“Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Sandblast nang makita si Patrick na nasa labas ng company building. Pagkalabas na pagkalabas niya ay kaagad niyang nakitang nakatayo ito sa harapan at sa tingin niya ay mukhang kanina pa naghihintay. Umaliwalas ang mukha ni Patrick na kanina ay bakas ang pagkainip nang makita niya si Sandblast na huminto sa paglalakad hindi malayo sa kinaroroonan niya. Ningitian niya si Sandblast na seryoso naman ang mukha habang tinitingnan siya. “At last ay nagkatagpo ulit tayo-” “Anong ginagawa mo rito? Bakit ka ba nandito?” naiinis na tanong kaagad ni Sandblast kay Patrick. Ilang araw rin ang lumipas nu’ng huli niya itong makita sa muling pagkakataon. Akala nga niya hindi na niya ito muli makikita pero ito na naman at nandito ito. “Dahil sayo kaya ako

