Imbitasyon Sa Tournament (Part 1)

2691 Words
Pagkalipas nang dalawang buwan... "Buti naman at hindi na umatake si Luis" sabi ni Anne, sila ngayon ay nasa bahay ni Ivan at kumakain. "Kaso kailangan parin nating talunin yung mga taong natamaan nang ilaw dati" sabi ni Ivan bago kumagat sa hawak na burger. "Oo nga" sabi ni Kier na siniko si Ivan at ininguso ang isang direksyon. "Ang sweet naman" sabi ni Ivan dahil nagsusubuan sila Nick at Jen. "Kayo naman, nahiya tuloy" sabi ni Elizabeth dahil tumigil na yung dalawa. "Di na mabiro, okay lang yon samin ipagpatuloy nyo na" sabi ni Robert na nakangiti. "Uy! Ang tahimik mo naman" sabi ni Shane na kinalabit si Sherwin na nakatingin sa labas. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit gusto nya kong patayin" sabi ni Sherwin sa malungkot na boses nang tumingin kay Shane. "Oo nga, di ba lalabas yung Demonyo kapag namatay ka?" sabi ni Alex bago gumagat sa hawak na burger. "Kaya nga naguguluhan ako" sabi ni Sherwin na hindi parin nagagalaw ang hawak na pagkain. "Tama na nga yan, hindi ako sanay na ganyan ka" sabi ni Anne. "Oo nga, dati kahit tahimik ka e palangiti ka naman" sabi ni Phoebe. "Sangayon ako, masyado kang seryoso ngayong nakalipas na lingo" sabi ni Elizabeth. "Masyado mo kasing ini-isip yung nagyari dati" sabi ni Ivan na nakatitig sa burger na hawak ni Sherwin. "Pano ko hindi iisipin yon, pano kung sa inyo ko yon magawa, tapos sumabay pa si Luis" sabi ni Sherwin. "At nalaman ko pa kung paano ko nakuha ang Vestige" isip ni Sherwin. "Hindi ko rin maintindihan kung paano pa sya nabuhay sa mga pinsalang nagawa mo, tapos nagbago pa yung itsura nya" sabi ni Aira na kanina pa nakatitig sa hawak nyang burger. "Sa wakas, nagsalita karin" sabi ni Anne sa katabi. "Ehem" singit ni Ivan sa usapan kaya napatingin sa kanya lahat. "Sherwin, Aira pwede bang akin nalang yang burger nyo kung hindi nyo kakainin" sabi ni Ivan sa dalawa. "Ano?! Diba nakalima kana?!" gulat na sabi ni Kier sa katabi. "Masyado kasi kayong seryoso, hindi na nga nagpaparamdam pinag-uusapan nyo pa" sabi ni Ivan. "Eto oh" natatawang sabi ni Sherwin na iniabot kay Ivan ang hawak nyang burger bago biglang bumukas ang tv sa kwarto ni Ivan. "Anong!" gulat na sabi ni Ivan dahil kitang-kita nyang hindi nakasaksak ang tv. "Diba ayan yung presidente?" sabi ni Aira na nakatingin sa tv at sa babaeng tinututukan nang camera "Nananawagan ako sa mga mamamayang Pilipino, sa lahat nang taong pwedeng kumatawan sa ating bansa para sa isang tournament na gaganapin sa susunod na lingo. Ang mga detalye ay sasabihin nang mamamahala sa nasabing tournament" sabi nang pangulo nang Pilipinas bago napalitan ang screen. "Luis!" sabay na sabi nang lahat na nakatingin sa tv. "Magandang araw, ang pangalan ko ay Luis Cruz. Inaanyayahan ka ang Pilipinas na sumali sa aking tournament na gaganapin sa bagong isla na lalabas malapit rito sa Pilipinas. Alam ko namang wala talagang mandirigma sa panahong ito kaya pinadala ko sa dalawa kong alagad ang pwede nyong magamit para makapili kayo nang inyong ipapadala. Lahat pwedeng sumubok basta walang kinakatakutan at handang mamatay. Syam ang aking tatanggapin bawat bansa at siguraduhin nyong makakayanan nila ang mga laban. Dahil siguradong malalakas rin ang mga ipadadala nang mga ibang bansa, mas makakabuti kung hindi bababa sa Class B ang inyong ipadadala. Paalala lang pasasabugin ko ang bansang hindi lalahok sa aking tournament, tulad nito" sabi ni Luis bago lumipat ang camera kay Boast na nasa isang bakanteng lote bago nya hinawakan ang lupa at biglang sumabog at pinakita ang isang malaking crater at nasa gitna si Boast. "Kaya ko yang gawin sa isang buong bansa. Hihintayin ko ang inyong ipapadala para kumatawan sa inyong bansa apat na araw mula ngayon. Ipapakita nang dalawa kong alagad kung anong gagawin nyo" sabi ni Luis bago lumipat ang camera kila Pride at Gluttony na nasa Malacañang Palace. "Gutom na ko" sabi ni Gluttony na hawak ang tyan. "Di ka pwedeng kumain hangat nasayo ang device" paalala ni Pride na ipinasok ang kamay sa bunganga ni Gluttony. "Gluttony" mahinang sabi ni Pride dahil sinara nito ang bunganga nang nandoon pa ang kamay nya. "A... en... ya... a" sabi ni Gluttony na binukas ang bunganga at nilabas na ni Pride ang brasong may hilang bato at hinagis sa bakanteng lote sa malapit. Pagbagsak nito sa lupa ay dumami ito at naging parisukat na stage na gawa sa bato. "Sa stage nayan lalaban ang mga tao, tutungtong lang sila don at lalabas na ang projection image nang halimaw na kasing lakas nila. Ang mga halimaw ay mula sa Class F na pinaka-mahina hangang Class S na pinakamalakas. Dapat din palang ibigay ang pangalan nang mga kalahok isang araw bago ang tournament, pwede silang gumamit nang costume pero dapat ay walang takip ang mukha nila" sabi ni Pride habang naglalakad paakyat sa stage bago may lumabas na isang Class S na halimaw at kasunod ang paglabas nang hangin na naghati sa halimaw bago bumalik sa presidente ang camera. "Nananawagan ako sa mga taong may lakas nang loob na lumaban sa tournament, pumunta kayo rito sa Malacañang bukas at subukan ang device para sa ating bansa. Bukas ang lugar ano mang oras na maisip nyo simula bukas nang umaga" sabi nang Presidente bago nawala ang transmition at namatay ulit ang tv. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Tournament? Anong iniisip ni Luis" sabi ni Robert dahil tulala parin ang mga kasama nya. "Siguro ayon ang gagawin nya para mapag-samasama ang mga tagapagmana" sabi ni Nick. "Teka lang sino yung dalawang lalake kanina?" tanong ni Ivan. "Narinig kong tinawag nyang Gluttony yung isa" sabi ni Anne. "Anong klaseng pangalan yon?" sabi ni Elizabeth. "Hindi kaya yung dalawang yon ay myembro nang Oni" sabi ni Drake. "Oni?" isip ni Sherwin. "Nababalitang may sariling hukbo si Lantis rati na tinawag nyang Oni, kaso palihim itong kumikilos at tanging si Lantis lang ang nakakaalam nang mga kasapi nito" sabi ni Drake. "Pano yan, hindi pwede ang ninja costume natin" sabi ni Kier. "Oo nga kailangan natin nang bagong costume, akong bahala ibigay nyo muna sakin yung mga relos nyo" sabi ni Shane. "Para namang sigurado kayong lahat kayo papasok" sabi ni Phoebe. "Sino pa ba ang pwedeng lumaban na makakatapat samin" sabi ni Shane habang ibinibigay nila Sherwin ang relos sa kanya. "Kami" sabi ni Jen. "Kayo?!" gulat na sabi ni Nick na tumingin sa katabi. "Meron naman kaming kakayahan, ayon siguro yung side effect nang matamaan nang ilaw" sabi ni Phoebe na kinuha ang isang upuan at sinira ito gamit ang kanyang kamay. "Oo nga" sabi ni Elizabeth na tumayo bago biglang napunta sa kabilang gilid nang kwarto. "Pati ikaw?" sabi ni Nick na nakatingin kay Jen pero hindi ito sumagot sahalip ay naghagis ito nang isang burger sa ere bago ikinilos ang mga kamay na parang humiwa sa direksyon nito. "Wow" sabi ni Kier dahil hati na yung burger nang bumagsak bukod pa sa nagliliyab ito. "Anong masasabi nyo sa kakayahan namin?" tanong ni Phoebe sa mga nakatulalang kasama. "Mahal yung upuang sinira mo" sabi ni Ivan na nakatingin sa sirang upuan. "Pasensya na" sabi ni Phoebe na napakamot nang ulo. "Kung meron kayo, ibig sabihin meron din yung iba na napabalik natin sa dati" sabi ni Aira. "Oo nga, edi madami din pala tayong makakalaban para sa posisyon" sabi ni Robert na nag-inat. "Hindi rin, dahil mas malakas ang class nang halimaw na lalabas sa atin" sabi ni Alex na eksaktong umiwas sa unan na ibinato ni Elizabeth kaya tumama ito kay Anne. "Ah ganon" sabi ni Anne bago kumuha din nang unan at ibinato, hangang sa lahat na sila ay kasali bukod kay Sherwin na naglagay nang barrier. "Hindi kaya patibong ito para sa mga tagapagmana" isip ni Sherwin habang nasa loob nang barrier. "Posible yon" sabi ni Drake. "Madaya ka Sherwin" singit ni Phoebe nang mapansing walang tumatama kay Sherwin. "Oo ng..." hindi na natapos ni Robert ang sasabihin dahil tinamaan sya nang unan sa mukha. "Wala ka na bang ibang alam tungkol sa mga Oni?" isip ni Sherwin na hindi pinansin ang mga nangyayari sa labas nang barrier. "Hindi ako alam ang mga pangalan nila, pero walong miembro ang mga Oni at nakakagamit sila nang mga elemento na kagaya nang mga tagapagmana" sabi ni Drake. "Kung ganon kasali si Luis sa tournament" isip ni Sherwin. "Siguro nga" sabi ni Drake. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Kinabukasan... "Itutuloy ko ba to?" sabi ni Sherwin matapos nyang magbihis para umalis. "Kita nalang tayo don bukas, eto na pala yung mga relos nyo" inalala nyang sabi ni Shane bago sila maghiwa-hiwalay kahapon. "Pano naman kami?" tanong ni Phoebe habang inaabot ni Shane kila Sherwin ang relos. "Gagawa palang ako, wala na kasing oras kanina" sagot ni Shane. "Mabuti pa dun nalang tayo magkita-kita at pumila nang magkakahiwalay" sabi ni Nick. "Bakit?" sabi ni Anne na nagtataka. "Magmumukha tayong highschool na namamasyal at gusto lang maki-usyoso, baka paalisin agad tayo nang hindi pa nakakasubok" paliwanag ni Nick. "May punto ka don" sabi ni Alex. "Ok, kita nalang tayo don bukas" sabi ni Sherwin bago sila naghiwa-hiwalay. "Aalis ka? Walang pasok ngayon diba?" magkasunod na tanong ni Liza nang mag-paalam ito. "May pupuntahan lang po kami nang mga kabarkada ko" sabi ni Sherwin na sandaling natigilan. "Saan kay..." sabi nang tita nya kaso. "Bilisan mo magsisimula na ang paghahanap" singit ni Eric na nakaupo sa sofa at nasa harap nang tv. "Sige na nga pinapayagan na kita, pero mag-ingat kayo" sabi ni Liza na naglakad na papunta sa sofa. "To, aalis n..." di na natapos ni Sherwin ang sasabihin dahil nakita nyang nakapila na sila Nick at Jen na magkasunod sa dulo nang pila. "San ka pupunta, manood ka nalang nang mga magtatry-out para sa tournament" sabi ni Eric na tumingin kay Sherwin. "Po... Hinihintay na po kasi ako nang mga kasama ko" sabi ni Sherwin na nakatingin sa tv habang umaakyat nang stage ang pinakamagaling na boksengero nang Pilipinas. "Umakyat na po si Manny at Class B ang lumabas" sabi nang reporter. "Sige po alis na po ako" paalam ni Sherwin bago sya lumabas. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Class B lang si Manny" sabi nang nasa harapan ni Nick. "Ibig sabihin mas malakas ako sa kanya dahil siguradong Class A ako" dagdag nito bago tumawa. "Tumingin ka sa likod mo" sabi nang nasa unahan nito. "Anong ginagawa nang mga bubwit nayan dito" sabi nang lalake pagkatingin kila Nick at Jen. "Pabayaan mo na, dahil siguradong Class F lang ang mga yan" sabi nang isa pa bago sila nagtawanan. "Baka nga wala pang lumabas" dagdag nang isa. "Huminahon ka" sabi ni Jen kay Nick na nasa likod nya. "Tama ka at baka makapatay pa ko" sabi ni Nick sa mahinang boses. "Mukhang tulog pa yung iba" sabi ni Jen na iniba ang usapan at tumingin sa likod nang pila. Nandoon na sila Aira, Alex, Phoebe, Robert at Anne na kasalukuyang nasa dulo nang pila. "Tulad nang inaasahan nang lahat, natalo ni Manny ang halimaw" narinig nilang sabi nang announcer habang bumababa ang lalake sa stage. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang aga naman nila Nick..." sabi ni Aira dahil sa dami nang taong pagitan nila. "...at mukhang tinanghali ang iba" dagdag nito nang hindi makita ang iba nilang kasama sa pila. "Sigurado ka ba rito, Ineng?" narinig nyang sabi nang nasa likuran nya. "San po?" tanong ni Aira habang umaakyat ang sunod at umusad ang pila. "Class E" sabi nang announcer nang lumabas ang halimaw. "Sa ginagawa mo?" tanong nang lalake. "Sigurado nga ba ko?" isip ni Aira na nakatingin sa lumalaban. "Huwag kang matakot wala nang ibang magandang ilaban sa tournament ni Luis kundi ang mga tagapagmana" sabi ni Reign. "Kung sabagay eksakto rin naman yung bilang namin" isip ni Aira. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Kaming syam lang ata ang makakalaban nang Class S" isip ni Alex na nakatingin sa lumalaban. "Sigurado yon dahil ginawa ni Luis ang tournament para pagsama-samahin ang mga tagapagmana" sabi ni Tiven. "Natalo sya nang halimaw" narinig nyang sabi nang announcer. "Pero pano yung mga natamaan nang ilaw mula sa mga elemento" isip ni Alex dahil nakita nyang pumila si Carlos. "Siguradong hindi na sila tataas sa Class A" sabi ni Tiven. "Ang susunod ay..." sabi nang announcer bago umusad ang pila "...walang lumabas" dagdag nito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nasan na kaya yung iba" sabi ni Phoebe na nakatingin sa mga nakapila. "Parang si Marie yon ah?" sabi nito nang makitang pumila ang kaklase. "Kung sabagay pwedeng may kakayahan rin sya tulad namin" isip nito bago tumingin ulit sa lumalaban. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Ang haba agad nang pila" sabi ni Robert na lagpas isang dosenang tao ang pagitan kay Phoebe. "Sana pala mas inagahan ko pa" sabi nito bago umusad ang pila. "Paano kasi halos kalahating oras ka sa salamin" sabi ni Naht. "Syempre live coverage kaya to, kung hindi man ako makasali sa tournament siguradong may kukuha naman sakin para mag-model o mag-artista" isip ni Robert. "Live Coverage? Model? Artista?" sabi ni Naht kaso hindi na sya pinansin ni Robert. "Class C" narinig nyang sabi nang announcer. "Wala pang tumataas sa Class B" sabi ni Robert. "Huwag kang mag-alala hijo ako yon sigurado" sabi nang guro nila Sherwin na si Dennis, ito ay nasa harapan nya. "Sino nga ba tong lalakeng to? Parang nakita ko na sya?" isip ni Robert na nag-isip habang nakatingin sa lalake. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Naiinip na ko" sabi ni Anne dahil wala syang makausap, suot nito ang ninja costume nya pero naka-alis ang takip sa mukha. "Ang susunod ay..." sabi nang announcer bago umusad ang pila "Class F" "Hindi ba pwedeng bilisan to" isip ni Anne bago nya narinig na tumawa si Lian. "Bakit ka tumatawa?" isip ni Anne "Wala" sabi ni Lian sa pagitan nang pagtawa. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Mukhang hinihingal kayo ah" sabi ni Kier sa kadarating na si Shane habang kasunod nito si Elizabeth na ngayon ay dulo na nang pila. "Tinakbo kasi namin papunta rito" sabi ni Shane na nakayuko at nakalagay ang mga kamay sa tuhod. "Wala na kasing makapasok na sasakyan dito" sabi ni Elizabeth na di napigilang mapaupo sa sahig. "Sunod ay..." narinig nilang sabi nang announcer "Wow, Class A" sabi nito na ikinagulat nang lahat. "Class A!" sabay na sabi nang tatlo na napadiretso at tumingin sa may stage at nakita nila ang isang lalakeng may dalang samurai. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Class A, ibig sabihin mababa" dismayadong sabi nang lalake na nilabas na ang kanyang samurai bago inatake ang lumabas na halimaw. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Class A, mas malakas pa sya sakin" sabi ni Manny na nanonood nang laban. "Madame President" tawag nang isang lalake sa Presidente na nanonood katabi si Manny. "Bakit?" tanong nito na nilingon ang tumawag pagkatapos nang laban. "Dumadami po yung mga teenedyer na nakapila" sabi nang lalake habang bumababa nang stage ang lalakeng may samurai. "Mga bata talaga ngayon puro mapupusok, pati babae nakapila rin" sabi ni Manny nang makita si Jen na malapit na sa stage. "Anong gusto nyong gawin namin madame?" tanong nang lalake. "Pabayaan nyo na sila, sinabi ko naman na lahat pwedeng sumubok" sabi nang Presidente. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Sherwin" tawag ni Ivan nang makitang mabagal na naglalakad ang kaibigan palapit sa pila. "Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Sherwin nang madaanan si Ivan na nakaupo sa malapit na upuan. "Ang haba nang pila eh tapos ang init pa, mapapagod lang ako" sabi ni Ivan na may hawak ring bag. "Ikaw? Bakit parang nagdadalawang isip kang pumunta sa pila?" tanong ni Ivan na binuksan na ang bag. "Parang hindi mo ako kilala" sabi ni Sherwin na tumingin sa paligid na madaming tao. "Class E" narinig nilang sabi nang announcer. "Sa tingin ko ito na ang oras para ma-overcome mo ang hiya mo" sabi ni Ivan na muling sinarado ang bag at tumayo. "Tayo na" sabi ni Ivan na hinila ang kaibigan. "Mamaya na" sabi ni Sherwin na nagpabigat. "Mas mahaba na ang pila mamaya" sabi ni Ivan na nagagawa paring hilahin ang kaibigan. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Diba si Sherwin yon?!" gulat na sabi ni Eric nang makita sa tv ang pamangkin na hatak-hatak nang isang may katabaang lalake. "Anong ginagawa nya dyan" sabi ni Lisa na nakatingin kay Sherwin. "Pabayaan mo na, marunong naman sya nang martial arts" sabi ni Eric.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD