Sa isang malaking tent sa likod...
"Salamat ulit sa pagpayag mo Prinsipe Naht" sabi ni Xire na lumapit ulit kila Naht.
"Ok lang yon Prinsipe Xire, sayang din naman kasi kung hindi mapapakita ni Drake ang kakayahan nya diba" sabi ni Naht.
"Nangako rin naman sya na hindi sya mag-pipigil nang lakas kapag nagkaharap kami kaya huwag kang mag-alala" dagdag nito.
"Excuse me, pinapalabas na po ang grupo nang Animal at Forest Castle" sabi nang isang babae na sumilip sa tent.
"Sige, una na ko" paalam ni Naht bago sumunod sa mga kasama.
"Good luck sa laban nyo" sabi ni Xire.
"Salamat" sabi ni Naht bago ito tuluyang lumabas.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Simulan na natin ang tournament, ang unang laban ay sa pagitan nang Animal at Forest Castle" sabi nang announcer pagkalabas nang mga nagulat na bata.
"Una palang may matatanggal na agad sa atin" sabi ni Naht bago sila lumapit sa tatlong may kalakihang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pano ba yan Lian, siguradong talo ka na" sabi ni Naht sa kalaban.
"Sigurado ka" sabi ni Lian na naghahanda na.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tandaan mo ang pangako natin" sabi ni Mabe habang naghahanda.
"Huwag kang mag-alala seseryosohin ko ang laban" sabi ni Mach.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakakalungkot naman, simula palang may mawawala agad satin sa tournament" sabi ni Gyn.
"Kaya nga, pero siguradong hindi kami yon" sabi ni Worp.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Unang laban simulan na!" sigaw nang announcer kasunod nang sigawan nang mga tao.
"Nimpo, Multi-Fire Ball Technique" sabi ni Naht pagkatapos gumawa nang hand seal bago naglabas nang sunod-sunod na bolang apoy mula sa bibig.
"Nimpo, Water Wall Technique" sabi naman ni Lian na gumawa nang pader na tubig at hinarangan ang mga apoy.
"May alam ka palang ninja technique, akala ko puro pag-papacute lang ang alam mo" pang-aasar ni Naht bago ulit gumawa nang hand seal.
"Syempre, para maimpres ko naman si Drake" sabi ni Lian na gumawa din nang hand seal.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nimpo, Wind Blade Technique" sabi ni Mabe bago iginalaw ang mga kamay na parang humihiwa sa hangin, kasabay non ay may mga hangin na pumunta sa direksyon ni Mach.
"Wala yan" sabi ni Mach na pinadyak ang paa sa sahig bago may mga batong lumabas dito na humarang sa mga hangin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nimpo, Shadow Manipulation Technique" sabi ni Worp bago gumalaw ang anino nya papunta kay Gyn.
"Naloko na" sabi ni Gyn na hindi makagalaw matapos mahuli nang anino ni Worp.
"Talo ka na" sabi ni Worp bago naglakad papunta sa gitna na ginawa din ni Gyn.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nakakabilib talaga ang mga ninja" sabi ni Xire na bilib na bilib sa ginagawa nang mga bagong kaibigan.
"Sinabi mo pa" isip ni Drake pero nginitian lang nya si Xire.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nawala sya" sabi ni Naht na nagulat dahil biglang nawala si Lian at lalo syang nagulat nang bigla syang napaikutan nang lubid.
"Huli ka na" sabi ni Lian na tumigil na sa pagtakbo at hawak ang kabilang dulo nang lubid.
"Sigurado ka?" tanong ni Naht na biglang naging kahoy.
"Nasan ka?!" gulat na sabi ni Lian na lalong nagulat nang may bumagsak na buto sa kanya at naging baging na pumulupot sa katawan nya.
"Tapos na ang laban" natatawang sabi ni Naht nang bumagsak si Lian at hindi makawala sa baging.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tapusin na natin to" sabi ni Mabe bago nabalutan nang bakal at tumakbo papunta kay Mach.
"Sige" sabi ni Mach na hinawakan ang sahig.
"Anong nangyari?" nagtatakang sabi ni Mabe "Body Binding?"
"Mali ka" sabi ni Mach kasabay nang pagbagsak ni Mabe sa sahig.
"Ginawa kong magnet ang buong ring" sabi ni Mach bago may mga bakal na dumikit din sa ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pasensya na" sabi ni Worp bago naghagis nang mga patalim sa lalagyan nya, si Gyn naman ay walang nakuha dahil nasa ibang lugar ang patalim nya.
"Dapat nga ako ang magsabi nyan" sabi ni Gyn na ngumiti at umikot paikot sa kanya ang mga patalim ni Worp.
"Anong nagyari?" sabi ni Worp bago napaluhod sa sakit nang ulo at ilang sandali pa ay walang malay nang bumagsak.
"Kitang-kita naman ang nanalo, Forest Castle" sabi nang announcer habang tinutulungan nila Naht na makatayo ang kaibigan nila.
"Sunod na maglalaban, ang Ocean Castle laban sa Fire Castle" sabi nito pagkababa nila Naht.
"Galingan nyo" sabi ni Naht kila Drake nang makasalubong ito.
"Syempre" sabi ni Drake na nakipag-high five pa kay Naht.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ngayon malalaman natin kung anong elemento ang mas malakas" sabi ni Dron.
"Kung ang apoy o ang tubig" sabi ni Xire.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sisiguraduhin kong malamig ka na pagkatapos nito" sabi ni Frae na pinakita ang kamay na umuusok sa lamig.
"Sigurado ka?" sabi ni Scon na nilabas na ang staff nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang cute nya talaga" isip ni Crysa na nakatitig kay Drake.
"May dumi ba ko sa mukha?" isip ni Drake na napansin si Crysa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ikalawang laban simulan na!" sabi nang announcer.
"Siguradong talo ka na, napapatay nang tubig ang apoy" sabi ni Dron na Tumakbo papunta kay Xire.
"Nag-eevaporate ang tubig sa matinding init" sabi ni Xire bago sya napaikutan nang apoy.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Blizzard" sabi ni Frae bago napalibutan nang snow storm ang kanilang ring.
"Maraming salamat" sabi ni Scon na itinabi ang staff bago gumawa nang snow ball at hinagis kay Frae.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nimpo, Shadow Clone Technique" sabi ni Drake bago may lumabas na apat na kopya nya.
"Anong?" nagulat na sabi ni Crysa nang paikutan sya nang mga ito.
"Nimpo, Fire Dragon Technique" sabi nang mga Drake bago bumuga nang malakas na apoy papunta kay Crysa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayon lang ba ang kaya mo, ang dumipensa" sabi ni Dron na itinapat ang dalawang kamay kay Xire at naglabas nang malakas na tubig papunta kay Xire.
"Kulang yan" sabi ni Xire bago tumama ang tubig sa apoy na naging dahilan nang pagbalot nang makapal na usok sa buong ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nangyari" nagtatakang sabi ni Frae dahil sumabog ang snowball nang tumama ito sa kanya.
"Hindi mo ata alam ang aking kakayahan" sabi ni Scon na sunod-sunod na naghagis nang snowball.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong?!" gulat na sabi ni Drake dahil bumalik sa kanila ang tinira nilang apoy.
"Ayan ang nagagawa nang barrier ko" sabi ni Crysa na tumingin sa paligid pero hindi nya nakita si Drake.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Fire Storm" narinig ni Dron na sabi ni Xire habang balot sila nang usok.
"Bubble" sabi ni Dron na naglabas nang bula na naging depensa nya sa mga bumabagsak na apoy.
"Fire Blast" narinig nyang sabi ni Xire.
"Water Blast" sabi ni Dron bago sya naglabas nang isang malakas na tubig na sumalubong sa apoy ni Xire.
"Hindi ako magpapatalo" sabi ni Dron na naglabas nang isang malaking bula sa isang kamay habang hinaharangan ang apoy ni Xire.
Ibinato nya ang bulang ito sa direksyon ni Xire, kaso tinira ito ni Xire nang apoy nang nasa gitna pa nang ring, pagkatama nang apoy sa bula ay sumabog ito na naging dahilan nang pagtalsik nila pareho palabas nang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hinde!" sigaw ni Frae na walang nagawa sa sunod-sunod na atake ni Scon na nagpabagsak sa kanya.
"Sa susunod alamin mo muna ang kayang gawin nang kalaban mo" sabi ni Scon na nakatingin sa walang malay na kalaban.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Nasan na yon?" nagtatakang sabi ni Crysa na tumingin sa paligid at hindi nakita ang kalaban.
"Ako ba ang hinahanap mo sabi ni Drake na unti-unting lumalabas mula sa anino ni Crysa.
"Paano ka nakapasok!" gulat na sabi ni Crysa na biglang hindi makagalaw na para bang nakatali sya.
"Ba't ko sasabihin" sabi ni Drake bago hinampas si Crysa sa may balikat bago nya ito sinalo dahil nawalan ito nang malay.
"Ang nanalo, Fire Castle" sabi nang announcer.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sunod na laban ay sa pagitan nang Land at Wind Castle
"Mabuti pa sumuko ka na" sabi ni Dale na nagpalipad nang mga bato.
"At bakit naman" sabi ni Aises na lumulutang sa ere.
"Alam naman nang lahat na kahinaan nang Gust ang Quake" sabi ni Dale na sunod-sunod na pinadala ang mga bato kay Aises.
"Wala yan" sabi ni Aises na humalo sa hangin.
"Nawala sya" sabi ni Dale na tumingin sa paligid bago...
"Whirlwind" narinig nyang sabi ni Aises bago sya napaikutan nang ipo-ipo.
Hindi nagtagal ay walang malay na bumagsak si Dale sa ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Isang karangalan na makalaban ang tagapagmana nang Yore" sabi ni Van na nakatingin sa kalaban.
"Talaga" sabi ni Tiven bago tumakbo si Van paikot sa kanya.
"Anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Van na pabilis nang pabilis sa pagtakbo habang nagkakalat nang koryente sa paligid.
"Mukhang hindi mo alam ang kakayahan nang Yore" sabi ni Tiven bago unti-unting bumabagal si Van.
"Alam ko ang kakayahan mo kaya nga nagkalat ako nang koryente" sabi ni Van.
"Ibig mong sabihin ang mga koryenteng to?" sabi ni Tiven na nakatingin sa mga nakahintong koryente na nakakalat sa ring.
"Kahit na hindi gumagalaw ang mga koryenteng yan maaapektuhan ka parin kapag naapakan mo ito" sabi ni Van dahil walang lalabasan si Tiven.
"Eto ba? Bale wala yan" sabi ni Tiven bago tinapat ang kamay kay Van na nawala at lumabas sya sa ibaba nang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tapos agad to" isip ni Gail habang nakatingin kay Kaly.
"Malas naman bakit sya pa" sabi ni Kaly bago lumutang sa ere.
"Hindi mo magagamit yan" sabi ni Gail na kinontrol ang gravity ni Kaly at pinalakas ito.
"Sabi ko na nga ba" sabi ni Kaly na bumagsak sa sahig.
"Ang nanalo Wind Castle" sabi nang announcer.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sunod na laban, sa pagitan nang Life at Death Castle
"Karangalan na makalaban ka prinsesa" sabi ni Lantis na nagbigay pugay sa kalaban.
"Itigil mo na nga yan" isip ni Reign bago naglaho.
"Alam ko ang pangontra dyan" sabi ni Lantis na pinadilim ang paligid nang ring pero nang dumilim ay may tumama sa kanyang bomba.
"Kailangan huwag kang magpabaya" isip ni Lantis dahil lumiwanag ulit, kasabay non ang pagpulupot sa kanya nang mga baging na sumulpot sa sahig.
"Malas, hindi ako makakagawa nang halimaw" sabi nito na nagpumilit makawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pano kaya to?" isip ni Nera
"Siguradong walang mananalo samin, pwera nalang kung may mauna" isip ni Vode na tumira nang laser, kaso hinigop lang ito ni Nera.
"Bahala na" sabi ni Nera na nagpadala nang dilim papunta kay Vode kaso nawala ito nang pinaliwanag ni Vode ang paligid.
"Pagpapatuloy pa ba natin to?" tanong ni Vode na nakatingin kay Nera.
"Mabuti pa hintayin nalang natin sila" sabi ni Nera.
"Sang-ayon ako" sabi ni Vode.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tagapagmana nang Ensanguined, lumalakas kapag nasusugatan" sabi ni Xech na nakatingin sa kalaban.
"Delikado ko kapag hindi ako nasugatan, natuyo na kasi ang sugat ko sa tagal nang pag-aantay" isip ni Boa bago umatake gamit ang normal na espada.
"Alam ko na ang dapat kong gawin" isip ni Xech na naglabas nang isang baril.
"Mukhang seswertehin ako" isip ni Boa na ngumiti nang makita ang ginawa ni Xech.
"Mali ka nang akala" sabi ni Xech na ginamit ang baril ngunit usok ang lumabas at bumagsak si Boa.
"Pampatulog ang laman nito" sabi ni Xech na tumingin sa nahihimbing na si Boa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sunod na laban, sa pagitan nang Forest at Fire Castle
"Pasensya na pero talo ka agad" sabi ni Xire na pinaikutan ulit nang apoy ang sarili.
"Nimpo, Water Snake Technique" sabi ni Naht na itinutok ang kaliwang kamay kay Xire bago naglabas nang isang tubig papunta rito.
"Mahina" sabi ni Xire bago tumama ang tubig sa apoy nya at nabalutan sila nang makapal na usok.
"Fire Blast" sabi ni Xire habang hindi pa humuhupa ang usok.
"Vine Shield" sabi ni Naht na naghagis nang mga buto sa harapan nya at lumabas ang mga baging na naging parang pader at humarang sa apoy, kaso abo na ito pagkalipas nang ilang segundo.
"Nimpo, Fire Dragon Technique" sabi ni Naht na nagbuga nang apoy na sumalubong sa apoy ni Xire.
"Paano nangyari yon?" sabi ni Naht dahil nahati yung apoy nya, mabuti na nga lang at nakaiwas sya.
"Bilang tagapagmana nang Inferno, kaya kong kontrolin ang lahat nang apoy" sabi ni Xire na naglabas ulit nang apoy sa kanyang kamay.
"Kung ganon subukan natin ang tubig, Nimpo, Water Dragon Technique" sabi ni Naht na ngayon ay nagbuga naman nang tubig.
Kaso masyadong malakas ang apoy kaya tinamaan sya nang apoy palabas nang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tapusin natin agad to" isip ni Scon na nilabas ang kanyang baston at tumakbo papunta kay Gyn.
"Meteor Shower" sabi ni Gyn bago may mga batong bumagsak mula sa kalawakan.
"Paanong?!" gulat na sabi ni Gyn na nakatingin kay Scon na iniikot ang kanyang baston at pinapasabog ang mga bato.
"Tatapusin ko na ang laban na ito" sabi ni Scon na tumakbo papunta kay Gyn.
"Asteroid Belt" sabi ni Gyn bago nagliparan ang mga bato at umikot sa kanya at nagpatalsik kay Scon palayo.
"Salamat" sabi ni Scon na umilaw ang kamay bago ito itinira kay Gyn kaso hinarangan ito nang mga bato nya.
"Tama ka tapusin na natin to" sabi ni Gyn na pinapunta ang mga bato kay Scon.
"Walang epekto yan" sabi ni Scon na pinaikot ulit ang baston kaso ngayon sa harapan nya.
"Black Hole" sabi ni Gyn bago may lumabas na itim na pabilog sa harapan ni Scon.
"Anong!" gulat na sabi ni Scon dahil biglang nahigop ang baston nya papasok sa bilog na bagay at lumabas sa likod na durog-durog.
"Pano ba yan wala ka nang sandata" sabi ni Gyn na ngumiti.
"Hindi naman mahalaga ang sandata ko" sabi ni Scon na pinabayaang tumama ang mga bato sa kanya.
"Bakit hindi parin sya bumabagsak?" sabi ni Gyn na nakatingin kay Scon na tinamaan na nang halos lahat nang mga bato.
"Sapat na siguro to" sabi ni Scon na sinuntok ang ring bago may malakas na enerhiyang kumalat sa buong ring na nagpatalsik kay Gyn palabas nang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sa wakas nagkaharap ulit tayo sa isang laban" sabi ni Mach sa kaharap.
"Kung pwede nga lang ayaw kong may makalaban sa inyo" sabi ni Drake.
"Sa pag-aaral palagi akong pangalawa sayo" sabi ni Mach na hindi pinansin si Drake at hinawakan ang sahig.
"Tignan natin ngayon kung una ka parin sa paggamit nang elemento" sabi nya bago umangat ang batong nakapaligid kay Drake at naging kulungan.
"Hindi mo ko mapipigilan hangang may liwanag" sabi ni Drake bago nawala at lumabas sa tabi nang kulungan.
"Nimpo, Water Cage Technique" narinig nyang sabi ni Mach na hindi nya napansin na nakalapit.
"Naloko na" sabi ni Drake na hindi nakaiwas.
"Alam ko ang tungkol don" sabi ni Mach habang nababalutan si Drake nang tubig.
"Pero dapat mas alam mo ang tungkol dito" narinig nyang sabi ni Drake mula sa likod nya.
"Paanong!" gulat na sabi ni Mach na tumalon palayo at iniwanan ang kulungang tubig na walang laman.
"Clone lang yung nahuli mo" sabi ni Drake na lumabas sa likod ni Mach.
"Isa nga pala yon sa mga alam mong technique" sabi ni Mach na hinarangan nang patalim nya ang patalim ni Drake at tinulak ito palayo.
"Nimpo, Lightning Blade Technique" sabi ni Mach bago may kuryenteng nabuo sa patalim nya at naging malaking espadang gawa sa kuryente.
"Nimpo, Earth Blade Technique" sabi ni Drake na itinusok sa ring ang patalim at nang inalis nya ito ay may kasama na itong mga bato na nagpadagdag sa haba nito.
"Lagi nalang" sabi ni Mach na umatake na.
"Lagi ka nalang gumagamit nang elementong madaling matatalo ang ginamit ko" dagdag nito bago nagtama ang mga espada nila.
"Anong gusto mo gumamit ako nang matatalo mo? Hindi naman ata tama yon, isa pa hindi ko na kasalanan kung ikaw lagi ang unang umaatake" nakangiting sabi ni Drake na tinulak palayo si Mach at tinusok sa sahig ang espada na naglabas nang mga patusok papunta kay Mach.
"Pwede namang kapareho nang ginamit ko, para malaman natin kung sino ang mas malakas" sabi ni Mach.
"Ganon lang pala eh, dapat sinabi mo" sabi ni Drake bago nalaglag ang mga bato sa patalim nya at...
"Nimpo, Lightning Blade Technique" dagdag nito bago nagkaroon nang kuryente ang patalim nya.
"Ginawa nga nya" sabi ni Mach na nakatingin kay Drake na tumatakbo na palapit sa kanya.
"Ngayon tignan natin kung sino ang mas malakas" sabi ni Mach na sinangga nang espada nya ang kay Drake kaso biglang kumalat ang koryente sa katawan nya at walang malay syang bumagsak sa ring.
"Ang nanalo, Fire Castle" sabi nang announcer.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Pasensya na" sabi ni Xire na lumapit kay Naht.
"Ok lang yon, ganon naman talaga sa mga laban" sabi ni Naht.
"Ok lang ba sya?" tanong ni Drake kay Ojin matapos nyang tignan si Mach.
"Ayos na sya" sabi ni Ojin na tumingin kay Drake.
"Buti naman" sabi ni Drake na nakahinga na nang maluwag.
"Nakalimutan nya kasi na pwedeng makoryente ang mas-mahina samin" isip nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sunod na laban, sa pagitan nang Wind at Life Castle
"Wind Cutter" sabi ni Aises na iginalaw ang kamay na para bang may hinati ito, kasabay non ay may matatalas na hangin ang sunod-sunod na pumunta kay Reign.
"Balewala yan" sabi ni Reign na itinapat ang kanang kamay sa padating na hangin.
"Anong!" gulat na sabi ni Aises dahil hindi umabot sa kalaban nya yung hangin.
"Barrier nang Zircon" paliwanag ni Reign na ngumiti bago sya nawala.
"Nawala sya" sabi ni Aises na pinaikutan nang hangin ang sarili.
"Bale wala yan, sumama ako sa liwanag kaya walang elementong makakapinsala sakin" sabi ni Reign bago tumalsik si Aises palabas nang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tapusin natin agad to" sabi ni Vode na sumanib sa liwanag.
"San sya nagpunta?" sabi ni Kaly na lumipad sa ere at tinignan ang kanilang ring.
"Anong!" gulat na sabi ni Kaly dahil may tumama sa kanyang braso na kung anong mainit na enerhiya.
"Magpakita ka" sabi ni Kaly dahil sa nangyari ay nawalan sya nang balanse at nalaglag sa ring at bago sya nabalutan nang usok.
"Anong nangyari?" narinig nyang sabi ni Vode.
"Thunder Clouds" sabi ni Kaly bago naging itim ang usok na may kasamang koryenteng parang kidlat.
"Bale wala yan kung hindi mo alam kung nasan ako" narinig nyang sabi ni Vode bago sya sunod-sunod na tinamaan nang laser at hindi nagtagal ay bumagsak na si Kaly.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Di mo ko matatalo" sabi ni Xech na naglabas nang gadget na parang hourglass.
"Anong ibig mong sabihin, eh nakita ko na kung pano ka matatalo" sabi ni Tiven na nanatili sa lugar
"Ang gadget na to ay kayang pigilin ang kapangyarihan mong kontrolin ang oras" pagmamalaki ni Xech.
"Bale, habang hawak mo yan hindi ako makakapagkontrol nang oras?" sabi ni Tiven na naglakad palapit kay Xech.
"Tama ka" sabi ni Xech bago tumawa, kaya nagulat sya nang may biglang kumuha sa hourglass.
"Nakalimutan mo atang kaya ko ring mag-teleport" sabi ni Tiven na nasa gilid ni Xech at binitawan ang gadget at nasira sa labas nang ring.
"Nakalimutan mo rin atang, kaya kong gumawa ulit nang bago" sabi ni Xech na gumagawa na ulit nang bago kaso bigla syang huminto.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang nanalo, Life Castle" sabi nang announcer.
"Ang huling laban sa pagitan nang Fire at Life Castle ay pagkalipas nang isang oras" dagdag nito.
"Ang galing mo Drake" sabi ni Lian na niyakap si Drake mula sa likod, kasama nya ang iba pa nilang kaibigan.
"Sabi ko na nga ba gagawin mo yan" sabi ni Drake na nasa likuran ni Lian bago nawala ang clone nya na yakap ni Lian.
"Drake naman eh" sabi ni Lian.
"Sabi ko na parang may mali" sabi ni Mabe bago sila tumawa.
"Good luck sa laban nyo" sabi ni Naht kila Drake, Xire at Scon.
"Salamat" sabi ni Xire.
"Kahit anong gawin nyo hindi nyo matatalo si Reign dahil mahihina kayo" narinig nilang sabi nang isang boses mula sa likuran nila.
"Anong ibig mong sabihin" sabi ni Mach na astang lulusubin ang nagsalita kaso bigla syang hindi makagalaw.
"Maghunusdili kayo" sabi ni Drake na pinipigilan ang mga kaibigan gamit ang kanilang anino.
"Ikaw pala ang sinasabi nilang kamukha ko" sabi ni Lantis na tinitigan si Drake mula ulo hangang paa.
"Hindi naman ah, di hamak naman na mas-gwapo ako sayo" dagdag nito.
"Ano!" sabi ni Lian na nagpupumilit makawala.
"Tigilan mo na yan Lantis" sabi nang isang boses babae mula sa likod.
"Sige na, sige na" sabi ni Lantis na tumatawa habang umaalis.
"Dapat hindi mo kami pinigilan" sabi ni Worp nang makagalaw na.
"Hindi parin sya nagbabago" sabi ni Xire na nakatingin sa paalis na prinsipe.
"Pagpasensyahan nyo na yon, ganon talaga si Lantis" sabi ni Aises kila Naht.
"Ayos lang yon, prinsesa" sabi ni Naht.
"Ano nga palang ginagawa mo rito Aises?" tanong ni Xire sa bagong dating.
"Mangangamusta lang" sabi ni Aises.
"Oo nga pala, Drake pwede ba tayong mag-usap sandali" sabi ni Xire na may naalala bago umalis sa grupo.
"Sige Prinsipe" sabi ni Drake na tumingin sa mga kasama bago sumunod kay Xire.
"Pwede bang ikaw yung lumaban kay Reign?" sabi ni Xire nang makalapit na si Drake.
"Ha?!" gulat na sabi ni Drake.
"Natalo nya kasi sina Lantis at Aises nang walang kahirap-hirap, halos mag-kasing lakas lang kami ni Aises kaya siguradong talo din ako" sabi ni Xire.
"Pano mo nasigurado yon?" sabi ni Aises na lumalapit sa dalawa.
"Narinig mo?!" gulat na sabi ni Xire na tumingin sa babae.
"Pano mo nasabing matatalo ka nya, hindi pa naman kayo nagkakaharap" sabi ni Aises na hindi pinansin ang sinabi ni Xire.
"Kasi..." sabi ni Xire na napayuko.
"Kasi may gusto ka sa kanya at ayaw mong saktan sya..." sabi ni Lian na biglang sumulpot sa likod ni Aises.
"Narinig mo rin?!" gulat na sabi ni Xire.
"...na mas mabuti pang sumuko ka nalang kaysa maglaban kayo" patuloy ni Lian na hindi pinansin si Xire.
"..." walang nasagot si Xire kaso nakatungo ito at namumula.
"Sige Prinsipe Xire, payag na ko" sabi ni Drake na naawa kay Xire.
"Talaga?!" sabi ni Xire na nabuhayan.
"Gusto ko rin naman syang kalabanin" sabi ni Drake na tumingin sa direksyon ni Reign.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Magsisimula na ang huling laban; ang laban sa pagitan nang Fire Castle at Life Castle" sabi nang announcer.
"Nakakapagtaka at ikaw ang kakalabanin ko" sabi ni Reign na nakatingin kay Drake.
"Di ba ayon yung gusto mo?" sabi nang isang boses..
"Magandang laban to" sabi ni Drake na naghanda na.
"Laban sa pagitan nang Demon at Angelic Child, maganda nga to" sabi ni Viel.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Bakit hindi ang prisesa ang kaharap mo, prinsipe?" tanong ni Vode na nakatingin kay Xire.
"Wala ka na don" sabi ni Xire.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sa wakas huling laban na" sabi ni Xech na naghanda na.
"Mahirap nanaman to, pwede syang mag-long range" isip ni Scon na nakatingin kay Xech.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Huling laban, simulan na" sabi nang announcer bago muling naghiyawan ang mga tao.
"Tignan natin kung gaano ka kalakas" sabi ni Reign na tumira nang tubig.
"Nakalimutan mo ata kamahalan na hawak ko ang Vestige" sabi ni Drake na ginaya si Reign bago din ito tumira nang tubig.
"Patas lang" isip ni Reign dahil nanatili sa gitna ang pagitan nang tubig.
"Sigurado ka" narinig nyang sabi ni Drake bago lumakas ang pwersa nang tubig na nanggagaling dito.
"Paano?" sabi ni Reign na tumalon patagilid upang iwasan ang tubig ni Drake.
"Doble ang lakas nang mga ginagaya nang Vestige" sabi ni Drake bago gumawa nang simbolo sa kamay at...
"Nimpo, Shadow Clone Technique" sabi nito bago sya dumami.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayaw mong kalabanin si Reign, tama ba prinsipe?" sabi ni Vode bago tumawa.
"Tigilan mo ko" sabi ni Xire na tumira nang apoy.
"Sa tingin mo matatalo mo ko nang ganyan" sabi ni Vode na naglaho.
"Kaya mo nga palang maglaho sa liwanag" sabi ni Xire na lumingon sa paligid.
"Kaya nga siguradong talo ka na" narinig nyang sabi ni Vode bago sya sunod-sunod na tinamaan nang mga laser.
"Masama to" sabi ni Xire na pinagliyab ang sariling katawan, kasabay non ay gumaling ang mga sugat nya.
"Bale wala na yan, napapagaling ko na mula ngayon ang mga pinsala sakin gamit ang apoy" sabi ni Xire nang tamaan ulit sya nang laser.
"Pero pano mo ko matatalo kung pareho tayong hindi naaapektuhan nang elemento" sabi ni Vode.
"Ganito" sabi ni Xire na sinuntok ang ring at lumusot ang kamay nito bago sya uminit nang husto.
"Anong binabalak mo" sabi ni Vode na hindi maintindihan ang ginagawa nang kalaban.
"Tama na siguro yan" sabi ni Xire bago inalis ang kamay kasabay nang isang pag-sabog na parang galing sa isang bulkan.
May lumabas na makapal na usok, magma at mga nagliliparan na maliliit na bato mula sa butas.
"Masama to" sabi ni Vode na bumalik na sa dati, dahil natakpan nang usok ang liwanag sa parte nila.
"Ano na ngayon ang gagawin mo?" sabi ni Xire dahil kumakalat na sa ring ang magma.
"Suko na ko" sabi ni Vode dahil isang hakbang nalang nya paatras ay laglag na sya sa ring.
"Sabi ko na" sabi ni Xire na pinatigil ang magma at inipon ito papunta sa gitna nang ring.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tapusin natin agad to" sabi ni Scon na tumakbo na palapit kay Xech.
"Sang-ayon ako, gusto kong mapanood ang laban nang prinsesa at nang Mimic" sabi ni Xech.
"Pano mo to tatapusin agad" sabi ni Scon na nilabas na ang baston nya.
"Ganito" sabi ni Xech na tumalon pataas at tinapik sa likod si Scon.
"Anong?!" gulat na sabi ni Scon bago sya umilaw nang berde.
"Anong nangyari?" tanong ni Scon dahil biglang nagkaroon nang mga salamin paikot sa kanya.
"Ipapayo ko lang sayo na huwag mong basagin ang salamin dahil mapupunta sayo ang mga bubog at baka ikasawi mo pa ito" sabi ni Xech bago dumilim ang paligid dahil sa makapal na usok na nangaling sa gitnang ring.
"Anong nagyayari don?" sabi nito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong nagyayari?!" gulat na sabi ni Reign dahil biglang dumilim.
"Nanggaling kila Xire yung usok" sabi ni Drake na tumingin sa gitnang ring kung saan ay nakorner na si Vode.
"Mukhang tig-isang panalo na ang grupo natin" sabi ni Reign nang makitang nakakulong sa salamin si Scon.
"Pero hindi patas kung ganito" sabi ni Drake na tumingin sa isang clone na tumango bago ito tumalon at naging itim na malaking ibon na may ulo nang aso, paa nang leon at buntot nang peacock.
"Ang tagapagbantay nang Nirvana, nagagamit mo na ang monster form mo!" gulat na sabi ni Reign habang inaalis nang nilalang ang usok at inilalayo sa ring.
"Nawawalan ako nang malay kapag ako mismo, kaya nga yung clone ko ang pinagamit ko non" sabi ni Drake nang muling lumiwanag.
"Mabait ka, pero hindi ako tatanaw nang utang na loob sa laban na ito" sabi ni Reign na naglabas nang dalawang punyal.
"Ayon ang inaasahan ko, prinsesa" sabi ni Drake na tumingin sa mga clones bago isa-isang nagbago ang mga ito.
"Ini-reserba ko talaga to para sa huling laban" sabi ni Drake na katabi ang isang nilalang na gawa sa bato, baging at mga sanga nang puno.
"Tagapagbantay naman nang Weald ngayon" sabi ni Reign na natigilan.
"Hindi naman ako masama kaya isa-isa lang" sabi ni Drake bago umatake ang nilalang na naglabas nang mga buto mula sa bibig nito.
"Malakas sya" isip ni Reign na naglabas nang apoy papunta sa tagapagbantay.
"Sige lumapit ka" sabi ni Reign kaso biglang nawala ang tagapagbantay.
"Mas maikli ang oras na itinagal nya" isip ni Drake.
"Bakit may time-limit ba?" nangaasar na sabi ni Reign.
"Meron nga, mahina pa kasi ang katawan ko para sa monster form" sabi ni Drake na napakamot nang ulo at tumawa.
"Mag-seryoso ka sa laban" sabi ni Reign bago sya nabalutan nang matinding liwanag.
"Talagang inamin nya ang kahinaan nya sa kalaban" isip ni Reign na napailing.
"Wala kong makita" sabi ni Drake na tinakip ang braso sa mata.
"Ano na ang gagawin mo ngayon?" sabi ni Reign bago sunod-sunod na inatake si Drake at yung mga clones na nawala na.
"Nimpo, Shadow Clone Technique" sabi ni Drake na nakapikit na tumalon sa ere bago may lumabas na clone at naging isang malaking itim na ibon na nagpadilim sa paligid.
"Mas mabuti" sabi ni Drake na nakadilat na pero muntikan nang mawalan nang balanse dahil sa pagod at dami nang sugat.
"Nanghihina na sya, kaya ko na siguro syang tulunin kahit madilim ang paligid" sabi ni Reign na nakatingin sa ibon na lumilipad sa taas nang ring.
"Masama to" sabi ni Drake na pinipilit huwag bumagsak.
"Ang tanging paraan lang para hindi ako bumagsak ay ang gamitin ang monster form" sabi ni Drake na nakitang aatake ulit si Reign.
"Bahala na" sabi ni Drake bago sya napaikutan nang itim na enerhiya.
"Anong nangyayari, madilim ang paligid dapat hindi nya nagagamit ang Vestige" sabi ni Reign na napatigil.
"Bumabalik lang sa normal ang lakas nang mga ginagaya nya kapag madilim" sabi nang boses.
"Kung ganon sya mismo ang gagamit nang monster form" sabi ni Reign bago nawala ang clone at lumiwanag na ulit kasabay nang sigawan nang mga tao.
"Nagaya nya rin ang Fatality?!" gulat na sabi ni Reign na nakatingin sa isang nilalang na puno nang dugo ang katawan, may itim na pakpak at dalawang sungay sa mukha ni Drake.
"Talo ka na" sabi ni Drake bago may lumabas na itim na baging sa ilalim ni Reign at pumulupot rito.
"Hindi tumatalab ang normal na apoy" sabi ni Reign dahil hindi nya ito masunog.
"Tapos na ang..." di na natapos ni Drake ang sasabihin dahil bumalik na ito sa dati kasabay nang pagkawala nang baging kay Reign at pagkawalan nya nang malay at bumagsak sa ring.
"Drake!" sabi nang mga kaibigan nya na lumapit sa ring.
"Cobe" tawag ni Reign sa kasama na mabilis naman umakyat at sinuri si Drake
"Ayos lang sya, napagaling ko narin ang mga sugat nya, nasobrahan lang sya sa pagod" sabi nito sa lahat.