KABANATA 1
"Besty, may problema ba?" Puna ni Monique sa kanya.
"Wala naman besty, may naalala lang ako." Tipid niyang ganti.
"Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Kilalang-kilala na kita besty ano ba talagang problema mo?"
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa kaibigan, kapagkuwa'y hindi na napigilan pang maiyak. Agad naman siyang niyakap nito.
"Ssssh.. Tumahan ka na, ano ba kasi ang nangyari?" Kunot noong saad nito.
"Si Kelvin kasi.."
"What about him?" Lalo pang nangunot ang noo nito ng marinig ang pangalan ng lalaki.
"He broke up with me." Aniyang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"What? Sa anong dahilan?
"Ang sabi niya sa akin maghiwalay na raw kami kasi nagkabalikan sila ng ex-girlfriend niya. Ang sakit lang kasing isipin minahal ko siya ng tapat, tapos iiwan lang pala ako."
"Sinasabi ko na nga ba, wala talagang magawang matino ang lalaking iyon. Pinagsabihan na kasi kita noon pa, na wala akong tiwala sa lalaking iyon. Hindi ka naniwala sa akin." Sermon nito.
"Masama ba akong tao para ganituhin?"
"No, You're not! tanga lang talaga ang lalaking iyon para pakawalan ka. Humanda iyang hayop na iyan 'pag nakita ko siya." Banta pa nito.
"Hayaan mo na, naging honest naman siya sa huli, kay sa naman kung 'di pa siya umamin magmumukha lang akong tanga." Aniyang mapait na ngumiti."
"Ano? tama ba ang narinig ko?"
Tanging tango lang ang sagot niya sa kaibigan. Napag isip-isip kasi niyang naging fair naman si Kelvin sa huli at kahit galit ma galit siya sa binata ay sinubukan niya pa ring intidihin ito. Hindi pa naman sila ganoon katagal na magkasintahan. Mahigit dalawang buwan lang silang mag-on . Nagpapasalamat na rin siya at nalaman niya na hindi naman pala ito karapat dapat sa pagmamahal niya. Kahit pa hindi ito madaling kalimutan ay pipilitin niya pa ring mag move-on.
"Besty, magbihis ka ipapasyal kita." Laki na lang ang kanyang pagkabigla ng mamataan si Monique sa loob ng kanyang kwarto kinabukasan. Nakapamewang itong humarap sa kanya.
"Diyos ko! papatayin mo ba ako sa gulat?" Aniya.
"Hello? kanina pa kaya ako katok ng katok sa pinto hindi mo man lang napansin? Kaya pumasok na ako akala ko ano ng nangyari sa'yo.
"I'm sorry, hindi ko namalayan." Aniya at mapaklang ngumiti.
Hinawakan nito ang kamay niya at tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa kama.
"Naiintindihan ko kung ano ang pinagdaraanan mo, pero sana naman huwag mong dibdibin masyado. Pinagdaraanan ko na rin ang ganyan. Malalampasan mo rin iyan, libangin mo ang sarili mo ng sa ganoon ay hindi mo na siya maiisip." Nakangiting pahayag nito.
"Hindi ko maiwasan maisip besty." Aniyang nakayuko.
"Eh kasi nga nagkukulong ka lang dito sa loob ng kwarto mo. Maglibang ka, lumabas tayo ng sa ganoon ay hindi mo na siya maisip. Paano ka naman kasi makalimot eh, palagi kang nag-iisa." Anito kapagkuwa'y tumayo at binuksan ang bintana ng kanyang kwarto.
Agad pa niyang tinakpan ang mukha ng maaninag niya ang sikat ng araw.
"See? ang weird mo na kaya umayos ka. I'll give you thirty minutes para makapag-ayos. Hihintayin kita sa baba." Anito at sinara ang pinto.
Matapos siyang ipagpaalam ni Monique sa kanyang mga magulang ay umalis na rin sila. Kung saan ang tungo nila iyon ay hindi niya alam. Hindi na rin siya nag-abalang magtanong pa. Ang tanging nasa isip niya ay gusto niyang aliwin ang kanyang sarili at ng makalimutan na si Kelvin. Hanggang sa matagpuan niya ang sarili na nasa harap na pala sila ng isang Videoke Bar.
"Besty?" Kunot ang kanyang noo.
"let's go in, believe me mag i-enjoy ka rito." Anito sabay hila sa kanya habang papasok ng naturang bar.
Pagdating nila sa loob ay dinala siya nito sa isang hindi naman kalakihan na silid. Kaya lang malinis naman kasya ang sampung tao o mahigit. At sa gitnang bahagi nakalagay ang karaoke. Nagpalinga-linga siya sa kabuuan ng silid.
"Ang cool diba?" Nakangiting pahayag nito.
"Palagi ka ba rito?" Aniyang umupo na rin.
"Oo, Kasama ang mga kaibigan ko."
"Okay." Tipid niyang ganti.
Minsan lang silang magkasama ni Monique dahil na rin sa busy ito sa hospital na pinagta-trabahuan nito. Isa kasi itong nurse. At siya naman ay teller ng isang pawnshop sa kanilang lugar.
Maya-maya'y nagpaalam ito sa kanya para umorder ng makakain nila at maiinom. Hindi naman ito nagtagal at nagbalik kaagad at may dalang pagkain at inumin.
"Bakit naman ang dami ng drinks?" Tanong niya habang palipat-lipat ang tingin kay Monique at sa crew ng naturang bar para alalayan ang dalaga sa mga dala nito.
"Actually, nag invite ako ng mga friends ko. Okay lang ba sa'yo?"
"Kaya naman pala. Okay lang naman mas mabuti nga 'pag marami."
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang bumukas ang pinto.
"Hey guys!" Tawag ni Monique sa mga bagong dating.
Sunod-sunod ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nuon ang anim na tao. Napayuko pa siya ng titigan siya ng isa ang huling dating.
Ipinakilala siya nito isa-isa.apat ang mga babae at dalawa ang lalaki. Mabait naman ang mga ito, lalo na ang mga babae sapagka't hindi siya na out of place. Kung tratuhin pa nga siya ay parang matagal na silang magkakaibigan. At ang nagnga-ngalang Chivaz ay palagi niyang napupuna na nakatingin sa kanya kaya naman hiyang-hiya na siya. Gwapo ang naturang lalaki. Malinis magdala ng damit, at may pagka Chinito ito.
Binigyan siya ni Oliver ng nakakalasing na inumin ng pigilan ito ni Monique.
"Hanggang softdrinks lang siya, kahit kailan hindi iyan umiinom." Anito.
"Totoo? Wow! interesting huh.. Wika pa ni Oliver.
Totoo naman kasing hindi siya umiinom ng mga nakakalasing na inumin. Kahit oa nga may problema siya ni minsan hindi sumagi sa kanyang isipan ang uminom. Habang nag-inuman ang mga ito ay tahimik lang siya sa isang sulok. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga kaibigan ni Monique na kumakanta at nasasayawan. Maliban kay Chivaz. Tahimik lang din itong nakaupo at umiinom.
Hindi siya nakaligtas dahil ipinasa sa kanya ang microphone, At nagsigawan ang mga ito ng duet. Saka lang niya narealize ng tumayo na rin si Chivaz at may hawak din itong microphone. Kapagkuwa'y nagkatawanan silang dalawa. Naisip niya tuloy parang may tuksuhang nagaganap.
Maya-mayay nag play sa screen ang kantang Ikaw at ako nina Moira Dela Torre at Jazon Hernandez.
Nagsimula na rin ang kanta. At nauna siyang kumanta. Palakpakan ang lahat, hindi naman pangit ang boses niya, hindi rin naman sintunado. Pagkatapos ay si Chivaz naman ang kumanta. Namangha pa siya ng marinig ang boses nito. Malamig ang boses ng binata. Actually, para itong professional singer. Lalo pa tuloy nagsigawan ang mga ito ng unti-unti itong lumapit sa kanya at feel na feel nito ang pagkanta ng mag duet sila.
At ngayon
Nandyan ka na
Di mapaliwanag
Ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon, Hanggang ngayon
Ikaw at ako...
Nagkatitigan silang dalawa sa huling lyrics ng kanta. At ng makabawi ay mabilis siyang bumalik sa inuupuan niya kanina. Naiwang nakangiti si Tristan sa harap.
"Wow! hindi ko 'to inaasahan." Ani Monique na pumalakpak pa.
Sumang-ayon naman ang iba.
Makalipas ang ilang oras ay nagpasya na rin silang umuwi bukod sa lasing na ang karamihan ay malalim na rin ang gabi.
"Paano, next time ulit." Ani Monique na halatang lasing na rin.
"Sige, mauna na kami." Ani Gail saka bumeso sa kanila. Saka nagpaalam na rin ang iba.
"Patay tayo diyan besty, parang tayo lang yata ang walang sasakyan." Ani Monique ng magsi-alisan na ang mga kaibigan.
"Kayo mo bang maglakad?" Saad niya.
"Oo naman, tara." Anito.
"Sydney, wait! tawag ng papalapit na si Chivaz.
"Chinito boy, akala ko ba nakaalis ka na?" Si Monique.
"Hindi naman, pwede ba naman akong umalis ng hindi nagpapaalam sa inyo. May kinuha lang kasi ako sa kotse."
Saka nilabas nito ang isang payong. At ibinigay sa kanya.
"Umuulan kasi sa labas, pasensya na isa lang kasi iyan share na lang kayo."
"Wow! ang gentleman naman nito. Kung wala lang akong boyfriend sinisiguro kong mafa-fall ako sa'yo." Ani Monique.
"Sira!" Anito kapagkuwa'y ginulo ang buhok ni Monique.
Habang siya naman ay nananatiling tahimik at nakangiting nakikinig sa dalawa.
"Tara, hatid ko na kayo." Alok nito.
"Naku! huwag ka ng mag abala."
"Pahatid na tayo sa kanya besty go na!" Ani Monique na nauna ng humakbang dala ang payong na inagaw nito sa kanya.
"Parang sira 'to! hoy bumalik ka dito. Iisa lang iyang payong no!" Sigaw ni Chivaz.
"Mababasa rin kami pareho 'pag nag share kami nito. Ang liit ng payong mo." Sigaw pa nito.
"Hoy! anong klase kang bestfriend nang-iiwan?"
Hindi na ito sumagot sa halip ay sumenyas lang ito na mauna na sa kotse nito.
"Hayaan mo na siya, siguro lasing na." Nakangiti niyang pahayag.
Nabigla pa siya ng hinubad nito bigla ang suot nitong jocket.
"Ano to?" tanong niya ng binigay nito sa kanya ang hinubad na jocket.
"Gamitin mo para hindi ka mabasa ng ulan. Malapit lang naman ang pinag park-an ko ng kotse eh, kaya hindi ka mababasa niya.
"Paano ka?" Kunot noong tanong niya.
"Okay lang naman ako, kaya ko ang sarili ko." Anito.
"Hindi, share na lang tayo dito."
"Hindi na, ikaw na lang."
"Ano ba, share na tayo okay? sisipunin ka pa niyan eh." Aniya.
"Okay lang sa'yo?
"Oo naman." Nakangiti niyang pahayag.
Share nga silang dalawa sa jocket nito habang naglalakad. Hindi niya maiwasang maamoy ang pabango nito. Magkalapit lang kasi ang mga katawan nila.
"O, ano nauna ka pa rito tapos hindi ka rin nakapasok? akala mo siguro hindi naka lock." Anito ng makarating sila sa parking area. habang si Monique ay nananatiling nakatayo.
"Oo na, buksan mo na." Anito.
Agad naman nitong binuksan ang pinto ng kotse.
"Besty, diyan ka sa harap katabi ng mokong na iyan."
"Ha?" kunot noo niyang pahayag.
"Hihiga ako rito besty. Please?"
"Sige na nga."
Binaybay nila ang daan patungo sa bahay nila Monique. Ang sabi kasi nito ay parang hindi na nito kayanin pang bumyahe ng mahaba-haba at baka masuka pa ito. Kaya, lang ay may nahalata siya sa bestfriend niya. Para kasing pinaglalapit sila nito ng binata.
"Have you two enjoy your evening?" Maya-maya'y basag nito sa katahimikan.
"Oo naman." tipid niyang ganti. "Ikaw ba?."
"Oo naman, sobra akong nag enjoy.
Lumingon pa siya sa kinaroronan ni Monique upang tanungin ang dalaga. Subalit nakatulog na ito. Ewan ba niya baka nagtutulog-tulugan lang ito.
"Malamang nakatulog iyan sa kalasingan." Anito.
"Siguro..
"You know what Syd, I admire you."
"Huh?" Kunot ang noo niya.
"Don't get me wrong. I mean, iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Hindi ka umiinom ng mga nakakalasing.
"Ah.. Hindi ko nakahiligan. Kailanman, hindi ko talaga magugustuhan ang lasa ng alak.
"Kaya nga, I admire you for that." Nakangiting pahayag nito.
Saktong pag hinto ng saskyan ay nagising si Monique.
"Best, ingat kayo." Anito saka bumiso sa kanya.
"Okay best, salamat." Nakangiti niyang saad.
"Hoy, Chivaz iuwi mo tong bestfriend ko nang maayos ha." Bilin pa nito.
"Oo naman, Kung kinakailangan kong harapin mga magulang niya para maayos ko siyang maiuwi gagawin ko."
"Mabuti naman kung ganoon. Sige na papasok na ako. Mag-iingat kayo." Saka isinara na nito ang pinto ng sasakyan.
Ng makarating na sila sa kanyang bahay ay hindi na nakapalag pa si Sydney ng magpumilit si Chivaz na harapin ang mga magulang niya.
"Magandang gabi po, hinatid ko lang po si Sydney." Nakayuko nitong wika kaharap mga magulang niya.
"Magandang gabi naman." Halos magkasabay na wika ng kanyang mga magulang.
"Akala ko ba si Monique ang kasama nito?" Anang papa niya.
"Opo, kasama namin si Monique kaya lang biglang nagka LBM ang kaibigan namin kaya nauna ko na siyang hinatid Uncle."
Bahagya pa niyang sinulyapan iang binata ng magsinungaling ito. Buti naman at nagsinungaling ito sa loob-loob niya.
"Ganoon ba?" kawawang bata. Halika muna at pumasok ka hijo." Wika ng kanyang mama.
"Naku! hindi na po ako magtatagal. Medyo malalim na rin po kasi ang gabi." Tanggi nito.
"O, sige ikaw ang bahala Hijo. Salamat nga pala sa paghatid sa anak namin."
"Maliit na bagay Auntie. Walang anuman po."
Maya-mayay nagpaalam na ito sa mga magulang niya. Kasalukuyan silang nasa labas na dalawa sapagka't inihatid niya ang binata sa labas.
"Chivaz, Salamat ha."
"You are welcome Syd.
"Bakit ka nagsinungaling kanina sa papa ko?"
"Ah, iyon ba? pasensya ka na pala, iyong lang kasi ang alam kong paraan para hindi ka pagdududahan ng papa mo na sumasali ka sa mga inuman. 'Pag sinabi ko kasing lasing si Monique magdududa siya sa'yo baka pagalitan pa si Monique. Sorry?"
"Sus! ano ka ba nagpapasalamat nga ako eh.
"Salamat Sydney.. So, paano alis na ako." Paalam nito.
"Sige mag-iingat ka." Nakangiti niyang pahayag.
"Pasok ka muna saka ako aalis." Anitong sumandal sa kotse nito.
"Hindi na titignan na kitang umalis."
"It's okay Syd, don't mind me. Hindi ako aalis dito sa kinatatayuan ko kung hindi ka papasok."
"Sige na nga." Aniya kapagkuwa'y pumasok na rin sa loob.
Dumungaw pa siya sa bintana ng makitang paalis na ang kotse nito ay nagpunta na siya ng kanyang kwarto. Matapos niyang maligo ay nahiga na rin siya.
Aminado aiyang nag enjoy siya kanina. Pansamantalang nakalimutan pa nga niya na brokenhearted pala siya.
Katunayan, ang saya pa nga niya ng makilala niya ang binata. Para kasing ang gaan ng loob niya sa binata. At hindi niya rin akalaing ang bait pala nito bukod sa kagwapuhan nitong taglay ay napaka galang pa nito sa babae.
Maya-maya'y nakatulogan niya rin ang pag- iisip.