Ang Mga Tagapagmana

3476 Words
"Ang tagal mo naman" sabi ni Lian pagkalabas ni Drake. "Pasensya na, sinubukan ko kasi lahat nang pinto" sabi ni Drake. "Ok ka nga lang pala?" tanong ni Naht sa bestfriend nya. "Oo nga, bakit kaya ganon ang nangyari sayo, parang ayaw sayo nang Spirit?" sabi ni Gyn. "Ok lang ako, hindi ko rin alam kung bakit" pagsisinungaling ni Drake. "Ahem" singit nang isang gwardia sa kanila. "Pumasok na yung sunod" dagdag nito na nakatingin kay Lian. "Opo" malungkot na sabi ni Lian dahil may gusto itong itanong. "Anong nangyari don?" tanong ni Drake habang mabagal na naglalakad si Lian sa loob. "Gusto nya kasing itanong kung may nakuha kang monster form" sabi ni Mabe na nilakasan pa ang boses para marinig ni Lian na medyo malapit parin. "Meron" maikling sagot ni Drake sa mahinang boses pero hindi ito nakaiwas sa mga kaibigan nya. "Ano?" tanong ni Worp. "Yung..." sabi ni Drake na di alam ang gagawin. "Yung?" sabi ni Mach. "Yung Vestige" sabi ni Drake na naalala ang una nyang nakuha. "Vestige!" gulat na sabi nang mga kaibigan nya, pati yung mga gwardia ay nagulat din. "Ngayon lang may nakakuha nang monster form nang Vestige" sabi nang isang gwardia na unang nakabawi at tumingin kay Drake. "Siguradong mas magugulat sila kung yung Fatality ang sinabi mo" natatawang sabi ni Viel. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagkalipas nang ilang oras ay natapos na ang lahat at pinagsama-sama lahat nang mga may nakuhang monster form sa gitna nang isang stadium. "Sa wakas nakakuha at nakapasok na sa templo ang lahat nang mga batang nasa tamang edad ngayong taon" sabi nang isang lalakeng tumayong announcer. "At ngayon nga ay oras na para ipakilala ang mga bagong tagapagmana dahil lahat nang mga dating tagapagmana ay nasawi nung nakaraang taon sa pakikipaglaban sa mga halimaw at dahil narin sa kanilang katandaan" dagdag nito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang daming tao" isip ni Drake na nakatingin sa paligid. "Ok ka lang?" tanong ni Naht kay Drake na katabi nya sa pila. "Oo nga pala, ilang ka sa madaming tao" sabi ni Mach na katabi rin si Drake. "Ok lang ako, salamat" sabi ni Drake pero namula na ito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nakakatuwa naman at lahat tayo naging tagapagmana" sabi ni Gyn na katabi si Lian na nakatingin kila Drake na malapit sa kabilang dulo. "Sino yung lalakeng yon? Kahawig nya si Drake magkaiba lang sila nang buhok" sabi ni Lian na nakita ang isang lalakeng malapit sa gitna nang pila. "Oo nga no!" gulat na sabi ni Gyn na nakita rin ang lalake. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Magsisimula tayo sa tagapagmana nang Amplitude, Gyn na mula sa Forest Castle" sabi nang lalake na tinuro si Gyn na umabante sa pila. "Ang tagapagmana nang Brutish, Princessa Lian nang Animal Castle" sabi nang lalake na tinuro si Lian na umabante rin. "Ang tagapagmana nang Crypt, Nera na mula sa Death Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang babaeng may mahaba at itim na buhok at mata. "Ang tagapagmana nang Dawn, Vode na mula sa Life Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang lalakeng may dilaw na buhok at puting mata. "Ang tagapagmana nang Ensanguined, Boa na mula sa Death Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang lalakeng may pulang buhok at itim na mga mata. "Ang tagapagmana nang Gust, Princesa Aises nang Wind Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang babaeng may pink at mahabang buhok at violet na mga mata. "Ang