PROLOGO
Ang amoy ng alak, lumang sigarilyo, at tuyong dugo ang permanenteng pabango ng maliit na apartment na tinatawag kong tahanan. O mas tamang sabihin, ang impiyernong binuo ni Brent Mendez para sa akin.
Nakatitig ako sa sarili ko sa basag na salamin ng banyo. Ang kanang pisngi ko ay namamaga, may kulay ube at asul na pasa na pinalalalim pa ng madidilim na bilog sa ilalim ng aking mga mata. Hinawakan ko ang gilid ng aking labi na may natuyong dugo. Masakit. Kumikirot ang bawat pulgada ng katawan ko. Kaninang madaling-araw, umuwi na naman siyang lasing. At kapag talunan siya sa sugal, ang katawan ko ang nagiging punching bag niya.
“Asawa kita, Althea! Karapatan ko ang katawan mo!”
Naalala ko ang boses niyang parang demonyo habang pilit niyang hinahawi ang suot kong damit kanina. Pero kahit anong gawin niyang pambubugbog, kahit anong sabunot at tadyak ang abutin ko, hinding-hindi ko ibinigay ang sarili ko sa kanya. Nilabanan ko siya gamit ang huling lakas na mayroon ako. Kahit patayin niya ako, hindi ko hahayaang hawakan niya ang natitirang dignidad na itinatago ko sa aking p********e. Sa loob ng dalawang taon ng pagsasama namin sa ilalim ng iisang bubong, nanatili akong buo para sa sarili ko. Isang malaking kabalintunaan na sa paningin ng mundo ay asawa niya ako, pero sa kaibuturan ng puso at isip ko, may kung anong boses ang laging sumisigaw na wala siyang karapatan sa akin.
Tok! Tok! Tok!
Nagulat ako nang makarinig ng sunod-sunod at marahas na katok sa pinto. Agad na bumalot ang takot sa dibdib ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko, iniisip na baka bumalik si Brent para tapusin ang naudlot niyang kahayupan.
Dahan-dahan akong lumabas ng banyo, yakap-yakap ang sarili kong mga braso. Pagkabukas ko ng pinto, hindi si Brent ang nakatayo roon. Dalawang lalaking nakasuot ng barong at may mababagsik na mukha ang sumalubong sa akin. Mga pulis.
"Ikaw ba si Althea Mendez?" tanong ng isa.
"O-Opo. Bakit po?" halos gumaralgal ang boses ko.
"Ang asawa mong si Brent Mendez ay nasa presinto ngayon. Nasangkot siya sa isang malaking gulo sa Grand Monaco Casino. Sinira niya ang mga mamahaling kagamitan doon at nanakit ng mga high-profile na kliyente. Kung hindi mo siya madororoonan ng piyansa at pambayad sa mga nasira niya bago matapos ang gabi, mabubulok siya sa kulungan. At higit sa lahat, ang may-ari ng casino ang mismong nag-utos na huwag siyang palabasin hangga't walang maayos na settlement."
Nanghina ang mga tuhod ko. Pumasok ako sa loob upang kuhanin ang manipis kong pitaka. Pagkabukas ko, limang daang piso na lang ang laman niyon. Wala akong pera. Wala akong kahit na ano. Ang maliit na suweldo ko bilang cashier sa isang convenience store ay matagal nang kinuha ni Brent para i-sugal.
Ngunit sa kabila ng takot, may isang bahagi ng utak ko ang nakaramdam ng pag-asa. Kung mabubulok si Brent sa kulungan, malaya na ako. Hindi na niya ako masasaktan.
"Sino... sino po ba ang may-ari ng casino?" tanong ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"Si Mr. Lander Montero," sagot ng pulis na nagpatindig ng balahibo ko. "Ang bilyonaryong si Montero. At pinapasabi niya, kung gusto mo pang makitang buhay ang asawa mo, pumunta ka sa VIP lounge ng casino ngayon din. Huwag kang mahuhuli, dahil walang pasensya ang isang Lander Montero."
