Lab Rat

4163 Words
"Ang galing mo, kailan ka pa nagkaroon nang Telekinesis?" tanong ni Kier, sila ngayon ay nasa clinic dahil pinagpapahinga nang doctor si Sherwin matapos itong matignan. "Ngayon-ngayon lang" pagsisinungaling ni Sherwin. "Nakita nyo ba si Anne?" tanong ni Aira na sumilip sa clinic. "Hindi e, bakit?" sabi ni Ivan. "Hinahanap namin ito kanina pa, naghiwa-hiwalay na nga kaming apat" sabi ni Aira na halatang nag-aalala na. "Kanina pa?" sabi ni Sherwin dahil 30 minutes na ang lumipas mula nung madala sya sa clinic. "Oo, nag-aalala na nga kami dahil nandito pa yung gamit nya pero hindi namin sya makita" sabi ni Aira bago nag-ring ang cellphone nya. "Sandali lang ha" sabi nito na nagmamadaling sinagot ang tawag. "Asan ka na?" tanong agad nito nang masagot. "Pano ako hihinahon e hindi ka namin makita, huling nakita ka sinundan mo si Marie na alam na nang lahat na naging halimaw" sabi ni Aira bago ito nanahimik nang matagal. "Kung ganoon nasa inyo ka na? .... Sige dadalhin ko dyan yung gamit mo" sabi ni Aira pagkalipas nang ilang sandali bago ibinaba ang cellphone. "Mabuti naman, nasa kanila na pala sya" sabi ni Robert. "Oo nga eh, sige una na ako" sabi ni Aira bago lumabas nang clinic at may tinawagan. "Uwi narin kayo, dito daw kasi muna ako sabi ni doc" sabi ni Sherwin sa mga kaibigan. "Pero may tanong pa ko" protesta ni Kier kaso itinayo na ito ni Shane. "Sige, kita nalang tayo bukas" sabi ni Shane na tinulak si Kier palabas kasunod ang iba nilang kaibigan. "Sige" sabi ni Sherwin. "Lagot na nakita nila ang kakayahan ko" sabi ni Sherwin na nagtalukbong nang sya nalang ang mag-isa sa clinic. "Bakit parang natatakot ka" sabi ni Drake. "Hindi mo pa kilala ang mga tao sa panahong to" sabi ni Sherwin. "Sa tingin ko nga, pero bakit?" sabi ni Drake. "Pwede nila akong pag-eksperimentuhan tulad nang napapanood kong mga psychic na lab rat nang isang laboratoryo sa ibang bansa" sabi nito "Pero mangyayari lang naman yon kapag may nakakuha nang video sa ginawa ko kanina" dagdag nito. "Kung ganoon nga delikado ka, ano nga pala yung video?" sabi ni Drake. "Para kasing nawala ako sa sarili ko kanina" isip ni Sherwin na iniba ang usapan dahil pumasok na ang doctor. "Anong nakakatawa" isip nito dahil tumawa si Drake. "Pareho kasi tayo, minsan nang nagyari sakin ang ganyan nang niligtas ko ang babaeng gusto ko at ito rin ang tagapagmana nang Spirit" sabi ni Drake. "Pareho nga, edi possible ring yung tagapagmana nang Juggernaut ngayon ang kakambal ko" isip ni Sherwin "Mukhang may isa ka pang kakayahan na hindi rin na-seal" sabi ni Drake na iniba ang usapan. "Oo nga, yung Post-cognition kahapon at ngayon Regeneration" isip ni Sherwin na hindi napansin ang ginawa ni Drake. "Nakalimutan mo yung lumakas na charisma mo" sabi ni Drake. "Ability ba yon?" isip ni Sherwin bago muling tumawa si Drake. "Ano nga ulit yung video?" tanong ulit ni Drake. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ayos ka lang?" bungad ni Aira nang buksan ni Anne ang pinto. "Ang bilis mo naman! Wala pang limang minuto nung tinawagan kita at isang oras ang byahe mula sa eskwelahan" sabi ni Anne "Anong nangyari sayo?" tanong ni Aira nang makitang hawak ni Anne ang braso nito. "Napilayan ako kanina, kaya nga umuwi ako" sabi ni Anne, bago sinarado ni Aira ang pinto. "Umupo ka sa kama mo" sabi ni Aira na inilapag ang mga gamit nila sa mesa. "Bakit?" naguguluhang sabi ni Anne, pero umupo parin ito. "Sandali lang to" sabi ni Aira na tinapat ang kanang kamay sa braso ni Anne bago may lumabas na ilaw rito. "Anong!" gulat na sabi ni Anne nang makita ang nangyari. "Huwag kang malikot" sabi ni Aira. "Nakakapag-pagaling ka?!" gulat na sabi ni Anne matapos mawala ang ilaw at nagagalaw na nya nang maayos ang braso nya. "Oo, mula nung tamaan ako nang puting ilaw" sabi ni Aira. "Puting ilaw?" sabi ni Anne na iniikot ang braso "Katulad nang maroon na ilaw na tumama sayo" sabi ni Aira na nagpatigil kay Anne. "Edi ikaw ang lumabas na Anghel?" tanong ni Anne na natigilan. "Ako nga" sabi ni Aira. "Ang liit nang mundo" sabi ni Anne. "Talagang maliit ang mundo, dahil si Sherwin ang lumabas na Demonyo at si Shane ang lumabas na Alphyn" sabi ni Aira na nagpatulala kay Anne. "Kung ganoon talagang may kapangyarihan rin si Sherwin" sabi ni Anne. "Teka, teka... Demonyo? ... Si Sherwin?" sabi ni Anne na hindi makapaniwala. "Kaya nga, hindi rin ako makapaniwala" sabi ni Aira. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Kinakabihan... "Nandito na po ako" sabi ni Sherwin pagkapasok nya sa bahay. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lisa sa pamangkin. "Bakit po?" nagtatakang sabi ni Sherwin. "Kababalita palang nang paglabas nang halimaw sa eskwelahan nyo at pinakita na isa ka sa kumalaban rito" sabi ni Eric na nakatingin rin sa pamangkin. "May nakakuha nang..." gulat na sabi ni Sherwin na natulala. "Nagbabalik na po tayo sa nagbabagang balita, hingil parin sa mga paglabas nang mga halimaw matapos ang insidente nung nakaraang lingo" sabi nang isang lalakeng reporter mula sa tv. "Napag-alaman namin na mula sa mga lumabas na halimaw ay tanging dalawa lang ang bumalik nang buhay sa pagiging tao at ito ay sila DENNIS ROMUALDES at MARIE ANNE SANTOS. Ang dalawang ito ay under-observation nang mga sayentipiko na ang iba ay nanggaling pa sa ibang bansa upang tumulong sila ay mula sa mga bansang walang lumalabas na halimaw. Sinasabi nila Dennis at Marie Anne na wala silang maalala sa mga nangyari at kung bakit sila naging halimaw. Hangang ngayon ay misteryo parin ang mga pag-labas nang mga halimaw at lalong misteryo kung paano nakaligtas ang dalawang ito. Balik sayo Ruth" sabi nang reporter habang pinapakita sila Dennis at Marie na nasa isang laboratoryo. "Maraming salamat LENARD, Dumako naman tayo sa misteryosong lalake na di umano ay kinalaban si Marie nang lumabas ito kanina, CLAIRE" sabi ni Ruth bago lumipat ang screen sa isang babae na nasa eskwelahan nila. "Salamat Ruth, Nandito ako ngayon sa eskwelahan kung saan naging halimaw ang labing-limang taong gulang na si Marie Anne Santos. Ito ay di umano kinalaban nang isang labing-limang taong gulang rin na kaklase nya na may kakayahang palutangin ang halimaw at patalsikin ito sa malayo at isa pang kayang mag-anyong hayop. Ang may kakayahan nang Telekinesis ay