Buhay at Kamatayan

3762 Words
Sa Egypt, taong 2003 "ما هو هذا النظام؟ (Ano kaya to?)" sabi nang isang lalake nang may nahukay syang isang bangang selyado nang papel. "وكان من الأفضل لو اعطيناها أستاذ (Mabuti pa ibigay na natin kay Prof)" sabi nang isa na nakatingin din sa banga. "أستاذ، وهم ينتظرون منا خارج (Professor, hinihintay na tayo sa labas)" sabi nang isang binatang hapon na may edad na 15. "تذهب قدما في OJIN، سأكون الحق خلفك (Mauna ka na OJIN, susunod na ko)" sabi nang doctor na inilapit sa ilaw ang bangang kakahukay palang. "طيب, أستاذ (Sige, Prof)" sabi ni Ojin na lumabas na sa gumuhong pyramid. "ويبدو أنها أقدم من الهرم نفسه (Mukhang mas luma ito kaysa sa pyramid)" sabi nang doctor nang makita ang mga rune sa banga na halos mabura na. "وسوف يكون على حق وراء أستاذ (Lalabas na daw po si prof)" sabi ni Ojin nang makalabas sya sa guho. "شكرا Ojin (Salamat Ojin)" sabi nang isang babae na pumasok na sa Van. "LAILA!" narinig nilang tawag nang isang boses lalake. "لماذا Fred? (Bakit FRED?)" sabi ni Laila na lumabas upang salubungin ang padating. "وانظروا إلى هذا ، فإن هذه الحفريات الآن فقط (Tignan mo to, kakahukay palang nang mga tao natin ngayon)" sabi ni Fred na pinakita ang banga. "يبدو أكبر سنا من بين أنقاض الهرم (Mukhang mas matanda pa ito kaysa sa mga guho nang pyramid)" sabi ni Laila na sinusuri ang banga. "جاء ذلك ربما من أتلانتس وربما الملك تخزين فقط لانه داخل الهرم (Maaaring nangaling yan sa Atlantis at tinago lang nang haring nagpagawa nang pyramid)" sabi ni Fred na pumasok na sa sasakyan. "الوثيقة حقا؟ وجاء من اتلانتس! (Talaga po dok, galing yan sa Atlantis!)" di makapaniwalang sabi ni Ojin na pumasok narin. "لا تحصل متحمس جدا ، وكنت نظرية قد لا يكون صحيحا (Huwag kayong umasa, pwedeng mali kayo nang hinala)" sabi ni Laila na sumunod kay Ojin. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Pilipinas, alas-otso nang umaga, pagkalipas nang isang lingo "Magandang umaga" bati ni SHANE sa kararating palang na lalake. "Mukhang masaya ka ata" sabi ni SHERWIN nang umupo ito sa tabi nya. "Hindi ka nagbabasa nang dyaryo no?" tanong ni Shane sa kaibigan na tumango kaya binuklat nya ang hawak na dyaryo at pinakita ang headline. "Artifact From Atlantis Found In Egypt" basa ni Sherwin sa headline. "Di ba nakakabilib, totoo pala ang Atlantis" sabi ni Shane na kumikinang ang mga mata. "Naniwala ka naman agad" bara ni Sherwin habang binabasa ang dyaryo. "KJ" nakangiting sabi ni Shane. "Musta" singit ni IVAN na lumapit sa kanila. "Musta" bati rin nang dalawa. "Nabasa nyo narin pala yan" sabi ni Ivan na nakita ang dyaryo habang umuupo sa tabi ni Shane. "Di parin naman sila sigurado" sabi ni Sherwin na binabalik kay Shane ang dyaryo. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Egypt, alas-onse nang umaga "أستاذ ، وكيف يمكن أن أقول لكم أن القطع الأثرية جاءت من أتلانتس؟ (Professor, pano nyo nasabing nangaling ang mga yan sa Atlantis?)" tanong ni Ojin na nakatingin sa mga brilyanteng may iba't-ibang kulay at desenyo. "وكان إناء أنه جاء من القديمة جدا بالمقارنة مع ما يقرب من الهرم وقديمة قدم الديناصور العظام (Masyadong luma ang bangang pinangalingan nyan, mas luma pa kaysa sa mga pyramid at halos kasing tanda nang mga buto nang dinosaur)" sagot ni Fred. "كنت في الرأي ، وهذا ما لا سمبيوتيك... (Sa tingin nyo po, anong ibig sabihin nang mga sim...)"sabi ni Ojin kaso natigilan ito dahil parang umilaw ang isang puting brilyante na may desenyo nang dragon. "Rukkusu raiku sono houseki houshutsu akari (Parang umilaw yung brilyante)" isip nito na nakatingin parin sa brilyante. "Ojin, وأنت تسير ليكون في وقت متأخر عن المدرسة (Ojin, mahuhuli ka na sa klase)" paalala ni Laila na lumapit sa dalawa. "أنا لا أذهب إلى المدرسة الأستاذ ، أنا مشاهدة المقابلة (Di po ko papasok, papanoorin ko po yung interview)" sabi ni Ojin na tumingin sa dalawa. "وهذا ليس جيدا لتبادل الطلاب مثلك (Di maganda yan para sa isang exchange student na tulad mo)" sabi ni Fred na inayos na ang mga brilyante para sa interview. "انا واحد من أعلى الطالب على طبقتنا (Ako naman po ang pinakamagaling sa klase, sige na po pumayag na kayo)" sabi ni Ojin na tumingin sa professor sa mukhang kaawa-awa. "طيب يمكنك مشاهدة المقابلة (Sige na nga)" suko ni Fred dahil alam nyang hindi sya titigilan nito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Pilipinas, alas-singko nang hapon "Magaling" sabi nang isang lalake nang makita ang ginawa ni Sherwin na pag-sipa. "Kayong dalawa ni Aira ang pinakamagaling sa larangan nang taekwando" sabi nito na pinalapit ang isang magandang babae na may mahabang buhok. "Hindi naman po gaano" sabi ni Sherwin, sya ngayon ay nasa taekwando dojo, pampalipas oras pag-katapos nang klase. "Dahil kayo ang pinakamagaling kayong dalawa ang ipapadala sa ibang bansa para kumatawan sa Pilipinas. Nasuri na ang mga tapes nyo at nang iba pang nagpasa at kayong dalawa ang napili" sabi nito nang makalapit na ang babae. "Talaga po" masayang sabi ni AIRA. "O di ka ba masaya Sherwin?" tanong nang lalake na tumingin kay Sherwin. "Masaya po, kaso..." sabi ni Sherwin na tumingin kay Aira bago biglang nabasag yung salamin sa harapan nang dojo. "Ano yon!" gulat na sabi nang lalake na tumingin sa pinangalingan nang ingay at nakita nila ang isang malaking nilalang na puno nang sandata ang katawan. "Anong nilalang yan?" sabi ni Aira na nakatingin sa malaking hayop sa labas nang biglang nabasag ang bubungan nang dojo dahil sa tatlong ilaw na parang bumagsak sa langit. "Ilag" sabi ni Sherwin na tinalunan si Aira para hindi tamaan nang puting ilaw. "Ayos lang kayo?" tanong nang lalake na lumapit sa dalawa matapos makagawa nang butas sa sahig ang mga ilaw. "Ayos lang po, salamat Sherwin" sabi ni Aira habang tinutulungan syang tumayo ni Sherwin. "Pero mukhang muntikan ka na rin kanina Sherwin" sabi nang master nila dahil dalawang butas lang ang nasa sahig, ang isa ay sa kinatatayuan ni Aira at ang isa ay kay Sherwin. Hindi na nakasagot ang dalawa dahil sa narinig nilang pagsabog sa labas kaya... "Anong nangyayari?" sabi ni Sherwin na di napansin ang pag-balik nang dalawang itim na ilaw at magkasunod na tumama ito sa kanya. "Sherwin!" sabi ni Aira na lalapit sana kaso tumama sa kanya ang puting ilaw. "Ano to?!" sabi ni Sherwin nang may lumabas sa kanya na itim na ilaw kasabay nang pagsakit nang likod at ulo nya na para bang may kung anong gustong lumabas. "Aaahhh!" narinig nyang sigaw ni Aira na ngayon ay tinutubuan na nang puting pakpak. "Ai..." di na natapos no Sherwin ang sasabihin dahil nawalan sya nang malay sa sakit na naramdaman nya. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nasan ako?" sabi ni Sherwin nang magising sya. "Mabuti naman at gising ka na, nag-alala kami sayo" sabi nang isang babae sa gilid nang kama nya. "Tita?" sabi ni Sherwin bago tumayo kaso nahilo sya bigla at muling napahiga. "Huwag mong pilitin, isang lingo kang walang malay kaya medyo nanghihina ka pa" sabi nang isang doctor na pumasok kasama ang isang nurse at ang tito nya. "Isang lingo?" di maintindihan na sabi ni Sherwin habang sinusuri sya nung doctor. "Maayos na naman ang lagay mo, konting pahinga lang at pwede ka nang lumabas" sabi nang doctor matapos suriin si Sherwin. "Salamat doc" sabi nang tito nya na sinamahan sa labas ang doctor. "Ano bang nagyari?" tanong nang tita nya na tumingin kay Sherwin. "Bakit po?" tanong ni Sherwin. "Gumuho ang dojo nyo matapos may lumabas na isang Anghel at isang Demonyo sa lugar na yon" sabi nang babae. "Gumuho.... Anghel... Demonyo..." sabi ni Sherwin na natulala. "Mabuti nga at hindi kayo namatay nang kaklase mo, ano bang nangyari? Nakalabas yung mga ibang estudyante maliban sa inyo nung Aira" sabi nang babae. "Wala po kong maalala, nawalan po ko nang malay bago pa gumuho ang dojo" sabi ni Sherwin. "Huwag mo na syang tanungin LISA, ang mahalaga ay maayos na sya" sabi nang tito nya. "Mabuti nga maayos na sya, di ko alam kung paano ako haharap sa kapatid mo ERIC kung may nangyaring masama kay Sherwin" sabi nang tita nya. "Alam na po nila mommy? Nasan po sila?" tanong ni Sherwin na natuwa. "Lumuwas sila dito nung comatose ka pa, kaso kailangan nilang umalis agad dahil sa trabaho" sabi ni Eric na nagpalungkot kay Sherwin. "Mabuti pa manood ka mSherwinkuha lang kami nang makakain mo" sabi ni Lisa bago binuksan ang tv at lumabas silang dalawa nang kanyang asawa. "Ano kaya yung nangyari" sabi ni Sherwin na naalala ang puting pakpak na lumabas kay Aira. "Maraming nagtatanong kung katapusan na ba nang mundo, ito ay dahil sa halos magkakasunod na paglabas nang mga kakaibang uri nang nilalang mula sa iba't-ibang bansa kasama na ang Pilipinas halos isang lingo na ang nakakaraan" sabi nang isang reporter na nakuha ang atensyon ni Sherwin. "Ang mga nilalang na ito ay sinira ang mga gusali kung saan sila unang namataan, mabuti nalang at himalang nakaligtas ang lahat nang tao sa mga nasabing gusali. Ang mga nilalang ay sinabing unang lumabas sa Ehipto kung saan isinagawa ang live interview sa mga nakadiskubre nang mga dyamanteng sinasabing nangaling sa Atlantis" "Hindi kaya nanggaling sa artifact na yon yung ilaw?" sabi ni Sherwin habang pinapakita ang mga brilyanteng may iba't-ibang kulay at simbolo. "Ang mga makukulay na artifact nayan ay nagmistulang bato matapos may lumabas na mga ilaw mula rito at lumipad sa iba't-ibang direksyon. Panoorin natin ang ulat ni Ruth mula sa venue bago di umano lumabas ang mga ilaw" "Nandito tayo ngayon sa kakatapos palang na live interview" sabi ni Ruth, sya ay nasalabas nang kwarto habang background nya ang loob na kita ang mga brilyante. "Ipinakita sa loob ang mga artifact na pinatunayan nang isang scientist na si Fred Matthew na nanggaling mismo sa Atlantis. Ang mga artifact ay mga brilyanteng may iba't-ibang kulay at desenyo na mag-kahalong Rune alphabet at mga larawan nang mga nilalang" sabi nang reporter bago nagkaroon nang kaguluhan sa loob. "Anong nangyayari?!" sabi ni Ruth na pumasok sa loob habang nakasunod ang cameraman at nakita nga ang isang dragon bago may isang bughaw na ilaw ang dumaan sa reporter at sa harap nang camera bago bumagsak ang camera at nawala ang video. "Hangang don nalang po ang nakuhanan nang camera at parehong walang maalala ang dalawang crew ukol sa sunod na pangyayari. Pero may mga nakasaksing mga tao sa malapit at nakita nila ang mga ilaw na sunod-sunod na lumabas sa building at pumunta sa magkakaibang direksyon. Halos pagkatapos non ay lumabas na ang pangalawa at sinabi nang mga eksperto na ito ay isang Gargoyle. Sa United States naman ay lumabas ang isang Water Serpent, isang Thunderbird ang sa Brazil, isang Catoblepas ang sa Venezuela, isang Simurgh ang sa Nigeria, isang Teumessian Fox sa Canada, isang Amphithere sa Peru, isang Dragon Turtle ang sa Russia, isang Minotaur ang sa Honduras, sa Belgium ay isang Qilin, sa Spain ay isang Chimera, Sa Australia ay isang malaking puting ibon na sinasabi nilang Dove at isa namang malaking itim na ibon na sinabing Raven, Sa Morroco ay isang Gytrash, isang Pegasus ang sa Japan. Dito sa bansa ay: Golem, Griffin, Alphyn, Hydra, Unicorn, Garuda, Pheonix, Nilalang na sinasabing demonyo at isa naman na sinasabing anghel. Ang mga nilalang na ito ay sa simbolo o mga libro lamang sa mythology makikita bukod sa Dove at Raven. Ano kaya ang dahilan nang kanilang paglabas at bakit syam sa mga ito ang lumabas mismo rito sa bansa. Magpatuloy na manood at subaybayan ang mga susunod na update mula sa pangyayaring ito" sabi nang reporter na tinapos na ang report. "Narito na yung pagkain, kumain ka na muna" sabi nang tita nya na pumasok sa kwarto, pagkatapos kumain ay pinagpahinga na sya nang kanyang tito. "Kamusta" narinig nyang sabi nang isang boses. "Sino ka?" sabi ni Sherwin na tumingin sa paligid kaso wala syang makita sa dilim. "Ako ay ikaw" sabi nang boses bago may umikot sa kanyang mga itim na ilaw. "Anong?!" nagulat na sabi ni Sherwin na tumingin sa mga aninong umiikot sa kanya. "Salamat naman at nakawala narin ako sa brilyanteng yon" sabi nang isa pang boses bago nawala ang anino. "Brilyante?, sino kayo?" tanong ni Sherwin. "Kayo?" sabi nang boses na naguluhan. "Ako si Drake, ang huling may hawak nang Vestige at Fatality bago ka, magsisilbi akong gabay mo para matutunan mong gamitin ang iyong mga kakayahan" sabi nang lalakeng nagpakita na kay Sherwin. "Vestige? Fatality? Kakayahan?" sabi ni Sherwin na naguluhan lalo. "Di mo nga pala alam, ang Vestige ay elemento nang anino at ang Fatality ay elemento nang Kamatayan" sabi ni Drake. "Di ko maintindihan" sabi ni Shrewin. "Tignan mo ang kanang kamay mo" sabi ni Drake na ginawa naman ni Sherwin. "Ayan ang mga simbolo nang elementong hawak mo" sabi ni Drake na pinakita nang magkasunod ang dalawang simbolo. "Kung ganon ako yung diablong lumabas?" sabi ni Sherwin na nakatitig parin sa simbolo. "Tama at ikaw ay reincarnation ko" sabi ni Drake. "Reincarnation?" sabi ni Sherwin na tumingin sa lalake. "Tama at dahil don nasa loob mo ko at ang dalawang monster form" sabi ni Drake. "Monster form?" tanong ni Sherwin. "Sila ang mga anyong kumakatawan sa mga elemento" sabi ni Drake "Mabuti pa, ituturo ko na sayo ang mga kakayahan mo" dagdag nito. "Anong kakayahan?" sabi ni Sherwin. "Tulad nang sinabi ko kanina, magiging gabay mo ako at trabaho kong ituro sayo ang mga kakayahan ko dati" sabi ni Drake. "Ituturo mo sakin" sabi ni Sherwin. "Tama ka pero dahil panaginip lang to, hindi limitado ang lakas mo" sabi ni Drake. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sherwin. "Baka manghina ka agad kapag ginamit mo ang iba mong kakayahan sa totoong buhay at maging sanhi pa ito nang pagkasawi mo" sabi ni Drake. "Naiintindihan ko" sabi ni Sherwin bago sila nagsimula. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang dojo ko!" sabi ni DENNIS ang guro nila Sherwin na nakaluhod sa gitna nang guho nang dojo nya. "Nawasak ang dojo ko" sabi nito bago sya umilaw nang itim. "Kasalanan ito nila Sherwin at Aira" sabi nito na naalala ang nangyari. "Sila ang anghel at demonyo na sumira sa dojo ko" sabi nito bago lumakas ang ilaw na nanggaling sa kanya. "Pagbabayaran nila to" sabi nito bago naglakad paalis habang may itim na ilaw na parang usok ang sumusunod dito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Puting ilaw ang tumama sakin kaya siguradong ako ang anghel at si Sherwin ang..." isip ni Aira na nakatingin sa bintana nang may narinig na ingay sa labas nang ospital. "Ano kaya yon?" sabi ni Aira na tumayo at sumilip sa bintana. "Teka lang po, tapos na po ang visiting hour" narinig nyang sabi nang gwardia na pinipigilan ang isang lalake. "Gusto kong makita ang mga estudyante ko" sabi nang lalake na nagpupumilit makapasok. "Guro?!" sabi ni Aira nang nakilala ang lalake. "SHERWIN, AIRA LUMABAS KAYO DYAN!" sigaw ni Dennis na pumunta sa gitna nang parking area at tumingin sa ospital. "Nakita rin kita..." sabi nito nang may nakilalang tao sa bintana nang second floor. "AIRA!" sigaw nito bago lumabas ulit ang itim na ilaw sa kanya na lalong lumakas habang nagbabago sya nang itsura. "Anong nangyayari?" sabi ni Aira na nakatingin sa guro nila na unti-unting lamalaki at nagiging itim na nilalang na may malaking katawan at matatalim na pangil habang nagsisigawan ang mga tao. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "SHERWIN, AIRA LUMABAS KAYO DYAN!" narinig ni Sherwin na sigaw nang isang tao sa labas na nagpagising sa kanya, wala ang kanyang tito at tita sa loob nang kwarto. "Parang boses yon ni..." sabi ni Sherwin na tumayo at pumunta sa may bintana. "AIRA!" narinig nyang sigaw nang guro nya na rinig na rinig nya dahil nasa first floor sya. "Anong nangyayari?" sabi ni Sherwin nang makitang magbago nang itsura ang kanyang guro. "SHERWIN!" galit na sabi nang guro nya na nakita sya matapos itong magbago at biglang nawala kasunod nang pagbasag nang dingdeng at naramdaman nyang sakit sa sikmura at pagtalsik nya palabas sa kwarto at lumusot sa kabila. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "SHERWIN!" narinig ni Aira na sabi nang guro nya bago ito nawala at kasunod nang pagbasag nang mga bato sa first floor. "Sherwin!" nag-aalalang sabi ni Aira na mabilis na lumabas nang kwarto. "Aira, san ka pupunta" sabi nang nanay nya na humarang sa daanan. "Dito ka lang, isa ka sa hinahanap nang halimaw" sabi nito na pinapasok si Aira. "Di ba yon yung guro nyo" sabi ni Mrs.Casis na sinarado ang pinto. "Pero po..." sabi ni Aira na wala nang nagawa. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ko magalaw ang katawan ko" isip ni Sherwin na duguan na. "Ano na asan na ang isa mo pang anyo?" narinig nyang sabi ni Dennis na papunta sa pinagtalsikan ni Sherwin habang naririnig nyang tumatakbo palayo ang mga tao palabas nang ospital. "Alam nyang isa ako sa lumabas?" isip nito. "Sherwin!" narinig nyang sabi nang tita nya "Teka lang mapapahamak ka" sabi naman nang tito nya. "Hangang dyan ka lang pala, tatapusin na kita at isusunod ko si Aira" sabi ni Dennis nang makalapit ito kay Sherwin at itinaas ang binti nito sa tapat ni Sherwin. "Hin...di...pa" pilit na sinabi ni Sherwin bago sya lumubog sa sahig. "Nasan ka! Lumabas ka!" sabi ni Dennis na hinanap si Sherwin sa paligid. "Masama ito, hindi mailalabas ang ibang pasyente nang ospital" sabi ni Sherwin, sya ngayon ay nasa shadow realm na sya lang ang makakapunta. Habang nandito sya ay nakikita nya ang mga nasa paligid habang may katamtaman na ilaw. "Pero kailangan ko munang manatili rito para magpagaling, sana mabilis kong mapagaling ang sarili ko" sabi nito dahil hindi nya magalaw ang buong katawan nya. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nakatakas sya" sabi ni Dennis na sinuntok ang dingdeng na nasira agad. "Di bale, nandito pa naman si Aira" sabi nito bago tumalon pataas papunta sa second floor. "Aira! Lumabas ka dyan! Alam kong nandito ka pa!" sabi ni Dennis na naglalakad sa second floor. "Hoy! Halimaw ako ang harapin mo" sabi nang isang lalakeng nakasuot nang dilaw na ninja suit. "Sino ka! Huwag kang makealam" sabi ni Dennis na hindi pinansin ang ninja. "May pakealam ako, dahil masisira ang buong ospital sa ginagawa mo at madaming mapapahamak" sabi nang ninja bago umilaw ang kamay nya at lumabas ang isang baril. "May kakayahan ka din, isa ka sa lumabas na halimaw" sabi ni Dennis na nakatingin na ngayon sa ninja. "Tama at kaya kitang talunin gamit ang kakayahan nayon, isa pa hindi yon halimaw Mythical Creatures yon" sabi nang ninja na itinutok ang baril kay Dennis kaso bigla itong nawala at nakaramdam sya nang sakit sa sikmura bago sya tumalsik palabas nang ospital "Kala ko pa naman kaya na nya, puro lang sya porma" isip ni Aira na nakasilip sa pinto kasama ang nanay nya at pigil ang hininga dahil nasa tapat nila ang halimaw. "Lumabas ka... AIRA!" sigaw ni Dennis na hinampas ang malapit na pinto at tumalsik ang dalawang tao sa likod nito. "Tignan mo nga naman ang pagkakataon" sabi ni Dennis nang makita ang hinahanap. "Maaaaaa!" sigaw ni Aira na nakatingin sa nanay nya na may nakatusok na kahoy sa dibdib. "Huwag kang mag-alala dahil susunod ka na" sabi ni Dennis na lumalapit na kay Aira. "HINDE!" sigaw ni Aira kasabay nang pag-talsik ni Dennis palayo at pagkakaroon ni Aira nang nakakasilaw na liwanag at bumalot sa buong second floor. "Anong nangyayari" sabi ni Sherwin na nakatakip nang braso ang mga mata, bigla syang bumalik sa dati mula sa shadow realm malapit kila Aira at sa nanay nito. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" sabi ni Aira na naging katamtaman na ang liwanag. "Anong nangyayari?" sabi ni Dennis habang tumatayo. "Pagbaba..." sabi ni Aira na nawala ang ilaw at napaluhod. "Aira, ayos ka lang?" sabi ni Sherwin na pinilit lumapit kay Aira. "Nanghina ako bigla" sabi ni Aira na pinilit tumayo kaso bumaksak sya. "Huwag mo nang pilitin, ako nang bahala" sabi ni Sherwin na hinarap ang guro nila na nakatayo na. "Hindi ko pa masyadong napapagaling ang sarili ko" isip ni Sherwin na pinipilit nalang na tumayo. "Magiging madali nalang to, isang nanghihina at isang halos basag na ang lahat nang mga buto" sabi ni Dennis bago sya nawala. "Kahit na basag na ang halos lahat nang buto ko, malakas naman ako sa dilim" sabi ni Sherwin bago bumagsak si Dennis na tumama sa hindi nakikitang pwersa. "Dark Wind" sabi ni Sherwin na tinapat ang kamay kay Dennis kaso nagulat sya nang may biglang lumabas na itim na apoy dito papunta sa kanyang guro. "Ano to!" sabi ni Dennis na pinilit patayin ang itim na apoy sa kanya kaso hindi nya ito mapatay, sa halip ay kumalat ito sa kanya. "Sherwin, itigil mo na yan" sabi ni Aira na nakatingin sa guro nila na tinutupok nang itim apoy. "Hindi dapat apoy ang lumabas" sabi ni Sherwin bago bumagsak ang guro nila at umilaw ulit nang itim at bumalik na sa dati kasama nang pagkawala nang apoy at pagbagsak ni Sherwin na sobrang nanghina. "Sherwin" sabi ni Aira na lalapit sana sa kaibigan kaso bigla itong lumubog sa sahig. "Huwag kang mag-alala, nasa shadow realm sya upang pagalingin ang sarili nya" sabi nang isang boses. "Kung ganon magiging ok lang sya" sabi ni Aira. "Pati ang guro nyo ay ayos narin, wala na ang enerhiyang pumasok sa kanya at may buhay pa sya" sabi nang boses. "Reign, sabi mo kanina na kaya kong magpagaling at bumuhay" sabi ni Aira na pinilit tumayo. "Ituro mo na sakin kung paano" sabi nito na nakatingin sa nanay nya. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sa tingin ko tapos na ang laban" sabi nang isang lalake na nasa gilid nang ospital at nakahiwalay sa mga tao. "Mabuti pa tumulong narin ako, Tiven" sabi nito na hinawakan ang gusali bago ito nagsimulang maayos bago may isang malakas na ilaw ang nanggaling sa second floor. "Di parin nila kaya ang kanilang kakayahan" sabi nito matapos mawala ang ilaw. "Pero sa tingin ko ay ganon ka din" sabi nang boses bago nahilo yung lalake matapos nyang ibalik sa dati ang gusali. "Masama to, baka may makakita sakin dito sa malapit" sabi nito bago naglakad palayo. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Kung ganon kailangan ko lang maghintay mag-umaga" sabi ni Aira na nakatingin sa kanyang nanay na maayos na ang itsura. "Mabuti pa siguro ayusin mo muna ang nanay mo para mag-mukhang natutulog sa gilid nang kama" sabi nang boses. "Oo nga pala" sabi ni Aira na inayos ang kanyang nanay. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------   Yung translation ay nakuha ko lang sa online translator kaya hindi ito sakto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD