chapter 8

2025 Words
DEMARK's POV Kumakanta pa si Demark habang nagdadrive pabalik sa mansion, nakabili agad siya ng ipinapabili ni Liesly na prutas. Hindi na niya kinailangang lumayo dahil nagkataong may Sunday market malapit sa kanila. Excited bumaba si Demark ng kotse na hindi na nagawang ipasok sa loob ng gate. "Kuya Edgar, pakipasok ng kotse ko." Ibinigay ni Demark ang susi sa security. "Opo sir." Nagmamadaling tumakbo papasok sa gate si Demark, malayo pa lamang ay nakadama ng matinding kaba. Naririnig niya ang boses ni Trixie at isa lamang ang naiisip niyang dahilan. "Da*n! Trixie!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo upang lapitan si Liesly na namimilipit sa sakit habang nakadapa sa lupa. Tama ang hinala niya. "Liesly, hey wake up, I'll you in the hospital." Alalang-alalang sabi ni Demark. Wala na itong malay at nakahawak lamang sa tiyan. "She's a hooker Demark, my God hindi mo ba nakikita? Maging ikaw napaikot na ng babaeng 'yan." Tungayaw ni Trixie. "Shut up!" Sigaw ni Demark at biglang natahimik ang dalaga. "Hindi pa tayo tapos." Iyon lamang, saka nagmamadaling binuhat si Liesly patungo sa kotse niyang hindi pa nagagawang ipasok sa garahe. "Arrgh, Demarkkkkk!" Sigaw ni Trixie habang binubuhay ni Demark ang makina ng kotse. Mabilis na nakarating sa pinakamalapit na ospital si Demark at agad na isinugod sa emergency room si Liesly. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng sabihin ng doctor na walang anumang nangyaring masama sa baby ni Liesly. "I'm sorry Liesly, it's my fault, dapat hindi kita iniwan kanina." Namalayan na lamang ni Demark ang pagpatak ng kanyang luha habang hawak ang isang kamay ng babaeng wala pa ring malay. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari kay Liesly at sa magiging anak nito. Pakiramdam niya sa sarili ay may pananagutan sa babae at kailangan siya nito. "How is Liesly?" Napalingon si Demark sa bagong dating. "Dad!" Gulat na sabi niya, hindi inaasahan ang pagdating ng ama. Napakabusy nito para pumunta dito at wala din ang ama sa bahay mula kaninang umaga. "Kararating ko lang sa bahay kanina ng sabihin ng maid ang nangyari " hindi tumitingin kay Demark si Mr.Rodrigo, ang buong atensyon nito ay kay Liesly at bakas ang pag-aalala. "She's fine." Sagot ni Demark. "Ang mabuti pa siguro anak, doon muna kayo ni Liesly sa Villa." Tukoy ng ama sa kanilang villa sa Moal boal. "Hindi makakatulong kung palaging magkikita sila ni Trixie." "Dad, bakit kayo nagtitiis sa mag-inang iyon. Their ruin our lives! Nagmula ng tumira sila sa mansion, sila ang may pasimula ng gulo. Pinalampas ko ang ginawa nila sa mga dati kong assistant and worst your mis-" hindi naituloy ni Demark ang iba pang sasabihin ng itaas ng ama ang isang kamay, senyales na tumigil siya. "Huwag na natin silang pag-usapan, ang mahalaga safe si Liesly ngayon." Mr. Rodrigo. Huminga ng malalim si Demark dahil sa sinabi ng ama. Marahil ay alam ng ama na pera lamang ang habol ni Melinda dito at nalulong din ito sa sugal, pero nagbulag-bulagan lamang ang ama niya. "Fine, nakakatawa dahil ako pa ang dapat umalis sa sarili Kong pamamahay." Sagot niya. "Kailangan ko ng umalis, dumaan lang ako dito upang siguruhing ligtas si Liesly." Tinapik si Demark ng ama sa kabilang balikat. "Tatawagan kita mamaya after ng meeting ko." Tumango lamang si Demark sa ama at ng makaalis ito ay patamad siyang naupo sa couch habang pinagmamasdan si Liesly. _______ LIESLY/SISAY's POV "Ops, careful, baka matisod ka sa mga bato." Paalala ni Demark Kay Liesly habang patungo sila sa dalampasigan. Napangiti si Liesly sa kasama, sa ilang linggo nilang pamamalagi dito sa villa na pag-aari ng pamilya ni Demark, ay palagi itong nakaalalay sa kanya. May kasama silang mag-asawang caretaker at paminsan-minsan ay nagtutungo dito si Mr. Rodrigo, upang bisitahin sila. "Para saan ang mga ngiting 'yan?" Napansin pala ni Demark ang pagngiti niya. "Salamat, Demark." Bigla sumeryoso ang mukha ni Liesly. Mabagal ang ginagawa nilang paglalakad ng nakarating sa baybayin. Tuwing umaga ay nagtutungo sila dito at gayundin sa dapit hapon. "Ilang ulit kong sasabihin sayong wag kang magpasalamat, basta pag lumabas si Arquin ako ang daddy niya." Masiglang sagot ni Demark, habang hawak siya sa isang kamay. Nasanay na siya sa ganitong gesture ni Demark, palagi itong nakahawak sa kamay o braso niya, masiguro lamang na hindi siya maaksidente. Marahil ay natakot itong maulit muli ang nangyari sa kanya, dahil sa kagagawan ni Trixie. Ngayon naman bantay sarado siya ni Demark. "Hindi mo naman dapat ito ginagawa sakin, obligasyon ito ng kung-" tuluyan ng pumatak ang luha ni Liesly. "Shh,you don't need him, I'll kill that damn bastard! Oras na malaman ko kung sino siya." Nagngangalit ang mga ngipin ni Demark at kinabig siya upang yakapin. Pinahid ni Liesly ang sariling luha matapos kumalas dito ng yakap. "From now on, 'wag nating pag-usapan ang tungkol sa kanya. I'm here, hindi kita pababayaan." Demark Muling naglandas ang masaganang luha ni Liesly sa kanyang mukha, dahil sa narinig. "HINDI MASAMANG UMIYAK basta huwag mo lang SAYANGIN sa taong HINDI ka PINAPAHALAGAHAN." Sabay pinunasan ang luha niya. "Siya ang nawalan Liesly, hindi niya alam kung anong nawala sa kanya and I'm the lucky one, dahil ako ang kasama mo." Madamdaming pahayag ni Demark. Sunod-sunod siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ng lalaki. "Halika, umuwi na tayo, mahapdi na sa balat ang sikat ng araw." At inakbayan siya ni Demark. NAPANGITI si Liesly ng matanaw si Demark na nakatayo sa may veranda. Balak sana niyang gulatin ang lalaki, dahil nakatalikod ito sa gawi niya. "No, Hindi ako makapapayag na lumapit ang taong 'yon kay Liesly! Masaya na siya ngayon dad, that bastard ruined her life!" Galit na turan ni Demark sa kausap sa cellphone. Natigilan si Liesly sa narinig at parang ipinako sa kinatatayuan, pero bago pa makita ni Demark ay sinikap na bumalik sa kanyang silid. Nakahawak siya sa dibdib sa pagbabakasakaling maibsan ang nagririgudon niyang puso dahil sa narinig. Malinaw sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Demark habang kausap si Mr. Rodrigo sa cellphone. Muli na naman sumagi sa isipan ni Liesly ang madalas na pananaginip niya sa isang lalaking hindi nakikita ang mukha. At hindi niya alam kung ano ang kaugnayan nito sa kanya o marahil ay karaniwang panaginip lamang. ------- ___ "Anong nangyayari?" Pupungas-pungas na tanong ni Liesly ng bigla siyang nagising kinaumagahan- buhat ng kung sinuman. "Demark! Si- ikaw!" Nakatulala siya habang pinagmamasdan ang pangahas na lalaking kahit kailan ay hindi nawala sa kanyang isipan, simula ng una itong masilayan. Panaginip- oo, tama, panaginip lang ito, nasa harapan ko siya at buhat niya ako. Ang bango-bango niya, parang totoong-totoo na naaamoy ko talaga siya, hmm. Bahagya pa niyang inilapit ang mukha sa malapad nitong dibdib, at sinamyo ang mabangong amoy ng lalaki habang nakapikit ang mga mata. "Put her down! Now!" Natauhan siya nang may sumigaw at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. "I said, put her down!" Huh? Hindi ako nanaginip? "Your, f*****g bastard. . . after what you did to her, ang lakas ng loob mong magpakita dito!" bakas sa tinig ni Demark ang galit at nakikita niya sa mukha nito. "Liesly is happy now, hindi ka nila kailangan," tukoy nito sa kanya at sa baby na nasa sinapupunan niya. "And I am willing to take the responsibility na dapat ay ikaw ang gumagawa." Then, he smirked "I don't need to give you a bullshit explanation little man, and by the way thank you for taking care of my princess and my unborn royal baby. I will give you a private resort which is located in Hawaii, for what you've done." mayabang na saad ng lalaki at nagmamadaling humakbang palabas ng kwarto niya. "Princess? Royal baby? Anong sinasabi niya?" "Te-teka, sandali!" sambit niya at naguguluhang tumingin sa lalaki ng mahimasmasan siya sa pagkagulat-sa pag-aakalang panaginip lamang ang lahat. Nagpumiglas si Liesly at pilit kumakawala upang ibaba siya nito ngunit balewala lamang iyon. "Ibaba mo ako! Demark, tulungan mo ako, bakit siya narito? Saan niya ako dadalhin? Demark. . ." Naiiyak na sigaw niya. Naghi-histerical na siya dahil siguro sa bagong gising o baka naguguluhan sa mga nangyayari. "Ahh, ano bang nangyayari?!" Sigaw niya ngunit hindi magawang isatinig. Pinaghahampas pa niya sa dibdib ang lalaki ngunit tulad kanina ay hindi man lang ito natinag. Tuluyan ng nawala sa isipan ang kakaibang nadarama ngayong narito ang lalaki. "Demark. . ." Tuluyan na siyang napahagulhol nang iyak, matapos siyang ibaba sa loob ng sasakyan. "Parang awa mo na ibalik mo ako sa loob ng bahay." Sigaw nang sigaw ang ginawa niya habang papalayo sa rest house ang sinasakyan nila. Hindi nagawang makalapit ni Demark kanina para tulungan siya dahil mayroong dalawang malaking lalaki ang pumigil dito. Natanaw niya ang lalaking naging karamay sa panahong lugmok siya at walang malalapitan. Tumatakbo ito at nakikita niya sa pagbuka ng bibig na tinatawag ang kanyang pangalan. "Demark." Kinalampag niya ang pintuan ng kotse sa pagbabakasaling magbubukas iyon. "Parang awa mo na mister, ibalik mo ako kay Demark, ibalik mo ako.'' Hilam sa luha na pakiusap niya. Ngunit tulad nang inaasahan ay walang imik sa kanyang tabi ang naturang lalaki na basta na lamang siyang kinuha. Habang papalayo ay lalo siyang nawawalan nang pag-asa, unti-unting lumiliit sa kanyang paningin si Demark at ang huli niyang nakita ay nanghihina itong napaluhod sa kalsada. "Demark, Demark. . ." Papahinang wika niya at patuloy na umiiyak. Nanghihina ang katawan na isinubsob ang mukha sa may gilid ng bintana ng kotse. Si Demark ang naging kakampi at tagapangalaga niya- lalo na sa kanyang magiging anak. Marami itong pangarap para sa kanyang anak, hindi pa siya nakakapanganak ay nagpaplano na ito para sa magiging binyag ng baby at may mga pinagpipilian na din itong pangalan para sa magiging anak-dinaig pa ang tunay na ama. Natigilan siya sa pag-iyak at dahan-dahang nagtaas ng ulo upang lingunin ang nanahimik na katabi- seryosong nagkakalikot sa laptop nito. "Ikaw? Ikaw ang gumahasa sa 'kin?" Parang walang narinig ang kausap niya. "Napakasama mo! Paano mong nagawa iyon? Idedemanda kita, dapat sa 'yo mabulok sa bilangguan!" namamaos na sigaw niya, akmang susugurin ang lalaki upang muling hampasin o kalmutin sa mukha. Galit- ito ang nadarama niya nang mapagtanto ang lahat ng mga nangyayari. Palaging sumasagi sa isipan niya ang lalaki, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Bumilis ang t***k nang puso niya kaninang magkadikit ang katawan nila, parang bigla na lamang naging abnormal ang pag-funtion nito. "Don't you dare again to put your f*****g hand on me, little princess. Itatali kita sa kinalalagyan mo ngayon." may pagbabantang sabi ng lalaki at hindi man lang siya tinapunan ng tingin- patuloy lamang sa ginagawa, dahilan upang hindi niya itinuloy ang binabalak. Natitigilang ibinaba ang kanyang mga kamay at muling naupo. Padabog na pinahid ang mga luha na nagsisimula na namang mag-unahan sa pagpatak sa magkabilang pisngi. She felt helpless, tulad noong mga sandaling nagising siya isang araw na walang saplot sa katawan at napagtantong may gumahasa sa kanya- walang iba kung hindi ang lalaking kasama ngayon. Masaya na sana siya, tinanggap na niya sa sarili ang pagiging batang ina dahil nasa kanyang tabi si Demark, at handang tumulong. "Bakit? Bakit ka pa dumating? Masaya na ako, kami nang baby ko. Masaya na ako, masaya na kami ng anak ako. . . hindi ka namin kailangan. . . sana hinayaan mo na lang kami." halos pabulong na saad niya. Dapat ba akong magsaya? Dahil ang lalaking parang tuko kung makakapit sa utak ko ay siya palang may kagagawan ng lahat. Paano si Demark? At isa pa ganoon na lang ba kabilis kalimutan iyo- ni-r**e n'ya ako. Nararamdaman niya sa bawat pag-aalala at pag-aalaga sa kanila ni Demark ay mahalaga sila para sa lalaki. Anuman ang tawag sa ugnayan nila ay iisa lamang ang alam niya- ito ang naging kanyang sandalan. Para siyang nauupos na kandila at umiiyak pa din na hinimas ang kanyang tiyan. "s**t, Dimitri, we must go to the nearest hospital! f**k! Faster!" Naririnig niyang sigaw ng katabing lalaki sa driver, ngunit tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman at hindi na alam ang iba pang sinabi nito. ***UNEDITED***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD