"Ayaw mo pa bang umuwi sa bahay, hija? You've been here for two months now. Hindi magandang nandito ka mag-isa, Cassandra." Nilingon ko ang gawing kaliwa nang marinig si Mommy. Nang mailapag ang hot chocolate sa aking harapan ay tinitigan ko lamang iyon. Yeah, right. Kung hindi ako iniwan ni Luke, edi hindi sana ako mag-isa ngayon dito sa bahay. "I dreamt of having a perfect family, Mom." Mapakla kong saad. Muli kong ibinalik ang atensyon sa malawak na hardin ng bahay. "Anak—" "Do you know how much I hated the idea, Mom?" Nilingon ko sya nang puno ng emosyon. "I hated the fact that you agreed to the marriage. I hated this house you brought us." Ramdam ko ang guilt nang pisilin ni Mommy ang kamay ko. "I'm sorry, anak, kung hindi ako nagpadala—" "It wasn't your fault, Mom, it's mine.

