bc

My Possessive Maniac Boss (SPG)

book_age18+
181
FOLLOW
2.8K
READ
dark
family
fated
opposites attract
heir/heiress
drama
serious
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

​Limang taon. Limang taon na ang nakalilipas simula nang magising si Mayumi “Yumi” Ignacio sa ospital na walang maalala. Ang tanging alam niya, kailangan niyang mabuhay. Hindi niya alam na siya pala ang nawawalang Heiress ng mga Lockhart mula sa San Felipe, at ang akala ng kaniyang ama ay matagal na siyang patay dahil sa tuso at sakim niyang madrasta.​Pero habang tahimik ang buhay niya sa Maynila, may isang lalaki naman na tatlong taon na niyang pinapantasya gabi-gabi—walang iba kundi ang mailap, masungit, at laging galit na bilyonaryong si Lucian “Luke” Blackwood.​Kaya naman nang mag-open ito ng slot para sa isang personal s*x therapist, hindi na nagdalawang-isip si Yumi na mag-apply. Sino ba namang mag-aakala na sa dinami-rami ng aplikante, siya ang mapipili ng mailap na bilyonaryo?​Akala ni Yumi, purong langit ang mararanasan niya sa piling ng kaniyang fantasy man. Pero sinalubong siya ng malamig na pakikitungo at walang katapusang pambubulyaw nito. Ang hindi alam ni Luke, hindi basta-basta nagpapatalo si Yumi. Sa bawat angil at tatar ng boss niya, may handang pambabarang sagot ang dila niya!​Habang unti-unting nagliliyab ang tensyon sa pagitan ng kanilang mga katawan at nabubuwag ang pader sa puso ni Luke, paano kung biglang kumatok ang nakaraan na pilit itinago kay Yumi? Kakayanin ba ng nag-aalab nilang ugnayan ang mga sikretong pilit silang wawasakin?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: The Billionaire’s Slot 1
Yumi Ignacio POV “Seryoso ka ba talaga rito, Yumi?” Halos lumuwa ang mga mata ni Karen habang nakatitig sa screen ng laptop ko. Kanina pa siya hindi mapakali sa tabi ko rito sa maliit kong apartment, habang ako naman ay kalmado lang na humihigop ng iced coffee. “Mukha ba akong nagbibiro?” sagot ko sabay ngisi. “Tatlong taon ko na siyang pantasya, Karen. Kung may pagkakataon na mapalapit sa isang Lucian Blackwood, kahit maging tagalinis pa ako ng sapatos niya, papatulan ko. Ano pa kaya kung personal s*x therapist?” “Gaga! Iba ang tagalinis ng sapatos sa pagiging therapist ng isang bilyonaryo na kilalang cold-hearted at maniac sa balita! Baka mamatay ka sa takot doon!” Natawa na lang ako. Limang taon na ang nakalilipas simula nang magising ako sa isang ospital na walang kaalam-alam kung sino ako. Sabi ng mga nagpakilalang kamag-anak ko noon, naaksidente raw ako. Wala akong maalala sa San Felipe o sa nakaraan ko. Ang tanging alam ko, kailangan kong mabuhay sa Maynila. Nagsumikap ako, nag-aral ng psychology, at nag-specialize sa clinical sexology. At sa loob ng tatlong taon na ’yon, naging pampalubag-loob ko ang panonood sa mga business interview ng nag-iisang Lucian “Luke” Blackwood. Guwapo, matangkad, may perpektong hugis ng panga, at mga matang sing-lamig ng yelo pero kayang magpaalab ng pantasya ng kahit sinong babae. Balita ring mailap ito sa media at may kakaibang reputasyon pagdating sa pribadong buhay. Kaya nang mabalitaan kong naghahanap ang kompanya niya ng bagong private therapist, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. “O, heto na. May email na.” Agad na napatayo si Karen at nakisilip sa screen. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko nang makita ang subject line ng email mula sa Blackwood Enterprises. Subject: INVITATION FOR FINAL INTERVIEW – OFF-CAMPUS CLIENT DIRECTIVE Dear Ms. Ignacio, You have been shortlisted for the Personal Consultant position. Please proceed directly to the Blackwood Penthouse Suite, 45th Floor, Blackwood Tower, tomorrow at exactly 8:00 AM. Mr. Blackwood will conduct the interview personally. "Omg, Yumi! Ikaw lang ba ang natira sa screening?” tili ni Karen. Napalunok ako. “Mukha nga. Sabi rito, doon mismo sa penthouse niya.” “Good luck na lang talaga sa pasensya mo, bes. Balita ko, matipid pa sa load kung sumagot ’yon at laging galit sa mundo.” “Sus. Sanay ako sa masusungit,” pagmamay-abang ko, kahit ang totoo ay nagwawala na ang dibdib ko sa kaba at excitement. Kinabukasan, eksaktong alas-syete y media pa lang ay nasa lobby na ako ng Blackwood Tower. Suot ko ang aking pinaka-professional na corporate attire it ay isang emerald green na slacks at cream blouse. Gusto kong magmukhang kagalang-galang, kahit na ang totoo ay lumalaki ang puso ko sa isiping makakaharap ko na ang lalaking laman ng mga panaginip ko. Pagsapit ng alas-otso, bumukas ang pribadong elevator sa 45th floor. Paglabas ko, sinalubong ako ng isang napakalawak at modernong penthouse. Kulay itim, gray, at puti ang paligid. Napakatahimik, na tanging ang tunog lang ng takong ko ang nangingibabaw. “Ms. Ignacio?” isang pamilyar at baritonong boses ang umalingawngaw mula sa dulo ng pasilyo. Napalingon ako. Doon, sa tapat ng naglalakihang glass windows na abot-tanaw ang buong skyline ng lungsod, nakatayo ang isang lalaki. Nakatalikod siya sa akin, nakapamulsa, at suot ang isang mamahaling black inner shirt na bakas ang tikas ng kaniyang malapad na likod. “Yes, Sir. Good morning,” pormal kong sagot habang dahan-dahang naglalakad palapit. Dito na siya humarap. Halos mapatid ang paghinga ko. Sa malapitan, mas lalo siyang nakakapanlambot ng tuhod. Ang kaniyang magulong itim na buhok, ang matangos na ilong, at ang kaniyang mapanganib na madidilim na mata na nakatitig ngayon sa akin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Walang ngiti sa kaniyang mukha. Galit ang kaniyang aura, seryoso, at halatang walang hilig sa pakikipag-plastikan. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at sumandal, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “You’re late by one minute,” malamig niyang saad. Tiningnan ko ang relo ko. “Alas-otso y uno pa lang, Sir. Sa traffic sa Maynila, consider as blessing na nga na nandito na ako.” Bahagyang kumunot ang kaniyang makapal na kilay sa naging sagot ko. Marahil ay hindi siya sanay na sinasagot-sagot siya ng mga aplikante. “I don’t pay for excuses, Ms. Ignacio. I pay for absolute perfection,” matabang niyang selyo sa usapan. Kinuha niya ang folder ng resume ko at mabilis na nirepaso iyon. “Your credentials look decent. Pero alam mo ba kung anong klaseng trabaho ang pinapasok mo?” “Opo. Personal s*x therapist. Ayon sa clinical background ko, handa akong tulungan kayo sa kung ano mang behavior o dysfunction ang kinakaharap niyo,” tuwid kong sagot, pinapanatili ang propesyonalismo kahit deep inside ay sumisigaw na ako sa kaseksihan niya. Isang mapait at sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi. Tumayo siya, dahan-dahang lumapit sa akin, at huminto nang may ilang pulgada na lang ang distansya naming dalawa. Amoy na amoy ko ang kaniyang mamahaling cologne na humahalo sa kaniyang natural na bango. “Dysfunction?” bulong niya, ang boses ay tila isang nagbabagang semento. “Mukha ba akong may dysfunction, Ms. Ignacio?” Yumuko siya nang bahagya para mapantayan ang mukha ko. Ang kaniyang init ay tuluyan nang sumakop sa espasyo ko. “Gusto mo bang malaman kung bakit umalis ang huling limang therapist na kinuha ko?” tanong niya, ang kaniyang mga mata ay bumaba sa aking mga labi bago muling tumingin sa aking mga mata. “Bakit, Sir? Masyado ba silang mahina ang loob?” hamon ko, hindi nagpapadala sa pananakot niya. “No,” mas lalo siyang lumapit, ang kaniyang hininga ay dampi na sa balat ko. “Dahil sa oras na magsimula ang session, hindi ko kontrolado ang sarili ko. I don’t just talk, Ms. Ignacio. I consume. At ang lahat ng nauna sa ’yo... natatakot sa kung paano ko sila gamitin.” Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko. Narito na ako. Ang lalaking pinapangarap ko ay nasa harap ko na, at ang kaniyang mga salita ay naghahatid ng kakaibang kuryente sa kaibuturan ng aking katawan. “Kung ganoon, mukhang nahanap mo na ang katapat mo, Mr. Blackwood,” matapang kong sagot sabay sulyap sa kaniyang mapanuring mga mata. “Hindi ako madaling takutin.” Tinitigan niya ako nang matagal, na tila ba sinusukat kung hanggang saan ang tapang ko. Pagkatapos ng ilang segundong nakabibinging katahimikan, umatras siya at muling bumalik ang malamig at blangkong ekspresyon sa kaniyang mukha. “We’ll see,” sabi niya habang may kinukuha sa kaniyang drawer. Inilapag niya ang isang makapal na kontrata sa lamesa. “Sign this. You start right now.” Agad kong kinuha ang ballpen at mabilis na nilagdaan ang papel nang hindi na binabasa ang kabuuan. Pagka-pirma ko, iniangat ko ang aking tingin sa kaniya. “So, anong unang gagawin natin, Boss?” nakangiting tanong ko. Naglakad siya patungo sa isang pinto sa gilid ng kaniyang opisina ito'y isang pinto na halatang patungo sa kaniyang pribadong silid. Binuksan niya ito at lumingon sa akin, may kakaiba at mapanganib na kislap sa kaniyang mga mata. “Pumasok ka rito, Ms. Ignacio. At i-lock mo ang pinto sa likod mo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
777.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
998.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
370.3K
bc

Not just, the Beta

read
354.8K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook