CHAPTER 24

1636 Words
“Hindi ka pa ba tapos diyan? Bakit ang tagal mong maglaba?” magkasunod na tanong ni Slyth Aeryx kay Czerina. Halos mag-isang linya na ang kilay nito sa pagkakakunot. Napalingon siya sa asawa na biglang sumulpot sa laundry area. Bakas ang kaba at pagkabahala sa mukha nito habang tila inip na inip na nakatingin sa kaniya. “Malapit na po akong matapos, bakit po?” malumanay niyang tanong. Humarap siya sa asawa. Pawisan ang maganda niyang mukha at may mga hibla ng buhok sa gilid ng pisngi na tumakas mula sa pagkakatali. “Bilisan mo diyan. Ayusin mo rin ang sarili mo, darating si Mommy,” naiiritang utos nito sa kaniya nang makita ang kaniyang itsura. “Darating po siya?” Kaagad na umalsa ang kaba sa dïbdīb ni Czerina. Nag-aalala na baka malaman ng kaniyang biyenan ang ginagawa ng asawa. Ayaw niyang mas lumala pa ang gälít ni Slyth Aeryx sa kaniya kaya kahit nahihirapan, hindi niya magawang magsumbong sa ina nito. “Oo, kaya bilisan mo,” masungit na tugon nito. “S-Sige po.” May pagmamadali sa kilos na hinango at isinampay niya ang mga damit upang tuluyang matuyo. “Hays, mabuti na lang talaga at nakapaglinis na ako ng buong bahay kagabi,” ani Czerina sa sarili matapos isampay ang mga damit. Umakyat siya sa sariling silid, nagpahinga ng ilang minuto saka mabilisang naligo. Nagpulbos lang siya at naglagay ng mánipis na lipstick at blush on sa pisngi upang kahit papaano’y magmukha siyang presentable sa harap ng biyenan. Habang pinagmamasdan ang sariling repleksiyon sa salamin, nakarinig siya ng magkakasunod na katok. Lumakad siya at kaagad na binuksan ang pinto. “Nasa baba na si Mommy,” bungad ng asawa sa kaniya. “Umayos ka, ’wag kang magkukuwento ng kahit ano,” babala pa nito sa mahina ngunit mariing tinig. “O-Opo.” Kaagad na tumalikod si Slyth Aeryx, na ikinadismaya ni Czerina. “Grabe! Ni hindi niya ako magawang tingnan sa mukha nang matagal. Samantalang noon, lagi siyang nakangiti at nakikipagbiruan sa ’kin.” Malungkot na sumunod si Czerina kay Slyth Aeryx. Habang naglalakad, hindi niya maiwasang kabahan na baka tanungin siya ni Aelinor tungkol sa pagsasama nilang mag-asawa. Hindi siya sanay magsinūngaling, natatakot siya na baka matuklasan ng biyenan ang ginagawang pagpapahirap sa kaniya ni Slyth Aeryx sa kabila ng kaniyang kalagayan. “What’s the meaning of this, Slyth?” matalim ang mga matang bungad ni Aelinor sa anak nang makababa sa sasakyan. “Bakit dito mo itinira si Czerina? Ang pagkakaalam ko, dito dating nakatira si Atasha. Sana man lang, bumili ka ng bagong bahay na titirahan ninyo nina Czerina at ng mga magiging anak ninyo.” “Good morning, Mom!” bati ni Slyth Aeryx sa ina sa halip na sagutin ang tanong nito. Ikinulong ng lalaki sa mga bisig ang ginang saka hinalikan sa pisngi. “Good morning po, Mommy! Kumusta po kayo?” nakangiti namang bati ni Czerina sa biyenan nang kumalas ang ginang mula sa pagkakayakap ng anak. “Good morning too, Cedee!” Umaliwalas ang anyo ni Aelinor, lumapit sa manugang at kaagad na niyakap. “Miss na miss ko na kayo, Iha. Ikaw kumusta ka na? Hindi ka ba pinahihirapan nitong anak ko?” Dumako ang mga mata nito kay Slyth Aeryx, ngunit muling ibinalik sa kaniya. “M-Maayos naman po kami dito ni Aeryx, Mommy,” pagsisinungaling niya sabay iwas ng tingin. “Are you sure? Bakit parang pumayat ka?” Pinasadahan nito ng nagdududang tingin ang kaniyang kabuoan. “Ah, ano po kasi.” Napakamot siya sa ulo, hindi malaman kung ano ang isasagot sa biyenan. “Naglilihi po si Cedee, Mommy. Madalas siyang sumuka tuwing umaga. That’s why she has lost a bit of weight,” si Slyth Aeryx na biglang umakbay sa kaniya. Pïnisïl nito ang kaniyang balikat, binibigyan siya ng babala. “Is that true, Cedee?” hindi kumbinsidong tanong ni Aelinor kay Czerina. “O-Opo, Mommy.” Totoong nagsusuka siya tuwing umaga, lalo na kapag nagluluto ngunit alam niyang hindi iyon alam ni Slyth Aeryx. Gayunpaman, sumang-ayon na lang siya sa sinabi nito. “Mommy, pumasok na po tayo sa bahay para makapagpahinga ka na.” Tila may nais pang sabihin ang kaniyang biyenan subalit naglakad na papasok sa bahay si Slyth Aeryx. At dahil nakaakbay sa kaniya ang asawa, napilitang sumunod si Czerina kahit naiilang siya sa mainit na kamay nitong nakapatong sa kaniyang balikat. “M-Mommy, maupo muna po kayo,” kinakabahan pa ring sambit ni Czerina nang makapasok sila sa loob ng bahay. Lumakad si Aelinor patungo sa sofa. Bago maupo, nadaanan pa nito ng tingin ang maliliit na picture frames nina Atasha at ng kaniyang asawa na nakapatong sa wall shelf. Naningkit ang mga mata nito, nagtagis ang mga bagang. Inalalayan namang maupo ni Slyth Aeryx si Czerina, saka tumabi sa kaniya at prenteng isinandal ang likod sa sofa. “Bakit nandiyan pa rin ’yang mga pictures ninyo ni Atasha?” Galit na itinuro ni Aelinor ang mga larawan. “Wala ka bang respeto sa asawa mo, ha, Slyth? Hindi kita pinalaking ganiyan!” “O-Okay lang po sa ’kin, mommy,” nauutal na tugon ni Czerina sa biyenan. “Papalitan ko ’yan ng mas marami kapag nakapagpa-print na kami ng pictures namin ni Cedee, Mom,” ani Slyth Aeryx kahit wala naman silang mga larawan. Tila hindi nababahala ang kaniyang asawa sa nakikitang galit sa mga mata ng ina. Kalmado lang na nakaupo ang lalaki sa sofa. Walang bakas ng pangamba ang mukha ni Slyth Aeryx kahit pa naabutan ni Aelinor na naka-display pa rin ang mga larawan nito at ng dating mapapangasawa sa bahay kung saan sila nakatira. “Tsk!” Umirap si Aelinor, malakas na nagpakawala ng buntong-hininga. “Alisin mo ang mga ’yan, anak. Huwag mong hintayin na ako pa ang gumawa niyan para sa ’yo.” “Yes, Mom. Aalisin ko ’yan ngayong araw.” “Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi, babantayan ko kayo dito upang makasiguro ako na maayos mong tinatrato ang asawa mo. Baka mamaya kung pinahihirapan mo ang manugang ko,” may babala sa tinig na sambit ni Aelinor. Hindi kumibo si Slyth Aeryx. Subalit naramdam niya ang panginginig ng katawan ng lalaki. Kung kanina’y kalmado ang kaniyang asawa, ngayon nama’y ramdam niya ang gälít nito sa tinuran ng ina. “At ikaw Cedee, ’wag kang masiyadong mabait diyan sa asawa mo. Kapag hindi ka niya tinrato ng ayos, just let me know, okay? Malilintikan ’yan sa ’kin. Magkakaroon na kayo ng anak tapos itinira ka lang sa maliit na bahay na ’to.” Alanganing napangiti si Czerina sa tinuran ng biyenan. “Kung alam mo lang po ang ginagawa niya dito sa ’kin, Mommy, baka kanina mo pa siya napektusan,” aniya sa isip. Subalit wala siyang balak na ipaalam kay Aelinor ang ginagawa ng kaniyang asawa, baka mas lalo siya nitong pahirapan kapag silang dalawa na lang ulit ang magkasama. “Okay lang po sa ’kin ang ganitong bahay, Mommy, hindi masiyadong malaki. At least, hindi ka matatagalang hagilapin ang mga kasama mo sa bahay,” pabiro niyang sabi. Halos wala pa sa kalahati ng mansiyon ng mga Del Castillo ang sukat ng bahay ni Atasha, ngunit mas pabor sa kaniya ang ganitong tirahan. Noong bata pa lamang siya, nahihirapan siya sa kalalakad mahanap lang ang ina na abalang naglilinis sa mansiyon. Kaya hindi niya pinangarap ang tumira sa napakalaking bahay. “Mom, naghahanap pa po ako ng lupa na pagtatayuan ko ng bahay namin ni Cedee. Gusto kong ang asawa ko mismo ang makausap ng architect, para pasok sa taste niya ang bahay na titirahan namin,” katwiran pa ni Slyth Aeryx sabay pulupot ng kanang braso sa kaniyang baywang. “Basta, gusto kong itira mo sa ibang bahay si Cedee at ang magiging apo ko. Ayaw kong dito sila mag-stay. Paano ka makakapag-focus sa mag-ina mo kung puro memories ninyo ng ex mo ang nandito?” katwiran pa ni Aelinor. Mahina namang nāpasïnghap si Czerina nang maramdaman ang paglapat ng malapad na palad ni Slyth Aeryx sa kaniyang katawan. Tumatagos ang init ng balat nito sa suot niyang dilaw na blusa, dahilan upang tumaas ang mga balahibo niya. Naramdaman din niya ang paglapat ng mga labi ng asawa sa kaniyang buhok. Nanigas siya sa kinauupuan, marahas na napalünøk, at agad na bumilis ang tíbôk ng kaniyang puso. Sinubukan niyang lumayo ng bahagya sa asawa subalit mahigpit siya nitong pinigilan. Sa kabila ng paglalambing nito sa kaniya, hindi siya lubusang makaramdam ng saya sapagkat alam niyang pagkukunwari lamang ang ginagawa ng lalaki. Sa pag-aakalang naglalambing ang anak niya kay Czerina, kaagad na umaliwalas ang mukha ni Aelinor sa nasasaksihan ng mga mata. “Good to hear that, son. Basta, dapat makapagpagawa ka na kaagad ng bago ninyong tirahan, ha? Ayaw kong binibigyan mo ng sama ng loob itong si Cedee, makakaapekto ’yan sa magiging apo ko.” “I’m sorry, Mom. Don’t worry, once our dream house is finished, patitirahin ka namin doon kahit kailan mo gusto.” Pïnisïl ni Slyth Aeryx ang baywang ni Czerina. Damang-dama niya ang init na nagmumula sa balat nito, at nagdulot iyon ng kakaibang kilabot sa kaniyang sistema. “Naku! Hindi ko tatanggihan ’yan,” nagniningning ang mga matang tugon ni Aelinor sa anak. “Dahil diyan, ipagluluto ko kayo ng tanghalian natin.” Tumayo si Aelinor mula sofa, ngunit kaagad siyang pinigilan ni Czerina. “Ako na lang po ang magluluto, mommy.” Mabilis niyang inalis ang braso ni Slyth Aeryx na nakapulupot sa kaniyang baywang. “Nakakahiya naman po, bisita po namin kayo.” Matamis na ngumiti si Aelinor sa manugang. “Ikaw talaga, sige, tulong na lang tayo at nang makapagkwentuhan na rin.” Lumapit sa kaniya ang biyenan, saka ikinawit ang braso sa kaniya at magkapanabay silang lumakad patungo sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD