"Cass, you're here. Kanina pa kita hinahanap," salita ni Melissa nang magkasalubong kami, "let's go, late na tayo," dagdag nya pa saka ako hinawakan sa pulsuhan at hinila. Ngunit imbis na sumunod ay nanatili akong nakatayo sa parehong pwesto dahilan para lingunin nya ako. Alanganin syang ngumiti sa akin nang manatili akong walang gana na nakatitig sa kanya. "C-cass, a-are you okay?" "Am I okay?" Malamig na tanong ko. Ramdam ko ang pagkailang sa kanya. Ngayon ay nauunawaan ko na ang bawat pekeng ngiti na ipinapakita nya sa akin. Naiintindihan ko na ang bawat makahulugang tingin nya sa akin, ang bawat palihim na salita at ang biglaan nyang pagkawala. "Tell me, Melissa, wala ka bang sasabihin sa akin?" I am giving her a chance. I wish she would take it. Madiin kong ipinikit ang mga mat

