“Slyth, anak, huwag mong pababayaan si Czerina, ha? Pakainin mo siya parati ng mga prutas at mabeberdeng gulay. Huwag mo din siyang hahayaang magpa-pre-natal check up mag-isa?” habilin ni Aelinor sa anak. Dahil sa mga pagkukunwari ni Slyth Aeryx, ang laki ng tiwala ni Aelinor sa kaniyang asawa, buong akala ng biyenan niya’y maayos ang kanilang pagsasama. “Yes Mom, I will do that.” Ngumiti si Slyth Aeryx kay Aelinor, saka siya mahigpit na hinapit sa baywang. “Ikaw rin, Cedee, huwag mong pababayaan ang sarili mo, ha? Lalo na ang baby sa sinapüpunan mo,” malambing namang sambit ni Aelinor nang dumako ang tingin sa kaniya. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga lâbi. “Opo, Mommy. Iingatan ko po ang sarili ko para sa magiging apo ninyo,” tugon niya, marahang tumango. “Kayo d

