CHAPTER 25

1305 Words

“Cedee, natutuwa ako na pareho pala kayo ni Slyth ng mga paboritong ulam,” ani Aelinor habang naghihiwa ng labanos para sa lulutuin nilang sinigang na hipon. “Naalala ko noong bata ka pa lang at hindi ka pa madalas isama ni Czarina sa bahay, tuwing lulutuan ko ang anak ko at may natira, hinihingi sa akin ng mama mo dahil paborito mo rin daw.” “Kaya tuwang-tuwa po ako noon sa tuwing uuwi si Mama. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi kami ni Lola makakatikim ng mga masasarap na pagkain.” Nangingiti siya habang inaalala ang nakaraan, kung saan buhay pa ang ina niyang si Czarina at ang kaniyang Lola Carina. Nagniningning sa tuwa ang mga mata ni Czerina. Isa iyon sa mga masasayang alaala niya noong bata pa lamang siya. Sa tuwing uuwi sa kanilang tahanan si Czarina, madalas ay may dalang pasal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD