"Mabuti at nagising ka na" sabi ni Lisa nang makitang magmulat nang mata si Sherwin.
"Ano pong nagyari?" tanong ni Sherwin na bumangon at tumingin sa paligid.
"Ayon nga ang itatanong namin" sabi nang doctor na nasa kwarto rin at katatapos lang syang suriin.
"Nakita ka namin na nakasandal dyan sa dingdeng nang makapasok kami dito" sabi ni Eric.
"Sa dingdeng?" sabi ni Sherwin na tumingin sa paligid.
"Totoo ba yung nangyari?" isip ni Sherwin.
"Nagtataka nga kami dahil wala kang pinsala, may mga dugo ka kaso walang sugat" sabi nang doctor.
"Iniisip namin na gumaling ka kasama sa pag-ayos nang gusali" sabi nang doctor.
"Naayos?" naguluhang sabi ni Sherwin.
"Mabuti pa magpahinga ka na para pwede na kitang irelease mamayang hapon" sabi nang doctor bago lumabas.
"Alis narin ako, papasok na ko sa trabaho" sabi ni Eric.
"Alis din muna ko Sherwin, kukuha lang ako nang mga damit at maliligo rin muna ko" sabi ni Lisa.
"Sige po" sabi ni Sherwin bago tumayo ang babae.
"Oo nga pala, may dumaan ditong dalawang lalake kanina kaklase mo daw" sabi nito na hinarap si Sherwin.
"Naconfine din ata sila, natutulog ka pa kaya babalik nalang daw sila mamaya" dagdag nito bago nagpaalam.
"Sino kaya yon?" sabi ni Sherwin na nakatingin sa dalawa na palabas nang kwarto.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"San ka pupunta?" tanong ni Drake dahil bumangon si Sherwin.
"Kakamustahin ko si Aira" sabi ni Sherwin na humarap muna sa salamin at nag-ayos nang damit pati ang suot nitong gintong kwintas na may palawit na gintong may shade nang pula, medyo flat at pabilog na may nakaukit na mga simbolo hangang likod pati yung kwintas mismo ay may mga nakaukit, yung palawit ay may lamang pulang likido.
"Namatay nga pala ang nanay nya nung isang araw. Pero kung sya nga ang Angelic Child ay nagawan na nya yon nang paraan" dagdag nito bago lumabas si Sherwin.
"Angelic Child" isip ni Sherwin.
"Ayon yung tawag sa may hawak nang Spirit at Demon Child ang sa Fatality" sabi ni Drake habang paakyat na nang hagdan si Sherwin.
"Sherwin!" gulat na sabi ni Aira na nakasalubong nya sa hagdan.
"Aira" sabi naman ni Sherwin.
"Pupuntahan sana kita para kamustahin" sabi ni Aira na nakatingin sa lalake.
"Ganon di..." di na natapos ni Sherwin ang sasabihin dahil nakita nyang pababa din ang nanay ni Aira.
"O Aira, sya ba yung sinabi mong kakamustahin mo" sabi ni Mrs. Casis na nakatingin kay Sherwin.
"Sya nga po" sabi ni Aira.
"Magandang umaga po, ako po si Sherwin Amante" bati ni Sherwin na nakipagkamay kay Mrs.Casis.
"Iwan ko muna kayo para maayos na ang release papers mo" sabi ni Mrs. Casis bago tuluyang bumaba sa hagdan.
"Ang gwapo nya" bulong nito kay Aira na narinig ni Sherwin na ngumiti lang.
"Ma naman" sabi ni Aira na namula.
"Una na ko hijo" sabi ni Mrs. Casis kay Sherwin.
"Pagpasensyahan mo na ang nanay ko" sabi ni Aira na nakitang nakasunod ang tingin ni Sherwin dito.
"Paano mo..." sabi ni Sherwin na tumingin kay Aira habang nakaturo sa nanay ni Aira.
"Kaya kong bumuhay nang patay" mahinang sabi ni Aira para sya lang ang makarinig.
"Kaya mo?!" gulat na sabi ni Sherwin.
"Pero sa tingin ko may kapalit yon, wala syang naalala sa nangyari" sabi ni Aira bago bumaba nang hagdan.
"Pero ok narin yon atleast buhay sya" dagdag nito na umupo sa upuan.
"Mas mabuti nga kung wala syang maalala" sabi ni Sherwin na umupo sa tabi nito.
"Ang guro nga pala?" tanong ni Sherwin na naalala ang guro nila.
"Wala rin syang maalala sa nangyari, hindi daw nya alam kung paano sya napunta dito huling naalala nya ay nasa guho sya nang dojo pero under-observation sya dahil sa nangyari" sabi ni Aira.
"Sa tingin mo ano kaya yung nangyari? Paano sya nagkaganon?" tanong ni Sherwin.
"Nagkaganon sya dahil sa ilaw na tumama satin" sabi nang isang boses sa gilid nila.
"Shane?!" gulat na sabi ni Aira.
"Anong sinasabi mo?" patay-malisyang sabi ni Sherwin.
"Huwag na kayong magkaila, alam kong tinamaan din kayo nang ilaw" sabi ni Shane na umupo sa kabilang upuan na katabi ni Aira.
"Paano?" tanong ni Sherwin kaso...
"Aira" singit na tawag nang isang babae sa pinangalingan ni Shane.
"ANNE" sabi ni Aira nang makita ang best-friend na kasama ang nanay nya.
"Musta Sherwin" sabi ni Anne na kumaway sa lalake na ngumiti lang.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Shane na nakatingin sa bagong dating.
"Ano pa edi binibisita rin ang best-friend ko, kaso uuwi na pala sya buti nalang at maaga akong pumunta" sabi ni Anne.
"Ok lang ba pogi kung mauna na kami, para makapagpahinga na si Aira" sabi ni Mrs. Casis.
"Ma" protestang sabi ni Aira na tumayo na dahil tinignan sya ni Anne.
"Kita nalang tayo sa klase" paalam ni Aira bago sila naglakad paalis.
"Bye Sherwin" sabi ni Anne bago sumunod sa mag-ina.
"Mukhang good shot ka sa magulang ni Aira" sabi ni Shane na nakatingin sa paalis na tatlo.
"Paano mo nalaman na natamaan kami nang ilaw?" pag-iiba ni Sherwin sa usapan.
"Natamaan rin ako" sabi ni Shane na tinago ang kanang kamay sa gilid at biglang may lumabas na walkman dito.
"Kaya kong gumawa nang ano mang uri nang mga gadget at kaya nalaman ko ay dahil dito" sabi ni Shane na itinago ang walkman at nilabas ang isang radar na may dilaw na ilaw.
"Sya ang may hawak sa Knowledge" narinig nyang sabi ni Drake sa isipan nya.
"Ibig sabihin makikita nyan yung mga iba pang lumabas?" sabi ni Sherwin.
"A... e... Hindi pa to ganoon kalakas, nadedetect lang nito ang sino mang gumamit nang kakayahan sa loob nang isang oras" sabi ni Shane na tinago na ang radar.
"Sino-sino kaya yung iba pa?" sabi ni Sherwin
"May kutob akong makikita rin natin sila" sabi ni Shane na may nilabas na transparent na relos at iniabot kay Sherwin.
"Ano to?" tanong ni Sherwin na nagulat nang biglang naging itim ang relos nang hawakan nya ito.
"Kinukuha nyan lahat nang tungkol sayo" sabi ni Shane.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sherwin na tinitigan ang kaibigan.
"Kinukuha nyan ang simbolo para di lumabas sa kamay, bale kapag suot mo to sa relos lalabas ang simbolo at hindi sa kamay mo. Ginagawa din nyan ang kulay at sandatang gusto mo. May communicator din yan para magkaroon tayo nang contact sa isa't-isa. May radar para malaman kung merong katiwaliang nagaganap sa malapit. May teleportation device para madaling makapunta don. May built-in costume din yan nang ninja" sabi ni Shane
"Sigurado ka bang gagana to?" pagbibiro ni Sherwin habang sinusuot ang relos.
"Oo naman, nagamit ko na nga yung sakin nung isang araw" sabi ni Shane.
"Ikaw yung dilaw na ninja?" sabi ni Sherwin na tumingin sa kaibigan na tumango.
"Una na ko, para makapagpahinga ka narin" sabi ni Shane bago tumayo.
"Salamat nga pala" sabi ni Sherwin na tumayo narin.
"San? Sa pag-bisita o sa relos" sabi ni Shane habang naglakad sila pabalik sa kwarto.
"Pareho" sabi ni Sherwin na huminto sa may pinto.
"Sige, kita nalang tayo sa klase bukas" sabi ni Sherwin.
"Kung papapasukin ka na bukas" sabi ni Shane bago tumawa.
"Oo nga pala, kasama to sa relos" sabi ni Shane na may inabot na papel kay Sherwin.
"Ano to?" sabi ni Sherwin na inabot ang papel.
"Sige" paalam ni Shane bago umalis.
"Instruction" natatawang basa ni Sherwin sa papel na sulat kamay ni Shane.
"Ano nga palang nangyari sa guro namin, bakit sya nagkaganoon?" sabi ni Sherwin na pumasok na nang kwarto.
"Sa tingin ko ay nadaplisan sya nang Fatality, kaya nawala ang epekto nito nung natalo mo sya gamit din ang Fatality" sabi ni Drake.
"Kung ganon, pwedeng may iba pang halimaw na lumabas?" sabi ni Sherwin na nahiga na sa kama.
"Hindi malayong mangyari yon, pero dapat yung ilaw na dumaplis sa kanila ang makatalo para bumalik sila sa dati" sabi ni Drake.
"O pwede silang buhayin ni Aira" sabi ni Sherwin.
"Pwede nga rin yon, pero may limit ang kaya nyang buhayin. Dapat hindi lumagpas sa walong oras na walang buhay ang tao, paglumagpas na sya don ay hindi na nya ito mabubuhay pa" sabi ni Drake.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinahapunan...
"Sa wakas nakalabas narin" isip ni Sherwin nang makalabas sila nang ospital.
"Kaya mo ba? Malayo yung napag-parkehan ko" sabi ni Lisa na tumingin kay Sherwin.
"Kaya ko na po, san nyo po ba naparada yung kotse?" sabi ni Sherwin bago sila naglakad papunta sa kotse.
"Malapit sa may kalsada" sabi nang babae na nagsimula nang maglakad.
Sumunod na si Sherwin kaso...
"Hold-up to" sabi nang isang lalake na may itinutok na patalim sa tagiliran nya nang makalayo na sya sa may pinto.
"Wala po akong pera" sabi ni Sherwin na nanatiling nakatayo.
"Yang kwintas mo ibigay mo sakin" sabi nang holdaper nang nakitang kuminang ang kwintas ni Sherwin.
"Sherwin!" tawag nang tita nya nang mapansin ang nangyayari matapos nyang buksan ang pinto nang kotse kaya nagmamadali itong bumalik.
"Hindi pwede yung kwintas" sabi ni Sherwin.
"Ayan o ang buhay mo" sabi nang lalake.
"Hindi pwede" sabi ni Sherwin na di inaasahan ang gagawin nang lalake, sinaksak sya nito sabay hablot sa kwintas at tumakbo.
"Sherwin!" sigaw ni Lisa na tumakbo na palapit dahil sa nakita at kasunod ang pagpito at paghabol nang guard sa lalake.
"Hijo ayos kalang" sabi nang isang guard na lumapit kay Sherwin.
"Aaaahhhh!" sigaw ni Sherwin na sumakit ang ulo kasabay nang-pagpula nang itim nang mata nya at paggaling nang sugat nya.
"Anong nangyayari?" sabi ni Lisa dahil biglang bumagsak ang holduper na hindi pa nakakalayo bago ito abutan nang guard.
"Isuot nyo yung kwintas" sabi nito nang nakitang narecover ang kwintas.
"Isuot?" nagtatakang sabi nang guard pero binato parin nya ang kwintas sa kasama nya upang isuot ang kwintas kay Sherwin na patuloy sa pagsigaw.
Pagkasuot na pagkasuot nito ay nawalan nang malay si Sherwin.
"Ayos lang po ba sya?" tanong nang guard na nasalo si Sherwin.
