Warning: The following chapter includes mature themes and depictions of sëxual intimacy. It is intended for readers aged 18 and above. Reader discretion is advised! Chapter 27 Halos kaladkarin na si Czerina ng kaniyang asawa palabas sa kusina. Namumula sa galit na dinala siya nito sa sariling silid. Napapangiwi siya sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso. “Ganiyan ba kayo lagi kapag kayong dalawa lang ang magkasama?” nagtatagis ang mga bagang na tanong ni Slyth Aeryx matapos siya nitong bitawan. Dumako ang mga mata ni Czerina sa braso na hawak kanina ng kaniyang asawa. Bumakas doon ang kamay at mga daliri nito. “Answer me!” sigaw ni Slyth Aeryx dahilan upang mapaigtad siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat habang nagliliyab ang mga mata sa galit. “W-Wala po