nagngangalang Sherwin Drake Amante samantalang ang isa ay hindi mapangalanan dahil walang nakakita rito, ang tanging alam lang ay isa itong babae dahil sa sirang uniform sa pinanggalingan nito. May nakuha rin akong impormasyon na kapapasok palang ni Sherwin sa eskwelahan dahil kalalabas palang nito mula ospital matapos gumuho ang dojo ni Dennis Romualdes nung nakaraang lingo. Meron ring nakapagsabi na sya at ang isang babaeng nag-ngangalang Aira Gayle Casis ang sinisisi ni Dennis na sumira nang kanyang dojo na alam nating lugar kung saan lumabas ang Anghel at Demonyo. Kaya merong nagsasabing silang dalawa raw ang mga ito. Balik sayo Ruth" sabi ni Claire. "Pasok na po ko sa kwarto" sabi ni Sherwin na hindi na nakaya ang pakikinig at umakyat na nang hagdan. "Kuma..." di na natapos ni Eric ang sasabihin dahil nakaakyat na ito nang hagdan. "Lagot na" sabi ni Sherwin na humiga at tinakpan nang unan ang mukha bago sumigaw. "Ano na ngayon ang gagawin mo?" tanong ni Drake. "Hindi ko alam, pwedeng magteleport nalang ako paalis nang bansa" sabi ni Sherwin na nakatingin na sa kisame. "Pano si Aira, baka pag-eksperimentuhan sya" sabi ni Drake. "Hindi yon, hangat hindi napapatunayan na may kakayahan sya" sabi ni Sherwin. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Kinabukasan... "Bakit parang lalong dumami ang nakatingin sayo ngayon?" sabi ni Drake habang naglalakad si Sherwin papunta sa classroom. "Dahil siguro sa nangyari kahapon" isip ni Sherwin na binilisan ang paglakad. "Bakit ka pa pumasok?" sabi nang isang babae na hindi nya kilala matapos itong dumaan sa kanya. "Bakit?" tanong ni Sherwin na tumingin sa babae kaso malayo na ito. "Mamimis kita rito" sabi nang isa pang babae na hindi ulit nya kilala matapos nya itong madaanan. "Ha?!" naguluhang sabi ni Sherwin na napatigil sa paglalakad at tumingin sa babae kaso naglakad na ito paalis. "Ayon sya!" narinig nyang sabi nang isang boses mula sa likuran nya kaya nagulat sya nang biglang dumami ang mga reporter at mga camera sa paligid nya. "Ano to?!" gulat na sabi ni Sherwin nang mapaligiran nang mga reporter na sabay-sabay nagsalita. "Tama na!" sigaw ni Sherwin na tinakpan ang tenga kasabay nang pagkabasag nang salamin nang mga camera pati narin ang mga mike. "Lagot nanaman ako" sabi ni Sherwin na hinawi ang mga taong natigilan sa nangyari. "Sherwin, dito" narinig nyang tawag nang isang pamilyar na boses kasabay nang pag-hatak nito sa kanya. "Ayos ka lang?" tanong ni Shane na hatak-hatak si Sherwin papasok sa isang classroom na nilock nito pagkapasok nila. "Medyo... Anong nangyayari?" tanong ni Sherwin na hinawakan ang ulo na biglang sumakit at napasandal sa dingdeng. "Buti nga yung mga reporters ang unang nakakita sayo" sabi ni Anne na palihim na nakatingin sa labas. "Bakit? Sino pa ba yung nandito?" tanong ni Sherwin na hawak parin ang ulo. "May mga sayentipiko sa labas nang classroom natin at hinihintay ka" sabi ni Aira na katabi ni Anne na nakatingin rin sa labas. "Sila Ivan?" tanong ni Sherwin nang mapansing apat lang sila sa classroom. "Nasa classroom natin, hindi nga nila alam na nandito na kami" sabi ni Anne. "Na-isip naming hindi mo alam na may pupuntang mga reporters at sayentipiko ngayon kaya inabangan kita malapit sa may gate" sabi ni Shane. "Sabi ko na, hindi ko inaasahang nandito na agad sila kinabukasan matapos ang balita" sabi ni Sherwin na napasandal. "Kaya nga nandito kami para tulungan kang makaalis" sabi ni Anne. "Tulungan?" sabi ni Sherwin na tumingin kay Anne. "Si Anne ang lumabas na Griffin dati" sabi ni Aira habang pinapakita ni Anne ang orange na relos nya. "Hindi pwede, baka mapahamak din kayo" sabi ni Sherwin bago sya nawala. "Nasan sya?!" sabi ni Anne nang biglang nawala si Sherwin. "Nag-teleport sya paalis" sabi ni Aira bago... "Nandon sya!" narinig nilang sabi nang isang boses mula sa di kalayuan. "Bakit nya ginawa yon?" naguguluhang sabi ni Anne na nakatingin sa mga nagtatakbuhang tao. "Pwede kasing makuha din natin ang atensyon nang mga sayentipiko kapag nakita tayong may kakayahan rin, lalo ka na Aira siguradong may nagbabantay narin sayo" sabi ni Shane na tumingin narin sa labas. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sherwin, anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Robert nang masalubong si Sherwin. "Mamaya na Robert" sabi ni Sherwin na iiwasan sana si Robert kaso bigla syang hinila nito at tinulak sa malapit na puno. "Anong?!" gulat na sabi ni Sherwin dahil bumukas yung puno na parang may pinto at sumara matapos nyang pumasok rito. "Nakita mo bang dumaan rito si Amante, Sherwin?" narinig nyang sabi nang isang boses mula sa labas. "Tumakbo po sya papunta don" pag-sisinungaling ni Robert na itinuro ang direksyon na pupuntahan sana ni Sherwin. "Wala na sila" sabi ni Robert bago bumukas ulit yung puno ilang sandali ang lumipas. "Paano?" naguguluhang sabi ni Sherwin habang lumalabas sa puno. "Saka ko na sasabihin, umalis ka muna rito sa eskwelahan dahil nagkalat na ang mga sayentipiko at desidido silang kunin ka upang pag-aralan" sabi ni Robert na marahang tinulak ang kaibigan sa kabilang direksyon. "Salamat" sabi ni Sherwin na nagsimula na ulit tumakbo. "Hindi kaya sya yung lumabas na Demonyo" sabi ni Naht habang nakatingin si Robert sa paalis na kaibigan. "Demonyo?" sabi ni Robert na naguluhan. "Pero hindi ko parin yon sigurado dahil sa dami nang nangyayari ngayon" sabi ni Naht. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nakita ka rin namin sa wakas" sabi nang isang sayentipiko na hinarangan si Sherwin sa daraanan nya. "Naloko na" sabi ni Sherwin dahil may humarang din sa pinanggalingan nya. "Mabuti pa sumama ka nalang nang maayos" sabi nang unang lalakeng parang pinakamataas sa mga kasama nya. "Pano kung hindi" sabi ni Sherwin na nakatingin sa mga sayenpikong nakapaligid sa kanya at nasa likuran ang mga reporters. "Meron parin namang isa pa, isang babaeng nag-ngangalang Aira Casis" sabi nang pinuno. "Sigurado kayong may kakayahan sya?" sabi ni Sherwin na may nakitang butas sa mga sayentipiko at tumakbo sya papunta don kaso may biglang tumamang dart sa kanyang leeg. "Anong?!" gulat na sabi ni Sherwin na napatigil at inalis ang tumama sa kanya. "Pampatulog?" sabi ni Sherwin na binitawan ang dart bago sya nahilo. "Lahat patamaan sya" sabi nito bago