CHAPTER 44

1342 Words

“Nandito na ako.” Pumasok si Tattered sa loob ng bahay. Naabutan niya si Rohem na nakaupo sa may sofa. Nakita niyang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kawalan na siyang pinagtakhan niya. Ibinaba muna niya sa mesa ang dala niyang plastic bag na naglalaman ng binili nitong mga ingredients sa palengkeng dinaanan nito bago umuwi saka isinara ang pintuan at nilapitan si Rohem. “Uy!” pagtawag ni Tattered sa asawa. Nakuha naman kaagad ni Tattered ang atensyon ni Rohem. Tumingala ito ng tingin sa kanya. “Nandyan ka na pala,” ani Rohem. “Naihatid mo na ba si Ripped?” tanong pa nito. Tumango si Tattered bilang sagot sa tanong ni Rohem. “Oo,” sagot niya. Ngumiti nang maliit si Rohem. “Ang seryoso mo naman yata. Saka bakit ka tulala kanina? May problema ba?” pagtatanong ni Tattered sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD