“Kumusta ang school mo, Ripped?” pagtatanong ni Tattered sa anak na si Ripped. Sinundo nila ito ni Rohem sa school at ngayon ay sabay-sabay silang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Tumingala naman ng tingin si Ripped para tingnan si Tattered. Ngumiti ito. “Okay naman po,” sagot niya. Napangiti naman si Tattered. “Mabuti naman kung ganun,” nangingiting sabi niya pa. “Marami ka na bang kaibigan sa school, Ripped?” pagsabat naman ni Rohem. Nasa kaliwa ito at pinapagitnaan nila ni Tattered si Ripped na nakahawak sa kanilang mga kamay. Tiningnan naman ni Ripped si Rohem. “Marami na po akong friends,” sagot niya saka ningitian si Rohem. Lumaki naman ang ngiti sa labi ni Rohem. “That’s great! Maganda na friendly ka sa mga good classmates mo. Huwag kang makikipag-friend sa mga bad classm