Nang umalis ang mga pulis, napasandal ako sa pinto. Alam kong masamang tao si Brent. Pero alam ko rin na kapag hindi siya nakalabas doon, o kung may mangyaring masama sa kanya dahil sa galit ng isang makapangyarihang bilyonaryo, hahanapin ako ng mga kasamahan niya sa sindikato ng sugal. Kakantihin nila ako. Mas mapapahamak ako kapag naiwan akong mag-isa na walang panangga. Kailangan kong pumunta. Kailangan kong harapin ang bilyonaryong iyon, hindi dahil mahal ko si Brent, kundi dahil ito lang ang nakikita kong paraan para protektahan ang sarili ko mula sa mas malaking gulo.
Makalipas ang isang oras, nakatayo na ako sa tapat ng naglalakihang pinto ng Grand Monaco Casino. Ang suot ko lang ay isang simpleng kupas na bistida na hanggang tuhod at isang luma at malaking cardigan upang itago ang mga pasa sa aking mga braso. Ramdam ko ang tingin ng mga mayayamang kostumer na labas-masok sa lugar. Mukha akong basahan sa gitna ng palasyo ng ginto at karangyaan.
"Mrs. Mendez?" Isang lalaking nakasuot ng mamahaling suit ang lumapit sa akin. "This way, please. Mr. Montero is waiting for you."
Sumunod ako sa kanya, habang ang mga kamay ko ay nanginginig sa sobrang kaba. Sumakay kami sa isang pribadong elevator paakyat sa pinakamataas na palapag. Pagbukas ng pinto, bumadya ang isang napakalawak na opisina na napaliligiran ng mga glass wall na nagpapakita ng magandang tanawin ng siyudad sa gabi. Dim ang ilaw sa loob, maliban sa isang table lamp sa gitna ng malaking desk.
At doon, sa likod ng marangyang upuan, nakaupo ang isang lalaki.
Si Lander Montero.
Kahit nakaupo lang siya, ramdam ko agad ang bigat at bagsik ng kanyang presensya. Ang kanyang buhok ay maayos na naka-brush back, matalim ang kanyang panga, at ang kanyang mga mata ay parang sa isang lawin—malamig, mapanghusga, at walang emosyon. He was breathingly handsome, pero may kakaibang dilim na nakabalot sa buong pagkatao niya. He was holding a glass of whiskey, dahan-dahang iniikot ang yelo sa loob niyon.
"So, you are the wife of that piece of trash," malamig na saad niya. Ang boses niya ay baritono, malalim, at may awtoridad na kayang magpaluhod ng sinuman.
Hindi ako nakapagsalita agad. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, nakayuko.
"Come closer," utos niya. Nang hindi ako gumalaw, mas lalong lumalim ang boses niya. "I said, come closer, Althea. I don't like repeating myself."
Humakbang ako nang dahan-dahan hanggang sa makarating ako sa tapat ng kanyang lamesa. Dito ko mas nakita ang perpekto ngunit nakatatakot niyang mukha. Inilapag niya ang baso ng alak at sumandal sa kanyang upuan, tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
"Look at me," sabi niya.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha. Nang makita niya ang namamaga kong pisngi at ang pasa sa gilid ng aking labi, sandaling gumaod ang isang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata, ngunit mabilis din iyong nawala at napalitan ng malamig na ngiti.
"Your husband ruined my property, caused a scene, and hurt my people," panimula niya habang pinaglalaruan ang isang mamahaling panulat. "The damage costs millions. And looking at you... I don't think you even have a thousand pesos in your pocket. Am I right?"
"W-Wala po akong ganyang kalaking pera, Mr. Montero," pautal-utal kong sagot, pilit na pinipigilan ang luha ko. "Pero pakiusap, baka pwedeng... baka pwedeng gawan natin ng paraan. Pagtrabahuhan ko po ang utang niya. Kahit anong trabaho, gagawin ko."
