Bagong Kaklase

4065 Words
"JEN sandali lang" sabi nang isang lalake na hinabol ang isang babae. "Anong kailangan mo NICK, di ba sabi ko sayo break na tayo" sabi ni Jen na hinarap si Nick. "Bakit? Dahil sa nangyaring yon ba?" tanong ni Nick. "Oo, dahil don" sabi ni Jen. "Hindi ko sinasadya, maayos karin naman" sabi ni Nick. "Nangyari na nang isang beses, mabuti nga walang namatay" sabi ni Jen bago muling naglakad. "Sandali lang" sabi ni Nick na hahabol sana kaso tumigil si Jen. "Wala na kong nararamdaman sayo, kaya huwag mo na kong sundan" sabi ni Jen bago sya tumakbo. "Sasabihin ko lang sana sayo na pareho tayo nang lilipatang eskwelahan, akala ko matutuwa ka" malungkot na sabi ni Nick na nakatingin sa paalis na babaeng umiilaw nang pula. "Ano yon?" sabi ni Nick kaso sandali lang yung ilaw at nawala rin. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Magandang umaga, mabuti at nakapasok ka na" bati ni ALEX sa bagong dating na kaibigan. "Mabuti nga at pinayagan ako, ayaw pa nga akong palabasin nung nagpaalam ako" sabi ni Sherwin bago umupo sa upuan. "Nabalitaan nyo na ba yung bagong balita?" sabi ni Ivan sa mga kaibigan. "Balita?" sabi ni Alex na tumingin kay Ivan. "May lumabas na halimaw at isang superhero" singit ni ROBERT. "Superhero" sabi ni Shane na tumingin kay Sherwin. "Class umayos na kayo" sabi nang titser nila na pumasok na sa classroom. "May bago nga pala kayong mga kaklase, nawasak ang eskwelahan nila dahil sa lumabas na nagliliyab na ibon dati. Dahil ang eskwelahan natin ang pinaka-malapit sa kanilang tinutuluyan ay pumayag na ang principal na tumangap nang mga estudyante at papasukin kahit na on-going palang ang mga papeles para hindi sila mahuli sa klase" sabi nang babae na naglakad papunta sa may pinto at pinapasok ang isang babae at lalake sa loob. "Sila sina JENNILYN MARQUEZ at NICHOLAS CRANE VASQUEZ" pagpapakilala nito sa dalawa. "Ngayon kaninong grupo ko kayo ipapasama" sabi nito na tumingin sa klase. "Jennilyn dun ka sa tabi ni Aira" sabi nito na tinuro si Aira na pinuntahan naman ni Jenny. "Kamusta" sabi ni Jen kay Aira. "Kamusta, ako nga pala si AIRA GAYLE CASIS" pakilala ni Aira na nakipagkamay kay Jen. "Sila naman sila ANNE MARIE GARCIA, MA. PHOEBE DELA CRUZ at ELIZABETH FERNANDEZ" pakilala nito sa mga kabarkada na kinamayan rin ni Jen. "Nicholas dun ka naman sa tabi ni Shane" sabi nito na tinuro naman si Shane. "Sabihin ninyo sa kanila kung ano-ano na ang mga natake-up natin, halos pareho lang naman nang tinuturo ang eskwelahan natin" habang papunta si Nick kay Shane. "Kamusta ako si SHANE NESTOR MUÑOS" pagpapakilala ni Shane sa katabi. "Sila nga pala mga kabarkada ko sina SHERWIN DRAKE AMANTE, IVAN LESTER SALAVER, ROBERT PHILIP FUENTES, ALEXANDER CHARLES TAMAYO at KIER ARSENIO ORTIZ" pagpapakilala ni Shane sa mga kaibigan. "Ikinagagalak ko kayong makilala, Nick nalang itawag nyo sakin" sabi ni Nick na nakipagkamay sa kanila at tumingin kay Jen. "Huwag kang mag-alala, mababait ang grupo nila Aira" sabi ni Shane nang mapansin si Nick na agad naman tumingin sa white board. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagkatapos nang lunch break... "Ang sarap nang dinuguan diba Sherwin?" sabi ni Ivan na hawak ang tyan at tumingin sa kaibigan na tumango lang pero nakangiti. "Huwag mong pansinin si Ivan, ganyan lang talaga yan, puro pagkain ang bukambibig" sabi ni Kier kay Nick na napangiti. "Hindi ah" depensa ni Ivan bago nila makasabay ang grupo nila Aira pabalik sa classroom. "Aira, teka lang sandali" natatawang tawag ni Shane sa babae. "Bakit?" nagtatakang sabi ni Aira na nagpahuli na kasama si Shane. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "May relasyon ba kayo ni Nick?" tanong ni Phoebe kay Jen na katabi nya sa paglalakad. "Ex ko sya" walang expression na sabi ni Jen. "Sabi ko na, panay ang tingin nya sayo kanina pa" sabi ni Phoebe. "Ibig sabihin ok lang sayo kung magpapansin ako sa kanya? Ex mo naman sya" singit na tanong ni Elizabeth. "Ok lang, yung isa ba sa mga kasama ni Nick, Sherwin ata pangalan nya may girlfriend na?" tanong-sagot ni Jen na nakatingin sa mga lalake sa unahan nila. "Si Sherwin? Kung ayaw mong may makaaway huwag mong gawin ang iniisip mo" malungkot na sabi ni Elizabeth na sinigurong malayo-layo si Anne. "Bakit?" tanong ni Jen. "May gusto kasi sa kanya si Anne at palihim na inaaway nya lahat nang nagpapapansin dito para proteksyunan si Sherwin, ayaw kasi ni Sherwin na nasa kanya ang atesyon nang marami" sabi ni Phoebe. "Ganon ba" sabi ni Jen. "Sige tuloy na ko sa library, dun ko nalang daw hintayin si Aira" sabi ni Jen bago humiwalay sa mga kasama. "Sige, kita nalang tayo sa klase" sabi ni Anne nang mapansing paalis si Jen. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "May gusto ka kay Jen no?" tanong ni Kier kay Nick. "Di lang gusto mahal ko sya" sabi ni Nick. "Ba't di mo ligawan?" singit ni Robert. "Kaka-break lang namin" malungkot na sabi ni Nick. "Bakit?" tanong ni Ivan na mukhang concern. "Dahil dun sa..." sabi ni Nick na biglang natigilan. "Hindi kaya isa sya sa tinamaan nang ilaw" isip ni Sherwin na nakatingin kay Nick na nasa harapan nya. "Pwede ring nadaplisan lang sya at pati si Jen" sabi ni Drake. "Pasenysa na ayoko sanang pag-usapan" sabi ni Nick. "Ok lang, di nga dapat kami nagtanong" sabi ni Alex na tinignan si Nick, tapos palihim na tumingin kay Sherwin na halatang nag-iisip. "Ok lang yon, kita nalang tayo mamaya" sabi ni Nick bago humiwalay sa grupo. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Para sayo to" sabi ni Shane na may inilabas na transparent na relos habang naglalakad sila kasunod nang iba. "Para san to" sabi ni Aira na medyo nagulat nang naging puti ang relos nang mahawakan nya ito. "Basahin mo nalang to, pupunta pa kasi kami ni Nick sa library" sabi ni Shane na inabot kay Aira ang isang papel. "Kami rin pala ni Jen" sabi ni Aira. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Jen sandali lang" sabi ni Nick na hinahabol si Jen. "Bakit ba?!" asar na sabi ni Jen na tumingin kay Nick. "Hindi ba pwedeng maging mag-kaibigan parin tayo?" sabi ni Nick. "Ayokong magkaroon nang kaibigang..." natigilang sabi ni Jen bago ito tumakbo. "Jen" isip ni Nick na nakatingin kay Jen. "O Nick anong nangyari?" tanong ni Shane dahil naabutan nila itong nakatulala. "Ha! Wala to" malungkot na sabi ni Nick. "Tara sabay na tayong pumunta sa library" sabi ni Aira na katabi ni Shane. "Sige" sabi ni Nick bago sila naglakad ulit. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sherwin patulong naman sa lecture kanina ni mam hindi ko kasi maintindihan tapos wala si Shane" sabi ni MARIE na lumapit kay Sherwin na may dalang notebook. "Sige, ano bang hindi mo maintindihan?" tanong ni Sherwin na hindi pinansin ang mga reaksyon nang mga kaibigan nya. "Pormahan mo na" bulong ni Robert kay Sherwin dahil isa si Marie sa pinaka-maganda sa klase kaso mahina ito kung pag-aaral ang usapan, lagi rin itong nag-papacute kay Sherwin at ginagawang tulay ang pag-papaturo nya minsan sa bestfriend nitong si Shane para makalapit dito. "Pagpasensyahan mo na sila, mga wala kasing magawa" sabi ni Sherwin na nilakasan ang huling parte para marinig nang mga kabarkada nya. "Ok lang naman sakin kung gagawin mo" namumulang sabi ni Marie sa mahinang boses pero rinig parin nila Sherwin kaya naghiyawan ang mga kabarkada nya. "A...e.... Ano nga ba ulit yung hindi mo maintindihan" sabi ni Sherwin na iniba ang usapan dahil nakukuha na nila ang pansin nang iba nilang mga kaklase. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Andon nanaman si Marie" asar na sabi ni Anne na kanina pa nakatingin kila Sherwin. "Mukha namang nagpapaturo lang" sabi ni Elizabeth na nakita ang notebook ni Marie. "Nagpapaturo para makalapit kay Sherwin" sabi ni Anne. "Ang lapit nga nila" sabi ni Phoebe na nakatingin narin sa dalawa. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang bango nya" isip ni Marie na malakas ang t***k nang puso at hindi makapag-concentrate sa tinuturo ni Sherwin. "Di ko na kaya gusto ko na syang halikan ang gwapo nya talaga" isip nito na nakatitig kay Sherwin at parang nawala sa sariling hinalikan ito sa pisngi na ikinagulat ni Sherwin. "Punta lang ako nang CR" sabi nito bago nagmamadaling lumabas nang classroom kasunod nang hiyawan nang mga nakakita, si Sherwin naman ay nakatulala lang sa may pinto. "Nakita nyo yon? Hinalikan nya sa pisngi si Sherwin" sabi ni Anne na itinuro si Sherwin habang nakatingin sa dalawa, bago ito tumayo at lumabas sa classroom. "Teka lang Anne" sabi ni Phoebe kaso wala na ito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Napansin mo ba yon Drake? May lumabas na maroon na ilaw sa kanya" isip ni Sherwin na nakatingin parin sa pinto. "Sandali lang pero napansin ko din" sabi ni Drake. "Ayos ka lang?" tanong ni Alex sa kaibigan. "Ayos lang" sabi ni Sherwin na tumingin sa mga kaibigan. "Naka-score sayo pare" sabi ni Robert na natatawa. "Oo nga eh, nabigla ako don" sabi ni Sherwin na ngumiti at nagaalalang tumingin ulit sa may pinto. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ano yung ginawa ko, nakakahiya" sabi ni Marie na nasaloob nang isang cubicle nang ladies room. "Wala na kong mukhang maihaharap sa kanila, lalo na kay Sherwin" sabi ni Marie bago bumukas ang cubicle. "Anne!" gulat na sabi ni Marie. "Bakit mo ginawa yon, di ba alam nyong off limits si Sherwin?!" galit na sabi ni Anne. "Bakit? Hindi ka nga nya pinapansin" sabi ni Marie na lumabas nang cubicle at palabas na sana nang cr. "Hindi pa tayo tapos mag-usap" sabi ni Anne na hinawakan sa balikat si Marie. "Mali ka tapos na, hindi mo na ko matatakot dahil hangang salita ka lang" sabi ni Marie na hinawakan ang kamay ni Anne at pinilipit ito. "Aaaaaahhhhh!" sigaw ni Anne dahil sa sakit. "Hindi mo na ko matatakot" sabi ni Marie na tinulak si Anne na naglagay nang mga c***k sa tinamaan nito at nawalan sya nang malay. "Mula ngayon akin lang si Sherwin" sabi ni Marie bago sya umilaw nang maroon at naging halimaw na kalahating tao at kalahating gagamba, ang mukha nya ay may walong mata at sya ay kulay itim. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Mukhang mahihiya nayon bumalik" sabi ni Kier dahil kinse-minuto na ang lumipas ay hindi parin bumabalik si Marie. "Sherwin pwede mo ba kong turuan?" tanong nang isa nilang kaklaseng babae. "Ako din" sabi nang isa pa na nasundan na nang nasundan. "Ah... Teka lang..." sabi ni Sherwin na tumayo na sa upuan at ginawang harang ang mga kaibigan nya. "Gusto nyo lang maka-score kay Sherwin tulad ni Marie" pag-bibiro ni Ivan na nasalikod si Sherwin dahil sya ang pinaka-malapad sa kanilang magkakabarkada. "Ako nalang ang mag-tuturo sa inyo" sabi ni Robert na naglagay na nang upuan sa pagitan nila at umupo. "Si Sherwin ang gusto namin, dahil sya ang pangatlo sa class ranking sunod kay Aira at Shane" sabi nang isa. "Sherwin, ano bang meron ka at nagkakandarapa sayo ang mga babae, pahingi naman" pabirong sabi ni Robert na tumingin sa kaibigan. "Charisma at wala ka non kaya umalis ka dyan" sabi nang isa. "Mga binibini, tatlong taon na tayong mag-kakasama hindi nyo parin kilala si Sherwin?" sabi nang presidente nang klase na si CARLOS pagkalapit nito sa kanila. "Oo nga, nakalimutan nyo na ba na ayaw ni Sherwin sa madaming tao" sabi ni Alex na tinignan si Sherwin na nasa likod parin ni Ivan. "Kaya nga bumalik na kayo sa mga upuan nyo" sabi ni Carlos na sinunod na nang mga babae. "Bakit kasi hindi ka mangligaw para malipat na samin ang atensyon nila" pagbibiro ni Kier. "Alam nyo naman na gusto ko munang makapag-tapos diba" sabi ni Sherwin na umupo na sa upuan sa pinaka-dulo. "Ibang klase ang charisma mo" sabi ni Drake sa tonong nang-aasar. "Hindi naman sila ganyan dati" isip ni Sherwin. "Hindi kaya isa yon sa mga kakayahan mo na kasamang naka-selyado dati?" sabi ni Drake. "Kung ganon nga, sana nanatili nalang itong selyado" isip ni Sherwin bago nagsigawan sa labas. "Lagot na, baka nagbago si Marie" isip ni Sherwin na nakatingin sa may pinto. "Lagot nga kung nangyari nga yon, hindi pa natin nakikita ang tagapagmana nang Brutish" sabi ni Drake. "Hindi lang yon ako lang mag-isa ang lalaban dahil nasa library sila Aira at Shane" isip ni Sherwin bago nakitang nagtatakbuhan ang mga tao sa labas. "Anong nagyayari?" tanong ni Carlos na pumunta sa may pinto at hinarang ang isang lalake. "May isang halimaw ang papunta rito" sabi nito na itinuro ang pinanggalingan. "Halimaw?" sabi ni Carlos na tumingin sa itinuro nang lalake at nakita nga nya ang isang kalahating babae at kalahating gagamba. "Labas na bilisan nyo" sabi ni Carlos sa mga kaklase na lumapit narin sa pinto, bago sila nagtakbuhan palabas. "Mukha ngang si Marie ang halimaw at siguradong galing ito sa Brutish" isip ni Sherwin na tumingin sa halimaw. "Tayo na Sherwin" sabi ni Robert na hinila ang kaibigan kaso biglang tumalon ang halimaw at hinarangan sila. "Anong!" gulat na sabi ni Robert dahil hinarangan sila ni Sherwin, bago sya hinampas nang isang paa nito. "Robert" sabi ni Sherwin na tumingin kay Robert bago sya napalibutan nang sapot. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Anong nagyayari?" narinig nila Aira na tanong nang librarian sa isang estudyante na kapapasok palang sa library. "May halimaw po sa labas" sabi nang estudyante. "Halimaw?" sabi ni Aira na tumingin kay Shane sa kabilang mesa, natigilan rin ito sa ginagawa. "Ligtas ba tayo rito?" tanong ni Jen dahil humarang na sa pinto ang guard at ang librarian na parehong nagpapapasok nang estudyante pero walang pinapalabas. "Hindi ko alam" sabi ni Aira na tumingin kay Jen. "Normal ba ang paglabas nang halimaw rito? Para kasing alam ninyo ang gagawin nyo" tanong naman ni Nick na nakatingin sa pinto. "Ngayon lang may lumabas rito, hindi ko nga alam kung bakit nagpupuntahan yung mga estudyante rito" sabi ni Shane nang may nakitang pamilyar na mukhang pumasok at may akay. "Robert?" sabi nito na tumayo nang makilala kung sino ang inaakay. "Anong nagyari?" tanong nito nang makalapit kasama sila Nick, Aira at Jen. "Hinarang sila nang halimaw" sabi ni Kier. "Nasan sila Sherwin at Alex?" tanong ni Shane dahil hindi nito makita ang dalawa. "Ayon nga ang problema kinuha nang halimaw si Sherwin, si Alex naman ay tumatawag nang pulis at ambulansya" sabi ni Ivan. "Phoebe, Beth nasan si Anne?" tanong ni Aira dahil wala rin ito. "Hindi namin alam sinundan nya kanina si Marie tapos hindi pa sya bumalik bago lumabas ang halimaw" sagot ni Elizabeth. "Pano na ngayon" sabi ni Aira na tumingin kay Shane na napatingin rin sa kanya, si Nick naman ay nakatingin sa may pinto. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sherwin" sabi nang halimaw na nakatingin sa walang malay na lalakeng napupuluputan nang sapot bukod sa ulo. "Dati ko pa gustong gawin to" sabi nito na hinalikan sa labi si Sherwin. "Aira" sabi ni Sherwin na mukhang nananaginip. "Aira?!" galit na sabi nang halimaw na sinipa ang isang upuan na nagpagising kay Sherwin "Nasan ako?" sabi ni Sherwin nang mag-kamalay ito at napansing hindi sya makagalaw at nasa isang madilim na kwarto. "Gising ka na pala" sabi nang halimaw. "Asan ka at sino ka?" sabi ni Sherwin na inilibot ang paningin dahil ulo lang nya ang nagagalaw nya. "Sherwin" sabi nang boses na lumapit sa kanya. "Ba't kilala mo ko?" sabi ni Sherwin nang makita ang halimaw. "Kilalang-kila kita dahil dati pa kita gusto, pero hindi mo ko pinapansin o kahit sino man sa mga kaklase natin..." sabi nang halimaw na itinaas si Sherwin. "Marie? Ikaw ba yan? itigil mo na to" sabi ni Sherwin. "...ngayon alam ko na kung bakit" sabi nito na hindi pinansin si Sherwin bago ito naglabas nang mga sapot sa dingdeng at idinikit don si Sherwin. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sabi ni Sherwin. "Dahil kay Aira, si Aira ang gusto mo" sabi nang halimaw. "Paano mo..." sabi ni Sherwin na nagulat. "Dyan kalang at babalik ako na dala ang walang buhay na babaeng yon" sabi nang halimaw na naglakad palayo. "Huwag mo syang sasaktan! Bumalik ka dito! Marie!" sigaw ni Sherwin na nagpupumiglas kaso hindi parin sya nakawala, hangang sa bigla nalang natunaw ang sapot. "Nagawa mong Dark Water ang iyong pawis" sabi ni Drake. "Aira!" sabi ni Sherwin na hindi pinansin si Drake at tumakbo ito palabas. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Pano na ngayon, bihag nang halimaw si Sherwin" sabi ni Aira kay Shane, sila ngayon ay nakahiwalay sa kani-kanilang barkada. "Hindi ko rin alam, hindi rin tayo makakalabas" sabi ni Shane na hindi na mapakali. "Aira, pwede ka ba namin makausap?" sabi ni Elizabeth na lumapit sa dalawa. "Nang ikaw lang" sabi ni Phoebe na tumingin kay Shane. "Sige balik nalang muna ako kila Robert" sabi ni Shane na naglakad na pabalik sa kabarkada nya. "Bakit?" tanong ni Aira na humarap sa dalawa nang makalayo si Shane. "May theorya kaming si Anne ang halimaw" sabi ni Elizabeth. "Si Anne?!" gulat na sabi ni Aira, pero nagawa parin nyang pahinain ang boses. "May tumama kasi sa kanya dating ilaw, sya yung lumabas na mukhang Griffin" sabi ni Phoebe. "Sya yung..." sabi ni Aira na lalong nagulat. "Hindi kaya ayon yung second stage nang nangyari sa kanya" sabi ni Elizabeth. "May second stage?" sabi ni Jen na natulala. "Bakit Jen?" tanong ni Aira na napansin ang reaction nito. "Wala to, huwag nyo kong alalahanin" sabi ni Jen na nakabawi na. "Pwede ngang si Anne yon dahil kinuha nya si Sherwin" pagsisinungaling ni Aira at tumingin kay Shane na kausap na si Robert. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Shane kay Robert nang makalapit ito. "Ok na" sabi ni Robert, ito ngayon ay nakaupo sa isang upuan. "Nasan na kaya si Alex at sana ayos si Sherwin" sabi ni Ivan. "Kung makakalabas lang sana ako" mahinang sabi ni Nick na nasa gilid. "Bakit?" tanong ni Kier na narinig si Nick. "Naisip ko kasi pwede tayong tumulong sa paghahanap kay Sherwin" sabi ni Nick. "Kung sabagay tama ka, ganon din ang pakiramdam ko" sabi ni Shane na tumingin sa may pinto kung saan nakaharang parin ang guard bago nagsigawan ang mga taong malapit sa pinto at nagtakbuhan palayo sa pinto. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sherwin" narinig nyang tawag nang isang pamilyar na boses. "Alex?" sabi ni Sherwin dahil nanggaling sya sa may kadiliman na silid at medyo nasilaw sya sa ilaw. "Ayos ka lang?" tanong ni Alex na inalalayan ang kaibigan. "Ayos lang nasilaw lang ako" sabi ni Sherwin na medyo nag-adjust na ang paningin. "Sherwin, Alex bakit walang tao sa mga classroom?" narinig nilang sabi nang isang boses babae sa di kalayuan. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Alex nang makita si Anne na palapit at hawak ang baleng braso. "Tinulak ako ni Marie sa banyo, hindi ko inaasahang ganon sya kalakas" sabi ni Anne. "Alex, ayos na ko kaw na bahala kay Anne" sabi ni Sherwin na inalis na ang kamay ni Alex. "Saan ka pupunta? Dyan pumunta yung halimaw" sabi ni Alex sa patakbong kaibigan. "Hinahanap nang halimaw si Aira at gusto itong patayin" sabi ni Sherwin na tumingin sa dalawa habang tumatakbo. "Ano!" sabi ni Anne na sumunod kay Sherwin. "Mukhang hindi naman nila kailangan nang tulong" sabi ni Alex na humabol narin sa dalawa. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ko hahayaan yan" sabi ni Sherwin na tinapat ang kamay sa halimaw na patalon na sa library at pinalipad ito palayo. "Sherwin?! Paano ka nakaalis sa sapot ko!" gulat na sabi nang halimaw nang makatayo ito at nakita ang lalake. "Anong balak mong gawin sa bestfriend ko" sabi ni Anne na dumating na rin, pero nandoon pa sya sa may poste. "Buhay ka pa pala" sabi ni Marie. "Alam mo bang yung bestfriend na sinabi mo ang..." sabi ni Marie bago ito tumalsik palayo at tumama sa estatwa nang founder nang eskwelahan. "Paano mo nagawa yon?!" gulat na sabi ni Anne na tumingin kay Sherwin na nakatapat ang kanang kamay kay Marie. "Umalis ka na muna rito Anne" sabi ni Sherwin bago ito tumakbo papunta sa pinagtalsikan ni Marie. "Hindi kita iiwan dahil makakatulong ako" sabi ni Anne bago nasira ang damit nya at naging toro. "Ang bilis nyong tumak..." hinihingal na sabi ni Alex na kadarating palang, kaso natigilan sya sa nakitang nangyari kay Anne. "Anong nangyari?" sabi ni Alex na napaupo at nakatingin sa toro na paika-ikang tumakbo paalis. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Anong nangyayari?!" sabi ni Aira na lumapit sa isang estudyante. "Yung halimaw nasa labas" sabi nito. "Hindi ba si Sherwin yon?" sabi nang isang kaklase nila na nakasilip sa may bintana. "Si Sherwin?!" sabi nila Ivan na tumingin narin sa may bintana. "Buti naman nakawala sya sa halimaw" sabi ni Robert. "Anong ginagawa nya?" nagtatakang sabi ni Phoebe dahil naka tagilid ito at naka taas ang kanang kamay nito sa harapan nya. "Parang kinakalaban nya yung halimaw" sabi ni Jen. "Kinakalaban?" sabi ni Nick na nakitang tumakbo si Sherwin papunta don. "San nanggaling yung torong yon?" tanong ni Kier nang may biglang lumabas na toro sa pinangalingan ni Sherwin. "Parang may pilay yung toro" sabi ni Elizabeth nang mapansin ang pagtakbo nito. "Hindi kaya si Alex yon" sabi ni Robert. "Hindi, dahil ayon si Alex" sabi ni Kier na nakita si Alex malapit sa pingangalingan nang toro bago ito tumakbo pero hangang sa may poste lang kaya hindi nila ito nakita. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "May kakayahan ka pala" sabi ni Marie na biglang dinamba si Sherwin na hindi nakaiwas at tumalsik. "Aaaaahhhh!" sigaw ni Sherwin dahil sa sakit nang pagdausdos nya sa mainit na semento. "Sumosobra ka na" narinig nyang sabi nang isang toro na tumatakbo papunta kay Marie. "Huwag mong sabihin ikaw yan Anne" sabi ni Marie na tumawa dahil sa bagal nang pagtakbo nito. "Anne?" sabi ni Sherwin na bumangon at tumingin sa toro na biglang bumilis na ikinagulat ni Marie kaya hindi ito nakaiwas at nasuwag sya. "Sya ang tagapagmana nang Brutish" sabi ni Sherwin habang tumatayo at nakatingin kay Marie na bumabalik na sa dati, kasabay nang pag-bago nang toro at naging ibon na lumipad palayo. "Sherwin, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Alex na tumatakbo palapit. "Ayos lang ako?" nagtatakang sabi ni Sherwin dahil wala na syang nararamdamang sakit. "Anong ayos lang? Ang lakas kaya nang sigaw mo habang duma-dausdos ka sa semento kanina" sabi ni Alex. "Wala akong sugat" sabi ni Sherwin na tinanggal ang polo nyang sira ang kaliwang manggas habang naglalakad palapit kay Marie na walang malay. "Wala nga? Paanong nangyari yon" sabi ni Alex nang makita ang braso ni Sherwin na may dugo lang pero walang sugat. "Hindi ko rin alam" sabi ni Sherwin na nilagay ang polo kay Marie na walang saplot. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nasaan ako?" sabi ni Marie habang bumabangon. "Huwag kang tatayo" narinig nyang sabi nang isang boses lalake. "Aaahhhh! Manyak!" sigaw nito na sinampal ang pinanggalingan nang boses. "Ow" sabi ni Sherwin na nawalan nang balanse at napaupo habang hawak ang pisngi na namula agad. "Sherwin? Panindigan mo ang ginawa mo" maiyak-iyak na sabi ni Marie nang mapansing wala itong saplot bukod sa isang polo. "Panindigan?! Ang ano?!" gulat na sabi ni Sherwin habang palapit na ang ibang tao. "Aaaaahhhh!" tili ni Marie na pinilit itago ang sarili sa polo, dahil dumadami na ang tao. "Naging halimaw ka at wala kang saplot nang bumalik ka sa dati, si Sherwin na nga ang nagmalasakit na ilagay sayo ang polo nya matapos mo syang muntikang mapatay" sabi ni Alex tinutulungang tumayo si Sherwin. "Halimaw?" naguguluhang sabi ni Marie na tumingin kay Alex. "Po..." di na natapos ni Marie ang sasabihin nang makitang naka t-shirt si Sherwin. "Pasensya na" sabi ni Marie na napayuko bago may isang estudyanteng dumating na may dalang kumot. "Ayos ka lang Sherwin?" sabi ni Shane na kasunod nang may dalang kumot kasama ang ibang kabarkada, may dala din itong isang kumot at binigay sa kaibigan. "Ayos lang ako" sabi ni Sherwin na itinalukbong ang kumot sa sarili nang maalalang nakita sya nang mga ito na ginamit ang kakayahan nya. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nakita ni Sherwin ang nangyari" sabi ni Anne habang hawak ang braso at nakaupo sa kama nya. "Pero may kakayahan din naman sya, hindi nga lang katulad nang sakin" sabi ni Anne na humiga na sa kama. "Mukhang dapat ko itong ipatingin sa doctor" sabi ni Anne dahil sumakit ulit ang braso nya. "Pano kaya ako biglang bumils kanina" sabi ni Anne na inalala ang nangyari. "Nasa eskwelahan pa nga pala ang mga gamit ko" naalala nito na pumunta sa landline at nagdial nang number. "Nandoon pa kaya sila, siguradong cancel na ang klase dahil sa nangyari" sabi ni Anne habang nagriring yung cellphone nang tinawagan nya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD