Story By Cessyprince
author-avatar

Cessyprince

ABOUTquote
Hi! I’m a romance–drama writer who lives for stories that hurt, heal, and haunt all at once ✨ I’m drawn to themes like: ✦ Billionaires, mafia bosses, CEOs, and anti-heroes ✦ Independent women forced into impossible choices ✦ Obsession vs. love ✦ Power, control, redemption, and sacrifice ✦ Intense emotions, betrayals, and second chances I believe romance isn’t always soft—it can be messy, painful, and addictive. If you enjoy stories that keep your heart racing and your emotions tangled long after the chapter ends, then you’re in the right place. Welcome to my world. Read carefully… you might not escape unscathed. 🖤
bc
My Possessive Maniac Boss (SPG)
Updated at Jun 18, 2026, 07:22
​Limang taon. Limang taon na ang nakalilipas simula nang magising si Mayumi “Yumi” Ignacio sa ospital na walang maalala. Ang tanging alam niya, kailangan niyang mabuhay. Hindi niya alam na siya pala ang nawawalang Heiress ng mga Lockhart mula sa San Felipe, at ang akala ng kaniyang ama ay matagal na siyang patay dahil sa tuso at sakim niyang madrasta.​Pero habang tahimik ang buhay niya sa Maynila, may isang lalaki naman na tatlong taon na niyang pinapantasya gabi-gabi—walang iba kundi ang mailap, masungit, at laging galit na bilyonaryong si Lucian “Luke” Blackwood.​Kaya naman nang mag-open ito ng slot para sa isang personal sex therapist, hindi na nagdalawang-isip si Yumi na mag-apply. Sino ba namang mag-aakala na sa dinami-rami ng aplikante, siya ang mapipili ng mailap na bilyonaryo?​Akala ni Yumi, purong langit ang mararanasan niya sa piling ng kaniyang fantasy man. Pero sinalubong siya ng malamig na pakikitungo at walang katapusang pambubulyaw nito. Ang hindi alam ni Luke, hindi basta-basta nagpapatalo si Yumi. Sa bawat angil at tatar ng boss niya, may handang pambabarang sagot ang dila niya!​Habang unti-unting nagliliyab ang tensyon sa pagitan ng kanilang mga katawan at nabubuwag ang pader sa puso ni Luke, paano kung biglang kumatok ang nakaraan na pilit itinago kay Yumi? Kakayanin ba ng nag-aalab nilang ugnayan ang mga sikretong pilit silang wawasakin?
like
bc
Uncle Leon's Dirty Little Secret (SSPG)
Updated at May 26, 2026, 11:07
Sa loob ng maraming taon, isang sikreto ang tahimik na ikinulong ni Leon Villafuerte sa pinakamadilim na sulok ng kanyang puso. Bilang isang makapangyarihan at respetadong negosyante, sanay siyang kontrolin ang lahat—ang kanyang kumpanya, ang kanyang reputasyon, at maging ang kanyang sariling damdamin. Hanggang sa muling bumalik si Rianna Samonte. Ang dating masayahing dalagitang palaging sumusunod sa kanya ay isa nang napakagandang babae na kayang guluhin ang kanyang maingat na binuong mundo. Sa bawat pagtitigan, sa bawat bangayan, at sa bawat sandaling sila'y nagkakalapit, mas lalong lumalalim ang tukso na matagal nang pilit nilalabanan ni Leon. Ngunit may mga damdaming hindi dapat nabubuo. May mga lihim na hindi dapat nabubunyag. At may mga pagnanasang kapag pinakawalan ay maaaring sumira sa lahat. Habang unti-unting nabubuksan ang mga lihim ng nakaraan, mapipilitan sina Leon at Rianna na harapin ang katotohanang matagal na nilang tinatakasan. Sa isang mundong puno ng paghuhusga, intriga, at mga bawal na damdamin, sapat ba ang kanilang pagmamahalan upang labanan ang lahat? O magiging isa lamang silang masakit na alaala sa isa't isa?
like
bc
Sinfully, Yours
Updated at May 20, 2026, 23:34
​"Ibibigay ko ang lahat sa isang estranghero... huwag lang sa demonyong pumatay sa aking pagkatao." ​Si Althea Mendez ay nakakulong sa isang buhay-impiyerno. Sa paningin ng lahat, siya ay nakatali sa isang pangakong walang katapusan kay Brent Mendez isang tipo ng lalaking sugapa sa sugal, lasenggo, babaero, at walang ibang ginawa kundi saktan siya sa pisikal at emosyonal na paraan. Ang kanyang katawan ay puno ng mga pasa, at ang kanyang mga mata ay unti-unti nang nawawalan ng liwanag. Ngunit sa kabila ng karahasang dinaranas, may isang bagay na hinding-hindi nakuha at kailanman ay hindi makukuha ni Brent mula sa kanya: ang kanyang pagkababae. Isang natatanging kayamanan na buong-tapang niyang ipinaglaban kahit pa kapalit nito ang walang-awang bugbog, tila ba may boses sa likod ng kanyang isip na nagsasabing hindi siya nararapat sa lalaking ito. ​Hanggang sa isang gabi, nanganib mabulok sa rehas si Brent matapos masangkot sa isang malaking gulo sa isang marangyang casino. Sa desperasyon ni Althea na takasan ang bagsik ng lalaki kapag hindi ito nakalabas, hinarap niya ang nag-iisang taong may kapangyarihang magpaikot ng batas—si Lander Montero. ​Si Lander ay isang bilyonaryo. Malamig, dominante, walang awang magpasya, at nagtataglay ng nakatutunaw na kaguwapuhan. Sa likod ng kanyang mamahaling suit ay ang isang madilim na kapangyarihang kayang magpaluhod ng sinuman. Nang magtagpo ang kanilang mga landas, nakita ni Lander ang isang babaeng bugbog-sarado at walang ka-buhay-buhay ang mga mata, ngunit hindi maitatago ang natural na ganda at mapang-akit na hubog ng katawan. ​Sa isang malamig na boses, nagbaba ng hamon ang bilyonaryo: "What can you give me in exchange for his freedom, Althea?" ​Walang pera si Althea. Walang kapangyarihan. Kaya't ang natitirang bagay na matagal niyang ipinagkait sa lalaking umaangkin sa kanya ang kanyang inihain sa mesa. Ang kanyang sarili. Ang kanyang pagiging inosente. Mas pipiliin pa niyang mapunta ang kanyang katawan sa isang makapangyarihang estranghero kaysa sa isang lalaking halang ang kaluluwa, na nagkukunwaring may karapatan sa kanyang buhay. ​Hindi alam ni Lander na siya ang magiging una. At hindi alam ni Althea na ang kasunduang ito ang magiging mitsa ng isang mapanganib, bawal, at mapanakop na obsesyon. ​Ngunit habang unti-unting lumalalim ang ugnayan nina Althea at Lander, isang madilim na katotohanan ang nagbabadya sa gilid ng mga anino. Isang pekeng sumpaan, isang kasinungalingang binuo sa ilalim ng huwad na pirma, at isang katotohanang nakasulat sa mga dokumentong matagal nang nakatago—na baka ang impiyernong kinasasadlakan ni Althea ay isang malaking panlilinlang lamang mula pa sa simula. ​Sa mundo kung saan ang pagpapasakop ay nagiging sandata at ang kasalanan ay nagiging kaligtasan, hanggang kailan nila kayang panindigan ang isang ugnayang nagsimula sa dilim? Luluhod ba ang isang dominante at walang pusong bilyonaryo sa ngalan ng pag-ibig, o tuluyan silang lalamunin ng apoy ng kanilang bawal na pagnanasa?
like
bc
Wanted for Pleasure (SPG)
Updated at Apr 15, 2026, 02:23
Sa mata ng mundo, magkapatid sila. Ngunit sa likod ng saradong pinto ng mansyon, si Meisha Rivera at Crane De Vera ay bilanggo ng isang ugnayang bawal at mapusok. Ang kanilang pagiging stepsiblings ay ang pader na humaharang sa isang obsesyong hindi mapigilan ito ang isang kasalanang nagbunga ng kambal na itinago ni Meisha sa London. ​Ngayong natuklasan na ni Crane ang sikreto, handa siyang itaya ang dangal ng pamilya De Vera at Ashford para bawiin ang babaeng unang tinuring niyang panandaliang aliw lamang. Sa pagitan ng poot, eskandalo, at bawal na pagnanasa, kaya ba nilang panindigan ang pag-ibig na hinuhusgahan ng lahat? ​Anong mas matimbang: Ang batas ng pamilya o ang tawag ng laman?
like
bc
Engaged in Disguise
Updated at Feb 23, 2026, 18:17
Socialite heiress Luna Hart agrees to go undercover as a simple secretary to spy on her arranged fiancé, Jace Sullivan—only to discover he's a cold-hearted playboy who's everything she feared. But when he starts falling for his mysterious new secretary (not knowing she's his future bride), Luna finds herself caught in a dangerous game of deception, desire, and corporate warfare. Now with only one year to bring down the Sullivan empire before she's forced to marry the man she's falling for, Luna must decide: destroy him or save him?
like
bc
Love me Harder
Updated at Feb 18, 2026, 18:45
Sa edad na dalawampu, natuto na si Allyson na mamuhay nang mag-isa. Taglay niya ang halos lahat ng katangiang hinahangad sa isang babae—kagandahan, karangyaan, at angking kariktan. Ngunit sa likod ng kaniyang marangyang buhay, may nakatagong pangungulila na nagsimula pa noong pumanaw ang kaniyang mga magulang. Napagtanto niya na hindi kayang punan ng yaman ang puwang sa kaniyang puso, dahil ang tunay niyang hinahanap ay ang kalinga at pagmamahal na kaniyang pinapangarap.She tried to seek the love that she wanted but she always end up with the wrong person. 'Eka nga nila.. "When two people are destined to be together, don't worry. Just wait. The love that you seek will come to you in the right time, the right place, and with the right person that was meant to love you the way you wanted." Ngunit paano kung may lalaking dumating sa buhay niya na kasalungat ng ideal man niya.Dito papasok si Dark Aragon ang matikas at misteryosong CEO ng Aragon Estate na nagmamay-ari ng malalawak na lupain sa kanilang probinsya. Hindi sila pinagtagpo ng tadhana para sa isang madaling kuwento, kundi para subukin kung ano ang handa nilang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.
like