"Ayos lang sya, pwede bang paki dala sya sa sasakyan bukas narin yon" sabi nang tita nya na nakatingin sa holduper na pinagkakaguluhan na nang tao.
"Sigurado po kayo, ba't hindi natin ipasok sya sa ospital mam?" sabi nang guard.
"Sigurado ako" sabi ni Lisa na tumayo at lumapit sa isang guard.
"Anong nangyari?" tanong nito sa isa pang guard na sinusuri ang lalake.
"Wala na po syang buhay" sabi nang guard.
"Wala na, anong nangyari?" sabi nang tita na tumingin sa lalakeng medyo dislocated ang leeg.
"Hindi ko rin po maipaliwanag pero parang pagkabale nang leeg ang kanyang ikinamatay" sabi nang guard.
"Ok na po mam, naipasok ko na po sya sa kotse" sabi nang isang guard na lumapit.
"Salamat" sabi nang tita na nagmadali nang umalis.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mukhang ako lang ang nakakita" isip nang isang lalake na nakatingin sa babaeng patawid na nang kalsada.
"Binalian ni Sherwin nang leeg yung lalake, bago ito bumalik sa dating pwesto, pero sa bilis nang pangyayari hindi sya nagmukhang umalis" dagdag nito.
"Anong kakayahan yon" sabi nito na nakatingin parin sa paalis na sasakyan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nasan na ko" sabi ni Sherwin nang magising ito.
"Mukhang nakauwi na kami" sabi nito nang makilala ang sariling kwarto pagkabangon nya.
"Anong nangyari?' sabi nito na hawak ang ulo.
"Meron kang sariling kakayahan bago pa tumama sayo yung mga ilaw mula sa dyamante" sabi ni Drake.
"Sariling kakayahan?" naguluhang sabi ni Sherwin na binuksan ang pinto.
"Parang selyado ito at lumabas nang matangal ang kwintas mo at muling nawala nang naisuot ulit ito, san ba galing ang kwintas nayan?" sabi ni Drake habang papunta sa hagdan si Sherwin.
"Hindi ko alam, sinabi lang nila na huwag ko itong tatangalin kahit kailan" sabi ni Sherwin na pababa na nang hagdan.
"Nakauwi na kami" narinig nyang sabi ni Lisa sa ibaba kaya huminto sya sa taas nang hagdan.
"Hindi naging maayos, natanggal ang kwintas nya kanina" sabi nito.
"Anong magagawa ko nanakaw ang kwintas"
"Naibalik naman ang kwintas bago sya tuluyang mawala sa sarili"
"Pano? Hindi nakalayo ang nagnakaw at namatay ito"
"Hindi ko inaasahang ganon kalala ang mangyayari, akala ko nananakot lang ang kapatid mo nung sinabing huwag ipapatanggal kay Sherwin ang kwintas"
"Hindi ka ba bababa?" tanong ni Drake dahil lumayo na si Sherwin sa hagdan.
"Mukhang wala silang alam" sabi ni Sherwin na naglakad na pabalik sa kwarto.
"Malakas ang kakayahan mo dahil nawala ka sa sarili mo, hindi mo pa ito kayang kontrolin" sabi ni Drake.
"Pero ano kaya yon at saan galing ang kwintas na ito na kayang pigilan yon" sabi ni Sherwin na umupo sa kama habang hawak ang kwintas bago sya biglang nahilo.
"Mabuti pa magpahinga ka na ulit" sabi ni Drake.
"Mabuti pa nga" sabi ni Sherwin bago humiga sa kama.
----------------------------------------------------------------------------------
"Nasan ako?" nagtatakang sabi ni Sherwin na tumingin sa paligid at nakita ang isang malaking simbahan sa di kalayuan kung nasan sya at may nakita syang dalawang taong naka cloak at may nilagay na dalawang sangol sa may pintuan nito.
"نحن نفعل الشيء الصحيح صنع الله, وسوف تكون خطيرة بالنسبة لهم ، ونحن مطاردة بسبب قدراتنا (Mas mabuti na to SONALLAH kaysa isama natin sila, hinahabol tayo dahil sa kakayahan natin)" sabi nang lalake na hawak sa balikat ang kasama.
"وآمل أن كنت على حق FATMAL, وآمل أن كنت على حق (Sana nga FATMAL, sana nga)" sabi nang babae bago may dumating na isa pang lalakeng naka-cloak rin.
"علينا ان نمضي قدما (Kailangan na nating umalis)" sabi nito.
"مجرد 2 الأنوار (Sandali lang ANWAR)" sabi ni Fatmal bago ito kumatok sa pinto, pagkatok nya ay bigla silang nawala.
"Nasan na sila?" sabi ni Sherwin na di na naabutan ang dalawa at biglang bumukas ang pinto nang simbahan.
"ما هذا؟ (Ano to)" sabi nang isang madreng lumabas sa pinto.
"Iniwan po sila nung mga..." sabi ni Sherwin kaso tumigil ito dahil parang hindi sya nakikita nang babae at pumunta ito sa dalawang sangol.
"الفقراء الطفل ، ويبدو انك كنت التخلي عن الآباء (Kawawa naman, mukhang iniwan nang magulang)" sabi nito bago sumilip sa loob at may tinawag, ilang sandali pa ay may isa pang madreng lumabas at tig-isa nilang binuhat papasok ang mga basket.
"Di nila ko nakikita?" sabi ni Sherwin na sinubukang hawakan ang isang madre kaso tumagos lang sya dito.
"Anong nangyayari?" sabi ni Sherwin pero sumunod parin sya papasok sa simbahan kung saan nasaksihan nyang umiyak ang isa sa mga sangol.
"Aaaahhh!" sigaw nang isang madre na nabitawan ang hawak na basket kung saan umiiyak ang sangol.
"أي نوع من الأطفال هو أن (Anong klaseng sangol yan?!)" sabi naman nang isa na napacrus dahil naging pula ang mata nang sangol at ngayon ay walang tigil sa pag-iyak.
"ما يحدث هنا الأخت كلير (Anong nagyayari rito SISTER CLAIRE)" sabi nang isang pare na palapit.
"نحن لا نعرف الأب CONER (Hindi namin alam FATHER CONER)" sabi nang unang madreng lumabas.
"يبدو الامر كما لو انه كان غير طبيعي (Mukhang hindi sya normal na tao)" sabi ni Father Coner na iniluhod ang isang binti at may inalis na isang kwintas mula sa kanya.
"Sa kanya nanggaling ang kwintas" sabi ni Sherwin na nakitang nilagay nang pare sa umiiyak na sangol ang kwintas.
"ماذا تفعل الأب؟ (Anong ginawa nyo father?)" tanong nang madre dahil tumigil sa pag-iyak ang sangol at bumalik na ito sa normal.
"لقد وضعت قلادة الخاص عليه (Nilagay ko sa kanya ang especial na kwintas ko)" sabi nang pari na dumiretso na nang tayo.
"هل أنت متأكد من والده؟ (Sigurado kayo father?)" tanong nang isang madre.
"واحتاج إلى أكثر من لي, كانت هناك شائعة بأن قلادة يمكن أن يلغي بأي شكل من الأشكال التي لم يتم جاء من عند الله (Mas kailangan nya yan, sabi-sabi rin na kaya nitong pigilin ang mga anyong hindi pinagkaloob nang Panginoon)" sabi nito na nakatingin sa sangol na nilagyan nya nang kwintas.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sherwin, gising na" sabi nang tita nya na nasa tabi nya.
"Kumain ka na muna bago mo ipagpatuloy ang tulog mo" sabi nito bago lumabas.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Drake dahil nakatulala si Sherwin.
"Ha!" gulat na sabi ni Sherwin na natauhan
"Napanaginipan ko kasi kung pano ko nakuha yung kwintas" sabi ni Sherwin na hinawakan ang kwintas.
"Hindi ka ba masaya? Mukhang isa yon sa kakayahan mo at hindi na ito nasama sa naharangan nang kwintas" sabi ni Drake habang tumatayo si Sherwin.
"Hindi lang kasi yon, nakita ko rin ang mga tunay kong magulang Sonallah at Fatmal ang pangalan nila at may kakambal ako" sabi ni Sherwin.
"Kakambal, posible kayang..." sabi ni Drake.
"Posible kayang ano?" tanong ni Sherwin.
"Sya ang lumabas na gargoyle, may kakambal din kasi ako at sya ang may hawak nang Juggernaut" sabi ni Drake.
"Mahirap masiguro kung sya nga, diba sa Egypt lumabas ang gargoyle" sabi ni Sherwin bago lumabas nang kwarto.
Pagkatapos nyang kumain...
"Ang galing nito" sabi ni Sherwin na hawak ang isang itim na sandatang may magkabilang patalim sa dulo.
Nasa kwarto sya ngayon at sinusubukan ang relos.
"Subukan naman natin ang radar" sabi ni Sherwin na pinalabas ang radar.
"May gulo malapit dito" masayang sabi ni Sherwin na kumislap ang mga mata.
"Oras na para subukan ito" sabi ni Sherwin na ginamit ang costume bago nagteleport.
"Akin na lahat nang alahas at pera nyo" sabi nang isang lalake sa mga tao sa hotel, ito ay nakaitim at may takip ang mukha.
"Itigil mo yan" sabi nang isang itim na ninjang biglang sumulpot sa harapan nya.
"Sino ka?!" gulat na sabi nang magnanakaw na napaatras.
"Di na mahalaga pa kung sino ako" sabi ni Sherwin na naglakad papunta sa magnanakaw.
"Huwag kang lalapit" sabi nang lalake na itinutok kay Sherwin ang baril.
"Mabuti pa sumuko ka na" sabi ni Sherwin na sinenyasan ang mga tao na lumabas.
"Walang lalabas!" sabi nang lalake na nagbabaril sa paligid kaya nagsigawan ang mga tao.
"Anong nangyari" sabi nang magnanakaw dahil huminto lahat ang mga bala, hindi nga ito lumayo sa kanya.
"Hindi ko hahayaang may mamatay dito" sabi ni Sherwin bago bumagsak ang mga bala, kaso tumawa ang lalake at may lumabas na berdeng ilaw dito.
"Hindi lang ikaw ang may kapangyarihan dito" sabi nang lalake bago sya unti-unting nagbago at naging berdeng halimaw na madaming mga baging na pumalit sa kamay nya.
"Mukhang nadaplisan sya nang ilaw na nangaling sa Weald, masama to hindi pa natin alam kung nasaan ang tagapagmana nito" sabi ni Drake.
"Nagulat ka ba" sabi nang halimaw bago may lumabas na baging sa ilalim ni Sherwin at pumulupot sa kanya.
"Hinde" sabi ni Sherwin na nagpupumilit makaalis kaso hindi nya magawa.
"Tapos ka na" sabi nang halimaw na tumakbo papunta kay Sherwin kaso biglang may balang tumama rito.
"Mga pulis to walang kikilos!" sigaw nang isang pulis na syang nagpaputok.
"Pagsisisihan mo to!" sabi nang halimaw na nilusob ang mga pulis.
"Fire!" sigaw nang pulis bago nila pinaputukan ang halimaw.
"Itigil nyo yan!" sabi ni Sherwin kaso huli na ang lahat bumagsak na ang halimaw at bumalik ito sa dati na walang buhay.
"Wala na sya" mahinang sabi ni Sherwin nang mawala ang baging.
"Huwag kang kikilos, itaas mo ang mga kamay mo at sumama ka samin nang maayos kung ayaw mong sumunod sa kasama mo" sabi nang pulis na itinutok naman ang baril kay Sherwin.
"Nagkakamali po kayo hindi ko po sya kasama" sabi ni Sherwin na itinaas ang kamay.
"Huwag ka nang mag-sinungaling, bakit mo kami pinapatigil" sabi nang pulis na palapit kay Sherwin.
"Hindi ba mga pulis narin ang nagsasabing huwag ilagay ang batas sa mga kamay" sabi ni Sherwin.
"Hindi sya tao, isa syang halimaw at inatake nya kami" sabi nito na poposasan sana si Sherwin.
"Tao parin sya" malungkot na sabi ni Sherwin bago sya nawala.
"Nasan sya!" gulat na sabi nang pulis na nilingon ang paligid pero hindi nya nakita ang hinahanap nya.