Natawa siya nang bahagya tila isang tawang walang halong saya, kundi puno ng pang-uuyam. Lumayo siya sa kanyang upuan at dahan-dahang tumayo. Doon ko napagtanto kung gaano siya katangkad. He easily towered over me, making me feel so small, so defenseless.
Naglakad siya paikot sa kanyang lamesa at huminto sa mismong harap ko. Sobrang lapit niya na amoy ko na ang bango ng kanyang mamahaling perfume na may kaunting timpla ng tobacco at alak. Isang mapanganib na amoy.
"Work for it?" he mocked, reaching out his hand. Bago ko pa magawang lumayo, marahan ngunit mariin niyang hinawakan ang aking baba, pinilit akong tumitig sa kanya. "Look at you, Althea. You look like a broken doll. You can't even stand properly because your body is aching from all those bruises."
Binitawan niya ang baba ko ngunit hinawakan naman niya ang dulo ng suot kong cardigan. Sa isang mabilis na galaw, hinila niya ito pababa, dahilan upang malantad ang aking mga balikat at ang itaas na bahagi ng aking dibdib kung saan may mga bakas din ng pulang pasa mula sa pagkakasakal ni Brent kanina.
Napaigtad ako at sumubok na umatras, pero mas mabilis ang kanyang kamay. Hinawakan niya ako sa baywang at hinila pabalik sa kanya.
"Don't move," he commanded, his breath fanning my face. "Kahit puno ka ng pasa, hindi maitatago na maganda ka. You have a body that every man would sin for. It's ironic how that idiot husband of yours owns someone like you but treats you like garbage."
"P-Pakiusap, Mr. Montero..." angil ko, nararamdaman ang init ng kanyang palad sa aking baywang.
"I am a businessman, Althea. I don't do charity," bulong niya, ang kanyang mga mata ay unti-unting nagiging madilim, tila may kung anong apoy na sumisiklab sa kaibuturan niyon habang nakatitig sa aking mga labi. "You want me to free your husband? You want me to drop the charges? Tell me... what can you give me in exchange for his freedom, Althea?"
What can you give me?
Ang tanong na iyon ay umalingawngaw sa aking isipan. Ano nga ba ang mayroon ako? Walang-wala. Ako ay isang babaeng walang perang maipagmamalaki, walang pamilyang matatakbuhan, at may asawang hayop na gustong pumatay sa akin araw-araw. Kung papalayain ni Lander si Brent, babalik lang kami sa lumang set-up. Sasaktan lang ulit ako ni Brent. Pero kung mananatili ako sa ilalim ng kapangyarihan ng lalaking ito...
Tumingin ako sa mga mata ni Lander. May kapangyarihan siya. Kaya niyang sirain si Brent sa isang kumpas lang ng kamay niya. At sa sandaling iyon, isang baliw at mapangahas na ideya ang pumasok sa natatakot kong isip. Isang desisyon na alam kong magpapabago sa buong buhay ko.
"Wala akong pera, Mr. Montero," simula ko, hinarap ang kanyang malamig na tingin. "At alam kong hindi sapat ang kahit anong lakas ng pagtatrabaho ko para mabayaran ang milyong sinira ni Brent."
"Then we are done here. Security will—"
"Pero may isang bagay ako na hindi kayang bilhin ng pera mo," putol ko sa sasabihin niya. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay, tila naintriga sa biglaang tapang na ipinakita ko.
"Oh? And what is that?" he asked, a smirk forming on his handsome face. "Tell me, before I lose my patience."
Huminga ako nang malalim, nilunok ang lahat ng takot at pag-aalinlangan. Kung ibibigay ko ang sarili ko sa isang demonyo, mas pipiliin ko nang ibigay ito sa isang estrangherong may kapangyarihan kaysa sa asawa kong halang ang kaluluwa na walang ibang ginawa kundi sirain ako.
"Ang katawan ko," diretsong sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Ibibigay ko sa iyo ang sarili ko kapalit ng kalayaan niya... at ng proteksyon ko mula sa kanya."
Lander chuckled, low and dangerous. "Your body? Do you think I haven't tasted beautiful women, Althea? I can have anyone I want. Why would I exchange millions for a woman who is already married? A woman who has been touched by another man?"
Hinaas ko ang aking ulo, lumapit pa lalo sa kanya hanggang sa maramdaman ko na ang t***k ng kanyang puso sa aking dibdib.
"Dahil hindi pa ako nahahawakan ni Brent," pag-amin ko sa isang mahinang boses na sapat na para marinig niya. "Kasal kami sa papel, ngunit kailanman... kailanman ay hindi niya nakuha ang p********e ko. Ipinaglaban ko iyon hanggang sa huli. At ngayon... handa ko itong ibigay sa iyo. Ikaw ang magiging una, Mr. Montero. Mas pipiliin kong ibigay ang buong sarili ko sa isang estrangherong katulad mo, huwag lang mapunta sa lalaking pumatay sa pagkatao ko."
Natigilan si Lander. Ang ngiti sa kanyang mga labi ay biglang napawi. Ang kanyang hawak sa aking baywang ay humigpit nang husto, tila sinisigurado kung nagsisinungaling ako o hindi. His gaze searched my face, scanning my eyes for any hint of deceit. But he found nothing but pure, raw desperation and determination.
"You're a virgin?" hindi makapaniwalang tanong niya, ang kanyang boses ay naging mas mababa, mas seryoso. "You mean to tell me, that piece of trash hasn't touched you deeply yet?"
"Hindi," mariing sagot ko. "Kahit anong pambubugbog ang gawin niya, hindi ko ibinigay. Kaya pakiusap... kunin mo na ako. Gamitin mo ang katawan ko sa kung anong paraan mo gusto. Maging kabit mo ako, maging laruan mo ako... gawin mo akong pagmamay-ari mo. Palayain mo lang si Brent para matapos ang utang niya sa iyo, at protektahan mo ako mula sa kanya."
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong opisina. Naririnig ko ang sarili kong mabilis na paghinga. Ang mga mata ni Lander ay nakapako pa rin sa akin, ngunit may kakaibang dilim at apoy na ngayon ang nakabalot sa kanyang paningin. Isang mapanganib na obsesyon ang tila sumisibol sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan, iniangat niya ang kanyang kamay at dinala ang kanyang mga daliri sa aking labi, marahang hinahaplos ang natuyong dugo roon. Napasinghap ako sa hapdi, pero hindi ako gumalaw.
"You are playing a very dangerous game, Althea," bulong niya, ang kanyang mukha ay inilapit sa aking tainga. "You have no idea what you are offering to me. When I take something, I don't share. And I definitely don't give it back."
"I don't care," sagot ko, tila nawalan na ng takot ang buong sistema ko. "Just save me from this hell."
Lander pulled back slightly, staring into my soul. Isang mapaglarong ngiti ang muling gumuhit sa kanyang mga labi, ngunit ngayon, may kasama na itong tagumpay at matinding pagnanasa.
"Alright," he softly said, his voice sending shivers down my spine. "I accept the deal, Althea. From this moment on, your husband is free from his debt to me. But you... you are no longer free. You belong to me now."
He leaned in closer, his lips almost brushing against mine.
"Let's see how long you can handle my world, my sweet sinner," he whispered, his hot breath making my body tremble in a way I had never felt before. "Because once I start with you, I will never let you go. You will be sinfully, mine."
Sa gabing iyon, sa loob ng madilim at marangyang opisina ng isang bilyonaryo, tuluyan kong ibinenta ang aking kaluluwa sa isang estranghero. Hindi ko alam kung ito ba ang simula ng aking kaligtasan, o ang mas malalim at mas madilim na impiyerno na hinding-hindi ko na matatakasan. Ngunit habang nakatingin ako sa mga mata ni Lander Montero, alam kong wala nang balikan. Ang bawal na kasunduan ay opisyal nang nagsimula.