"Tignan nga natin kung gaano ka kalakas" isip ni Nick habang umaakyat nang stage ang nasa unahan nila.
"Ang susunod ay Class F" sabi nang announcer.
"Class F lang" sabi ni Nick na nagpipigil nang tawa.
Ilang segundo lang ay patalsik na itong lumabas nang stage.
"Su..." natigilan ang announcer nang makita si Jen na umakyat nang stage.
"Ang unang teenedyer at babaeng lumahok at ang makakalaban nya ay Class A" sabi nang announcer nang may lumabas na halimaw na parang puno.
"Swerte" sabi ni Jen na nakatingin sa halimaw bago ito umikot nang isang beses bago biglang nahati at nagliyab ang halimaw.
"Paanong?!" gulat na sabi nang announcer na nakatingin sa lugar kung nasaan kanina ang hologram nang halimaw.
"Yun na yon?" sabi ni Jen na mukhang nabitin bago bumaba nang stage.
"Ako na" sabi ni Nick na pinatunog ang kamay habang umaakyat.
"Sunod ay ang pangalawang teenedyer" sabi nang announcer nang makita si Nick.
"At ang makakalaban nya ay, totoo ba ito? Class S!" gulat na sabi nang announcer.
"Class S!" gulat na sabi ni Manny na napatayo.
"Class S ang batang yon" sabi nang lalake habang inaasikaso sya nang mga medic.
"Nakalaban na namin to e" isip ni Nick na nakatingin sa isang mala-ahas na halimaw bago ito umatake.
"Tapusin na natin to agad" sabi ni Nick na tumalon sa ere at...
"May lumabas na apoy... mula sa mga kamay nya" sabi nang presidente nang makita ang hugis bilog na apoy sa kanang kamay ni Nick.
"Tapos ka na" sabi ni Nick bago umikot sa ere kasabay nang pag-bato nang bolang apoy sa halimaw na sumunog rito.
"Mas malakas pa ang orihinal" isip ni Nick na nakatayong naglanding sa stage bago ito naglakad pababa.
"Mas-astig ang ginawa mo" sabi ni Jen na hinintay si Nick bago sila pumunta sa presidente.
"Pakisulat ang mga pangalan nyo tapos umupo kayo sa mga upuan malapit kay Madame President" sabi nang isang lalake na humarang sa kanila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ilang sandali pa...
"Ang pangalawang babaeng lalahok at ang pangalawang lalaban sa Class S" sabi nang announcer nang lumabas ang isang halimaw na may malaking pakpak.
"Ang daya bakit may pakpak?" isip ni Aira dahil lumipad agad ang halimaw.
"Ano na kaya ang gaga..." sabi nang announcer kaso natigilan ito nang biglang lumutang si Aira habang nilalabas ang sandata nya.
"Hindi ka makakatakas" sabi ni Aira bago nagteleport at lumabas sa harap nang halimaw kaso bigla itong bumuga nang apoy.
"Balewala yan" sabi ni Aira na naglagay nang barrier para harangan ang apoy bago nya itinapat ang ibaba nang baston sa halimaw at binato papunta rito.
"Ang dali naman, parang sobrang hina non" sabi ni Aira nang mawala ang halimaw matapos tumama ang baston nya dito kaya nahulog ito at tumusok sa stage.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas nang ilang minuto...
"Teenedyer ulit" sabi nang announcer nang umakyat na si Alex. "...at ang pangatlong Class S" dabi nito nang lumabas ang isang halimaw na mukhang leopard na nagsimula nang tumakbo papunta sa kanya.
"Tapos ka na agad" sabi ni Alex na nilabas ang sandata at binato sa ere habang ang halimaw ay tumatakbo palapit kay Alex na hindi parin kumikilos.
"Umilag ka" sabi nang announcer dahil tumalon na ang halimaw at nilabas ang mga kuko nito, kaso bigla itong naglaho bago pa tamaan si Alex.
"Anong nangyari?!" gulat na sabi nang announcer na tumingin kay Alex na hawak na ang boomerang nya.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ulit nang ilang minuto...
"Ang pangatlong babaeng lalaban at sya ay Class A" sabi nang announcer nang umakyat si Phoebe at may lumabas na isang halimaw na gawa sa bato.
"Swerte" sabi ni Phoebe na inatake na ang halimaw na mabagal kumilos kaya hindi ito nakaiwas at nabasag.
"Wow" sabi nang annoncer na nakatingin sa mga durog na bato.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ulit nang ilang minuto...
"Isa nanamang Class A" sabi nang announcer nang umakyat si Dennis sa stage at may lumabas na malaking ibon na may mga tinik.
"Syempre kailangang magpasikat ako" isip ni Dennis bago tumakbo papunta sa halimaw.
"Hindi ko yan hahayaan" sabi ni Dennis na tumalon at sabay sipa sa palipad na halimaw.
"Puro tinik ka nga pala" sabi ni Dennis na napaluhod pero bagsak din ang halimaw.
"Ano nang gagawin nya ngayon" sabi nang announcer nang mapansing iika-ika si Dennis.
"Balewala to" sabi ni Dennis bago sya nawala at biglang tumalsik ang halimaw palabas nang stage bago ito nawala.
"Ang bilis" sabi nang announcer nang makita si Dennis sa kaninang kinatatayuan nang halimaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ulit nang ilang minuto...
"Sa wakas ako na" sabi ni Robert na nagiinat habang paakyat nang stage.
"Isa nanamang Class S" sabi nang announcer nang lumabas ang isang halimaw na parang pagong na may mga patusok sa bahay.
"Kailangang manalo ako madami nang Class A, nakakahiya naman kung matatalo ako" sabi ni Robert na may sinubo bago tumakbo papunta sa halimaw na pumasok sa bahay na napalitan nang mga patusok bago ito nagpaikot-ikot.
"Anong!" gulat na sabi ni Robert pero nakatalon ito at nagsummersault sa ere habang naghahagis nang mga buto sa paligid nang halimaw bago may mga baging na pumulupot sa ilalim nito kung saan ito walang patusok.
"Huli ka ngayon" sabi ni Robert na nakatayong naglanding sa stage bago humigop nang hangin mula sa bibig at ibinuga ang mga sinubong buto.
Ang mga butong ito ay naging mga parang bala na tumagos sa bahay nang halimaw bago ito nawala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ulit nang ilang minuto...
"Isa nanamang babae at isa ulit na Class S" sabi nang announcer habang umaakyat si Anne at lumabas ang isang malaki at mukhang gorillang halimaw.
"Mukhang masisiyahan ako rito" sabi ni Anne bago ito nagbago at naging T-Rex na mas malaki sa halimaw at inapakan ito bago nawala.
"Oops" sabi ni Anne na bumalik na sa dati kaso sirang-sira na ang stage.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sobra naman yung babaeng yon" sabi nang isang lalakeng malapit kina Shane.
"Pano nya nagawa yon?"
"Mabuti pa umalis na tayo, tutal lagpas na naman sila sa syam"
"Oo nga at lahat sila may kakayahan" sabi nang isa pa bago ito umalis at sinundan nang iba.
"Shane, maaayos mo ba yon?" tanong ni Ivan sa kaibigan habang lumalapit at hila-hila si Sherwin.
"Oo nga naman" sabi ni Elizabeth.
"Carlos, Marie nandito rin kayo?!" gulat na sabi ni Sherwin nang makitang palapit ang dalawa.
"Susubok sana kami kaso nasira yung stage" sabi ni Marie na namula nang makita si Sherwin kaya napayuko ito.
"Ano na Shane kaya mo ba?" tanong ni Kier na tumingin dito.
"Syempre, hindi ata ako papayag na sila lang ang magpasikat" sabi ni Shane na naglakad na palapit sa sirang stage.
"Anong gagawin non?" tanong ni Carlos na nakatingin kay Shane.
"Tayo na, aayusin nya yung stage" sabi ni Ivan bago sumunod kay Shane habang hatak-hatak parin si Sherwin.
"Pwede mo na kong bitawan Ivan, nandito narin naman tayo" sabi ni Sherwin dahil halos makaladkad sya kanina.
"Hindi ko inaasahang ganyan ka kalakas" sabi ni Sherwin na inayos na ang suot habang sinusundan nila si Shane.
"Syempre puro muscles ata to" sabi ni Ivan.
"Muscles ka dyan... Ang sabihin mo puro hangin" sabi ni Kier na tinusok nang daliri ang malaking tyan ni Ivan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Paano na ngayon yan" sabi ni Manny na tumingin sa mga katabi.
"Syam na naman tayong Class S at Class A, sapat na yon" sabi ni Dennis.
"Kung sabagay may punto ka don" sabi nang Presidente.
"Hindi pa pwede, hindi pa lumalabas ang gusto kong makilala" isip nang lalakeng may samurai.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Unti-unti nang umaalis ang mga tao dahil sa nasira na ang stage, pero huwag kayong mag-alala mga kababayan dahil syam na ang mga lumaban sa Class S at Class A. Sapat na yon para kumatawan sa ating bansa" sabi nang announcer na nakaharap sa camera.
