"f**k, hurry up! Ipapasara ko ang pipitsugin na hospital na ito. Go, gamutin ninyo agad siya." Maingat ngunit mabilis inihiga ni Landon sa stretcher ang walang malay na babaeng nabuntis niya-ultimo pangalan hindi niya matandaan, but he doesn't really care.
Mabilis na kumilos ang mga nurse at doctor sa maliit na hospital, nakita niyang natataranta ang mga staff doon sa pag-aasikaso sa babae. Nanliliit ang mga mata niya sa sobrang galit mula pa kanina ng pinipigilan siya nang tarantadong Demark na iyon, idagdag pa ang iyakin na batang ito, yeah, bata- sa pagkakaalam niya ay kasing edad lamang ito ng kanyang pamangkin- si Trixie.
Napapailing siyang sumandal sa pader at inilagay ang dalawang braso sa dibdib. Magkasalubong ang makakapal na kilay habang naiinip na naghihintay sa labas ng ER.
"Tsk, I lost a million dollars for this nonsense. Kung pwede ko lang kaladkarin ang pesteng batang iyon sa Finland, ginawa ko na. f**k! f**k! Kapag tumagal pa ako dito sa Pilipinas, hindi lang million ang mawawala sa company ko."
"Prince Landon, tumawag po ang piloto ninyo. Pinapasa-"
"Damn Dimitri, and tell that bastard pilot- can't you see, I have a f*****g problem, because of that little- get out of sight, now!" Bulyaw niya sa driver at butler na sa isang iglap lang ay nawala sa kanyang paningin.
Napabuga siya ng marahas at mariing pumikit ng mga mata, kasabay ng paghilot sa kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa isiping malaking halaga ang nawala sa kanya. Bawat minuto ay pera ang katumbas niyon. Maraming investor ang nagkukumahog at kulang na lamang ay lumuhod sa harapan niya upang maging bahagi nang Harkin's Empire. Kung iisipin ay hindi niya kailangan ng pera nila, tumatanggap siya ng malalaking investment mula sa mga kilalang tao na nagmula pa sa iba't ibang panig ng mundo- mayayaman at higit sa lahat makapangyarihan sa kanilang nasasakupan. At sa oras na maging bahagi sila nang kanyang emperyo, siya ang tinitingala ng lahat ng nasasakupan niya. Para saan pa ang ipinag-utos niya sa lahat na ang kailangang itawag sa kanya ay Prince Landon Harkin. Nababagay lamang ito sa kanya na nagmamay-ari ng pinakamalaki, pinakamayaman at pinakatanyag niyang kumpanya- sa buong mundo. Different hotels, resorts, airlines, malls, telecommunications, mining, just name it lahat ng negosyo ay mayroon siyang pag-aari, basta pagkakaperahan. Hindi na rin kagulat-gulat kung napakarami niyang properties, ang iba dito ay ibinigay sa kanya bilang regalo nang mga hari, presidente, ministro at kung sinu-sino pa na sumasaludo sa kanya.
Bakit nga ba ang isang Landon Harkin ay tinitingala ng lahat? Simple lang, dahil sa tagumpay niya at angking galing sa paghawak ng mga negosyo. Sa edad niyang bente otso, naabot na niya ang matagal nang pinapangarap-kapangyarihan at pera, kung wala kang pera, alikabok ka lang- f*****g DUST!
Dugo at pawis ang ipinuhunan niya para lang maabot kung ano ang mayroon siya ngayon. Isama pa ang pagiging tuso at pagkagahaman niya- aminado siya sa masamang ugali, the hell he care! Hindi na siya muling makapapayag na bumalik sa alikabok at tapak-tapakan!
"Sir, ma-"
"Prince, call me Prince Harkin," mariing saad niya sa doctor na lumabas mula sa emergency room, at nagbabantang tiningnan ito. "What about her, just make sure na matutuwa ako sa ibabalita mo."
"Pi-prince Harkin, she is. . . she is- safe and the baby, but," paputol-putol na wika ng doctor.
"But? What?!"
"She need a complete bed rest!" Nagmamadaling sagot ng kaharap.
"f**k!" puulit-ulit na pagmumura niya kahit naririnig ng doctor.
"How many days?"
"One week is enough, Prince Harkin."
"How about my million? Damn, one week?! For Satan sake!"
-----
Mabigat ang mga talukap nang mata ni Liesly, ngunit pinilit niyang iminulat ito. Nanlalabo ang paningin na inilibot sa paligid at tanging puting kulay lamang ang nakikita niya.
"Magaling ka na ba? Makakaya mo na bang bumiyahe? Kung hindi pa, bilis-bilisan mong magpagaling at magpalakas." Awtomatikong dumako ang kanyang mga mata sa nagsalita.
Nakaupo si Landon sa sopa at seryosong nakatingin kay Liesly. Napanganga lamang siya at hindi makasagot sa sunod-sunod na tanong ng lalaki. Kahit mukha itong nalugi ay 'di niya maiwasang humanga sa angking kagwapuhan nito. Tingin niya, perpekto ang mga mata nito na tinernuhan nang malalagong kilay, at sa paraan ng pagtingin niyon ay parang hinahalukay ang buong pagkatao niya- ewan basta, tulad noong una niyang makita ang lalaki, kakaibang pakiramdam ang nadarama, sa tuwing titingnan ito. Wala sa sariling napahawak sa kanyang ilong, nang dumako ang tingin sa matangos nitong ilong- hiyang-hiya naman ako sa ilong kong hindi katangusan. Ngunit ng mapatingin ang usisera niyang mga mata sa mapupulang labi na mabibili siguro ang mga ngiti, parang nanuyo ang kanyang lalamunan at 'di sinasadyang napalunok siya ng sariling laway.
"Erase, erase, nagiging malisyosa na yata ako!"
Muntik na siyang mapabalikwas mula sa kinahihigaan at magtatakbo palayao kay Landon nang mapansing halos idikit na nito ang mukha sa kanya. Nagrambulan na naman ang bituka niya na animo'y may ginigiling na bato at ang puso naman ay dinaig pa ang poso ng tiyahin niya sa bilis ng pag-pump nang dugo. Natigil lamang ang mga ito nang mapansing hindi maipinta ang gwapong pagmumukha ng lalaki at nagsalita.
"Naging bingi at pipí ka na din ngayon?"
"Hu? Wala naman siyang sinasabi ah?!"
Napapahiya siyang inalis ang kamay sa ilong na kanina pa pala niya hinihimas!
"Ha?! A-no, ah, maga-ling na ako, nasaan a-ko?" sagot na nauutal at maging siya ay 'di marinig ang sariling tinig.
Akala niya ay aalis na ito sa kanyang harapan ngunit ilang sandali pa siyang tinitigan ni Landon, na para bang sinisiguro kung nagsasabi siya ng totoo. Pigil ang hininga nang maalalang kagigising lang niya at tiyak na bad breath, samantalang umaalingasaw ang mabangong hininga ng kaharap.
"Kumain ka, bahala ka na kung ano ang gusto mong kainin." Sa wakas ay lumayo na ang lalaki at sumulyap sa side table na puno ng mga pagkain.
"Ma-ma-iba-lik mo ako sa villa, a-yoko dito," halos pabulong na wika niya ngunit nagkakandahaba ang leeg sa pagsulyap sa mga pagkain.
"Anu-ano kaya ang mga pagkain na nasa mesa? Sana may danggit," wika niya sa sarili.
Nakita niyang gumalaw ang panga ni Landon ng muling tumingin sa kanya, at nakakuyom ang mga kamao. Hindi yata nagustuhan ang sinabi niya.
"Fist rule, ayoko nang makulit na bata," mariing anunsyo ni Landon, sa mababang tono. "Eat! Now!" Biglang dumagundong ang malakas na boses, nito, dahilan upang damputin niya ang isang supot na mayroong lamang mansanas, at agad na kinagat kahit hindi sigurado kung hinugasan na iyon.
Gusto na namang bumulwak nang luha niya habang dali-daling nginunguya ang mansanas na nasa bibig. Iniisip ang panibagong kinasasadlakang sitwasyon, pero pinipilit na maging matatag para sa anak niyang walang kamuwang-muwang na ang tatay nito ay. . .
"Gwapo sana ang tatay mo baby kaya lang, may lahing demonyong diktador. Dinaig ko pa ang nasa bansang diktadorya, eh, naturingang demokrasya ang Pilipinas."
Gusto niyang batuhin si Landon na abala na naman sa pagkakalikot ng laptop nito habang nakaupo sa sopa. Hindi man lang nakuhang sagutin ang tanong niya, kunsabagay, may ideya siya na nasa ospital dahil na rin sa nakakabit sa isang braso, na hindi mawari kung ano iyon.
"Tinawag pa niya akong bata, may rules pa siyang nalalaman! Hari ba siya?" Nakasimangot na tanong niya sa sarili, at ang isang plastic naman ang dinampot niya, saka nilantakan ang lamang ubas nito.
"Second rule, call me prince- Prince Harkin," ma-awtoridad na utos ng lalaki at bahagya lamang siyang sinulyapan.
"Huh?! Paano niya nahulaan ang iniisip ko? Prinsepe ka ng ano? Nang mga m**********a? Prinsepe Manyak o Prinsipe g****a?!" Huli na nang ma-realized niya sa sarili kung anong uri nang salita ang kanyang nasabi.
"Patay! Lagot na naman ako sa Prinsepe ng Malibog! Ops, pero totoo naman ah, kung 'di niya ako ginahasa, eh, di sana wala kami pareho sa ganitong kalagayan!" Hindi magawang ibulalas dahil sa takot na lumulukob sa kanyang buong katawan.
Kitang-kita niya ang Prinsepe ng mga Ewan, na isinalya ang hawak na laptop sa sopa at mabilis na tumayo upang sugurin siya, sa tingin niya ay anumang oras, pipilitin siguro ang leeg niya at dahil sa naisip ay wala sa sariling sumiksik siya sa may ulunan ng hospital bed habang mahigpit na hawak ang plastic ng mga ubas.
Napausal siya wala sa oras nang isang dasal, sa pagbabakasakaling makokontra ang galit ng papalapit na lalaki "Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito- ahhh. . ." napasigaw na siya ng tuluyan.
__
Please vote and share