento nang anino" sabi ni Sherwin.
"Ang dalawang ito ay parehong may monster form ang Demonyo at ang Anino" sabi ni Drake.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Sherwin na naguluhan na.
"Bawat elemento ay merong nagbabantay at dahil parehong nasayo ang dalawang elemento ay nagsanib na ito at ginamit ang anyong bampira mo bilang monster form nito" sabi ni Drake.
"Ibig sabihin yung elemento ang lumabas kanina" sabi ni Sherwin.
"Pwede, pero pwedeng mali ako nang theorya" sabi ni Drake.
"Pero, pwede ring tama ka..." sabi ni Sherwin bago sya kumilos.
"...at paano kaya napipigilan nang kwintas ang paglabas nito?" sabi nito na tinignan ang kwintas.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nasan kaya sila" sabi ni Ivan na hinihingal na dahil kanina pa sila naglalakad.
"Bakit kasi hindi tayo sumakay" reklamo rin ni Kier.
"Alam nyo ba kung saan tayo pupunta? Sayang lang ang pamasahe" sabi ni Nick nang biglang lumabas sa harap nila sila Alex.
"Anong?!" gulat na sabi ni Nick na napaatras sa gulat.
"Bakit dito Alex, ang daming tao?" nagtatakang tanong ni Shane nang makitang nasa sidewalk sila.
"Kukunin lang natin ang iba pang tagapagmana" sabi ni Alex na nakatingin sa tatlo.
"Ibang..." sabi ni Robert na nakatingin sa tatlo.
"...tagapagmana?!" tapos ni Anne.
"Tayo na dumarami na ang tao" sabi ni Aira nang mapansing naglalapitan na ang mga tao.
"Hawak na" sabi ni Alex sa lahat matapos nyang idiretso ang dalawang braso, na ginawa naman nila Aira.
"Ano pang tinatanga nyo dyan, hawak na" sabi ni Anne sa tatlo bago pa kumilos ang mga ito at bigla silang nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pwede na siguro rito" sabi ni Alex nang lumabas sila sa taas nang isang building.
"Teka lang, pikit muna kayo" sabi ni Shane na inilabas ulit ang gadget na ginamit nya para kay Sherwin.
"Pikit" sabi nito bago pinagana ang gadget.
"Sinabi na kasing pikit" sabi ni Shane nang mawala ang ilaw at nakita ang reaksyon nila Ivan at Kier.
"Malay ba namin" sabi ni Ivan na hindi pa nakakabawi sa pagkasilaw.
"Kung ganoon mga tagapagmana rin kayo?" tanong ni Nick na tumingin kila Alex.
"Oo" sagot ni Shane.
"Asan si Sherwin?" tanong ni Ivan.
"Ayos na sya pero gusto nya daw munang mapag-isa" sabi ni Robert bago may unti-unting lumabas na nilalang malapit sa kanila.
"Kung ganoon tayong syam ang mga tagapag..." sabi ni Anne kaso natigilan ito at tumingin sa gilid nito.
"Sherwin" masayang sabi nito nang makita ang lalake na gamit ang disguise pero nakatanggal ang takip sa ulo, kaya kita ang natuyong dugo sa mukha nito.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Ivan na nakatingin sa kaibigan.
"Mamaya ko na sasabihin, pasensya na nga pala sa nangyari kanina" sabi ni Sherwin na tumingin kay Aira tapos sa iba.
"Ok lang yon" sabi ni Shane na nakatingin kay Sherwin.
"Sasabihin ko na sa inyo ang nangyari sa laboratoryo" sabi ni Sherwin sa mahinang tinig.
"Ok lang yon, ang mahalaga ay ligtas ka" sabi ni Aira na nakatingin kay Sherwin.
"Oo nga naman kaya tayo na kain na tayo at treat ko, pinalakad kasi ako ni Nick nang malayo ginutom tuloy ako" sabi ni Ivan bago nagtawanan ang lahat.
"Sige uwi lang muna ako para makapaglinis" sabi ni Sherwin sa pagitan nang pagtawa.
"Sige sunod ka nalang sa dating tambayan natin" sabi ni Robert.
"Teka lang saan yon?" tanong ni Anne.
"Sa bahay ni Ivan" sabi ni Alex na idineretso ang mga braso bago humawak ang lahat maliban kay Sherwin.
"Sige kita nalang tayo don" sabi ni Sherwin na nakatingi sa walo.
"Hihintayin ka namin" sabi ni Anne.
"Bilisan mo baka wala ka nang abutang pagkain" pagbibiro ni Kier bago ulit sila nagtawanan bago nawala.
"Sinong nandyan" sabi ni Sherwin na tumingin sa may hagdanan nang mawala ang mga kaibigan nya.
"You're good, you are the only one who noticed me. Even the heir of Brutish haven't noticed me" sabi nang isang lalakeng nakaitim na cloak at nasa may madilim na parte nang dingdeng.
"Who are you and how did you know about the Brutish?" sabi ni Sherwin na nakatingin sa lalake.
"How?" sabi nang lalake bago tumawa.
"How?..." ulit nito pagkatapos tumawa.
"Because I'm also an heir of one element" sabi nang lalake.
"Paanong?" naguluhang sabi ni Sherwin.
"We already know the nine people who have an element on our country" sabi ni Sherwin.
"As far as I remembered, I haven't said that I came from this country" sabi nang lalake na tumingin nang diretso kay Sherwin kaso nakatakip parin ang itaas na parte nang mukha nya
"Kung sabagay tama sya, may foreign accent sya" sabi ni Sherwin.
"I came from Egypt and I'am the heir of Juggernaut" sabi nito bago may lumabas na halimaw sa paanan nya.
"Egypt... Juggernaut..." sabi ni Sherwin na nakatingin sa halimaw at sa lalake.
"Wait" sabi nito dahil lumipad na pataas ang halimaw na sakay ang tagapagmana nang Juggernaut.
"Don't worry brother, this was not the last time that we will see each other" sabi nang tagapagmana nang Juggernaut bago hinangin ang takip nang cloak at nakita nya ang mukhang kahawig nya bukod sa mas mahaba ang buhok nito na nililipad nang malakas na hangin bago lumipad paalis ang halimaw.