pinaputok nang mga sayentipiko ang mga tranquilizer nila dahil desidido parin si Sherwin na umalis. "Hindi yan gagana" sabi ni Sherwin bago tumigil sa paligid nya ang mga dart. "Bakit hindi mo gamitin ang buong kakayahan mo, kaya mo silang patayin lahat" sabi nang isang bagong boses. "Sino ka" sabi ni Sherwin kaso sinagot sya nang halakhak nito kasabay nang pag-sakit ulit nang ulo nya. "Hinde" mahinang sabi ni Sherwin na napaluhod habang hawak ang ulo. "Hindi maaari, Bakit? Nakasuot naman yung kwuintas" sabi ni Sherwin. "Hindeeeeeeeeeeee!" sigaw ni Sherwin na nawala ang konsentrasyon kaya tumama ang mga dart sa kanya bago sya bumagsak. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nahuli na ko" sabi ni Alex nang makita ang kaibigan na binubuhat nang isang sayentipiko habang madaming taong nakatingin. "Isa nalang ang paraan para mailigtas sya, Tiven diba sabi mo kaya kong patigilin ang oras" sabi ni Alex habang pinapasok si Sherwin sa isang van. "Hindi mo pa kayang kontrolin nang maayos ang kakayahan mo, pwedeng hindi mo na ito mapaandar ulit o hindi makayanan nang katawan mo at umandar ulit ang oras nang hindi ka pa nakakalayo, kasabay non ang pagkahuli nyo pareho" sabi ni Tiven. "Oo na, sana kahit papaano ay may tiwala ka sakin" sabi ni Alex na nakatingin sa kaibigan na nilagay na sa isang van. "Kung ganon kailangan kong kausapin sila Shane para naman may katulong ako" sabi ni Alex bago inilibot ang paningin at nakita si Shane sa di kalayuan at nakatingin sa ngayon ay paalis na van, kasama nito sina Aira at Anne. "Sa tingin ko nga kailangan mo nang sabihin sa kanila" sabi ni Tiven. "Kung alam ko lang sana kung sino pa yung ibang lumabas na may elemento" sabi ni Alex habang naglalakad palapit kila Shane. "Hindi rin naman sila makakatulong, kailangan mo ngayon ang tagapagmana nang Knowledge" sabi ni Tiven. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Anong nangyari? Nasan ako?" sabi ni Sherwin nang-magkamalay sya. "Aahh!" sabi nito nang sumakit ang ulo nya at hinawakan nya ito nang kanang kamay habang tumatayo. "Ang kwintas? Paanong? Bakit wala akong damit at..." sabi nito nang mapansing hawak nya ang kwintas nya at wala syang pang-itaas at puro dugo ang dalawang braso nya. "...anong nangyari rito?" sabi nito na inilibot ang paningin habang sinusuot ang kwintas. Sya ngayon ay nasa lugar na parang laboratoryo, kaso sira-sira ang mga gamit at nagkalat ang mga walang buhay na katawan sa paligid. "Anong nangyari?" sabi ni Sherwin na nahilo at napasandal sa malapit na dingdeng nang makita ang napakaraming dugo sa paligid at napansin ang camera sa itaas nang dingdeng. "Sana nakuhanan non ang lahat" sabi nito bago pinilit na umalis. "Ayos ka lang?" tanong ni Drake habang dumadaan sila sa hallway na puno rin nang dugo at mga bangkay. "Hinde... Dati pa ako may kakaibang nararamdaman tuwing nakakakita ako nang dugo, isama mo pa na ngayon lang ako nakakita nang ganito kadami at may mga bangkay pa. Alam mo ba ang nangyari?" sabi ni Sherwin na pinilit maglakad nang mabilis kahit nahihilo. "Pasensya na pero kapag wala kang malay ay wala rin akong malay" sabi ni Drake. "Kilala mo ba yung