“Heto na ang kape mo, Aeryx,” ani Czerina sa malambing na tinig habang nakangiti. Maingat niyang inilapag ang tasa na may umuusok na kape sa study table ng asawa. Kahit walang narinig na tugon mula sa asawa, nanatili siya sa gilid ng mesa. Naghintay siya ng pagkakataon na mapansin nito upang maiparating ang kaniyang pakay. Noon, tuwing inuutusan siya ni Slyth Aeryx, laging nakangiti ang lalaki habang nagpapasalamat sa kaniya. Ramdam niya ang malaking pagbabago sa pakikitungo nito magmula noong nagsama sila. “What are you still doing here?” nang sa wakas ay mapansin nito ang kaniyang presensiya. Halos mag-isang linya na ang kilay nito sa pagkakakunot nang humarap sa kaniya. “Ah, ano kasi, pre-natal check up ko na bukas, magpapasama sana ako sa ’yo,” kinakabahan at may pag-aalinlanga