tagapagmana nang Hail, Frae na mula sa Water Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang lalakeng may puting buhok at bughaw na mata. "Ang tagapagmana nang Inferno, Prinsipe Xire nang Fire Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may pulang buhok at mga mata. "Ang tagapagmana nang Juggernaut, Prinsipe Lantis nang Death Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may tansong buhok at itim na mga mata. "Lantis pala pangalan nya at prinsipe sya nang Death Castle" isip ni Lian na nakatingin kay Lantis. "Ang tagapagmana nang Knowledge, Xech na mula sa Life Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may tansong buhok at puting mga mata. "Ang tagapagmana nang Lightning, Van na mula sa Land Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may dilaw na buhok at brown na mga mata. "Ang tagapagmana nang Mystic, Worp na mula sa Animal Castle" sabi nang lalake na tinuro si Worp. "Ang tagapagmana nang Nirvana, Kaly na mula sa Wind Castle" sabi nang lalake na tinuro ang babaeng may mahabang light blue na buhok at violet na mga mata. "Ang tagapagmana nang Ocean, Prinsipe Dron nang Water Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may mahabang bughaw na buhok at mga mata. "Ang tagapagmana nang Panacea, Cobe na mula sa Life Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may berdeng buhok at puting mga mata. "Ang tagapagmana nang Quake, Prisipe Dale nang Land Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may brown na buhok at mga mata. "Ang tagapagmana nang Radiant, Scon na mula sa Fire Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may brown na buhok at pulang mga mata. "Ang tagapagmana nang Spirit, Ang Angelic Child, Princesa Reign nang Life Castle" sabi nang lalake na tinuro ang babaeng may mahabang puting buhok at mga mata. "Ang tagapagmana nang Taboo, Gail na mula sa Land Castle" sabi nang lalake na tinuro ang lalakeng may itim na buhok at brown na mga mata. "Ang tagapagmana nang Ultra, Mach na mula sa Forest Castle" sabi nang lalake na tinuro si Mach. "Ang tagapagmana nang... Totoo ba to?" sabi nang lalake na tinitigan ang papel dahil hindi makapaniwala. "Sa unang pagkakataon, ang tagapagmana nang Vestige, Ang Mimic, Drake na mula sa Forest Castle" sabi na tinuro si Drake. Hindi katulad nang mga nauna na nagpapalakpakan ang mga tao ngayon ay nanahimk sila at nakatingin kay Drake. "Vestige" sabi ni Lantis na tumingin kay Drake. "Kahawig mo sya Lantis" sabi ni Xire sa katabi. "Hindi ah, mas may itsura naman ako kaysa sa kanya" sagot ni Lantis "Ibang klase, natahimik silang lahat" sabi ni Lian. "Kahawig nga nya si Prinsipe Lantis" isip ni Nera na nakatingin kay Drake. "Magpapatuloy na po tayo... Sunod ang tagapagmana nang Weald, Prinsipe Naht nang Forest Castle" sabi nang lalake na tinuro si Naht. "Ang tagapagmana nang Xeno, Mabe na mula sa Animal Castle" sabi nang lalake na tinuro si Mabe. "Ayos ka lang?" tanong ni Naht sa kaibigan na medyo nakayuko dahil nasa kanya parin ang pansin nang mga tao. "Ayos lang" sagot ni Drake. "Anong ayos eh, pulang-pula ka na dyan" pang-aasar ni Mach sa katabi. "Oo nga" sabi ni Mabe. "Mukhang mahiyain ang nakakuha nang Vestige" isip ni Reign na nakatingin sa tatlo. "Ang tagapagmana nang Yore, Tiven na mula sa Wind Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang lalakeng may brown na buhok at violet na mata. "At ang huli, ang tagapagmana nang Zircon, Crysa na mula sa Water Castle" sabi nang lalake na tinuro ang isang babaeng may puting buhok at bughaw na mga