nagsalita bago ako nawalan nang malay kanina?" tanong ni Sherwin bago pumasok sa pintuan na may nakalagay na control room. "Bakit naman hangang dito?" sabi ni Sherwin dahil may mga bangkay din sa loob. "Ayon nga ang pinagtataka ko dahil hindi naman yon yung boses nang dalawang monster form mo" sabi ni Drake. "Monster form?" tanong ni Sherwin na lumapit sa controls kaso may bangkay na nakahiga rito. "Ayon yung mga nagbabantay sa mga elemento at pumasok sa katawan mo matapos mong tamaan nang ilaw" sabi ni Drake. "Hindi ko sya kayang alisin, nanghihina na ako nang husto" sabi ni Sherwin na hindi pinansin si Drake at hindi manlang maitulak ang bangkay. "Kung buhay lang sana to at umalis sa controls" sabi ni Sherwin na muling sinubukang itulak ang bangkay kaso natigilan sya nang bigla itong bumangon. "Lagot na" sabi ni Sherwin na napaatras at nakatingin sa bangkay. "Paano mo nagawa yon?" nabiglang sabi ni Drake dahil umalis ang bangkay sa controls at nanatiling nakatayo malapit sa pinto. "Hindi ko alam? Pero sana nga ako ang may gawa, hindi ko alam kung makakalaban pa ako nang maayos sa mga Zombie" sabi ni Sherwin na nakatingin sa iba pang bangkay. "Zombie?" tanong ni Drake. "Subukan natin sa iba, tumayo kayo" sabi ni Sherwin na hindi pinansin si Drake kaso walang nangyari. "Baka isa lang ang kaya mong controlin" sabi ni Drake. "Siguro nga dahil nanghihina ako" sabi ni Sherwin na tumingin sa nakatayong bangkay. "Lumabas ka sa labas at magbantay sa may pinto" sabi ni Sherwin bago lumabas ang bangkay. "Bakit pa? Ikaw nalang naman ang buhay rito" sabi ni Drake bago humarap si Sherwin sa nakapatay na monitor. "Mas mabuti yon atleast nabawasan nang isa ang..." sabi ni Sherwin na natigilan sa nakita. "Ano to?" sabi ni Sherwin nang may mapansin sa bandang labi nya mula sa screen. "Dugo!" gulat na sabi ni Sherwin nang tumingin sa screen at nakitang puno nang dugo ang mukha nya mula labi pababa. "Ano nga kaya ang nangyari" nabahalang sabi ni Drake. "Malalaman natin" sabi ni Sherwin bago may pinindot sa keyboard. "Alam mo bang gamitin yan?" tanong ni Drake kaso nagpipindot na si Sherwin sa keyboard bago nagkailaw ang screen. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sigurado ka bang nandito si Sherwin?" sabi ni Anne na nakatingin sa isang gusali. "Sigurado" sabi ni Shane na nakatingin sa isang gadget. "Hindi ko inaasahang ikaw ang lumabas na Garuda dati" sabi ni Aira sa katabi. "Mas nagulat nga ako sa nakita ko kahapon" sabi ni Alex na namula at tumingin kay Anne. "Bastos" sabi ni Anne na tinalikuran si Alex. "Ikaw naman ang may kasalanan, tama ba namang magpalit nang anyo sa eskwelahan" sabi ni Alex. "Tama na yan, nandito tayo para iligtas si Sherwin diba?" sabi nang isang boses sa pinanggalingan nila. "Robert?!" gulat na sabi nang lahat nang makita ang kaibigan. "Narinig ko ang pag-uusap nyo kanina sa eskwelahan kaya sinundan ko kayo" sabi ni Robert. "Pero... Ano kasi... Teka lang narinig? Sinigurado naming walang ibang tao nung nag-uusap kami kanina" sabi ni Shane na tumingin sa mga kasama bago kay Robert. "Napakinggan ko dahil sa mga halaman na nakapaligid sa inyo kanina, ako ang lumabas na Golem dati" sabi nito na ipinakita ang kanang kamay bago naglabas nang mga buto sa pagitan nang mga daliri nya. "Weird? Magkakakilala tayong mga lumabas na halimaw" sabi ni Anne na tumingin sa mga kasama. "Mamaya na yan" sabi ni Alex na hinawakan ang ulo. "Bakit?" tanong ni Shane. "May nangyari sa loob kanina" sabi ni Alex na muntikan nang bumagsak buti nasalo ito ni Robert. "Anong ibig mong sabihing kanina?" tanong ni Aira na nakatingin kay Alex. "Hindi ko masyadong nakita ang nangyari pero maraming dugo ang dumaloy mula kay Sherwin" sabi ni Alex na umayos na nang tayo. "Ano?!" sabi ni Anne na lumapit kay Alex at niyugyog ito. "Anong nangyari kay Sherwin?" tanong ni Anne. "Teka lang" sabi ni Alex na inalis ang kamay ni Anne. "Nakalipas na yon, mga isang oras na ang nakaraan" sabi ni Alex na medyo nahilo. "Ano pang ginagawa natin rito, tayo na" sabi ni Anne na tumakbo na papasok sa building. "Teka lang Anne" habol ni Shane sa babae na derederetso sa loob. "Anong nangyari rito?" narinig nilang sabi ni Anne na nasa may pinto at nakatakip ang ilong. "Bak..." hindi na natapos ni Aira ang sasabihin dahil sa nakita nyang mga bangkay at dugong nakakalat sa loob nang gusali. "Tayo na hanapin na natin si Sherwin" sabi ni Shane na tumalikod dahil muntikan nang masuka. "Tayo na" sabi ni Anne na nauna parin kahit na nakatakip ang ilong. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang ganda nang kwintas nya san kaya nya yan nabili" sabi nang isang sayentipikong inuusisa si Sherwin na wala nang pangtaas at walang malay na nakahiga sa isang mahabang bakal na mesa. "Huwag na kayong mamangha at alisin nyo na yan para makapag-simula na tayo" sabi nang isang matandang pinakamataas sa lahat bago lumapit ang isang babae at inalis ang kwintas. "Aaaaahhhh!" tili nito nang bigla syang hinawakan sa braso ni Sherwin. "Mukhang wala na yung epekto nang tranquilizer" sabi nang isa na kumuha nang injection kaso biglang bumangon si Sherwin at mabilis na nakapunta sa likod nang babae habang nasa leeg nito ang kanang braso nya habang nakapikit. "Ang bilis nya" sabi nang isa pa. "Pagsisisihan nyo ang ginawa nyo" sabi ni Sherwin na idinilat ang mga mata. "Anong nangyari sa mata nya?" sabi nang isa dahil nakita nitong pula na ang kaninang itim na mata ni Sherwin. "Anong nangyari?" sabi ni Sherwin bago ngumiti at lumabas ang mga matutulis nyang pangil bago kinagat sa leeg ang hawak nyang babae. "Ngayon lang ako nakatikim nito at nagustuhan ko ito" sabi ni Sherwin na binitawan ang walang buhay na babae at tumingin sa mga tao sa loob. "Aaaaaaaahhhhhhh" sigaw nang mga tao sa loob na nagtakbuhan palabas. "Guard!" sigaw nang matanda na pinatunog ang alarm bago sunod-sunod na nagpasukan ang mga gwardya sa loob at pinaputukan si Sherwin. "Sa tingin nyo may magagawa ang mga pipitsugin nyong sandata" sabi ni Sherwin dahil tumigil ang mga bala sa tapat nya at ibinalik sa mga gwardia. "Ayon yung nangyari?" sabi ni Sherwin na nawalan nang lakas at bumagsak sa upuan nya sa likod habang nakatingin sa monitor kung saan ay kitang-kita nya kung pano tumagos ang kamay nya sa mga katawan nang mga tao bago nasira ang camera. "Ayos ka lang?" tanong ni Drake dahil parang nawala si Sherwin at nakatulala sa ngayon ay itim nang monitor. Kaso hindi sumagot si Sherwin na tumingin sa kisame ang tanging lugar na walang bahid nang dugo. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Paano nagkaroon nang Zombie dito?" sabi ni Shane na nakatingin sa bangkay na palapit sa kanya. "Kailangang hindi nya ako makagat" sabi ni Shane na napaatras. "Anong klaseng nilalang yan? Isang walang buhay na nilalang pero gumagalaw" sabi ni Xech. "Buti nalang at hindi rin zombie ang iba" sabi ni Shane na tumingin sa paligid. "Bakit?" tanong ni Xech. "Magiging zombie rin kapag namatay ang sino mang makagat nila" sabi ni Shane na itinutok ang baril sa zombie. "Flame Shot" sabi ni Shane bago pinaputok ang baril at may lumabas na bala rito na tumama sa zombie bago ito nasunog. "Buti nalang kaya kong gumawa nang long-range na sandatang naglalabas nang apoy" sabi ni Shane na nakatingin sa zombie na naging abo bago ito muling naglakad at sumilip sa nadaanang kwarto. "Sherwin?" hindi siguradong sabi ni Shane nang nakita nya ang kaibigan na nakaupo sa may upuang nakaharap sa screen. "Ayos ka lang? Hindi ka ba nakagat nang zombie?" tanong nito nang makalapit sa kaibigan. "Wag mong sabihing zombie ka na?" dagdag nito nang makita ang kaibigang puno nang dugo. "Shane?" sabi ni Sherwin na tumingin sa kaibigan kaso ayon lang ang nasabi nya bago nya hinawakan ang ulo at sumuka sa kabilang side. "Nakapagsalita sya, buti nalang" masayang sabi ni Shane na nakatingin sa kaibigan. "Nandito si Sherwin!" sigaw ni Shane na sumilip sa labas bago lumapit sa kaibigan na nanatiling nakayuko. "Ayos ka lang?" tanong ni Shane kaso hindi sumagot si Sherwin. "Sherwin?" sabi ni Anne na unang nakarating kaso napatigil ito sa itsura ni Sherwin. "Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Aira nang makapunta narin sa kwarto. "Hindi ko alam, ayaw nyang magsalita" sabi ni Shane na hinihimas ang likod ni Sherwin. "Nakita nyo na sya" sabi ni Robert na biglang lumitaw sa may pinto kasama si Alex. "Anong nangyari rito Alex? Nakita mo yon kanina diba?" tanong ni Anne na tumingin kay Alex. "Hindi ko nakita nang buo, pero parang..." sabi ni Alex na nakatingin kay Sherwin na muling sumuka. "May natalo akong Zombie kanina, hindi kaya ayon ang may gawa nito?" sabi ni Shane na patuloy sa ginagawa kay Sherwin. "Ba't hindi natin tignan sa monitor, may nakakalat naman na camera sa loob nang building" sabi ni Aira na naglakad palapit sa controls. "Huwag!" sigaw ni Sherwin na biglang napatayo habang pinupunasan nang braso ang labi, kasabay nito ang pagkabasag nang mga screen at pagkayupi nang controls. "Sherwin..." sabi ni Shane na nagulat rin sa ikinilos nang kaibigan at napatingin rito. "Ayos ka lang, Aira?" tanong nito na tumingin Aira na hindi maitago ang panginginig habang nakatayo malapit sa kanila. "Ayos ka lang ba, pre?" tanong ni Robert na lumapit kay Sherwin. "Pasensya na, gusto ko lang mapag-isa" sabi ni Sherwin na tumingin sa lahat bago ito nawala. "Teka lang Sherwin" sabi nila Shane kaso hindi nila ito nahabol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD