“Oh fck! What did I just do?” Naihilamos ni Slyth Aeryx ang dalawang palad sa kaniyang mukha. Pagkatapos niyang mailabas lahat ng init ng katawan sa loob ni Czerina, kaagad na dumiretso si Slyth Aeryx sa banyo. Hindi niya matanggap sa sarili ang ginawang pagbali sa sinabi noon na hinding-hindi hahayaang muling may mamagitan sa kanila ng asawa. Nang makita niya kanina na masayang nag-uusap sina Czerina Dulce at Allan, tila may kirot siyang naramdaman sa dibdib dahil sa eksenang nadatnan. Dala ng galit, hindi na siya nakapag-isip. Kaagad niyang hinila si Czerina papunta sa kanilang kuwarto, at walang pag-aàlinlangang hinalikan hanggang sa nauwi sa pagniníig ang halik na dapat ay parüsa lang para sa asawa sa pag-aakalang nakikipaglampungan ito sa driver niya. “Nagawa ko ba ’to dahil s