"Sandali lang po" narinig nyang sabi nang isang boses mula sa likod nya.
"Ano yon hijo" sabi nang announcer na tumingin sa isang may katabaang teenedyer.
"Masyado pa pong maaga para tapusin na ang event" sabi ni Ivan.
"Pasensya na pero sira na ang makina at hindi namin alam ayusin yon" sabi nang announcer sa malungkot na boses.
"May kilala po akong kaya" sabi ni Ivan na itinuro si Shane na nasa tabi na nang sirang stage.
"Anong sinabi mo?" naguluhang sabi nang announcer.
"Kaya daw po nyang ayusin ang stage kaya pwede po nating ipagpatuloy ang event" sabi ni Carlos bago itinapat ni Shane ang kamay sa mga bato bago ito umilaw at unti-unting naayos.
"Naayos nga nya!" gulat na sabi nang announcer habang umaakyat nang stage si Shane para subukan ito.
"Nagpapatuloy po ang search at ngayon ay lalaban ang isang teenedyer sa isang Class S, hindi na po ito nakakapagtaka dahil sya ang nag-ayos nang stage" sabi nang announcer nang may lumabas na isang halimaw na mukhang daga.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Naayos" sabi nang mga taong unti-unting bumalik sa pila.
"Hoy mga bata, ako na dapat kanina kaya paunahin nyo ko" sabi nang isang lalakeng may kalakihan sa likod ni Sherwin.
"Umalis na kayo kaya balewala na ang una nyong pila" sabi ni Elizabeth na narinig ang lalake.
"Huwag mong sabihing babae ka, dahil hindi kita u..." sabi nang lalake na palapit kay Elizabeth kaso natigilan ito nang humarang si Sherwin.
"Mahiya ka naman ang laki mong tao papatol ka sa babae" sabi ni Sherwin.
"Edi sayo nalang" sabi nang lalake na susuntukin sana si Sherwin kaso natigilan ito nang tinitigan sya nang masama ni Sherwin bago naging pula ang mga mata nito.
"Anong!" sabi nang lalake na napaatras at bumagsak.
"Anong nangyayari dyan?" tanong nang announcer na lumapit sa pila pagkatapos pasabugin ni Shane ang halimaw gamit ang isang bazooka.
"Wala... wala lang to" sabi nang lalake habang tumatayo.
"Biglang nagbago ang aura nya" isip nito na tumingin kay Sherwin na kausap si Elizabeth.
"Sa wakas nakita ko na sya" sabi nang may samurai sa mahinang boses habang nakatingin kay Sherwin.
"Sino kaya yung nakita nya" isip ni Anne na napatingin sa katabi nang marinig ang sinabi nito habang palapit naman si Shane.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang susunod ay isang Class A" sabi nang announcer nang umakyat na si Carlos at lumabas ang isang halimaw na mukhang cheeta.
"Simulan na natin to" sabi ni Carlos bago naging purong puti ang mata nya at naglabas nang dalawang patalim bago nawala ang halimaw.
"Alam ko kung anong gagawin mo" sabi ni Carlos na nasaksak ang halimaw bago ito nawala.
"Ang galing" sabi nang announcer habang bumababa si Carlos at umakyat naman si Marie.
"Isa nanamang babae at Class A" sabi nang announcer nang may lumabas na isang halimaw na mukhang bubuyog.
"Kailangang magpasikat dahil nanonood si Sherwin" isip ni Marie na itinapat ang braso sa halimaw bago sya naglabas nang mga sapot na pumulupot sa halimaw.
"Tapusin na natin to" sabi ni Marie nang bumagsak ang halimaw na balot na nang sapot bago nya ito hinigpitan at nawala kasama ang halimaw.
"Mukhang dala parin nila ang kakayahan nila nung naging halimaw sila" isip ni Sherwin na nakatingin kay Marie na pababa na nang stage habang paakyat naman si Kier.
"Umakyat na ang susunod at sya ay isang Class S" sabi nang announcer nang may lumabas na isang halimaw na gawa sa bato at hugis tao.
"Balewala yan kahit gawa ka pa sa bato" sabi ni Kier na nilabas ang dalawang gadget bago sinalubong ang halimaw at pinatamaan ang halimaw nang kadena mula sa gadget nya bago ito sumabog.
"Kayo nalang kaya muna" sabi ni Elizabeth kila Ivan kaso tinulak sya nito paakyat.
"Isang babae nanaman at isa ulit na Class A" sabi nang announcer na nakatingin sa isang halimaw na mukhang mantis.
"Mukhang delikado" sabi ni Elizabeth na nakatingin sa halimaw na nagsimula nang umatake.
"Pero mabagal" sabi ni Elizabeth na biglang lumabas sa likod nang halimaw at sinipa ito.
"Kung sabagay aminado akong mahina" sabi ni Elizabeth dahil hindi tuluyang bumagsak ang halimaw at bigla itong pumihit patalikod una ang patalim.
"Sabi ko sayo mabagal ka" sabi ni Elizabeth na muling lumabas sa likod nang halimaw pero ngayon ay sunod-sunod na ang pagsipa nya hangang bumagsak ang halimaw at nawala.
"Fast and beautiful" sabi nang announcer nang mawala ang halimaw.
"Hindi naman po" nahihiyang sabi ni Elizabeth bago ito bumaba.
"Hindi daw, pero deep inside tumatalon na sa tuwa" isip ni Ivan na nagpipigil nang tawa habang umaakyat.
"Sunod, isang Class S hindi kaya... hindi parin ayos ang makina? Dahil Class A at S lang ang lumalabas" sabi nang announcer na nakatingin kay Ivan bago nagtawanan ang mga nakapila.
"Loko to ah minamaliit ako dahil mataba" isip ni Ivan na tinignan ang announcer.
"Huwag mo silang intindihin" narinig nyang sabi ni Sherwin gamit ang telepathy.
"Tama ang kaibigan mo, huwag mo silang pansinin at mag-focus ka sa kalaban" sabi ni Frae na tinutukoy ang halimaw na tubig at hugis tao.
"Kung sabagay tama kayo, ano bang pakialam ko sa kanila" isip ni Ivan na tumakbo papunta sa halimaw na tumira naman nang mga patusok na tubig na naiwasan nya kaso...
"Ang mga tubig papunta sa mga nakapila" sabi nang announcer.
"Kailangang tapusin ko na to" sabi ni Ivan na hinawakan ang sahig bago ito nagyelo kasama ang halimaw at mga tinira nitong tubig bago sila isa-isang nabasag.
"Buti naman umabot" sabi ni Sherwin gamit ang telepathy habang naglalakad si Ivan pababa.
"Nandyan ka naman" isip ni Ivan.
"Sinong may sabing ililigtas ko sila, laban mo yon ayokong makialam" sabi ni Sherwin.
"Ganon" isip ni Ivan na tumingin kay Sherwin na nakangiti habang umaakyat.
"Umayos ka nga puro ka kalokohan" isip ni Ivan habang bumababa.
"Sinong may sabing nagbibiro ako, ba't ko ililigtas yung kasunod ko matapos nyang bumastos nang babae" sabi ni Sherwin.
"Oo na, gentle man ka na" isip ni Ivan na naglakad na palapit sa presidente.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Bilisan mo Eric, pamangkin mo na ang aakyat" sabi ni Lisa bago nagmamadaling bumalik ang lalake.
"Ano naman kaya ang susunod, Class A o Class S" narinig nilang sabi nang announcer habang umaakyat si Sherwin kaso walang lumabas.
"Wala" malungkot na sabi ni Eric.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Wala pong lumabas" sabi nang announcer.
"Bakit wala?!" gulat na sabi ni Sherwin na tumingin sa paligid.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Bakit?" sabi ni Aira na tumingin sa mga kasama.
"Nakakahiya naman" sabi ni Manny na pinipigilang tumawa.
"Huwag kang tumawa si Sherwin ang pinakamalakas samin" sabi ni Anne na tinitigan nang masama si Manny.
"Bakit walang lumabas kung ganon" sabi ni Manny na tinuro ang stage.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hijo, bumaba kana" sabi nang lalake kanina na tumatawa.
"Bakit kaya walang lumabas" sabi ni Sherwin na hindi parin bumababa.
"Sherwin, tunawin mo yung yelo" narinig nyang sabi ni Shane mula sa direksyon nang presidente.
"Oo nga, ang yelo" sabi ni Sherwin na tinapat ang kamay sa magkabilang direksyon bago ito naglabas nang apoy.
"Apoy?!" gulat na sabi nang lalake na napatigil sa pagtawa kasama ang iba.
"Pero mukhang hindi ito malakas" sabi nang announcer dahil hindi natutunaw ang yelo.
"Alam ko na" sabi ni Sherwin na itinigil ang ginagawa bago ito gumawa nang simbolo sa kamay at
"Nimpo, Shadow Clone Technique" sabi ni Sherwin bago ito naglabas nang isang clone.
"Anong?!" gulat na sabi nang announcer bago naging uwak ang clone kasabay nang pagdilim nang paligid.
"Tignan natin kung hindi ka parin matunaw" sabi ni Sherwin na itinaas ang dalawang kamay bago ito naglabas nang bolang apoy.
"Anong pagkakaiba nyan kanina?" tanong nang announcer dahil normal na apoy ang nasa kamay ni Sherwin.
"Ano?" sabi ni Sherwin na tumingin sa announcer.
"Eto ang pagkakaiba nya sa kanina" dagdag nito bago naging itim ang dalawang bolang apoy.
"I...itim na apoy" sabi nang announcer na natulala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong klaseng apoy yon" sabi nang presidente na nakatingin sa apoy ni Sherwin.
"Ano, di ka makapagsalita dyan no" sabi ni Anne na nakatingin kay Manny.
"Sabi na tama ako, sya nga ang may gawa non" sabi nang may samurai.
"Anong sinabi mo" sabi ni Anne na tumingin sa lalake.
"Wala" sabi nang may samurai pero nakatingin parin ito kay Sherwin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Huwag kang kikilos" sabi ni Sherwin bago ito tumalon sa ere at ibinato ang apoy sa stage na kumalat pagtama nito.
"Paanong?!" gulat na sabi nang announcer dahil hindi tumama sa kanya ang apoy na para bang may humarang rito.
"Sana naman natunaw" sabi ni Sherwin na bumaba sa gitna nang apoy bago muling lumiwanag.
"Tapos na ang oras?" sabi ni Sherwin na tumingin sa langit bago sa stage kung saan unti-unti nang nawawala ang apoy at may lumabas na isang halimaw na may bakal na katawan, mga matutulis na pakpak at kuko.
"Magtataka pa ba tayo sa lumabas na halimaw, isang Class S" sabi nang announcer na nakatingin sa halimaw.
"Tapusin na natin agad to dahil baka bigla akong manghina" sabi ni Sherwin bago sya nawala at lumabas sa likod nang halimaw.
"Anong nangyari" sabi nang announcer dahil biglang nagkahati-hati ang halimaw bago ito nawala.
"Anong klaseng kapangyarihan meron sya" sabi ni Carlos na nakatingin kay Sherwin na pababa na nang stage.
"Hindi ko akalaing ganyan kalakas si Sherwin" sabi ni Jen.
"Hindi na nakakapag-taka yon, si Sherwin ang pinakamalakas hindi lang samin kundi sa lahat nang mga tagapagmana" sabi ni Nick sa katabi habang palapit si Sherwin.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tapos na agad" sabi ni Eric na nakatingin sa pamangkin na pababa na nang stage.
"Ang lakas nang pamangkin mo Eric, bakit hindi nya sinabi sa atin ang kakayahan nya" sabi ni Liza na nakatitig sa tv.
"Ano ka ba naman, dati pa natin alam na espesyal ang pamangkin mo diba" sabi ni Eric.
"Kung sabagay tama ka" sabi ni Liza.
"Class S din kaya ang susunod" narinig nilang sabi nang announcer sa tv habang umaakyat nang stage ang lalakeng naka-away ni Sherwin.
"Hindi, Class C lang" sabi nang announcer nang may lumabas na halimaw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinagabihan...
"Natapos rin sa wakas" sabi ni Anne na kanina pa naiinip dahil wala nang lumaban na Class S.
"Tapos na ang event at napag-desisyunan ko nang ang syam na kakatawan sa bansa natin ay ang syam na lumaban sa Class S, sila ay sina: Nicholas Crane Vasquez, Aira Gayle Casis, Alexander Charles Tamayo, Robert Philip Fuentes, Anne Marie Garcia, Shane Nestor Muños, Kier Arsenio Ortiz, Ivan Lester Salaver at Sherwin Drake Amante" sabi nang presidente na tinuro ang mga bata.
"Pero nagpapasalamat parin ako sa mga lumahok sa event na ito lalo na sa mga lumaban nang Class A at Class B" sabi nito na tumingin kila Jen.
"Magpapaprescon ako bukas para naman makilala natin ang mga kakatawan sa ating bansa. Hangang bukas nalang at magandang gabi" sabi nang presidente bago natapos ang transmittion.
"Pano, kita nalang tayo bukas" sabi nang presidente na hinarap sila Sherwin.
"Sige pa madame president" sabay na sabi nang syam
"Pumunta rin kayo bukas para naman makilala rin nila kayo" sabi nito na tumingin kila Jen.