mata. "Dahil kumpleto ang mga elemento na dapat makuha, napagkasunduan nang mga hari na magdaos nang tournament sa pagitan nang mga tagapagmana" sabi nang lalake "Ayos yon" narinig nilang sigaw ni Lian na nangibabaw sa sigaw nang mga tao. "Ang tournament ay idadaos bukas at ito ay by group, tatlo bawat grupo" sabi nang announcer na tinatapos na ang program. "Napansin ko lang Drake, magkahawig kayo nung Prinsipe Lantis" sabi ni Mabe habang nag-titipon tipon ang mga tagapagmana. "Napansin ko rin yon" sangayon ni Mach. "Yung tagapagmana nang Juggernaut?" sabi ni Drake na sinubukang hanapin si Lantis. "Teka lang, sobra tayo nang isa" sabi ni Naht na naalala ang sinabi nang announcer. "Drake!" narinig nilang sabi ni Lian mula sa likod, kaya nakaiwas ulit si Drake kaso hindi bumagsak si Lian dahil nakatambling ito at maayos na nakatayo ulit. "Ano nang gagawin natin prinsipe, sobra tayo nang isa" sabi ni Gyn na lumapit narin. "Kami eksakto lang" sabi ni Lian habang lumalapit sila Worp at Mabe. "Mabuti pa kami nalang ang lalaban prinsipe, baka mapahamak kapa" sabi ni Drake na nakatingin kay Naht. "Hindi naman ako papayag sa ganyan, ninja rin naman ako sa Forest Castle" sabi ni Naht. "Sang-ayon ako sa sinabi ni Drake, pero kung gustong lumaban nang prinsipe wala tayong magagawa kundi magbunutan nalang" sabi ni Mach na naglabas nang papel at ginawang tatlong hindi magkakasinglaking patpat. "Kung sino ang makakakuha nang maliit na patpat ang mahihiwalay" sabi nito bago kumuha nang isa sila Drake at Gyn. "Si Drake ang mahihiwalay" sabi ni Naht nang pinagtabi-tabi nang tatlo ang nakuha nila. "Excuse me" narinig nilang sabi nang isang boses. "Prinsipe Xire" sabi ni Naht nang makita ang lalake kasama si Scon. "Napansin naming sobra kayo Prinsipe Naht, itatanong ko lang at kung pahihintulutan nyo. Pwede bang sumama sa grupo namin ang isa sa inyo?" sabi ni Xire. "Sumama?" sabi ni Naht na tumingin sa mga kasama. "Sige, wala naman sigurong masama kung sasama sa grupo nyo si Drake" sabi ni Naht na tumingin kay Xire "Maraming salamat, teka lang ang Mimic ang ihihiwalay nyo?!" gulat na sabi ni Xire na tumingin kay Drake. "Bakit ayaw mo ba sa kanya?" tanong ni Naht na tumingin kay Drake. "Hindi naman sa ganoon, pero sigurado kang sya yung ihihiwalay nyo?" sabi ni Xire. "Nagbunutan kasi sila, ok lang yon malalakas din naman sila Mach at Gyn" sabi ni Naht na lumapit sa dalawa. "Ganon ba, sige kita nalang tayo bukas Drake. Una na kami Prinsipe Naht at salamat ulit, Prinsesa Lian" paalam ni Xire sa dalawang dugong bughaw. "Hangang bukas, Prinsipe Xire" sabi ni Naht bago umalis si Xire kasama si Scon. "Tayo na, para makapagsanay" yaya ni Lian nang makaalis na ang dalawa. "Sige" sabi ni Naht bago sila umalis. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Kinahapunan... "Dahil sa tournament bukas hindi kami binigyan nang misyon" sabi ni Drake na nasa loob nang gubat. "Pero siguradong dadami ang misyon namin ngayon" sabi nito na sinigurong walang tao sa paligid. "Mabuti pa simulan ko na ang pag-sasanay, siguradong nagsisimula narin yung iba" sabi ni Drake bago gumawa nang simbolo gamit ang kamay. "Nimpo, Shadow Clone Technique" sabi ni Drake bago may lumabas na madaming kopya nya sa paligid. "Umatake kayo nang sabay-sabay" sabi ni Drake na parang may hawak na sandata sa kamay bago sunod-sunod na umatake ang mga kopya. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Dad naman, paano ako makakapag-sanay nang maayos kung may kasama ko" napa-iling na inalala ni Naht na tumingin sa isang kawal na nasa likod nya Sya ngayon ay nasa labas nang kastilyo, di muna sya pinapalayo nang kanyang ama dahil hindi pa daw nya master ang kanyang kakayahan. "Hindi pala master ah" isip ni Naht na naka-isip nang paraan, palihim syang gumawa nang simbolo mula sa kamay at ... "Tutal nandito ka rin naman, tulungan mo ko sa training" sabi ni Naht na hinarap ang kawal. "Pero kamahalan" sabi nang kawal na nag-dadalawang isip. "Ayaw mo?" sabi ni Naht na tinignan nang masama ang kawal. "Hindi naman po sa ganoon" sabi nang kawal. "Eh ano pang hinihintay mo, atake na" sabi ni Naht na naghanda na, naglabas ito nang isang maliit na patalim na gamit nang ninja. "Kumagat" isip ni Naht nang umatake ang kawal. "Kamahalan!" gulat na sabi nang kawal dahil hindi umiwas si Naht at nasaksak nya ito. "Salamat" sabi ni Naht na ngumiti bago sya naging kahoy. "Naisahan nya ko" sabi nang kawal na napakamot nang ulo at tumingin sa paligid. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ngayon mapapakita ko narin sa hari kung gaano ako kalakas at hindi lang si Drake ang malakas na ninja" sabi ni Mach bago tumalon at umikot sa ere kasabay nang pag-bato nang mga maliliit na patalim sa mga target na kahoy. "Hindi lang alam ni Drake na talagang sinadya ko na sya ang mahiwalay" sabi ni Mach na naglanding na sa lupa. "Sigurado ka ba? Naririnig kong dati pa na malakas ang Mimic" sabi nang isang boses. "Sa tournament lang naman yon LUKE, isa pa gusto ko ring makaharap sa seryosong laban si Drake" sabi ni Mach na tumingin sa mga basag na target mula sa gitna. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sino kaya ang mananalo bukas?" sabi ni Gyn na nakatingin sa mga nakakalat na target na kahoy sa paligid. "Madaming mahirap na kalaban don" sabi nito bago nagpalutang nang mga bato na eksakto sa bilang nang mga target, bago ito mabilis na itinira sa mga target. "Pero mahirap rin naman kaming kalaban" sabi nito na tumingin sa mga basag na target. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ano kayang mangyayari bukas?" tanong ni Lian sa kasama nyang mag-training. "Bukas, siguradong talo ka kapag nagharap ang Animal at Forest" sabi nang kasama nya. "At bakit naman?" tanong ni Lian. "Dahil siguradong itatapat nang prinsipe sayo si Drake" sabi nang kasama nya bago tumawa. "Kung sabagay, tama ka" sabi ni Lian na namula. "Kaso si Drake ang inihiwalay nila kaya ligtas ako" sabi ni Lian na napatawa. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ako makapaniwalang nakuha ko ang Xeno" sabi ni Mabe na tumingin sa kamay bago ito ginawang bakal at sinuntok ang malapit na bato na nabasag. "Ito ang pinapangarap kong elemento" sabi ni Mabe na binalik sa dati at naglabas nang scroll at binuksan kasabay nang paglabas nang mga sandata dito papunta sa isang puno. Pero lumiko ito at umikot kay Mabe. "Bagay to sa uri nang pakikipaglaban ko" sabi ni Mabe na itinapat ang dalawang kamay sa magkabilang puno na sinunod naman nang mga sandata, nahati ito sa dalawa at tumama sa puno. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ko alam ang gagawin ko bukas" sabi ni Worp na nakaupo sa isang bato. "Bakit kasi hindi Radiant ang nakuha ko" sabi nito "Bakit parang pakiramdam ko ayaw mo samin nang elemento?" sabi nang isang boses. "Hindi naman sa ayaw ko MIKE pero bagay saming mga ninja ang Radiant" dagdag nito bago nahiga. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Talaga, pwede na daw akong lumabas?" hindi makapaniwalang sabi ni Reign. "Oo kaso sa vicinity lang daw nang Life Castle" sabi ni Cobe. "Ok narin yon, matagal ko nang gustong mamasyal sa labas" excited na sabi ni Reign na hinila si Cobe. "Teka lang prinsesa, hindi ba muna kayo magsasanay" sabi ni Cobe na halos kaladkarin ni Reign. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Mukhang masaya ka sa nakuha mong elemento" sabi ni Xech sa kasama na kanina pa nagbabasag nang bato gamit ang laser nya. "Syempre ito ang pinakabagay na elemento na magrepresenta sa Life Castle" sabi ni Vode na tumira ulit nang laser sa isang bato na bumasag rito. "Isa pa..." sabi nito na tumingin kay Xech na kanina pa hawak ang isang baril na kanina parin nya ni-reremodel. "Hindi lang naman ako ang masaya sa nakuhang elemento" dagdag nito dahil parang bata si Xech. "Nakakatuwa kasi ang kakayahan nang Knowledge, isa pa eto talaga ang gusto kong elemento" sabi ni Xech na tinutok ang baril sa isang may kalakihang bato at pinaputok "Wow" sabi ni Vode dahil naging abo agad ang bato, ni walang pag-sabog na narinig. "Yun lang ang masasabi mo? Wow" tanong ni Xech bago tumawa kasama si Vode. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ko sya kamukha" sabi ni Lantis sa dalawang kasama nyang mag-training, sila ay nasa dungeon nang kastilyo. "Pero prinsipe hindi lang kami ang nakahalata" sabi ni Boa na may hawak na malaking espada. "Oo nga kamahalan, pati ang ibang tagapagmana" sabi ni Nera na napapalibutan nang itim na parang usok. "Kung ganon pare-pareho kayong mga malalabo ang mata" sabi ni Lantis na hinawakan ang dingdeng. "Rock moster, come forth" sabi nito bago unti-unting nagbago ang dingdeng hangang sa maging malaking halimaw ito na gawa sa bato, ito ay mukhang daga na may bahay nang pagong sa likod. "Atakihin mo sila" sabi ni Lantis bago pumasok sa bahay ang halimaw at napalitan nang matutulis na bato bago umikot papunta sa dalawa. "Teka lang prinsipe, training lang to" sabi ni Boa dahil mukhang seryoso na si Lantis. "Alam ko, kaya nga susubukan ko kung hangang saan ang kaya nyo" sabi ni Lantis habang pinapanood si Boa na umiiwas, si Nera naman ay nag-anyong dilim na parang usok para hindi tamaan. "Hindi nyo ata alam kamahalan na lumalakas ang Ensanguined kapag nasusugatan ito" sabi ni Boa bago pinapunta sa espada nya lahat nang dugo na nanggagaling sa sugat nya bago pinutol ang mga talim nang halimaw, kasabay nang paggaling nang mga sugat nya. Pag-katapos non ay kumilos na si Nera, pinaikutan nya ito at nilamon nang dilim nya ang halimaw. "Magaling, isa pa" sabi ni Lantis na itatapat sana ang kamay sa apoy kaso. "Tama na yan Lantis, kailangan nyong tatlo ang lakas nyo para bukas" sabi nang isang babae na nasa hagdan. "Opo" sagot ni Lantis itinigil ang dapat gagawin bago umakyat nang hagdan. "Ok lang kayong dalawa?" tanong nito sa dalawa. "Ok lang po kami mahal na reyna" sabi ni Nera na bumalik na sa dati. "Mag-pahinga na kayo" sabi nito bago umakyat. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sana makaharap ko bukas ang Vestige" sabi ni Dale na nakatingin sa kawalan. "Hindi nyo alam ang sinasabi nyo kamahalan" sabi ni Gail. "Sangayon ako kay Gail, kamahalan" sabi ni Van. "Bakit kayo, ayaw nyo ba syang kalabanin?" tanong ni Dale sa dalawa kaso natahimik lang ang mga ito at nagkatinginan. "Sinasabi kasi nang mga matatanda na kaya nyang kopyahin ang kilos o maging kakayahan nang sino man" sabi ni Van na tumingin kay Dale. "Sinabi rin nila na mawawala ang ano mang kakayahan mong makokopya nya" sabi ni Gail. "Pati daw elemento kaya nyang kopyahin" sabi ni Van bago tumawa si Dale. "Sino may sabi nang mga yan?" sabi ni Dale sa pagitan nang pag-tawa. "Yung mga matatanda dito" sabay na sabi nila Van at Gail. "May nakita akong lumang libro sa kwarto ni ama, nakasulat don na kaya nga nang Vestige na kopyahin ang kilos, kakayahan o maging elemento nang kalaban nya pero hindi ito mawawala sa orihinal" sabi ni Dale bago muling tumawa at napakamot nang ulo ang dalawa. "Isa pa nakalagay don na mahiyain at ayaw sa laban nang mga Mimic, kaya siguro ito naka-tungo kanina kasi nahihiya. Siguradong susuko ito agad sa laban" isip ni Dale. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sa tingin nyo sino ang makakalaban natin bukas?" tanong ni Dron sa mga kasama, sila ngayon ay nasa ilalim nang tubig malapit sa Water Castle. "Kahit sino kamahalan, huwag lang ang grupo kung nasan ang Mimic" sabi ni Frae. "Oo nga kamahalan, mahirap kalabanin ang Mimic" sabi ni Crysa "Tama kayo sa sinabi nyo, ayaw ko rin namang kalabanin yon" sabi ni Dron. "Isa pa ang Animal at Forest Castle ang tirahan nang mga ninja, kaya bukod sa elemento nila ay may mga ninja techniques pa sila" dagdag nito. "Oo nga pala" sabi ni Crysa. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Wala ba kayong balak mag-training? Baka unang laban bukas talo kayo agad" tanong nang isang babae na nakita ang tatlong nakatambay. "Ma naman, tapos na po kaming mag-training" sabi ni Aises na nakatingin sa ina. "Anong tapos na eh hindi ko pa kayo naki..." sabi nang reyna, kaso natigilan ito nang makita si Tiven at ang ngiti nang tatlo. "Sige na, tapos na kung tapos. Magpahinga na kayo mamaya" sabi nang reyna bago umalis. "Opo" habol na sabi ni Aises. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ako makapaniwalang ang Mimic ang makakasama natin bukas" sabi ni Xire kay Scon na kasama nyang mag-training. "Siguradong malaki ang maitutulong nya sa grupo natin kamahalan" sabi ni Scon na sinalubong ang apoy ni Xire bago ito nawala at kasunod nang pagtira nito nang enerhiya papunta kay Xire. "Hindi parin tayo sigurado, malay mo magbago ang isip ni Prinsipe Naht" sabi ni Xire na umiwas bago muling nagtira nang apoy. "Pero kung hindi ang Vestige, isa sa Ultra at Amplitude ang makakasama natin. Parehong malakas din ang dalawa" sabi ni Xire na umatake gamit ang espada nya at nakorner nito si Scon. "Ang bilis nyo parin kamahalan" sabi ni Scon habang nakaharang ang espada nya sa espada ni Xire. "Hindi ka kasi naka-focus sa laban" sabi ni Xire na lumalayo na kay Scon. "Mabilis ka rin naman, kulang ka lang sa strategy" dagdag nito na nilalagay na ang espada nya sa lalagyan. "Mabuti pa mag-pahinga na tayo" sabi nito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Pagabi na pala" sabi ni Drake nang mapansing malapit nang dumilim. "Mabuti pa umuwi na ko para makapagpahinga" sabi nito na nag-simula nang ayusin ang mga gamit. "Hindi mo man lang ba ako susubukan?" narinig nyang sabi nang isang boses. "May natitira pa palang clone" sabi ni Drake na tumayo. "Sige na umatake ka na" hamon ni Drake na naghanda na. "Sige" sabi nang clone bago ito naglabas nang itim na apoy at itinira kay Drake. "Hinde!" sigaw ni Drake kasabay nang pagbangon. "Panaginip lang pala" sabi ni Drake na napahawak sa ulo. "Nakatulog pala ko, mukhang hindi pa kaya nang katawan ko ang pag-gamit sa monster form nang matagal" sabi nito nang makitang madilim na. "Mabuti pa umuwi na ko, baka hinahanap na ko" sabi nito bago kinuha ang gamit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD