“Hoy miss!” sigaw ng babaeng inuwi ni Slyth Aeryx. Napahinto sa paglalakad si Czerina, subalit hindi siya lumingon. “Dalahan mo nga kami ng meryenda sa swimming pool,” utos nito. Nagtagis ang mga bagang ni Czerina. Naramdaman niya ang papalapit na mga yabag ng babae sa kaniyang kinatatayuan. Buong akala niya’y umalis na ang babaeng inuwi ni Slyth Aeryx kaya siya lumabas ng silid. Ngunit hindi niya akalaing nasa loob pa ng pamamahay ng asawa ang babae. “Miss, bingi ka ba, ha?” naiiritang tanong nito. Hinahawakan siya sa siko, at sapilitan hinila paharap dito. “Kinakausap kita, ah! Hindi mo ba ako naririnig?” Kaagad na namula ang mukha ng babae sa inis dahil sa hindi agad niya paglingon nang tinawag siya nito. Huminga muna nang malalim si Czerina bago nagsalita upang pigilan ang pag-al

